Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER NINE

IF GLARING can kill someone, baka kanina pa pinaglalamayan ang lalaking 'to.

"Ano bang problema mo?" I calmly asked, kahit na sa loob-loob ay kulong-kulo na ang dugo ko. "Bakit ba palagi kang sumusulpot kung nasaan ako? Are you stalking me?"

He chuckled. "You know that I'm too handsome to just be your stalker."

Kapag ito talagang lalaking 'to ang kausap ko, hindi ko mapigilan ang hindi umirap maya't maya.

"And have you ever heard the term coincidence?" he playfully asked, smirking at my direction.

His usual asshole look.

"Coincidence? Really?" I repeated with the most annoying tone I could utter. "Sa tingin mo, iisipin kong coincidence lang ang lahat nang pagsulpot mo?"

He didn't answer me instead he just shrugged.

"Pwede bang tantanan mo na ako?" kalmadong tanong ko ulit. "Kasi baka sa susunod na sumulpot ka na naman sa harap ko, hindi na ako mapagtimpi at masasaktan na kita."

"Is that your own version of thanking me?"

"Ano na namang pinagsasabi mo? Bakit parang obligado akong pasalamatan ka?"

"Hindi ko alam na may short-term memory loss ka pala, ah. Ang bilis mong makalimot."

"What?!"

"I saved your ass, right?"

Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi niya. "E, sino bang may sabing sumulpot ka roon at makipagsuntukan din? Wala naman, 'di—"

"Not that one," he cut me off. "But as you can see, hindi tinuloy ni Mr. Ong ang pag-file ng kaso sa inyo for creating a messed in his place." I was about to protest when he continued what he's saying. "And I'm the one who convinced him para hindi kayo ma-ban ng mga kaibigan mo roon."

Ang hirap paniwalaan ng sinasabi niya pero base sa tono ng kanyang pananalita, mukhang nagsasabi siya ng totoo.

"At hindi ka namin inutusan na gawin 'yon," I retorted. "That's your own will so deal it with yourself."

"Wow . . . you're welcome, Chie."

Halos magsitaasan ang balahibo ko sa katawan pagbanggit niya ng pangalan ko.

We enveloped a minute-long of silence kaya itinuon ko na lang muli ang pansin sa cellphone ko.

Dahil sa lalaking 'to, panandalian kong nakalimutan ang problema ko kay Victor. And now that I remembered it again, naasar na naman ako.

Susubukan ko sanang tawagan siya ulit nang biglang mag-shutdown ang cellphone ko. "Fuck. Dead batt na naman?" I whispered angrily out of frustration.

Muntikan ko nang maibato ang cellphone ko pero nagsalita na naman 'tong lalaki sa harapan ko. "What's wrong? Magkaaway na naman ba kayo ng boyfriend mo?"

"Ugh! Pwede bang umalis ka na sa harapan ko?!"

Mukha namang hindi siya nagulat sa ginawa kong pagsigaw dahil napangisi pa siya ng nakakaloko.

"Then let's go," he said.

"Ano? Hindi mo ba ko narinig?"

"I clearly heard you kaya nga tara na at ihahatid na kita sa inyo."

"Ganyan ba talaga katigas ang ulo mo?"

"Which one? Itong sa itaas o 'yong nasa ibaba?"

"What the fuck? Ang manyak mo!"

Hindi niya na napigilan at tuluyan na siyang napabulalas sa tawa. I was stunned by his reaction kaya nanatili lang na nakakunot ang noo ko sa halos isang minuto niyang pagtawa.

"Shit. Your reaction . . . it's priceless," nahihirapan niyang sabi.

Dahil mukhang nababaliw na siya, napagdesisyunan ko na siyang iwan nang bigla niya namang hinawakan ang braso ko.

"I'm sorry for that," he said. "Hindi ko lang talaga napigilan."

"You're crazy."

"I know. I'm crazy for chasing you."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin nang may maramdaman akong kung anong kuryente sa katawan. "Bitiwan mo nga ako."

Nagpatuloy na ko sa paglalakad pero agad din akong napahinto nang marinig ang sinabi niya. "Ano bang pwede kong gawin para hayaan mo kong ihatid ka sa inyo ngayon? Kasi I can do whatever you want."

Sa unti-unting paglingon ko sa kanya, may ideyang nabuo sa isipan ko. "If I'll let you drive me home, you'll do whatever I want?" I slowly asked.

"Yeah," he quickly replied. "Kung 'yon ang paraan para masigurado kong safe kang makakauwi, walang problema."

Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya at seryoso lang siyang tinitigan sabay sabing, "Okay."

"Wait—what? Okay?"

"Do I need to repeat myself?"

"Seryoso? Pumapayag ka na?" I just rolled my eyes and didn't answer him back. "Pero ano 'yong ipapagawa mo sa akin?"

I grinned. "I'll tell you later," I replied and then walked straight toward his car. Agad kong binuksan ang harapan at naupo sa may shotgun seat.

Sana talaga pagkatapos nito ay tatantanan niya na ako.

***

"Dapat na ba kong kabahan sa ipapagawa mo sa akin?"

Kasalukuyang nakapikit ang mga mata ko nang muli na naman siyang magsalita. Sa halos kalahating oras na biyahe namin, hindi siya tumigil sa kasasalita. I didn't bother myself to speak because I didn't want to engage a conversation with him too.

Such a waste of time. Mas okay nang mapanis ang laway ko kaysa makipag-usap sa napakakulit na lalaking 'to.

"Chie, c'mon, talk to me. I'm asking you—"

"Pwede bang manahimik ka kahit ilang minuto lang?" I asked, opening my eyes and stared at his direction.

"You really hate me that much?" natatawang niyang tanong.

"Ngayon mo lang na-realize?" napaikot na naman ako ng mga mata.

Itinuon ko na lang ang pansin sa labas. I didn't expect na may maabutan kaming traffic sa EDSA. Thanks sa ten-wheeler truck na nasiraan at mukhang matagal-tagal ko pang makakasama ang lalaking 'to.

"Pwede bang magpatugtog na lang tayo tutal ayaw mo naman akong kausapin?"

"Ba't ngayon mo lang naisip 'yan?"

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero dahil siraulo siya at mukhang nababaliw, muli na naman siyang tumawa.

I closed my eyes again as I waited for the song that will play through his radio.

Somebody told me you were leavin'
I didn't know
Somebody told me you were unhappy
But it doesn't show

Nang marinig ko na ang kantang tumugtog, napadilat agad ako ng mga mata.

Somebody told me that you don't want me no more
So you're walkin' out the door
Nobody told me you've been cryin'
Every night

That song was one of my favorite OPM of all time. Actually, kaming dalawa ni Victor. Hindi sa nakaka-relate kami sa kanta pero iba kasi ang atake ng bawat lyrics, e. Tatagos at tatagos talaga sa puso mo.

Nobody told me you'd been dyin'
But didn't want to fight
Nobody told me that you fell out of love from me
So I'm settin' you free

Ramdam ko na ang pagtulo ng luha sa mata ko nang marinig ko ang pagsabay ng lalaking (oo at hindi ko talaga babanggitin ang pangalan niya dahil, in the first place, hindi naman kami magkakilala) nasa tabi ko sa chorus ng kanta kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Let me be the one to break it up, so you won't have to make excuses. We don't need to find a set up where someone wins and someone loses," mahina lang ang pagsabay niya sa kanta pero sapat na para marinig ko. Muli kong itinuon ang pansin sa labas habang pinapakinggan siya. "We just have to say our love was true but has now become a lie. So I'm tellin' you I love you one last time . . . and goodbye."

Panandalian siyang huminto at nag-hum na lang; at sa 'di malamang dahilan, naging magaan ang pakiramdam ko at mas lalo ko pang nadama ang kanta.

After the second chorus, he continued to sing. "Just turn around and walk away, you don't have to live like this. But if you love me still then stay. Don't keep me waiting for that final kiss. We can work together through this test or we can work through it apart. I just need to get this off my chest that you will always have my heart.

Kahit na hindi theme song ng buhay pag-ibig ko ang kantang Let Me Be The One, in some point, nararamdaman ko 'yong pain and sacrifices sa kanta. Na sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, ikaw na mismo ang magpaparaya para sa kasiyahan niya. Kahit na sa huli, ikaw ang mahihirapan; masasaktan. Ayos lang kasi pakiramdam mo ay kakayanin mo naman.

You're deeply and madly in love with that person that's why you're willing to do everything just to achieve his or her happiness.

And I think that's really . . . love.

Full of pain and sacrifices. But in the end, everything will be worth it when it fall into its place.

"Let me be the one to break it up, so you won't have to make excuses. We don't need to find a set up where someone wins and someone loses," he sang the first stanza of the last chorus. "We just have to say our love was true but has now become a lie. So I'm tellin' you I love you one last time . . . and goodbye."

And when he utter the word 'goodbye', parang may kung anong tumusok sa puso ko.

Napailing na lang tuloy ako. Dahil sa kantang 'yon, kung anu-ano tuloy ang naisip ko. Nakaramdam pa ko ng sakit nang wala sa oras. Tsk.

Nang nag-iba na ang kanta, ipinikit ko ng muli ang mga mata ko. Nasabi ko naman na sa kanya 'yong direksyon kung saan niya ko ihahatid kaya matutulog na muna ako.

***

"Itabi mo na lang diyan sa kanto," utos ko sa kanya.

"Akala ko ba ihahatid kita hanggang sa inyo? Bakit dito lang sa kanto?" tanong niya sabay hinto ng sasakyan.

"Okay na ko rito," sabi ko at mabilis na tinanggal ang nakakabit na seatbelt. "And you don't need to know where do I live."

He just laughed with my remark. Napabuntonghininga na lang ako at nag-focus sa ginagawa. When I finally unbuckled the seatbelt, mabilis na rin akong lumabas.

I almost rolled my eyes when I also saw him got out in the car.

"Bakit bumaba ka pa?" I asked, arching my brow.

"I just want to make sure you'll went home safe," he said, shrugging. "Bakit ba ang init ng ulo mo?"

"I'm safe here, okay? Wala namang creepy stalker like you rito sa amin."

"You'll really push that stalker thingy to me, huh."

"Kasi totoo naman."

"Masyado nga kong gwapo para maging stalker."

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya at napailing na lang. Mukhang nature niya na talaga ang pagiging mayabang. At hindi ako makapaniwala na may tao talagang nag-e-exist na katulad niya.

"Alam mo, masyado na kong pagod para intindihin ang mga katarantaduhan mo sa buhay. Kaya, please lang, umalis ka na," pagod na sabi ko.

"Kataran—what?! I didn't get it."

Dahil pagod na talaga akong magsalita, nag-gesture na lang ako na pumasok na siya sa sasakyan niya at umalis.

May sasabihin pa sana siya pero tinitigan ko na siya nang masama kaya natahimik siya ulit.

He heaved a sigh. "Fine."

"Thank God," I whispered. Akala ko makikipagtalo pa siya, e. Kung nagkataon baka hindi na talaga ako nakapagtimpi.

Nang papasok na sana siya sa sasakyan at tatalikod na sana ako bigla kong naalala 'yong usapan namin kanina.

"Wait, Ely!" I called him. Mukhang nagulat siya sa ginawa kong 'yon. Kahit ako rin naman, nabigla sa pagtawag ko sa pangalan niya. "I forgot to tell you something."

"H-Ha? W-What is it?"

"Our agreement earlier," sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at mukhang sinusubukang alalahanin ang sinabi ko. "'Di ba, sabi ko, hahayaan kitang ihatid ako pero dapat gagawin mo ang gusto ko?"

"Y-Yeah . . ." alanganin niyang tugon. "Ano ba 'yong gusto mong gawin ko?"

Seryoso ko muna siyang tinitigan bago nagbuntonghininga.

"I want you to disappear in my life, Ely."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro