Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: It's officia-freakin'-lly done! Walang sawang pasasalamat sa lahat ng nagbasa at nakaabot dito. Super thank you po sa support! Mahal ko kayong lahat.

Enjoy reading!

***

EPILOGUE

I'M HAPPY in my life. I'm genuinely happy with what I have right now . . . again.

And to be honest, I am more contented now than before.

I finally graduated in the course I really like. At nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin para maka-graduate on time. 'Yong mga kaibigan ko, papa ni Karen, si Ma'am Joy ng Serenitea, mga magulang ko na sigurado akong tahimik lang akong binabantayan at syempre . . . 'yong sarili ko. Yep! I'm also thanking myself because I made it. Marami mang problema ang humadlang sa pagtupad ng pangarap ko, nagawa ko pa ring makamit ito. And I'm talking about the coffee shop that my parents and I dreamed to own before when the right time comes — and that time came already.

Oo at nakapagpatayo na rin ako ng sarili kong coffee shop. I named it Chill on Chie's Café & Bar o mas kilala na ngayon sa tawag na 3C.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili na akong coffee shop. At hinding-hindi ko makakalimutan ang taong talaga namang tumulong sa akin para magawa ang lahat ng ito.

Si Victor.

And now that I thought of it, dalawang taon na rin pala ang nakalilipas simula nung mangyari ang lahat ng 'yon. Maayos na nga ang pakikisama naming dalawa, e. Hindi ko masasabing bumalik ulit kami sa dati pero masaya ako na naging magkaibigan kaming muli. Actually, we're more than friends pala. Because we're now a business partners. Siya 'yong may pakana ng pagdagdag ng mini bar sa likurang bahagi nitong shop.

Hindi naman siya totally bar na may dance floor and the likes. Katulad ng coffee shop ko, chill lang din ang vibes sa bar na 'yon. They served different kinds of liquors from local to branded. They also served some foods.

Naisip niya ang ideya na 'yon dahil daw sa hilig namin nung college — ang pag-iinom sa bar, sa The Happy Place to be specific.

Napangiti na lang ako nang sumagi sa aking isipan ang THP. We also had so much memories on that place. It's one of our go-to place that witnessed our struggles back in college days. May maganda o masama mang mangyari, doon agad kami tatakbo.

"Mukhang in love na naman ang kaibigan natin."

I stopped reminiscing when I heard a familiar voice.

"Maris!" gulat kong sambit nang nakangiti. "At Karen!" Agad ko silang nilapitan dalawa at binigyan ng yakap. "Himala at early birds kayong dalawa ngayon," natatawa kong komento.

"Huwag kang matuwa diyan kasi mamaya na rin ang flight nitong kaibigan natin pabalik sa New York," ani Karen.

Napasimangot tuloy ako sa sinabi niyang 'yon. "Akala ko ba bukas pa ang balik mo?"

"Akala ko rin, e. Hehe," Maris replied. "Paano, may exam na kami next week kaya busy talaga ako at kailangan ko nang bumalik agad doon."

"'Kay, fine," I said in defeat. "At least nakapunta ka."

"I know right."

Nagpatuloy ang kuwentuhan naming tatlo sa mga pangyayari sa kanya-kanya naming buhay. Kung hindi niyo kasi natatanong, iba-iba kami ng path na tinahak after we graduated in college.

Si Karen, sa kumpanya nila nagtatrabaho. At ngayon nga, tini-train na siya para maging CEO dahil malapit na ring bumaba sa puwesto ang Daddy niya.

Gano'n din si Julius. Sa isang kilalang kumpanya siya nagtatrabaho ngayon habang nag-aaral para makakuha ng kanyang Master's degree.

While Maris flew in New York and went to law school. Hindi niya raw naman kasi talaga trip ang BSBA, una pa lang. Pinagbigyan niya lang ang magulang niya kaya 'yon ang kanyang kinuha nung college. Halos nagulat nga kaming lahat nang sabihin niya sa amin na gusto niyang mag-aral ng law. At dahil mukhang ayon naman ang magpapasaya sa kanya, sinuportahan na namin siya.

Pero hindi lang siya ang nakakagulat, pati na si Paolo. Akala namin lahat, sa kumpanya ng kanyang pamilya siya magtatrabaho pagka-graduate na pagka-graduate namin. But like Maris, her beloved ex-girlfriend, he went to somewhere else to pursue something not related to his college degree. Sa may Quezon Province siya nagpunta para maging volunteer teacher sa iba't ibang Lumad schools ng lugar.

Ewan ko nga ba sa dalawang 'yan, e. Hanggang ngayon, hindi pa rin ayos. Mukhang tuluyan na nga talaga nilang pinutol ang pinagsamahan ng isa't isa. Hindi tuloy namin mapigilan mag-isip kung ano nga ba ang dahilan ng break-up nila para magkaganyan sila. Bukod sa ayaw na talaga nilang pag-usapan, hindi rin nila masabi-sabi sa amin for some reason. And we respect that. Ayon nga lang, nalulungkot kami sa kinahantungan nilang dalawa.

In our eyes, they're perfect match. That's why we're really curious what went wrong and what happened two years ago.

Kasi sina Karen at Julius, ayos naman na. Well, hindi pa rin sila nag-uusap pero at least civil naman na sila ngayon. At nakakaya na nila makasama ang isa't isa sa iisang lugar — basta hindi sila solo, ah. Hindi katulad nina Maris at Paolo na kasama ang isa, awtomatikong wala 'yong isa. Sa loob ng dalawang taon, nasanay na rin kaming magkakaibigan kaya hinayaan na namin kung doon mapapanatag ang kanilang mga loob.

"How about Ax and Robs, what time they'll come?" ani Karen.

"Ayan ka na naman, ah. You're asking about his whereabouts again. Ikaw talaga . . ." pang-aasar ni Maris kay Karen na siyang ikinatawa ko na lang.

"Para ka talagang sira," asar din na sambit nung isa. "Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ko? Si Axcel at Robi ang tinatanong ko. Hindi si Axcel lang, okay?"

Maris just shrugged her shoulder by Karen's remark. Mas lalo lang tuloy bumakas ang pagkaasar ni Karen sa isa. Itong dalawa talaga na 'to, wala na namang tigil sa asaran.

"Male-late daw si Axcel at may kailangan pang tapusin na papers," pagsingit ko sa kanila. "Habang mayamaya, nandito na 'yon si Robi. As usual, hindi na naman pumasok, e," I laughingly added.

Speaking of the two, pareho silang tumuloy sa med school. Saka lang kasi namin nalaman na kabilang pala si Axcel sa pamilya ng mga doktor kaya wala raw siyang choice kundi ipagpatuloy ang nasimulan ng buong McLeen. Habang si Robi, passion niya raw talaga 'yon. Gusto niya talagang mag-med school. Kaya hindi namin maintindihan kung bakit parang hindi naman siya seryoso roon. Wala pa rin naman kasi silang pinagbago dalawa — 'yong isa, wala pa ring pakialam sa kanyang paligid; habang mapagbiro at loko-loko pa rin ang isa.

Ay, may pinagbago pala sila! After we became friends with them back then, natigil na ang pakikipagbasag-ulo ng dalawa. Pati pambababae, medyo nabawasan na rin . . . ata.

I shook my head when I remembered my first encounter with them.

"Pero wala ba talaga kayong secret affair ni McLeen?"

Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang pangingibabaw ng boses ni Maris.

"Tumigil ka nga sa kagagawa ng issue!"

"I'm just asking, Karen!"

"Then stop asking, Maris!"

"Tumigil na kayong dalawa," I told them. "Dumadami na 'yong tao, o. Mahiya nga kayo at pakihinaan 'yong mga boses niyo."

Inirapan lang nila akong dalawa pagkatapos kong sabihin 'yon kaya natawa na lang ako nang palihim. Mga baliw talaga, e.

"I'm warning you, Maris. Isa pang asar diyan, gagantihan na kita."

"What?! E, hindi naman kita inaasar, ah. Nagtatanong lang—"

"I'll talk about Paolo Marasigan."

Biglang napatigil si Maris at agad nawala ang ngisi sa kanyang mukha matapos banggitin ni Karen ang pangalan na ayaw na ayaw niya nang marinig kailanman. "That's kinda foul," aniya. "And fine, I'll stop."

"Good."

Hindi ko na naman mapigilang hindi matawa sa pag-uusap nila.

"Pero ang foul talaga non!" ani Maris. "Si Axcel naman ang binabanggit ko at hindi si Julius Lizarde, ah!"

"Aba . . ."

Tuluyan na akong pumagitna sa kanila. "Okay, okay. Tama na—"

"Hey, guys." Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin sa biglaang pagsulpot ni Julius sa kung saan. Kasunod din nito si Robi.

"Uy, Juls!" I exclaimed. Nakipag-fist bump na rin ako sa kanya. Napatingin din ako sa kanyang likuran. "Hindi ka talaga pumasok sa school?" natatawang tanong ko kay Robi na ngiting-ngiti sa aking gawi.

"Pumasok ako, 'no," aniya. "Nag-cut lang ako sa last class ko kasi three hours pa 'yon. Baka wala na akong maabutan na pagkain dito."

"So nakita mo si Axcel?" I asked.

"Malay ko roon," he quickly replied, shrugging his shoulder. "Hindi naman na 'yon namamansin sa school. Alam mo namang medyo seryoso na 'yon ngayon."

Pagtingin ko sa tatlo, bigla silang natahimik. I was about to ask what's going on when I already realized what happened. Naging awkward na naman ang atmosphere dahil nagsama na 'yong dalawa. Tumahimik na rin si Maris dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Karen kapag aasarin siya kay Julius.

"What about Vic? Nasaan na 'yon?" pagbasag ni Robi sa katahimikan habang iniikot ang paningin sa paligid.

"Oo nga pala," dugtong din ni Maris. "Nasaan na ang love of your life?"

I glared at her. "Should I ask Paolo, what time he's going to be here—"

"Okay, okay," she quickly cut me off. "Ititikom ko na nga 'tong bibig ko, e. Ito na," then she acted like she literally zipped her mouth.

Muli kong binalingan si Robi. "Nandito na rin siya in a few minutes," I answered him. "May inasikaso lang daw siya saglit."

Speaking of him, I suddenly remembered his perseverance to continuously get in touch with me when he went back in States, two years ago.

Kahit wala siya rito sa Pinas, hindi niya pa rin talaga ako tinigilan. 'Yong kakulitan niya ay mas dumoble pa — ay, hindi. Naging triple pa nga 'yon, sa totoo lang.  He kept on insisting na tanggapin ko na 'yong building na binibigay niya. And I kept on saying no. Hindi pa siya roon nakuntento at dinagdagan pa nga niya 'yong kanyang offer na samahan ko na lang siya sa States at doon manirahan. Although he was only joking about that, nainis pa rin talaga ako. Mabuti na lang tumigil din siya sa pa-i-insist sa mga bagay 'yon.

When he stopped bothering me, I thought it would finally lasts forever. But then again, I thought wrong.

Dahil nagising na lang ako isang araw na may sarili na akong coffee shop. And it's because of him. 'Yon pala ang sinasabi niya sa akin noon na pinag-iipunan niya. Pero dahil hindi talaga ako kumportableng tumanggap ng gano'ng klaseng bagay sa kahit na sino, I confronted him. Ayaw rin kasi akong tigilan nung contractor.

But Victor being himself, pinilit niya pa rin talaga sa akin 'yon. He even made a deal with me na siyang tuluyang nakapagpapayag sa akin. At masasabi kong hindi ko naman 'yon pinagsisisihan hanggang ngayon.

"Chie!"

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang aking pangalan na halos sabay-sabay na tinawag ng mga nakapaligid sa akin.

"Kanina pa ring nang ring 'yong phone mo," ani Maris. "Tama na muna ang pag-i-space out!"

I immediately took out my phone because of what she said. I stared for a sec when I saw the caller's ID on my screen before swiping the accept button.

"Marami na bang tao diyan?" aniya sa kabilang linya.

Awtomatiko kong tinignan ang paligid sabay sabing, "Medyo. Ikaw na lang hinihintay namin."

"Then start already at hahabol na lang ako. Na-stuck ako sa traffic, e. I'm still here in EDSA."

"Sigurado ka?"

"Yep."

"Okay."

"See you in a bit. Bye," he said before ending the call.

I then looked at my friends. "Victor," I told them when they silently asked who was it. "Mag-start na raw tayo at hahabol na siya. Traffic daw, e."

"Okay then! Kanina pa ako nagugutom, e," ani Robi.

Sabay-sabay na lang kaming napailing at natawa sa sinabi niyang 'yon. Kahit kailan talaga 'to si Robi, o.

Dali-dali ko namang sinenyasan sina Sheland at Pablo, ang mga host para sa selebrasyong ito, na magsimula na kami.

"Hello, guys," Sheland said over the microphone. "Can I get your attention first, please?" Natigil naman ang mga bisita sa kani-kanilang ginagawa nang marinig ang boses niya. Pati kaming magkakaibigan ay naka-focus na sa kanilang dalawa.

"So as per the owner requested, we're going to start this celebration now," ani Pablo. "But before that, I just want to congratulate our dearest friend, Chie, for the success of his business together with his partner which is also our friend, Victor."

Naghiyawan naman ang mga tao lalo na sa kanyang huling sinabi. Pinanlakihan ko rin siya ng mga mata.

"Partner ka diyan," suway naman ni Sheland kay Pablo. "Baka kung anong isipin nila, o. Tignan mo si Chie, ang sama na ng tingin sayo," dugtong pa niya na ikinatawa ng mga tao.

"Bakit, tama naman ang sinabi ko, ah? They're partners in this business, right? Business partner is what I mean though."

"Linawin mo nga raw kasi."

At mas lalo pang nagtawanan ang mga tao sa paligid. I just mentally made a face palm because of that. Bakit nga ba ulit sila ang napili kong host? Mukhang ako ang magiging trip ng dalawang 'to ngayon, e.

"Pero nasaan na nga ba 'yon si Victor? Bakit hindi ko pa nakikita?" tanong ni Pablo habang nililibot ang tingin sa paligid.

I was about to say that he's going to be late when Sheland suddenly said, "Speaking of the devil!" while looking at the front door.

Napatingin na rin kami banda roon at nandoon na nga si Victor, habol-habol ang hininga. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito at tumakbo nga talaga siya. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng atensyon ko. 'Yong hawak-hawak niyang bouquet of yellow tulips.

Napangiti ako. Last year, bigla akong nahilig sa mga tulips — especially the yellow and white one. Pero mas paborito ko ang dilaw dahil ang sarap nitong titigan. Nakakatuwa at naalala niya ang bagay na 'yon.

"Look who's happy now," ani Sheland. "Ngiting-ngiti, o."

I immediately looked at her direction para kumpirmahin kung sino ang sinasabi niya. And when she teasingly smiled at me, shrugging her shoulder, I know that it was me. Hindi ko na lang siya pinansin at muling binalingan si Victor na papalapit na sa aking gawi.

"Happy first anniversary," aniya habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Dito sa Chill on Chie's Café."

Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang tuluyan niyang iabot sa akin ang hawak niyang bulaklak. "Happy first anniversary sa business natin," I sincerely said. "Ang Chill on Chie's Café . . . and Bar," I added, correcting him.

And when he widely smile too, mas lalo ko pang naramdaman na magtutuloy-tuloy na nga ang success nitong business naming dalawa.

***

"Thank you for coming."

Abala ako sa pag-asikaso sa mga bisita at costumers namin nang lapitan ako ni Maris.

"I need to go, Chie. Kailangan ko pang habulin 'yong flight ko, e," ani Maris. "Sorry at bawi na lang ako sa inyo sa susunod."

Napatingin muna ako sa paligid at may hinanap na pamilyar na mukha pagkatapos saka ko siya binalingan. "Hindi mo na ba hihintayin si Paolo? Papunta na raw siya."

She just glared at me in return. "Don't start with me, Chie. Alam mo namang sinasadya niyang hindi pa pumunta rito kasi nandito pa ako, 'di ba? And as if namang gusto ko rin siyang makita."

Tumango-tango na lang ako. Tama naman siya, e. Like what I said, hindi na talaga nangyayari na magkatatagpo ang landas nung dalawa. Kahit anong gawin namin, wala na talaga. "Fine. Mag-ingat ka, ah."

"Sila ang mag-ingat sa akin," huli niyang sabi bago bumalik sa iba naming kaibigan para magpaalam na rin.

Mayamaya lang, si Axcel naman ang lumapit sa akin. "May gustong kumausap sayo."

I creased my forehead. "Sino?"

"Nasa labas, puntahan mo na lang. Ayaw niyang pumasok, e."

Out of curiousity, lumabas na rin ako agad. I looked around and when I saw a familiar figure, standing near me, I just smiled instantly.

"Mabuti po nakarating kayo," bati ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. "I thought you're not going to make it today."

"Puwede ba naman 'yon?" ani Tita Elena nang natatawa. "Hindi ko naman mapapalagpas 'tong celebration ng café mo."

"Ayaw niyo po bang pumasok sa loob? May mga pagkain pa po and I can make your favorite coffee right away."

She instantly shook her head. "Hindi na at huwag ka nang mag-abala pa. Hindi rin naman ako magtatagal. Napadaan lang talaga ako para batiin at kumustahin ka."

"Sigurado po kayo?" I asked and she slowly nodded as a response. Hindi rin nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Staring at her face and studying its feature, I just smile sadly as I remembered him.

"He's doing good, Chie," Tita Elena suddenly uttered. "So you don't have to worry about him."

"I'm glad to hear that, Tita."

"Are you still sure you don't want to get his number?"

"Huwag na po," I replied as I shook my head. "Siguro naman pong ayaw niya pa rin akong makausap at nirerespeto ko po ang desisyon niyang 'yon."

Yes, it's been two years already. Two years had passed and he's still not talking to me . . .  even once. Hindi ko naman inaasahan na huling beses na pala 'yong pag-uusap namin sa airport noon. Hindi ko inaasahan na tuluyan na niyang puputulin ang koneksyon sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi, e. I hurt him. I gave so much pain to him kaya naiintindihan ko kung bakit niya nagawa sa akin 'yon.

But I still missed him. I always miss him.

"He'll forgive you, Chie." Masyado na naman akong nalunod sa kaiisip sa kanya at pansamantala kong nakalimutan na kausap ko pala si Tita Elena. Sa pagyakap niya sa akin, gusto ko na lang maluha bigla. "Not now, but he'll surely forgive you soon. Ikaw pa, e hindi ka naman matitiis ng anak kong 'yon."

Napangiti na lang ako sa huli niyang sinabi. Kahit na pinutol na ni Eliseo ang kung anumang namamagitan sa amin, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nauwi sa gano'n ang relasyon namin ng mama niya. Masaya ako at patuloy ko pa ring nakakausap si Tita Elena. She's actually one of my regular and loyal costumer.

"Sana nga po, Tita. Sana nga mapatawad na ako ni Ely."

***

"Did you miss him that much?"

Nakuha ni Victor ang atensyon ko. "W-What do you mean?"

"I noticed that after you had a talk with his mom, naging parang gloomy ka. And I know that you're thinking about him right now. Siya lang naman ang iniisip mo kapag ganyang nagiging malungkot ang iyong hitsura, e."

It's eleven o'clock and we're already closed. Natapos ang celebration bandang 10:00 p.m. pagkatapos diretso linis na agad. Dalawa na lang kami ngayon ang natira rito at nagpapahinga lang kami saglit.

"Ano ka ba, I'm just tired," I reasoned out. Kahit na alam ko namang hindi ako makakalusot sa kanya. For some reason, he kinda knew everything about me especially when it comes to my mood swing. Kilalang-kilala niya na talaga ako.

"If you don't want to talk about him, I won't push it," he said, heaving a sigh. "So, ano . . . hatid na kita?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Para kang sira. Anong hatid, e sa itaas na floor lang ako nakatira?"

Natawa na lang din siya. "Bakit, bawal na ba kitang ihatid kahit dito ka lang nakatira?"

"Ewan ko sayo. Umuwi ka na nga at magpahinga."

Tinulak ko na siya palabas pero bigla siyang napahinto. Tumingin siya sa kanyang wristwatch sabay baling sa akin. "Nasaan nga pala 'yong phone mo?"

"Nandito sa bulsa, bakit?" nagtataka kong tanong.

"You'll receive my gift for you later. Just wait a minute or two," he said. "Happy first anniversary ulit sa business natin. More anniversary to come. Good night." At tuluyan na siyang naglakad palabas.

Kunot-noo ko lang tinitigan ang pag-alis niya. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niyang 'yon hanggang sa mag-vibrate ang aking phone. May isa akong bagong mensahe na natanggap.

At laking gulat ko na lang nang mabasa ang laman nito.

From: Unknown Number
Hi, Chie! I just want to congrats you for the first anniversary of your café. I saw some of the photos taken from the celebration earlier and I'm glad that you looked happy. Let's catch up soon!

This is Ely, by the way. Just save my new number :)

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro