Special Chapter: The Alternate Ending

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HAPPY 50K READS,
ROOMMATE ROMANCE! (ノ´・ω・)ノ ミ ┻━┻

To celebrate it at ang iba pang achievements ng kuwentong ito nitong mga nakalipas na buwan, I decided to post this short special chapter na alam kong marami sa inyo ang may gusto. Alam kong Book 2 ang hinihingi ninyo sa akin---lalo na yung mga bagong salta (readers) sa kuwentong 'to. Unfortunately, wala pa rin talaga sa plano ko ang pagsusulat ng sequel nito. Pero katulad ng palagi kong sinasabi, hindi ko naman kino-close yung opportunity sa future. Malay ninyo, few years from now, maisipan ko nang isulat yung hinihiling ninyong second book nito; o 'di naman kaya, by that time, I decided na ire-revamp ko na lang itong buong kuwento. Kaya let's see.

For now, ito lang ang kinaya ng powers ko.

Ano nga ba ang content ng special chapter na ito? Well, nabasá ninyo naman na sa chapter title, this is the alternate ending of Roommate Romance. At para maka-relate kayo sa mga mababasá ninyo rito, I want you to reread the 59th chapter, both parts, before reading this.

Kung natatandaan ninyo, I put on the author's note sa Chapter 60 na I considered that chapter as the real ending of RR. Kaya for this one, ito ang magsisilbing Chapter 60. That's why, again, please reread both parts of Chapter 59 before reading this para ma-refresh kayo at ma-set ang mood ninyo rito.

Ayon lang. Tama na ang daldal. Haha.

Muli, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbabasá sa kuwentong ito.

Happy reading! :D

━━━━━━━━━━━━━━━

SPECIAL CHAPTER:
THE ALTERNATE ENDING


"Chie, if I had my life to live again, I promise that I'd find you sooner."

Ilang oras na ang nakalipas mula nang huli kaming makapag-usap ni Eliseo pero patuloy pa ring rumerehistro sa aking isipan yung buong pag-uusap namin---lalo na nga yung huli niyang sinabi.

Kasabay rin n'on ang pag-alala ko sa mga pinagsamahan namin. When we first met as strangers hanggang sa unti-unti kaming nagkaroon ng koneksiyon para maging magkaibigan. Tapos sa pag-usbong ng aming mga nararamdaman sa isa't isa, nagkaroon kami ng pagkakaintindihan na we were on the "more than friends" stage na.

Ilang beses niya naman nang pinaramdam at sinabi sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Hindi ko nga lang alam sa sarili kung bakit ba hindi ko 'yon masukli-suklian. Mahal ko rin naman siya, e. Pero . . . Pero . . .

". . . mas matimbang nga lang ang pagmamahal mo kay Victor."

"Hindi!" pagkontra ko sa sarili. "That's not true. I'm already done with him. Tapos na kami."

Matapos kong kumbinsihin ang sarili na walang kinalaman si Victor kaya hindi ko masuklian nang buo ang pagmamahal sa akin ni Eliseo, tumayo na ako at nagbihis.

"I should've done this earlier," bulong ko sa sarili at sinubukang contact-in si Eliseo. I dialed his number three times pero walang sumasagot. Patuloy lang itong nagri-ring. "Pick up the phone, Ely, please."

Sa pang-apat kong subok at wala pa rin talaga, I tried to contact his friends. Busy ang line ni Robi kaya si Axcel naman ang sinubukan kong tawagan and luckily, he answered the call.

"Um, Chie? Bakit napatawag ka bigla? May problema ba?"

Nang marinig ko 'yon sa kabilang linya, agad akong napatingin sa oras sa phone. Nanlaki na lang ang aking mga mata at mahinang napamura pagkakita na 2 a.m. na pala.

"Chie? Are you still there?"

"Axcel, sorry sa istorbo. Hindi ko na napansin yung oras."

"No worries. Hindi ka naman mapapatawag nang gan'tong oras kung walang problema, e. What's going on, Chie?"

"Itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Ely. I've been trying to call him kasi kanina pa pero hindi niya talaga sinasagot mga tawag ko."

"I don't exactly know where he is right now pero may nabanggit sa akin si Paolo kagabi na magkikita sila. Try ask him. Bâka alam niya kung nasaan si Lee ngayon."

"Okay, okay. Thank you, Axcel!"

After I ended the call, I immediately called Paolo, hoping that he'll answer the call.

"Please, Paolo, Please . . . ."

"I was about to call—"

"I choose him, Paolo. I love him. At hindi pa naman huli ang lahat kaya, please, if you know where he is right now, just tell me. I'll do the right thing this time. Promise."

"Pinapatapos mo muna dapat akong magsalita, Chie, but I'm glad to hear all of that. Pero mas mabuting sa kaniya mo na 'yan mismo sabihin kaya pumunta ka na rito sa THP. We're still here."

At pagkatapos niyang sabihin 'yon, wala na akong sinayang pa na oras at dali-dali na akong dumiretso kung saan sila naroroon. Pero kabababa ko pa lang ng taxi ay napahinto na agad ako sa nahagip ng aking mga mata. Huli na para hindi siya pansinin dahil nag-lock na rin ang aming mga tingin.

"What are you doing here, Chie? D-Did you come for me? How did you know that I'm here? Tinawagan ka ba ng mga kaibigan---"

"Victor, I'm sorry, but I don't have time for this. I have to talk to someone kaya mauuna na ako."

"Siya na ba talaga, Chie?"

Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan pagkarinig nang nag-crack niyang boses matapos sabihin 'yon. Doon ko lang din napansin na mukhang ang dami niya nang nainom at wala na siya sa sarili. I looked around para tingnan kung sino ba ang kasama niya rito. Hindi ko naman kasi siya puwedeng basta-basta na lang iwan dito na gano'n ang sitwasyon niya. Konsensya ko pa kapag may nangyari sa kaniyang hindi maganda.

"Mukhang lasing ka na kaya ihahatid na kita sa mga kasama mo. Nasaan ba si---" Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil napayakap na lang siya sa akin. And when I was about to get him off of me, he started crying. That's why I froze. Again.

"Chie . . . I still love you. Hindi na ba talaga puwede?"

Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang siyang umiyak habang patuloy na sinasabi kung gaano niya pa rin ako kamahal.

And that's when I realized na siguro nga tama sila. Mahal ko pa rin si Victor. Hindi pa rin talaga tuluyang nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Pero hindi na 'yon katulad ng dati. Mahal ko na lang siya bilang . . . kaibigan. Hanggang doon na lang talaga.

"Vic---" Bago ko pa matapos ang pagtawag sa pangalan niya, may nahagip na ang aking mga mata.

Diretso siyang nakatingin sa gawi ko---sa amin ni Victor na kasalukuyan pa ring nakayakap sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya mabilis na naglakad palayo at doon na ako naalarma kaya naman nagmadali na akong kumawala sa mga bisig ni Victor.

"Ely, wait!"

Mabilis na pagtakbo na ang ginawa ko dahil nakita kong malapit na siya sa kotse niya. At bago pa niya mabuksan ito, humarang na agad ako.

"Chie, please . . ."

"Puwede bang ako naman ang pakinggan mo ngayon?"

"Uuwi na ako."

"Ely, ikaw yung . . . pinili, pinipili, at pipiliin ko. Kaya pakinggan mo naman ako, o."

"W-What are you talking about?"

"Oo, tama ka---kayo---na hindi naman talaga nawala yung pagmamahal ko para kay Victor. Nabawasan lang pero hindi talaga nawala. Pero nagkakamali ka kung iisipin mong gano'ng klaseng pagmamahal pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya kasi . . . kasi hindi na. Hindi ko na siya mahal katulad ng dati. Wala na yung pagmamahal na 'yon. Matagal na. And I'm really sorry kasi late ko nang na-realize 'yon."

Unti-unti na akong naglakad palapit sa kaniya upang isara ang espasyo sa pagitan naming dalawa. "You don't have to wait for another lifetime, Ely," I told him habang dahan-dahang inilagay ang aking mga kamay sa kaniyang magkabilang pisngi. "Because I believe that in this lifetime, I also meant to fall deeply to you."

"Hindi mo na ako kailangan hintayin," pag-uulit ko. "Kasi naniniwala akong matagal nang magkarugtong ang tadhana nating dalawa at táyo talaga ang para sa isa't isa. Táyo talaga, Ely."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, may naramdaman akong kaunting kaba kasi nakatitig lang siya nang diretso sa aking mga mata. Pero nang yakapin niya na ako, doon na ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko na rin pinigilan ang sarili at hinayaan lang ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi.

"Thank you for choosing me, Chie."

"No, Ely. Thank you for letting me choose you."

━━━━━━━━━━━━━━━

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro