Kabanata 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 20

Thalia Shiloahs POV:

Katulad ng mga nakalipas na araw, naririto ako ngayon sa silid-aklatan na siyang hindi nga ako nagkakamali, na siyang aking tiyak na parati kung bisitahin, araw man o gabi.

Tila ba hindi lang isang normal na silid-aklatan ang siyang aking ipinapagawa, hindi lamang isang lugar upang dayuhin ng mga diwata upang bumasa, kundi para na rin sa akin. Para sa aking kagustuhan na mapag-isa at hayaan ang sarili na manatili rito sa silid-aklatan ng ilang mga araw, ng walang sinumang gumagambala.

“Kumusta po? Kailangan ninyo po ba ng maiinom o ‘di kaya naman ay makakain?” tanong ko sa isang diwata na siyang pumapanday ng mga kahoy para sa silid-aklatan. Napansin ko kasi na nagpupunas ito ng pawis at tila kinakailangan niya ng tubig.

“Napakabait niyo naman senyorita, mukhang mali ang mga sinasabi nila tungkol sa inyo na kayo ay may magaspang na ugali.” Napangiti na lamang ako dahil sa sinabi niya. Ni minsan ay hindi naman ako naapektuhan sa mga tulad nitong salitang naririnig ko.

Hindi mahalaga para sa akin ang sasabihin ng iba, dahil ang tanging mahalaga sa akin ay ang sasabihin ko, dahil kilala ko ang sarili ko.

“Kung gayon po ay ikukuha ko kayo ng tubig, nariyan lang po ako sa gilid kung may kailangan pa ho kayo,” aniko ng may ngiti sa aking mga labi.

Nagpatuloy ang aking araw sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga diwatang nagtratrabaho upang sa gayon ay ang aking silid-aklatan ay maisakatuparan. Hindi rin nawala sa aking labi ang isang sinserong ngiti sa tuwing makahaharap ko ang mga diwatang ito.

Sa isang araw ay natupad ko ang dalawang kahilingan ko sa aking ‘bucket list’. Ang ngumiti ng isang buong araw at ang matutong makihalubilo. Nasimulan ko na ito kung kaya’y natitiyak ko, magpapatuloy ito, lalo na at kung hindi ko naman pipigilan.

Sa kasalukuyan ay namimigay ako sa mga diwatang nagtrabaho ng kanilang mga kita para sa araw na ito. Dalawa hanggang tatlong pilak ang kabayaran sa kanila para sa ginagawa nilang trabaho, ngunit napagdesisyunan ko na gawin na apat hanggang limang pilak ang bayad ko sa kanila.

Hindi ito dahil san ais kong magkaroon ng magandang imahe sa kanila, kundi ito ay dahil nakita ko ang lubos nilang pagsisikap maging ang kanilang dedikasyon sa aking ipinapagawa. Higit sa lahat, napakabibilis nilang gumawa, tama nga na ang mga kinuha ng aking mga magulang na diwata para sa proyektong ito ay ang mga diwata na may kapangyarihan ng elemento ng mundo at apoy. Dahil dito ay mas napadadali ang pagsasakatuparan ng aking silid-aklatan.

“Maraming salamat senyorita, tunay nga na napakabuti mo, hindi kami marapat nakinig sa mga sabi-sabi ng nakararami,” aniya ng isang diwata na siyang kasama kanina sa paghulma ng aking silid-aklatan.

Imbis na sumagot o magkumento, ay isang maliit na ngiti lamang ang iginawad ko sa lalaki. Hindi ko rin naman sila masisisi kung makapag-iisip sila ng mga bagay tulad ng ganon sa akin. May mga pagkakataon naman talaga na hindi rin kaaaya-aya ang ugali na aking ipinakikita, subalit ang mga inosente ay hindi ko naman pinakikitaan ng aking magsapang na ugali.

Kung ang isang nilalang ay hindi nararapat pakitaan ng mabuti, hindi ko siya pakikitaan ng mabuti dahil iyon ang kailangan niya upang matuto.

“Maraming salamat senyorita,” sabay-sabay nilang sabi. Mapababae man o mapalalaki ay maaaring magtrabaho kung ito ay ninanais nila. Kumaway lamang ako sa mga ito at hinintay ko muna silang makaalis bago ako maupo sa isang kahoy na upuan na mukhang kagagawa lamang kanina, napakadidiskarte naman talaga ng mga diwatang iyon.

Pumikit lamang ako at hinayaan ang malamig na simoy ng hangin na tumama sa aking balat. Hindi ko maramdaman ang lamig nito kahit na wala akong balabal, siguro ay dahil nangingibabaw ang isang mainit na ngiti sa aking mga labi.

Sarado na rin ang Bloom Kitchen kung kaya’t wala akong naririnig na anumang ingay sa paligid, maliban na lamang sa ilang huni ng mga ibon na malayo-layo rin sa aking puwesto ang lokasyon dahil hindi ganoon kalakas ang huni na aking naririnig. Hindi ako katulad ni Yael na lahat na lamang ata ng bagay ay naririnig.

Wala pa sana akong balak magmulat ng aking mga mata ng sa isang iglap, ay bigla akong makaramdam na para bang may nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali, dahil ng iminulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang isang itim na itim na mata na tila anumang oras ay hahatakin ako nito patungo sa kaniya.

Matatakot na sana ako, buti na lamang ay nakita ko na may puti pa rin naman pala sa kaniyang mga mata.

Nagkatinginan kami ng ilang mga segundo. Mata sa mata. Walang kumukurap.

Balak ko na sanang tumayo at magtanong kung bakit naririto siya, ngunit hindi natuloy ng sa isang iglap ay umangat ang kaniyang kilay at lumiit ang kaniyang mga mata. Nagpapakita ng kaniyang aksiyon na siya ay ngumiti.

Napa-iling na lamang ako dahil hindi mawari ang sunod na gagawin.

Donovan, ano ba ang ginagawa mo sa akin?

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2023.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro