Kabanata 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 30

Thalia Shiloah’s POV:

Hindi ko alam kung ilang mga oras, araw, linggo, at buwan na nagdaan na nasa tabi ko sa tuwina si Donovan. Tila hindi ko na namamalayan pa ang oras o sadyang wala na ata akong pakialam pa sa oras sa tuwing kasama ko si Donovan. Tila nag-iba ang ihip ng hangin, nag-iba ang daloy ng mga tubig sa lawa, at higit sa lahat, nabago ang pananaw ko ukol sa pag-ibig simula nang dumating si Donovan.

Parang hindi na ako si Thalia, na mailap sa tao, na hindi nakangingiti man lamang, para akong naging ibang nilalang. Lahat ng ito, ay gagawan ni Donovan.

Siya lamang ang lalaking lubusang nakilala ko o mas mabuting sabihin na siya lamang kasi ang lalaking sumubok na kausapin ako.

Sa mga nagdaan na araw, at linggo, masasabi ko na mas naging malapit kami ni Donovan sa isa’t-isa, mas nakilala namin ang aming mga sarili. Nag-uusap kami na tila wala na kaming pakialam pa kung may makarinig man sa amin o makakita. Tila kapag kasama namin ang bawat isa, hawak namin ang aming mga oras, na walang sinuman ang makapagpapatigil.

“Donovan, gusto na kita, at mukhang mas lalala pa,” aniko sa sarilinh repleksiyon sa salamin.

Nakatirintas ang aking buhok kagaya ng aking nakagawian, suot ko ang isang simpleng bestida na kulay dilaw, hindi ganoon katingkaran ang kulay. Masasabi ko na bagay na bagay sa akin ang aking suot, bagay sa isang dalagang nabigyan ng kulay ang buhay.

Hindi ko nakita sila aling Lucia, si Marceline, at maging si Santiago, kung kaya’y hindi na ako nag-aksaya pa ng aking panahon para hanapin pa sila. Alam ko rin naman na sasabihin na lamang ito sa kanila ng mga kawal, kapag sila ay nagtanong, kung sakali.

“Magandang umaga po, sinisimulan na po ba ang mga kagamitan para sa silid-aklatan?” tanong ko sa isang trabahador na palagian kung aking makasalumuha.

“Ang totoo po niyan, ay kahapon pa po kami nagsisimula senyorita. Sadyang hindi lang po namin ito mapinturahan dahil nais muna namin itong maipakita sa inyo,” sagot ng diwata.

Hindi ko maiwasan ang mapangiwi, ngunit kalaunan ay napangiti rin sa matanda.

“Iyong mga nasa labas po ba ang mga gamit sa silid-aklatan?” tanong kong muli, habang itinuturo ang direksiyon kung saan ko iyon nakita.

Hindi ko alam kung matatawa baa ko o mangangamba dahil nakaligtaan kong bisitahin ang silid-aklatan kahapon, siguro ay masiyado na naman akong nagsaya sa piling ni Donovan. Hindi ko maiwasan ang muling mapangiti, habang inaalala ko ang mga eksena sa pagitan naming dalawa, na siyang tunay na nagpakabog ng aking dibdib.

“Opo senyorita, may nais pa po ba kayong ipabago?” aniya.

Umiling ako sa matanda, at sumagot ng isang simpleng ‘wala na po’. Ang totoo niyan, ay wala na akong makitang anumang mali sa kanialng mga gawa, tila lahat ay nagiging perpekto na sa aking paningin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin.

“Maganda po ang inyong mga ginawa, perpekto para sa aking ninanais. Mauna na rin po ako, bibisita na lamang pong muli ako bukas.” Hindi na sumagot ang matandang diwata, bagkus ay tumango na lamang ito, at kumaway sa akin habang ako ay papaalis ng silid-aklatan.

Sinimulan ko na rin tahakin ang daan patungo sa kagubatan upang kausapin si Donovan, may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.

Hindi pa man ganoon kalayo ang aking nilalakad, ay sa isang iglap, ay may bigla na lamang nagtakip ng aking mga mata.
Sisigaw na sana ako o aatake, ng maamoy ko ang natural, at pamilyar na amoy nitong nilalang na siyang takip ng kaniyang mga kamay ang aking mga mata ngayon.

“Donovan, bakit kailangan na may pagtakip pa sa aking mga mata?” aniko, habang dahan-dahang inaalis ang kaniyang mga kamay sa aking mga mata. Ibinababa ko ang kaniyang kamay, at pagkatapos, ay hinarap siya.

Hindi ko na naman maiwasan ang mamangha, mamangha sa kaniyang mukha, kakisigan, at kung paano niya ako tila hinihipnotismo.

“Diba ang sabi ko, ako ang pupunta sayo, bakit tila patungo ka sa kuweba?” aniya habang naniningkit ang mga mata na siyang ikinatawa ko. Imbis na sagutin ang kaniyang tanong, ay naglakad ako patungo sa lawa. Kita na ng aking mga mata ang kuweba, kung kaya’y tiyak ko na malapit na rin ang lawa rito.

“May sasabihin ako sayo,” aniko. Napangiwi ako dahil sa sinabi ko, ngayon pa ba ako mahihiya? Ngayon pa talaga kung kailan nandito na ako?

“Maraming nagbago, hindi ba?” saad kong muli na siyang nagpakunot ng kaniyang noo. Hindi man ako sa kaniya nakaharap, ay kitang-kita ko naman ito sa gilid ng aking mga mata.

“Ha? Ano ang iyong sinasabi binibini?” tanong niya na siyang ikinangiti ko. Imbis na sagutin, ay muli akong nagsalita.

“Hindi ko rin inaasahan na ganito ang kahihinatnan, ngunit hindi ko pinagsisihan na ganito ang kinalabasan,” aniko. Sa pagkakataon na ito ay humarap na ako sa kaniya, at kita ko sa kaniyang mga mata ang pagtataka, bago kunin ng kaniyang mga kamay ang aking mga kamay, at hagurin ito, tila nagsasabi na naririyan lang siya, kung kailangan ko.

“May problem aba binibini? May nakaaway ka ba o ano? Alin ang hindi mo pinagsisihan?” Paisa-isang tanong niya, at sa bawat tanong na ito, ay sinisilip niya ako, kung sasagot ba ako sa tanong niya o hindi.

Ngumiti ako, bago bitiwan ng aking mga kamay ang kaniyang mga kamay. Bago dalhin itong kanang kamay ko sa kaniyang pisngi. Hawakan ito, at sabihin ang mga katagang kailanman, ay paulit-ulit kong nanaisin na bigkasin.

“Paano kung sabihin kong oo? Anong isasagot mo?” Nanlaki ang kaniyang mga mata, napanganga rin siya dahil sa aking sinabi. Matalino si Donovan, kung kaya’y alam niya kung ano ang aking sinasabi.

“T-totoo ba iyan binibini? Baka naguguluhan ka lamang Thalia?” aniya, tila hindi makaniwala. Nakaiilang tawa na ako sa araw na ito dahil sa mga reaksiyon ni Donovan, masiyado niya naman ata akong pinapasaya. Paano pa kaya ngayon na kami na?

“Totoo, totoong-totoo. Donovan, oo, sinasagot na kita,” aniko na siyang nagpatalon sa kaniya sa tuwa. Umikot-ikot pa ito na tila isang bata, humarap ito sa akin, at nakita ko roon sa kaniyang mga mata, ang butil ng luha na unti-unting namumuo.

Bago pa ako muling makapagsalita, ay hinila na ako ni Donovan papalapit sa kaniya. Dinala niya ako sa kaniyang bisig, at doon niya paulit-ulit na sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan na paniniwalaan ko pala.

“Mahal kita, Thalia.”

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2023.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro