Kabanata 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 6

Thalia Shiloh's Pov:

Hindi na nakapagtataka kung bakit napakadaming mga bisita ang naririto dahil bukod sa mga naglalakihang mga kalesa sa labas, mapatutunayan na isa itong malaki at engrandeng selebrasyon dahil sa naggagandahang mga kasuotan ng mga bisita. Tila nasa isa akong paligsahan kung saan kinakailangan namin mamili, kung sino sa mga kalahok ang magwawagi sa titulo na may pinakamagandang kasuotan.

Higit sa lahat hindi lamang ito basta isang selebrasyon dahil sa kaharian mismo ng buong San Agustin ginaganap ngayon ang pagdiriwang, na siyang dapat lamang, dahil kung hindi dahil sa tulong ng magkakapatid na iyon ay hindi maisasara ang portal na siyang humahati sa mundo ng mga tao at mga diwata. Idagdag na rin natin ang katotohanan na kung hindi dahil sa kanila, baka hanggang sa kasalukuyan ay nakipaglalaro pa rin ang aking kapatid at pinsan sa ibang mga diwata.

“Maligayang pagdating haring Thaddeus, reyna Saskia, prinsesa Thalia at prinsipe Santiago. Pagbati para sa kaharian ng elemento ng tubig.”  Ang siyang naging pagbati ng mga heneral na kawal upang ipabatid sa mga bisitang naririto ang pagdating ng aming pamilya.

Lahat ng atensiyon ay naituon sa amin na siyang ikinaling ko, ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng kasiyahan na siyang pinupuntahan na siyang kadalasan na dahilan, kung bakit ayaw ko na minsan pa na sumama sa mga bagay na tulad na ito. Nakamasid ang lahat sa aming mga galaw at tila ba isang maling hakbang o gagawin ko ay mapupuna kaagad ako ng marami. Ito rin ang ayaw ko sa pamilya ko, sa mga bagay na ganito ay kami lagi ang siyang nahuhuli.

“Bakit hindi ka ngumingiti Thalia? Ikaw ang susunod sa aming yapak, marapat na kilalanin ka ng mga mamamayan,” heto na naman tayo sa mga dapat at hindi ko dapat gawin kapag nakalabas na ako ng aking silid.

“Bakit po ako ngingiti kung hindi ko po nais ngumiti? Hindi po ba na mas nanaisin ng mga mamamayan na makita kung ano ba talaga ako kaysa ang makita ang katauhan ko na purong pagbabalat-kayo?" imbis na sagutin si ina ng mas maayos na kasagutan ay isang katanungan din ang siyang isinagot ko sa aking ina.

Sa halip na sagutin ay inismidan ako ng aking ina na siyang nagpasaya sa aking kaibuturan, ibig lamang sabihin nito na hindi kayang sagutin ng aking ina ang siyang ibinato kong katanungan. Nahagip ng aking mga mata ang aking ama at si Santi na napailing na lamang dahil sa maikling palitan namin ng salita ni ina.

Pagkatapos ng aming pamilya na lumakad sa isang mahabang rolyo ng tela sa ibaba na siyang aming nilakaran, na hindi ko alam ang katawagan, ay nagpaalam sa amin ang aming mga magulang na tutungo sila sa mga mamamayan ng San Agustin.

“Maiwan namin kayo mga anak, uminom ng naaayon,” saad ni ama, tumango kami bilang sagot ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga titig ni ina bago umalis. Tila sinasabi nito na maging maayos ako at magpakabuti, napabuntong hininga na lamang ako ng dahil dito.

Ng tuluyan na ngang makaalis ang aming mga magulang para makisama sa iba pang mga diwata ay saka lamang tila nagkaroon ng bibig ang aking kapatid, dahil ngayon lamang siya umimik simula kanina, kung tutuusin ay hindi naman ganito ang aking kapatid.

“Bakit hindi mo na lang pinagbigyan si ina kanina?” hindi ako nag-aksaya pa ng aking panahon para lamang tumingin sa aking kapatid. Bagkus ay sinagot ko siya ng hindi sumusulyap sa kaniya at habang pinagpapatuloy ang aming paglalakad patungo kina Yael.

“Kilala mo ako Santiago, hindi ako ganoong nilalang, isipin nila ang gusto nilang isipin subalit wala akong pakialam,” alam ko na nais lamang ni Santi na pagaanin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatanong ngunit hindi niya iyon magagawa. Si haring Thadeus ang aking ama at si reyna Saskia ang aking ina, at ito si Thalia ang bunga.

“Narito tayo para magsaya, hindi para pag-usapan ang mga bagay na hindi na dapat pinapalaki pa,” aniko.

“Ate,” ang tanging nasabi na lamang ni Santi. Naubusan na rin siguro ng sasabihin at tanging ang tawag niya na lamang sa akin ang naalala. Mabuti na lamang at naabot na rin namin sa wakas ang lamesa nina Yael, kasama ang magkakapatid na Arthur-Anonuevo na siyang naging dahilan upang mabawasan ang tensiyonadong temperatura sa pagitan naming magkapatid.

“Pagbati, ako si Thalia Shiloah Fern-Ambers, at- ” hindi ko na natapos pa ang aking pagbati sana ng sumingit sa aking pagsasalita sina Yael at Santi.

“At kami ang Fern trio!” maligayang saad nila na siyang nakahatak ng atensiyon ng iba, napa-iling na lamang ako ng dahil dito. Mga kalokohan talaga nila, halata naman dahil lahat kami ay Fern.

“Pagbati rin po, kami po ang-” muli, sa ikalawang pagkakataon hindi na natapos ng isa sa magkakapatid ang kaniyang sasabihin sana ng putulin ng aking kapatid ang kaniyang nais sabihin.

“Hindi niyo na kailangan ‘yan, kilala na kayo ni ate, diba ate?” Tumango na lamang ako bilang sagot sa sinabi niya, pinalo siya ng nagsalita kanina na siyang sa tingin ko ay nobya niya. Kung hindi ako nagkakamali, Xiomara ang ngalan niya.

“Tama naman si Santi, kilala ko kayong apat dahil sa kabayanihan na ipinamalas ninyo, dahil din sa inyong mga magulang na lubusang napakabubuti, hanga ako sa tapang na ipinakita ninyo.” Kung hindi ako nagbibiro sa aking mga sinabi, tunay na bilib ako sa kanila, sino ba naman ang hindi? Madami silang pinagdaanan bago matapos ang misyon nila at masasabi kong kulang pa ang selebrasyon na ito upang pasalamatan sila.

“Nagpapasalamat din naman kami sa tulong nina Yael at Santi dahil kahit papaano ay may nakasama kami na marunong dito sa mundo ninyo,” ang sagot ni Lucian, base sa ipinakitang larawan sa akin dati ni Santi ay Lucian ang pangalan nito at ang isa pang lalaki sa magkakapatid ay nagngangalang Leo, habang ang nobya naman ni Yael ay Xaviera ang ngalan.

“Tulong ba kamo? Baka naman panggulo?” imbis na mainis ay natuwa pa sila sa aking sinabi. Napuno ng tawanan ang lamesa kung nasaan ako. Masaya silang kasama, walang halong biro.

Marami pa silang mga naging kuwento at puro tango o hindi naman kaya ay maliit na ngiti ang igagawad ko sa kanila. Masaya rin palang kausap ang mga tao, may mga salita rin akong natutunan sa kanila na hindi ko alam kong ano ba ang kahulugan ngunit maganda itong pakinggan. Tulad na lamang ng mga salitang, werpa, ngl, fr, at astig. Nakawiwili silang kasama at sa tingin ko ay tamang sabihin na mukhang natupad ko ang isang nakasulat sa bucket list ko, iyong pangpito, ang matutong makihalubilo.

Bago kami tuluyang makaalis ay marami pa silang ikunuwento, dumating din ang Godmothers raw ng kanilang in ana siyang nakawiwili rin kausap. Sana dumating muli ang araw na maka-usap ko silang lahat muli.

“Nais pa sana namin manatili, subalit kinakailangan na rin namin umuwi, ikinagagalak ko ang inyong mga prisensiya.” Saad at kumaway bilang pamamaalam.

Bago kami tuluyang sumakay sa kalesa ay nagsipagngitian muli kami at masasabi kong hindi na rin naman pala masama ang dumalo sa isang pagdiriwang.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2023.
                             




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro