Kabanata 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 28


Xaviera Quinn’s Pov:

Pinapasok niya kami sa kaniyang munting tahanan, ang mga gago, nagkatagalan pa sa labas dahil hanggang nagyon ay duda pa rin sila sa babaeng ito. Maging ako rin naman, subalit napapayag ko rin sila nang sabihin ko na sa akin sila magtiwala at hindi sa babaeng ito.

Bahala na si batman kapag puro kasinungalingan lang ang naririnig ko sa aking isipan na kaniyang sinasabi. Kapag nagkataon ay yari ako sa mga kasama ko dahil ako lang ang dahilan kung bakit sila pumasok sa tahanan niya.

“Hindi ka ba magsasalita? Tatayo ka lang ba riyan?” iyan ang naging pagtanong ni Santi sa babaeng ito, siguro napansin na kanina pa ito nakatayo at wala naming ginagawa.

Subalit hindi pa rin maganda ang sinabi ni Santi, dahil nararamdaman ko na kinakabahan siya, nadarama ko na kaya hindi niya magawang makapagsalita dahil nakararamdam siya ng kaba.

Sinamaan ko na lamang ng tingin si Santi, mabuti at wala naming nakapansin.

“Pasensiya, ngayon ko lamang napagtanto na mali ako sa aking nagawa. Bago ang lahat nais ko munang magpakilala, ako si Havu, at ako na lamang ang natatanging nilalang na mayroong ganitong tahanan sa kagubatan.” Nagkatinginan kaming lahat, nagsenyasan, tila binabasa ang kilos ng bawat isa.

Kung siguro wala akong naging pagbabago simula ng tumungtong ako sa lugar na ito ay ako pa ang mauunang magtanong subalit, kagaya ng sinasabi ng iba, nagbabago ang lahat ng nilalang. Kagaya ngayon, mas pinili ko na lamang ang manahimik at magnilay upang mas malinawan sa mga pangyayari.

“Bakit ikaw lang ang naririto? Masama na ba ang gumawa ng tirahan sa lugar na ‘to?” ang naging tanong naman ni kuya Lucian sa babae-kay Havu.

“Hindi masama at hindi rin naman ipinagbabawal, subalit delikado, delikado na ang magliwaliw lalo na ang manirahan sa kagubatan,” delikado, alam ko na ‘yan, delikado naman palagi, wala naman pagbabago, delikado pa rin.

“Hindi ‘yan ang kailangan namin, ang gusto namin na marinig ay kung bakit mo sinaktan ang dalawa sa aming mga kasama?” iyon naman talaga ang kailangan namin ng kasagutan, subalit hindi ko lang inaasahan na si kuya Yael ang magtatanong tungkol sa mga bagay na ‘yon.

Nakita ko pa ang nabuong maliit na ngiti sa labi ni Mara, mukhang kinikilig pa ata ang aking kapatid, hay ako kaya, kailan?

“Kagaya nang sinabi ko delikado, delikado sa kagubatan, lalo na sa gitnang parte ng kagubatan kung saan ko kayong dalawa nakita,” aniya at tumigin sa amin ni Santi, “Ang akala ko ay kalaban kayo dahil naaamoy ko na ang babae ninyong kasama ay hindi purong immortal kung kaya siya ang pinuruhan ko ng malala, dahil noon ipinagbabawal ang pag-iibigan ng isang mortal at ng isang immortal, akala ko ay sugo kayo ng babaeng itim, mukhang nagkamali ata ako.”

Namayani ang katahimikan sa aming paligid pagkatapos niyang sabihin ang mahabang litanyana ‘yon. Pagkatapos niya rin sabihin ang mga ito ay sinasabi niya sa kaniyang isip na nagsisi siya at hindi niya ninais ang masaktan kami.

Tumingin sa akin ang aking mga kasama, naghihintay sa aking mga sasabihin dahil alam nila na ako lamang ang may kakayahan na malaman kung tama ba o pawang kasinungalingan ang mga sinsabi ni Havu.

Kasabay ng aking pagtango ang naging pagtanong ni Mara, hindi ko ito inaasahan at hindi ko rin ito nagawang isipin man lang, totoo nga na kahit nandirito kami ay hindi maikakaila at hindi maiaalis sa aking kapatid ang kagalingan niya.

“Pero paano mo nalaman na hindi kami kalaban? May nagsabi ba sayo o bumulong ang mga kaibigan mong ahas sayo?” maging ako ay napa-isip kung ano ang kaniyang naging basehan upang hindi niya kami ituring bilang isang kalaban, sa loob lamang ng ilang oras na nakalipas.

“Nagtungo rito si Godmother Dahlia, ang sabi ay kung makaaamoy ako ng hindi mga purong imortal sa paligid ay paniguradong ang mga alaga nila ito. Kaya napagtanto ko na hindi kayo kalaban dahil pinapatnubayan kayo ng isa sa mga nilalang na naririto.” Nagsipagngitian kami kasabay ng aming pagsisipagtinginan.

‘Godmother Camelia, salamat sa inyo, lalo na kay Godmother Dahlia, pakisabi po,’ iyan na lamang ang nasabi ko sa aking isipan upang sa gayon ay maibsan ang pag-aalala nila sa amin.

“Kung kaya’t naisip ko na bakit hindi ko kaya tulungan, sinabi niya sa akin na may misyon kayo, ang hanapin ang susi sa portal at masagip ang inyong mga magulang,” dahil sa kaniyang sinabi ay nagliwanag ang paligid ko, mas makabubuti nga kung may isa pang mabuting immortal ang siyang makatutulong sa amin.

“Subalit matutulungan ko lamang kayo kapag may isang pulang bagay kayong maibibigay sa akin, hindi ito ang kagustuhan ko, subalit ang kagustuhan ng aking mga kaibigan na ahas,” aniya ni Havu.

Nagkatinginan kami ni Santi at kaagad akong tumango sa kaniya, senyales na ibigay niya na kay Havu ang pulang tela na galing sa mga Godmother. Mabuti na lamang at hindi pa ito nagagamit sa kung anong bagay at mabuti na rin at kulay pula ito. Salamat sa gabay ng mga Godmother ni mudra.

“Magaling, handa kayo, sa ngayon ay magsipagpahinga na muna kayo, isang kuwarto lamang ang hindi okupado subalit sa tingin ko ay kasiya naman kayo. Bukas ay pag-uusapan natin ang mga bagay na nais ninyong gawin, ang misyon ninyo.”

Tumango na lamang kami sa kaniya at nagpasalamat na rin, muli ay humingi siya ng dispensa sa amin, hindi niya raw talaga alam na kakampi kami dahil wala na raw talagang mga nilalang ang nagsisipunta sa kagubatan maliban sa mga itim.

Subalit, may isang katanungan pa sa aking isipan ang nais kong mabigyan na kaagad ng kasagutan.

“Kung delikado sa lugar na ito, bakit hindi ka umalis? Bakit hanggang ngayon ay nanatili ka rito?” agaran kong tanong, nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata subalit kaagad din itong nawala.

“Hindi ko kayang iwanan ang lugar na ito, hindi ko kayang ibaon sa hukay ang alala kung saan pinatay ang aking pamilya.”

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro