Kabanata 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 38

Luciano Gregory’s Pov:

Mula sa malayo-layo naming paglalakbay ay sa wakas natunton na rin namin ang lugar kung nasaan naroroon ang aming mga magulang. Ang pinakahuling destinasyon namin bago namin tuluyang magawa ang aming misyon.

Alam kong hindi madali ang aming kahaharapin, nasa labas pa lang kami ng kuweba at may kaunting layo pa ang lalakarin bago mapuntahan ito. Subait anumang pagsisinungaling na gawin ko sa aking sarili na madali lamang ang aming mga magaganap ay pawang walang katotohanan. Isang biro kapag aking sinabi na hindi ako nakararamdam ng kahit katiting na takot sa mga minotaur.

Kung ikukumpara sa laki ng kanilang mga katawan ay di hamak na mas malaki ang katawan ng mga ogre, subalit kung ikukumpara sa takot, kaba at pangamba na aking nadarama ay higit na lamang ang mga minotaur. Kalahating toro at kalahating tao ang katawan ng mga minotaur. Mayroong ulo at buntot ang mga minotaur gaya ng toro at ang katawan ng tao. Siguro kung bulag ako ay iisipin ko na ordinaryo lamang din sila pero kakaiba talaga, sa tingin ko ay kahit mabulag man ako ay mayroon paring takot na mabubuo sa aking puso.

“Anong susunod nating gagawin? May naiisip ba kayong plano?” agarang tanong ko sa aking mga kasama. Kinakailangang gumawa ng aksiyon, kinakailang gumawa kami ng paraan sa mas lalong madaling panahon. Ang mga oras sa ngayon ay hindi kinakailangang masayang, kahit segundo ay mahalaga.

Nagkatinginan ang lahat ngunit walang sumagot sa aking naging tanong. Mukhang kinakailangan ko na gumamit ng aking abilidad, ako ang panganay, ako ang mas nakatatanda, kung kaya’y dapat alam ko ang aking mga responsibilidad. Ako ang mauuna, ako ang unang gagawa ng aksiyon.

“Leo, leo, may nakikita ka ba sa nakaraan?” Napatingin ako kina Leo at Xavi ng magsalita si Xavi. Dinadalaw si Leo ng kaniyang abilidad, kasalukuyan siyang nakapikit at alam kong maya-maya lamang ay may maibabahagi na siya sa amin mula sa nakaraan.

Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ni Leo ng imulat niya ang kaniyang mga mata, pinakatitigan niya ang bawat isa sa amin, mata sa mata.

“Nakita ko sa nakaraan, may dalawang tao, hindi ko alam kung sino, hindi nakagagamit ng kapangyarihan habang nasa loob ng kuweba,” pamilyar ang sinabi ni Leo. Hindi ko alam kung narinig ko na ba ang impormasyong ito subalit mas mainam na nakita iyon ni Leo sa nakaraan, upang sa gayon ay maipaalala niya sa amin ang isang imormasyon na kagaya nito, mahalaga.

“Kung gayon ako na ang unang susubok, gagamitin ko ang abilidad ko na bilocation. Kapangyarihan lang naman ang hindi nagagamit sa loob at ang abilidad ay kaya pa rin na magamit,” walang umimik sa aking sinabi subalit lahat sila ay pinakatitigan lamang ako.

“Wala na bang ibang paraan?” alam ko kung ano ang ipinupunto ni Mara, nag-aalala siya. Alam kong ayaw na niyang may mawalay pa sa kaniya kahit isa man lamang sa amin ay ayaw na niyang mahiwalay pa.

“Mara, para ‘to sa kanila, kung hindi tayo susubok, paano na?” aniya ko. Pinatutungkulan ko sina Mudra at Pudra. Hindi naman ako mamamatay sa simpleng pagpasok ko sa kuweba ng mga minotaur, oo, hindi ako mamamatay.

Hindi ko na sila tininingnan pang muli dahil ayaw ko nang makita pa ang mga mukha nil ana tila namatayan, baka magalusan lang ako pero hindi ako mamamatay hahaha. Napatingin ako kay Yael at tinanguan ko siya na siyang ginantihan din naman niya ng isang tango, siya ang pinakamatanda sumunod sa akin kaya alam kong may magagawa sila kapag hindi…ako…nakabalik…

Tumalikod ako at ipinikit ko ang aking mga mata at ng sa pagkakataon na iminulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na, na nasa, loob na ng kuweba. Shit, mabuti na lamang at umaga dahil kung gabi ay paniguradong wala akong makikita.

Naglakad-lakad ako, dere-deretso, bahala na kung saan dalhin ng aking mga paa total wala naman ibang pasilyo. Napatingin ako sa aking parehong kaliwa at kanang bahagi, napakarami nilang bihag, ang iba ay namumutla, ang iba ay nasusuka, ang iba ay tila malala na ang mga karamdaman. Hindi ko maiwaksi sa aking isipan na kung paano, kung ganito rin ang nangyari sa aking mg magulang?

Nakailang lakad pa akong muli ng may makita akong pamilyar na bagay sa mga kahoy na tila ginawang rehas, may nakapulupot dito, isang balabal, isang balabal na alam kong ako ang nagbigay. Wala na akong ibang inisip pa sa mga oras na iyo kundi ang makalapit, ang makalapit sa isang kulungan kung saan naroroon ang aking mga magulang.

Kaagad sumilay sa aking mukha ang isang sinserong ngiti ng aking makita sina mudra at pudra, buhay at humihinga. Namumutla rin sila ngunit hindi kagaya sa mga nakita ko kanina, mukhang mas kinakaya nila, pilit kinakaya.

“Mudra, pudra,” ang mahinang tawag ko sa aking mga magulang ng magsimula na akong maging emosyonal. Kaagad silang luminga-linga sa paligid bago tuluyang tumingin sa akin.

Kaagad akong lumapit sa aking mga magulang kahit na mayroong mga kahoy na ginawang rehas ang nasa aming pagitan. Si mudra ang unang yumakap sa akin na siyang tinugon ko naman ng isang yakap rin. Inilusot namin pareho ni mudra ang aming mga kamay sa pagitan ng mga kahoy upang sa gayon ay madama namin ang yakap ng bawat isa.

Kasabay ng pagbitaw ni Mudra ay ang paglapit naman ni pudra sa akin upang sa pagkakataon na ito ay siya naman ang lumapit sa akin. Napangiti ako, ang mahalaga ay buhay sila, buhay sila at itatakas namin sila.

“Jusko po, paano ka nakapasok?” iyan kaagad ang naging tanong sa akin ni mudra habang hawak-hawak pa rin ang aking kaliwang kamay kasabay ng pagtulo ng kaniayng masaganang mga luha. Ito ata ang kauna-unahang beses na nakita ko ang pag-iyak ni mudra.

“Mahabang paliwanagan mudra, saka ko na ikukuwento. Ang kailangan ko po ay impormasyon, mga impormasyon na maibibigay ko sa mga kapatid ko.” Pagkatapos kong banggitin ang salitang ‘kapatid’ ay napangiti si pudra maging ganoon din si mudra.

“Ito ang lolo at lola mo, sila ang may hawak ng susing kinakailangan niyo upang maisarado ang portal,” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko dahil sa sinabi ni mudra. Kung ganoon ay marahil sila ang nakita ni Leo sa nakaraan na nagsabi na hindi nagagamit ang kapangyarihan sa loob ng kuweba.

Tumango ako kay mudra at kaagad na pumikit upang sa gayon ay makapunta naman ako sa kung saan naroroon ang aking mga kapatid, habang nasa loob din ako ng kuweba, wisyo ko lamang ang naililipat kung kailan ko nanaisin.

Kaagad akong nagmulat at bumungad sa akin ang harapan ng kuweba, oo nga pala nakatalikod ako kanina. Humarap ako sa aking mga kapatid at kaagad na tumakbo sina Mara at Xavi patungo sa akin at inakap ako.

“Buhay sina mudra at pudra,” ito ang sinabi ko nang maalis na nila ang kanilang pagkakayakap sa akin.

“Ang nakita mong dalawang nilalang Leo ay ang ating lolo at lola, ang mga magulang ni mudra, sila ang may hawak ng susi par-,” hindi ko na natapos pa ang aking mga susunod pa na sasabihin ng sa isang iglap ang aking wisyo ay narooon at bumalik na sa loob ng kuweba. Paanong nangyaring?

Iminulat ko ang aking mga mata at doon nakita ko ang dalawang minotaur na hawak-hawak na ako habang ang isa ay may hawak na isang bagay, hindi ko na matukoy pa kung ano ito. Basta ang tanging nakita ko na lamang ay ang paghampas niya sa akin ng bagay na iyon, mukhang ulo ko pa ata ang tinamaan dahil mula rito ang pagdaloy ng mga dugo.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at narinig ko pa ang mga sigaw ni mudra subalit hindi na malinaw sa akin ang mga ito. Hindi ako nagtagumpay, may kinakailangan na gumawa ng hakbang.

‘Xavi, Leo, Mara, kayo na lamang ang tanging pag-asa.’

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro