Kabanata 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 42


Xiomara Yvette’s Pov:

Pagkagising na pagkagising ko ay kaagad na bumungad sa akin ang langit na kay ganda, tingin ko ay walang nagbabadyang ulan na bubuhos sa araw na ito. Sisilay na sana sa aking mga labi ang isang ngiti subalit sa mga oras na iyon ay saka ko lamang naalala ang isang bagay. Umaga na, subalit hindi pa rin bumabalik sina ate Xavi at kuya Yael.

Napalunok ako ng ako’y mapatingin sa kuweba ng mga minotaur. Ayaw ko man isipin subalit alam kong nahuli sila, nahuli sila ng mga minotaur. Kaya pala dumagdag ng isa pang minotaur ang nagbabantay sa labas ng kuweba. Hindi ko alam kung nakatunog ba sila pero ang inaalala ko ay ang sinabi ni ate Xavi kahapon. Tama si ate, kailangan namin na malabanan ang mga minotaur ng hindi pumapasok sa loob ng kuweba. It is a risk if we pursue entering the cave for the third time.

Ang tanging nasa isip ko lang ay paano?

“Kuya,” isang mahinang pagtawag ko kay kuya Leo at kaagad na yumakap sa kaniyang bisig. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib upang ikalma ang aking sarili, nakatulong din ang mabagal na paghagod ni kuya Leo sa aking buhok.

Sa kaunting oras ay kinakailangan ko na iwaksi sa aking isipan na walang masamang nangyayari. Kailangan ko ang makapag-isip ng paraan para sa akin, sa amin, sa aking pamilya, at para sa lahat.

“Kuya,” kunot-noong pagtawag ko kay kuya ng maramdaman ko ang pagtigil niya sa paghagod sa aking buhok. Doon ko nakita ang pagpikit ni kuya, nagkatinginan kami ni Santi at kaagad siyang nagkabit-balikat. Ibig-sabihin may nakikita si kuya sa nakaraan, isang importanteng bagay sa nakaraan.

Hinayaan kong nakatayo si kuya habang siya ay nakapikit, nasa gilid pa rin niya ako at dumistansiya lamang ng kaunti dahil baka pagmulat niya ay bigla siyang matumba.

Sa wakas ay nagmulat na siya kuya subalit ng ako ay magtatanong na sana kay kuya tungkol sa kaniyang mga nakita ay napatigil ako, napatigil ako dahil bigla na lamang akong natulala.

Kaagad namutawi sa akin ang kagalakan, sa wakas, hindi na kami mahihirapan na isipin ang diskarte na marapat namin na gawin upang malabanan ang mga minotaur.

Napapikit-pikit ako ng maramdaman kong tapos nang ipakita sa akin ang ilang bahagi sa hinaharap na marapat na gawin namin.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo hanggang sa magsenyasan kami ni kuya sa kung sino ba ang mauunang magsalita. Mabuti na lamang at nagpaubaya na si kuya dahil hindi ko pa alam kung paano sasabihin na may kapangyarihan ako. Nararamdaman ko, ito na marahil ang tamang panahon para sabihin na nag-eensayo ako sa tuwing nawawala na lamang ako na parang bula.

“Nakita ko sa nakaraan na, anak si mudra sa labas. Nabuo si mudra dahil sa isang potion…gayuma. May iba pang bagay akong nakita pero wala namang lubusang kahalagahan ang iba sa ginagawa natin ngayon, puro iyon pinagmulan at mauubusan tayo ng oras kapag ikinuwento ko pa ito sa inyo paisa-isa. Ngunit may isang bagay doon na nakapukaw ng atensiyon ko,” nagkatinginan kami ni Santi at kita ko sa kaniyang mata ang pagkalito at pagkasabik din na malaman kung ano ba ang sinasabi ni kuya.

“Alam naman natin na hindi gumagana ang kapangyarihan sa loob ng kuweba kung kaya ay bago raw maganap ang lahat ng ito, naipasa nina lolo at lola ang kanilang kapangyarihan sa dalawang bunsong anak ni mudra,” pagpapatuloy ni kuya Leo sa kaniyang sinabi. Ramdam ko na kinakabahan siya base sa kung paano niya sabihin ang mga linyang sinabi niya, maging ako man ay ganoon din ang nadarama, kinakabahan.

“Wait, wait, wait, ibig sabihin may kapangyarihan kayong dalawa?” Nagkatinginan kami ni kuya Leo pagkatapos ay muling bumalik ang aming tingin kay Santi. May kaba man na nadarama sa aking dibdib ay tumango ako ng dalawang beses, sapat naman na siguro iyon upang ipahiwatig na ‘oo, may kapangyarihan ako.’

“Kaya pala, kaya pala nakita ko sa hinaharap na kami ni kuya Leo ang lalaban sa mga minotaur, habang ikaw Santi, ay magtutungo sa loob ng kuweba upang pangunahan ang pagsagip sa mga nilalang na nasa loob ng kuta ng mga minotaur,” sa wakas, nasabi ko rin ang lahat, nasabi ko rin na may kapangyarihan ako. Isang nakabarang tinik na naman sa aking lalamunan ang natanggal.

Namayani na naman ang katahimikan sa aming paligid hanggang sa mapangiti na lamang din kami dahil sa mga sarili rin namin. Kalaunan ay napagdesisyunan na rin namin na maghanda habang maaga pa para sa gagawin namin bukas. Gusto ko sana ngayon na dahil hindi ko na maatim isipin na nakakulong ang aking mga magulang habang ako ay naririto sa labas, subalit ika nga nila, ang pagpapadalos-dalos ay walang kabutihang maidudulot.

Basta ang alam ko, sasagipin namin ang lahat ng inapi ng mga minotaur kahit buhay pa man namin…ang kapalit.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro