CHAPTER V: NEW LIFE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

Ang mga araw ay ginugol nila sa pag-aayos ng mga ilalagay doon, magkatulong nilang inilipat ang ilang gamit mula sa kubo at dinala na doon kahit pa tumututol si Vladimir ay wala naman din itong nagagawa kundi tulungan syang magbitbit dahil kung hindi ay bibitbitin nya ang mga iyon ng mag-isa na ikinaiinis naman ng binata kaya walang magawa ito kundi tumulong, maging ang mga halamang ilang taon na nyang iniingatan ay inilipat nya doon at inilagay sa paligid ng tree house. Sa isang bagay nya lang hindi napigilan si Vladimir, bumili lang naman ito ng kama ng hindi nya alam, nagulat na lamang sya ng naroon na iyon. Ngiting-ngiti pa ito ng makita nya ang binili nito.

"Aanhin natin 'yan?" Salubong ang mga kilay na tanong nya.

"Hinihigaan ang kama di ba?" Pabalang na sagot nito kaya kinurot nya ang binata.

"Mayroon naman doon sa kubo, hindi naman kailangan ng bago."

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Hindi naman ako magkasya sa kama mong iyon, makailang ulit akong nalaglag sa lapag." Reklamo nito.

Pinanlakihan nya ng mga mata ang binata. "Sinong may sabing dito ka na naman makikitulog? Umuwi ka na sa inyo!" Pagtataboy nya.

"Aba, faye ang pangit talaga ng ugali mo." Ismid nito dahil hindi naman makaangal, takot lang nitong makurot o mahampas nya ulit.

Abala na sya sa pagluluto ng mapagdiskitahan naman ng binata na gawan sya ng mesa na maaari nya raw gamitin para sa mga tinatapos nyang paperworks, napapailing na lang sya sa mga naiisip nitong gawin parang kahapon lang ay naglagay ito ng LED Lights sa puno, sa veranda, sa hawakan ng hagdan maging sa pathway paalis sa lugar na iyon ay nilagyan nito upang kung gabihin daw ay hindi masyadong madilim.

"Tigilan mo na muna 'yan," sambit nya saka naghain na sa mesang naroon. Nagpunas ito ng pawis saka lumapit at tiningnan 'yong niluto nya.

"Faye, 'yong pinabili mo pa lang santol dito mo nilagay?" Di makapaniwalang tanong nito ng makita, umalis kasi ito ng saglit at binilinan nyang bumili ng santol. Akala ata ng binata ay trip nya lang kumain no'n, hindi nito alam na nanguha sya ng niyog at isda sa sapa dahil ng makabalik ito ay abala na sya sa kusina.

"Kumain ka na lang, wag ka ng mag-usisa."

"Pwede pala 'to?" Sambit ni Vladimir na ikinailing na lang nya. Nagsimula silang kumain at pinagmamasdan nya lang ito habang maganang kumakain ng niluto nya. "Ang sarap mong magluto faye," papuri nito sa kanya ng matapos kumain.

"Well, tinuro ng mga magulang ko 'yan." Pagyayabang nya na nginitian lang ni Vladimir. Nagpumilit itong maghugas ng pinagkainan nila pero ipinilit nya ring 'wag na at tapusin na lang ng binata ang naudlot na ginagawa kaya naman sa huli ay tinulungan na lang sya nitong magligpit saka bumalik sa ginagawa.

"Saan ka pupunta?" Rinig nyang tanong ni Vladimir kaya napahinto sya at humarap. Kunot ang noo nito habang diretsang nakatingin sa kanya, tagaktak ang pawis at nakasampay ang tshirt sa balikat.

Itinaas nya ang kilay kahit pa parang kukurap na ang mga mata nya sa nakita. "Mamimitas lang ako ng bayabas." Sagot nya.

Automatic na nawala ang pagkunot ng noo nito at napangiti. "Gagawa ka ng minatamis?" Tumango lang sya, agad nitong inilapag ang hawak na lagari. "Sama," sambit nito saka lumapit.

"Magpalit ka kaya muna? Ang sagwa mong tingnan."

Napatingin ito sa katawan. "Ayos naman ah?"

"Ang pangit, kumuha ka ng damit doon." Pagtataboy nya kaya napakamot si Vladimir sa ulo saka umakyat sa tree house para kumuha ng damit at ng bumalik ay nakasuot na ng tshirt.

"Tara?" Aya nito na tinanguan nya.

Naglakad sila patungo sa kung saan mayroong maraming bayabas ngunit hindi katulad noon na ibinigay nya pa rito ang lagyanan, ngayon ay kusa na nitong kinuha sa kanya iyon habang sabay silang namimitas. Hindi nya alam kung bakit pero kahit papaano ay gumagaan na ang pakiramdam nya siguro'y dahil sa panibagong lugar na kinalalagyan nya, pakiramdam nya ay nakakahinga na sya kahit papaano mula sa kahon na pinanggalingan nya.

"Sapat na ba ito?" Rinig nyang tanong ni Vladimir kaya lumapit sya at inilagay ang mga kinuha nya.

"Oo, marami na 'yan."

"Marami ka ng magagawang minatamis?" Inosenteng tanong nito, animo'y parang batang na-eexcite.

Tumango sya. "Marami-rami na rin siguro." Sagot nya.

Bumalik sila sa tree house at inasikaso na nya iyon para sa meryendahan nila habang abala na rin ito sa ginagawa.

"Faye," bigkas nito saka hinawakan sya kaya napatingin sya. "Tingnan mo, okay na ba 'yan?"

Napakurap-kurap sya saka tumango. "Kaya pala bumili ng malaking payong ah," kumento nya ng makitang nakatusok iyon sa gitna ng mesang ginawa nito habang nakapatong naman ang mesa sa malaking itim na sapin na nakalatag.

"Para di tayo masunog sa araw, natatanggal naman sya. Okay na?" Tumango sya bilang sagot. "Sure? Nagustuhan mo? Okay lang?"

Bahagya syang natawa sa pagiging bothered nito, pinisil nya ang pisngi ng binata. "Okay nga, nagustuhan ko kaya bumitaw ka na at tatapusin ko na 'to." Sabi nya.

"Okay, ibababa ko lang 'yong mga gamit na kailangan mo." Paalam ng binata sa kanya saka bumitaw at umakyat sa tree house, napailing-iling na lang sya at tinuloy ang ginagawa nya.

Pagkatapos nya ay inihain na nya iyon sa mesa sa gilid ni Vladimir na abala sa laptop, napahinto ito at agad na nginitian sya saka kinuha ang nilapag nya at nagsimulang kumain. Naupo na rin sya at nagsimula sa gagawin habang kumakain.

"Faye," tawag nito sa pansin nya.

"Hmm?"

"Meron pa?" Napaangat sya ng marinig iyon, nakita nyang nakatingin ito at ipinakita pa ang wala ng lamang mangkok nito. "Ubos na," nakangiting sabi pa ni Vladimir.

Inilapag nya ang hawak na ballpen saka kinuha iyong mangkok, pinalitan nya iyon ng mas malaki saka pinuno ng laman at inilapag sa mesa.

"Yes!" Parang batang pagbubunyi ni Vladimir ng makita ang inilapag nya, niyakap pa sya nito na ikinagulat nya. "Sorry," natatawang sabi nito na inirapan nya lang.

Bumalik sya sa ginagawa nya, wala ng umimik sa kanilang dalawa maliban na lamang kung kukulitin sya ni Vladimir kagaya na lamang ng sumapit na ang hapon.

"Faye," tawag nito saka lumipat sa tabi nya at nakisilip sa ginagawa nya. "Di ka pa tapos?"

"Bakit?"

"Anong ulam natin?" Tanong nito.

"Hindi ko alam, anong gusto mo?"

"Beef steak?"

Naningkit ang mga mata nya saka tiningnan ang katabi, pinisil nya ng madiin ang pisngi nito.

"Mukha bang may beef tayo dito?" Taas ang isang kilay na tanong nya.

Napadaing si Vladimir. "Wala...bibili ako. Samahan mo ko?"

"Malaki ka na, kaya mo na 'yon."

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Sigi na nga," tumayo ito at kinuha sa sabitan ang susi ng kotse. "Nga pala faye," tawag nito sa pansin nya.

"Hmm?" Nag-angat sya ng tingin.

"Naubos ko ulit," nakangiting sabi nito saka ipinakita 'yong mangkok bago ilagay sa lababo.

"Magkaka-diabetes ka na nyan." Tanging sabi nya, nagpaalam na itong aalis na tinanguan nya lang.

Ilang oras ding nagtagal ang binata bago ito bumalik na agad na tumabi sa kanya. "Faye," bungad nito.

"Ano?" Ihinarang nito sa harap nya ang supot kaya napakunot ang noo nya. "Ano 'yan?"

"Tingnan mo." Nakangiting sagot nito kaya kinuha nya at tiningnan, napahinto sya ng makita ang laman no'n.

"Puto?" Patanong na sambit nya.

Tumango si Vladimir. "Di kasi mawala sa isip ko 'yong minatamis," pinisil nito ang pisngi nya. "Galing mo kasi e, kuhang-kuha mo 'yong lasa no'ng unang minatamis na dinala mo sakin noon tapos naalala ko 'yan no'ng nasa bayan ako kaya binilhan kita."

Napangiti sya dahil do'n, ganoon kasimple at ngumiti na sya agad na ikinahinto ng pag-ikot ng mundo ni Vladimir. "Salamat," sambit nya saka ibinalik ang tingin sa ginagawa habang inaalis ang papel ng puto.

"Did...did you just...smiled on me?" Di makapaniwalang tanong nito.

"I did," balewalang sagot nya, hindi nya narinig kung nagsalita pa ang binata kaya tiningnan nya iyon para lang makitang nakatingin ito sa kanya habang may ngiti sa mga labi at di makapaniwala. "You are being exaggerated, ikaw ang magluluto o ako?"

Lumambot ang ekspresyon nito. "Pwedeng ikaw ulit? Ang sarap kasi ng luto mo e," nakangiti pa ring sagot nito.

"Okay," inilapag nya sa mesa ang mga papel na nasa lap nya saka tumayo at binitbit 'yong supot papunta sa kusina, nagsuot sya ng apron at nagsimulang magluto. "Vladimir," tawag nya pagkaraan ng ilang minutong pagluluto.

"Po?" Sagot sa kanya.

"Tikman mo nga kung okay na sayo 'to," utos nya. Agad namang lumapit sa kanya ang binata at tinikman 'yong niluluto nya.

Napangiti si Vladimir. "Ang galing mo, faye."

Inirapan nya ito. "Masarap o hindi?"

"Masarap syempre," agap na sagot nito sa kanya.

Matapos nyang makapagluto ay naghain na ito, katulad noong magluto sya ay magana na naman itong kumain kamuntikan pa ngang maitaob ang sinaing nyang kanin na ikinangiti na lang nya, ito na ang naghugas ng matapos silang kumain at bumalik na sya sa ginagawa. Lumipas ang mga oras na kung ano-ano ang ginawa nito habang abala sya, hanggang sa nahiga na ito sa gilid nya at ng muli nyang tingnan ay tulog na. Napabuntonghininga sya ng makitang pasado alas dose na ng gabi, iniunat nya ang likod saka ginising ang binata.

"Umakyat ka na sa taas, lalamukin ka dito." Utos nya pero hinawakan nito ang kamay nya.

"Tulog na tayoooo," aya nito sa kanya.

"Natutulog ka na nga," sambit nya kaya napaupo at napamulat ng mga mata ang binata.

"Hindi ako natutulog," pagtanggi nito na ikinailing nya.

"Magliligpit lang ako, umakyat ka na."

"Hindi naman mawawala 'yan dyan, halika naaaa." Pilit nito kaya napabuntonghininga sya at nagpaubaya na sa pangungulit nito.

Umakyat sila sa itaas at iniwanan na 'yon doon sa baba. Pagpasok sa tree house, dumiretso ito sa lapag at nagbanig ng higaan samantalang sa kama naman sya mahihiga. Binalot nya ang sarili, ini-lock naman nito ang pinto at natulog na sila. Kinaumagahan ay kinailangan nyang pumunta sa eskwelahan upang magpa-check ng mga nagawa at umattend sa meeting para sa thesis, inaantok pa ng bumaba sya para pumasok sa banyo. Nakasalubong nya pa si Vladimir na katatapos lang magtimpla ng kape.

"Aalis ka?" Tanong agad nito ng makita ang mga dala nya.

"Nag-chat 'yong kaklase ko kailangan daw pumunta sa school." Inaantok na sagot nya saka pumasok sa banyo at ni-lock iyon, muntikan pa syang makatulog habang naliligo. Buti na nga lang at kahit minsan ay walang ginawa ang lalake sa kanya kahit pa palaging silang dalawa lang ang magkasama, bagay na ikinapapasalamat nya ng husto.

Pagkatapos nya mag-asikaso ay naligo lang ang binata at inihatid sya nito sa eskwelahan. "Text mo na lang ako kung anong oras ka uuwi ng masundo kita." Bilin ni Vladimir na tinanguan nya lang bago ito umalis, inabala nya ang sarili sa pag-aasikaso ng thesis, buong araw. Gabi na ng makalabas sya ng eskwelahan kasabay ang mga kaklase nya saka nya lang naalala si Vladimir ng makita nya itong nakatayo sa may kotse nito.

Agad syang lumapit dahil nakita nyang kunot ang noo ng binata. "Kanina ka pa?" Bungad nya.

"Bakit-"

"-ayiii may taga-sundo pa lang mayaman si Fatima!" Hiyaw ng kaklase nya at inasar na sya ng mga ito.

Pinagbuksan sya ni Vladimir ng pinto. "Get in," seryosong sambit nito na sinunod na lang nya dahil mukhang wala ito sa mood.

"Ayos ka lang?" Tanong nya ng makarating sila sa tree house pero hindi pa rin umiimik ang lalake.

Napabuntonghininga ito. "Have you even checked your phone?" Inis na tanong nito kaya agad nyang tiningnan ang cellphone.

"Ang dami mong missed calls...." di makapaniwalang sambit nya ng makita.

"Exactly, 100 damn missed calls na ni isa wala kang sinagot."

"Kaya nga missed calls kasi wala akong sinagot?" Pabalang na sagot nya.

Gumuhit ang irita sa mukha nito. "Faye naman," inis na sambit nito.

"Okay. I'm sorry, nawala sa isip ko sa dami ng tinatapos ko."

"Kailan ba ko mananatili sa isip mo?" Inis na tanong nito saka napamura at nagdadabog na umakyat sa tree house, naiwan syang nakatanga. Hindi nya alam kung matatawa sya dahil sa sinabi nito o maguguluhan sa inasal nito, napapakamot sa ulong inilapag nya sa mesa ang gamit saka sumunod sa tree house.

Kinatok nya ang pinto dahil naka-lock iyon. "Vladimir?" Tawag nya, padabog na binuksan nito ang pinto at bumungad sa kanya ang salubong nitong kilay.

"Ano?"

"Sorry?" Natatawang sambit nya.

"Tinatawanan mo ko?" Tanong nito na malapit ng magbuhol ang mga kilay.

Naiiling na humakbang sya papasok saka muling natawa. "Ang cute mo kasi, galit ka pa ba? Sorry na."

Napabuntonghininga si Vladimir. "Faye,"

Lumapit sya at kusa na itong niyakap. "Alam ko, sorry. Na-busy lang talaga, hindi ko naman ini-expect na big deal pala 'yon. Sorry."

Lumambot na ang ekspresyon nito ng tingnan nya. "Hindi ganoon," sambit nito saka hinawi ang buhok nya para ayusin. "Ayos lang naman sa akin ang maghintay kahit buong araw pa pero sana sinabihan mo ko kung nasa loob ka pa o hindi, buti sana kung hindi maramot 'yong guard ni ayaw sabihin kung lumabas ka na ba o hindi."

"Okay, sa susunod di na uulit," bumitaw na sya at humiwalay. Tinaasan nya ito ng kilay. "So, paano mo nakuha ang number ko? Wala akong maalalang ibinigay ko sayo at mas lalong hindi ko maalalang nag-phonebook ako ng number mo."

Alanganing ngumiti si Vladimir. "Ginawa ko, hehe." Pag-amin nito saka nag-iwas ng ingin.

"Kelan aber?" Mataray na tanong nya.

"No'ng tulog ka?"

Napairap sya. "Pwede namang hingin na lang, nagpakahirap ka pa."

"Naisip ko kasing baka di mo ibigay paghiningi ko."

Pinisil nya ng madiin ang pisngi ng binata. "Baliw ka, bakit naman hindi."

"Naisip ko lang, hehe."

"Ewan ko sayo, number lang naman 'yon."

Agad na napakunot ang noo ni Vladimir ng marinig ang sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ibinibigay ko naman kapag hinihingi e."

"Faye, hindi mo dapat basta-basta ipinamimigay ang number mo."

"Alam ko, ang ibig kong sabihin ibinibigay ko naman kapag kilala ko 'yong humihingi," lumapit sya sa aparador at kumuha ng damit na pamalit saka bumaba sa cr para magbihis, paglabas nya ng banyo naghahain na si Vladimir sa mesa. "Bumili ka ng ulam?"

Umiling ito. "Nakaluto na ko bago kita sunduin."

"Antaray naman," isinabit nya ang twalya sa sabitan. "Anong ulam?"

"Does mechado okay with you?"

"Pano pag-hindi?"

Nilingon sya ni Vladimir, napahinto sya sa pag-ipit ng buhok. "Edi, magluluto ulit?"

Naiiling na tinawanan nya ito saka lumapit matapos maayos ang buhok. "Loka, binibiro lang kita. Okay lang naman."

"You sure?" Di kumbinsidong tanong nito.

Naupo na sya. "Yup, tama na 'yan, maupo ka na." Sagot nya, sumunod ito at kumain na silang dalawa.

Nang sumunod na araw ay parehas silang may lakad, sya sa eskwelahan samantalang sa trabaho naman ang diretso ni Vladimir matapos syang ihatid.

"Ingat," paalam nya ng ibaba nito ang bintana bago umalis, tumango lang ito saka ngumiti bago nagmaneho paalis.

"Ay may kerengkeng," rinig nyang sabi at napalayo na lang sya ng sundutin ng kaibigan nya ang tagiliran nya.

"Sino 'yon?" Parang pulis na tanong ni Yammie.

"Wala," tanggi nya pero kinukulit sya ng dalawa. "Si Vladimir, okay na?" Napipilitang sabi nya.

"Yiii!" Nang-aasar na sabay na sabi ng dalawa saka kiniliti sya habang papasok sila ng eskwelahan.

"Akala ba namin nakalimutan na?" Si Miriam.

"Mahabang kwento." Sagot nya.

Inakbayan sya ng dalawa. "Marami kaming oras." Pamimilit ng mga ito sa kanya.

Hapon na ng matapos sila sa mga pinagagawa ng teacher, palabas na sya ng eskwelahan ng tumunog ang cellphone nya ng tingnan nya ay nag-text si Vladimir.

Vlad:
I won't be able to fetch you Faye.
I'm sorry, bawi ako pag-uwi ko.
Text mo ko kapag nagka-problema, ingat ka madam :)

"Ayiiii!" Pang-aasar ng mga kaibigan nya. "Magka-text pa nga!"

"Ewan ko sainyo," tanging sabi nya.

Nagkanya-kanya sila ng para ng jeep pauwi, imbis na dumiretso sa tree house ay dumaan sya sa kubo para kuhanin 'yong malaki nyang box saka sya naglakad papunta sa tree house. Maingat syang humakbang ng bigla na lang may humawak sa braso nya, napatili sya at muntikan pa nyang mabitawan ang hawak. Tawa naman ng tawa ang dalawang kaibigan nya ng lingunin nya, wala syang magawa kundi ang sumimangot at tingnan ng masama ang dalawa, di nagtagal ay naglaho ang tawa nila ng dumaan na sila sa madilim na gubat.

"Anong gagawin mo ba kasi dito, Fatima?" Natatakot ng tanong ni Miriam na nakakapit na sa kanya, ganoon din si Yammie.

"Basta," sagot nya, di nagtagal ay nakita na nya ang mga LED Lights na ikinabit ni Vladimir, lumakad sila palapit doon at napanganga na lang ang dalawa ng makita ang tree house.

"Wow! Ang ganda!" Sabat na sambit ng mga ito ng makita ang lugar lalo na't gabi na tapos umiilaw na rin ang iba pang ikinabit ni Vladimir na LED Lights.

"Grabi, sayo 'to?" Tanong ni Miriam na manghang-mangha.

Tumango sya saka inilapag sa mesa ang box na dala. "Ipinagawa ni Vladimr," sagot nya. "Bihis lang ako." Umakyat sya sa tree house, patapos na sya magbihis ng bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa.

"Ang ganda talaga," di makapaniwalang sabi ni Yammie.

Bumaba sila sa baba at nagluto sya habang nagkukwentuhan silang tatlo, sabay-sabay silang kumain at pagkatapos ay umakyat na sa tree house dahil nag-aya si Miriam na mag-movie marathon.

"Ang kyoot talaga!" Pabirong sinagi sya ni Miriam.

"Nakakainggit ka naman teh!" Biro nito.

"Oo nga, may gwapo ng papa tapos engineer pa plus may ganitong bahay! Hay!" Segunda ni Yammie na tinawanan nya lang.

"Anong tugon ng inggiterang katulad natin?" Tanong ni Miriam.

"Sanaoll pi!" Sigaw ni Yammie at nagtawanan silang tatlo saka bumalik sa panonood. Nag-eenjoy na sila ng may marinig syang tumatawag sa ibaba.

"Faye? Nakauwi na ko!" Rinig nyang sabi kaya napabangon sya saka binuksan ang pinto at lumabas sa veranda.

Napatingin sa gawi nya si Vladimir ng marinig ang pagbukas nya ng pinto. "Hi," bati nya na agad namang sinagot ng binata ng isang magandang ngiti saka itinaas ang hawak na supot.

"Dumaan ako sa bayan, binilhan kita ng puto." Sambit nito saka naglakad palapit.

Narinig iyon ng mga kaibigan nya kaya agad na lumabas ang mga ito, napakunot ang noo ni Vladimir ng makita ang mga iyon. Napabuntonghininga sya saka tiningnan ng masama ang mga kaibigan na biglang sumingit di pa nga nya nasasabi kay Vladimir ang tungkol sa mga ito.

"May bisita ka pala, gabi na." Sambit ng binata kaya bumaba na sya.

"Yes, sorry. Hindi ko nasabi agad, sinamahan nila ako pauwi." Agap nya.

"Ayos lang, kumain na kayo?"

Tumango sya. "Ikaw?"

Umiling ito. "Hindi ko gusto ang luto sa cafeteria, parang namamahay ang panlasa ko."

"Loka, arti naman nyan."

Tumawa si Vladimir. "Anong ulam natin?"

"Ginisang chapsuey, ayos lang?"

"Basta ikaw nagluto, oo naman." Sagot agad ng binata.

"Oks, magpalit ka na, maghahain ako."

Napangiti ito. "Thank you, faye."

Tumango lang sya, ibinigay nito ang supot sa kanya at dumiretso na sya sa kusina para maghain. Di rin nagtagal si Vladimir sa itaas, kumuha lang ito ng pamalit saka bumaba at dumiretso sa cr.

Paglabas nito ay naupo na ito sa harap ng inihain nya. "You sure kumain ka na?" Tanong ulit nito.

"Yup, magkakasabay kami." Sagot nya saka naupo sa kaharap nito at inilabas sa supot 'yong pasalubong nitong puto sa kanya, saglit syang pumunta ng kusina at pagbalik ay may dala na syang mug na may lamang gatas.

"Kamusta ang lakad mo?" Tanong ni Vladimir habang maganang kumakain kahit pa halata ang pagod sa mukha nito.

"Ayos naman, may ilang minor revisions lang." Uminom sya ng gatas saka tiningnan ang kaharap. "Ikaw? Parang pagod na pagod ka ata?"

"Puro meetings, nangalay na ang likod ko kauupo." Reklamo nito.

"Signs of aging na 'yan." Biro nya.

"Malakas pa ko Faye,"

"Halata nga," sang-ayon nya ngunit ang tinutukoy ay ang pagkain nito.

Naningkit ang mga mata ni Vladimir. "Inaasar mo ata ako?"

"Sorry, nahawa na ko do'n sa dalawa."

Napakunot ang noo ng binata ng marinig iyon "Why?"

Sumimangot si Faye. "Inaasar ako no'ng dalwa, mga walang mapagtripan sa buhay."

"Wag kang papatalo," pagpapalakas nito ng loob nya na inilingan nya.

"Ayos lang naman, masaya sila e." Balewalang sabi nya, matapos nitong kumain ay sya na ang naghugas para makapagpahinga ito.

"Uuwi ba sila?" Rinig nyang tanong ni Vladimir, ng lingunin nya ay nasa gilid nya lang pala ito habang nakahalukipkip.

"Bukas na lang sana ng umaga, ayos lang ba? Madilim na kasi." Tumango si Vladimir.

"Delikado na rin sa daan, sa taas na kayo."

"Saan ka?"

"Dito na lang sa baba."

"Pero pwede namang sa kama ka tapos sa lapag kami."

Umiling si Vladimir. "Ayos na ko dito sa baba."

"Pasensya na talaga, hindi ko naman sila inaya-"

"-Faye, ayos lang. Masaya akong may mga kaibigan ka." Nanlaki ang mga mata ni Vladimir para biruin si Faye. "Kaya ba ayaw mong maging kaibigan ako? Hala faye,"

Hinampas sya ng dalaga. "Loka, hindi gano'n!"

Napailing-iling sya. "Sabi ko na nga ba, may lihim kang ano sa akin!" Biro pa nya na tinawanan ni Faye.

"Ang kapal mo talaga, para namang magkakainteres ako."

Napahawak sya sa dibdib ng marinig iyon. "Ouch, medyo masakit." Arte nya.

"Pagod lang 'yan vladimir, magpahinga ka na."

"Ikaw din faye, kailangan mo ng mahabang pahinga." Seryosong sabi ni Vladimir.

Natapos ang gabing iyon ng sa ibaba natulog si Vladimir at sa itaas silang magkakaibigan, pagsapit ng umaga ay inihatid nila ang mga kaibigan nya sa sakayan sa main road saka bumalik sa tree house.

Inaantok na umakyat sa hagdan si Faye, napatili lang sya ng buhatin sya ni Vladimir at dalhin sa loob ng tree house, wala naman itong ginawa maliban sa tinawanan sya dahil sa pagtili nya ay inilapag sya ng binata sa kama saka kinumutan bago ito pumuwesto sa lapag at natulog silang muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro