CHAPTER VIII: CONFESS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

"Malaglag ka dyan," paalala nya ng makitang nasa veranda ang batang makulit habang nagpipinaw sya ng sinampay at inilalagay sa basket na nasa harapan nya, sila lang dalawa dahil nasa trabaho rin si Vladimir ng araw na iyon.

Matapos magpinaw ay tinupi nya ang mga damit saka akmang bubuhatin na ang basket na may laman na mga tinupi nya ng sumulpot si Vladimir at binuhat iyon para sa kanya.

"Ang aga mo naman?" Gulat na sabi nya.

Ngumiti ang binata saka inilapag ang basket at hinawakan sya sa bewang, nasanay na sya na ganoon ito sa mga araw na lumipas. "Maagang natapos ang trabaho sa site kaya umuwi agad ako," iniangat nito ang hawak. "Binilhan kita ng pasalubong."

"Pizza?" Sambit nya ng makita.

Tumango si Vladimir. "Sabi mo nagc-crave ka di ba?"

"Pero hindi ko sinabing bumili ka,"

Muling napatango ang binata. "Wala nga, ang sabi mo bibili ka pagluwas mo sa bayan but since dumaan ako sa bayan, bumili na ako."

Madiing pinisil nya ang pisngi ng binata. "Thank you but stop being a spoiler."

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Faye naman, ayaw mong bumili ako ng gamit tapos pati pasalubong ayaw mo na rin?"

"Ayoko lang na gumagastos ka."

"Faye," Naglalambing na yumakap ito sa bewang nya. "Hayaan mo na lang ako, ito lang naman ang mabibigay ko e unlike you na inaasikaso mo ko tsaka ipinagluluto, kumpara sa luto mo walang wala nga ito e."

Hindi sya nakaimik habang nakatingin kay Vladimir, hindi nya alam pero may iba syang nakita sa mga mata nito hindi sya sigurado kung pangamba iyon o takot pero para saan?

Tinaasan nya ng kilay ang binata. "Baliw ka, anong ito lang? Ipapaalala ko lang sayo na kung hindi dahil sayo wala tayo dito."

"Nagsisisi ka na?"

"May ikinatatakot ka ba?" Tanong nya dahilan para mapabitaw ito, napatango sya ng makita ang reaksyon ng binata. "Vladimir, kung ano man 'yan. I don't think dapat mong ikabahala 'yan."

"Faye..."

Saglit nyang tiningnan ang binata saka inayos ang nagulong damit na nasa ibabaw ng tinupi nya. "There's nothing to worry about vladimir, ayos ang lahat." Bumaling sya kay Alicia. "Baby bumaba ka na dyan, may pasalubong ang tiyo mo!" Tawag nya.

Isang linggo makalipas ang araw na iyon at patuloy pa rin namang nag-uuwi ng pasalubong para sa kanya si Vladimir na hinayaan na lang nya dahil hindi na nawala sa isip nya ang nakita nyang iyon sa mga mata nito. Hindi rin nya alam kung bakit pero para bang sa isang iglap naglaho ang confident na Vladimir na nakilala nya, para bang inihip iyon ng hangin at nagbago ito.

"Ayos ka lang?" Tanong nya ng makitang tahimik itong nakaupo sa may hagdan, para bang napakalalim ng iniisip.

Ngumiti ito ng makita sya. "Oo naman,"

Naupo sya sa tabi nito. "Huwag ka ng magsinungaling, alam ko namang hindi." Tiningnan nya ang binata. "Sabihin mo sakin, anong problema?"

Umiling ito saka isinandal ang ulo sa balikat nya. "Ayos lang ako."

Napabuntonghininga si Faye. "Hindi ka mukhang ayos."

"Nag-aalala ka sakin?"

"Sino bang hindi? Ang tamlay mo pero wala ka namang sakit."

Muli itong napangiti. "Ayos lang naman ako faye, pagod lang sa trabaho."

"Mag-leave ka kaya muna?" Suhestyon nya. "Palagi ka na lang pagod."

Nawala ang ngiti ng binata. "Sawa ka na ba?"

"Huh?"

Napailing ito saka tumayo na. "Wala, halika na. Tulog na tayo," aya nito saka umakyat na, napabuntonghininga sya saka sumunod.

"Seryoso vladimir, mag-take ka ng leave ng makapagpahinga ka ng maayos baka magkasakit ka pa sa ginagawa mong 'yan." Pinal na sabi nya ng nakahiga na sila, nagtalukbong sya ng kumot ng wala syang marinig mula sa binata.

Sobra-sobrang pagtataka na talaga ang nararamdaman nya, normal naman sila ni hindi nga naging rason ang nangyari sa sapa para magka-ilangan sila, hindi na nila napag-usapan iyon at kahit na napapaisip sya ay hindi na nya inungkat pa iyon. Ayos sila ngunit iba talaga ang pakiramdam nya, para bang mayroong problema na hindi sinasabi sa kanya.

"Faye," rinig nyang tawag nito ng sumunod na araw, linggo ngayon kaya naman silang dalawa lang, nasa kubo si Alicia dahil wala namang pasok ang kuya nya.

Lumabas sya mula sa kusina at napatingin sa hagdan, pababa doon si Vladimir habang inaayos ang sleeves ng polo nito.

"May lakad ka?" Di mapigilang tanong nya.

Tumango ito saka lumapit. "Ayos lang bang iwanan muna kita? Luluwas lang ako ng maynila."

Napatango sya, hindi naman sya kokontra dahil mukhang pinal na ang desisyon nito, isa pa wala naman syang karapatang kontrahin ang mga desisyon nito. "Oo naman," sagot nya saka bumalik sa ginagawa.

"Faye," tawag ulit nito sa kanya. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong gagawin ko? Bakit kailangan kong lumuwas?"

Napahinto sya ng marinig iyon, humarap sya at nakita nyang nakakunot ang noo ni Vladimir habang nakatingin sa kanya. "Vlad-"

"-nevermind," putol ng binata sa sasabihin nya, lumapit ito at kahit bakas ang pagkairita sa mukha ay hinalikan sya sa noo. "Text mo ko pag-may problema, aalis na ko." Tanging sabi ni Vladimir sa kanya saka tumalikod na, kinuha ang susi ng kotse sa sabitan at walang lingon likod na umalis.

Nagsalubong ang mga kilay nya sa pagtataka, ano ba talagang problema?

"Bakit di maipinta ang mukha mo?" Rinig nyang bungad ng kapatid nya ng pumunta sya sa kubo matapos ng lahat ng gawain nya sa tree house. "Nakita kong umalis si Vladimir, linggo ngayon. Nag-away kayo?"

Pabagsak syang naupo sa silya. "Hindi ko alam sa kanya,"

"Anong hindi mo alam?"

"Aysh! Hindi kami nag-away!" Inis ng hiyaw nya ng makita ang tingin ng kapatid sa kanya, nagdududa kasi iyon.

"Hindi pero ganyan?"

Napabuntonghininga sya. "Hindi ko alam sa kanya, tinawag ako kanina sabi aalis daw sya tapos tinanong ako kung ayos lang daw bang iwanan nya ako tapos umoo ako kasi ayos lang naman tapos ayon nairita sya kasi hindi ko man lang daw tinanong kung anong gagawin nya o bakit kailangan nya umalis," pagkukwento nya saka humarap sa kapatid. "Bakit ba ang hirap nyo kausap?"

"Bakit kasi hindi mo na lang tinanong?"

Napasimangot sya. "Bakit kasi kailangan ko pang tanungin? Mukha naman syang sigurado na sa gagawin? Aysh!" Napapadyak sya. "Bakit ba ganyan kayo? Kapag kinukwestyon naiinis kasi andaming tanong tapos kapag hindi nagtatanong big deal pa din! Ano ba talaga!"

"Fatima para kang tanga."

"Ako pa ah?" Tiningnan nya ng masama ang kapatid na abala sa pagliligpit. "Teka nga kuya! Bakit parang kinakampihan mo pa sya!?"

"Hindi ko sya kinakampihan, kahit sino naman maiirita sa ginawa mo para ka kasing walang pakealam man lang."

Napa-face palm na lang sya ng marinig iyon, buong araw syang nangulit at nanggulo sa kubo hanggang sa pagsapit ng hapon ay umuwi na sya sa tree house dahil pinagtatabuyan na sya ng kuya nya. Kunsumi na ito masyado sa kakulitan nya lalo pa't may Alicia itong napakakulit din.

"Faye...?" Rinig nyang tawag mula sa baba kaya lumabas sya ng tree house at nakita nya si Vladimir, bumaba sya sa hagdan at sinalubong ito.

"Lasing ka?" Tanong nya ng mapansin ang pamumula ng binata.

Ngumiti ito saka yumakap sa bewang nya. "Nakainom lang,"

Napakunot ang noo nya. "Huwag mong sabihing lumuwas ka ng maynila para lang mag-inom?"

Tumawa si Vladimir saka umiling. "Hindi ko sasabihin,"

"Vladimir naman-"

"-tsaka bakit tinatanong mo ko ngayon?" Humaba ang nguso nito saka nag-pout. "Parang kanina ni wala kang pakealam kung anong gagawin ko tapos ngayon andami mong tanong, faye may pakealam ka na sakin?"

Napabuntonghininga sya. "Hindi kita tinanong kanina kase mukhang final na ang desisyon mo, hindi mo naman na kailangan ng opinyon ko kaya sinagot ko lang ang tanong mo." Pinisil nya ang pisngi ni Vladimir. "Hindi dahil wala akong pakealam."

"Pero nagpaalam ako-"

"-hindi paalam 'yon, nagsabi ka lang."

Umiling ang binata. "Sabi ko 'Ayos lang bang iwanan muna kita? Luluwas lang ako ng maynila' nagpaalam ako." Kontra nito.

"Hindi paalam 'yon, magkaiba 'yong 'luluwas lang ako ng maynila' sa 'pwede ba akong umalis? Pwede ba akong lumuwas?' Magkaiba 'yon." Napailing sya. "Bakit ba pinagtatalunan pa natin? Tapos naman na," sambit nya saka akmang aalalayan na ang binata ng pigilan sya.

"Hindi tayo nagtatalo, galit ka ba sakin faye?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi mali ako?"

"Ayos lang naman magkamali, kumain ka na ba?"

Nakasimangot na tumango si Vladimir. "Kumain kami bago uminom, ampangit ng lasa."

"Ng alak?"

"Tsaka pagkain, parehas pangit." Ngumiti ang binata. "Buti na lang maganda ang faye ko," naglalambing na sabi nito.

Napairap sya. "Mabuti pa umakyat ka na sa taas."

"Ako lang? Bakit?"

"May tinatapos ako,"

"Nagluto ka?" Bumitaw ito sa kanya at pumunta sa kusina kahit sumusuray na sa kalasingan. "Ano ulam natin faye?"

Napasaltak na lang sya saka sumunod. "Tinola, kakain ka?"

"Hehe, pwede bang ikaw na lang?" Nagsalubong ang kilay nya ng muli itong lumapit at yumakap sa bewang nya. "Ikaw na lang kainin ko, hehe."

Hinampas nya ang binata ng halikan sya sa pisngi. "Tumigil ka nga, dapat matulog ka na lasing ka e."

"Hindi ka ba natatakot sakin?"

"Bakit ako matatakot sayo?"

"Lasing ako tapos tayong dalawa lang, kapag pinilit kita hindi ka makakalaban kasi mas malakas ako." Sagot nito, ipinatong ni Vladimir ang noo sa balikat nya.

"Pipilitin mo ba ako?" Umiling ang binata. "Mabuti pa umakyat ka na sa-"

"-faye,"

"Hmm?"

"Bakit hindi ka natatakot sa akin?"

"Vlad-"

"-kasi iiwan mo naman ako?"

Nagulat sya sa narinig, lalo na sa tono nito na para bang mayroong sakit iyon na hindi nya alam kung saan nanggagaling. Tiningnan nya ang binata at nakapikit iyon.

"Bakit kita iiwan?"

"Kasi ayaw mo na sakin?"

"Vladimir," seryosong sambit nya.

"Yes po?"

"Can you be honest with me?"

Tiningnan sya ni Vladimir. "Palagi naman akong honest sayo ah?"

"Hindi ka palaging honest vlad," Napatuwid ito ng tayo ng marinig iyon. "Akala mo ba hindi ko alam na nagsisinungaling ka sakin?"

"Faye..."

"Ilang beses kitang tinanong at lahat ng pagkakataong 'yon palagi kang nagsisinungaling."

"Kaya ba wala ka ng pakealam sakin?" Lumamlam ang mga mata ng binata. "Ayaw mo na sakin?"

"Sinabi ko na di ba?" Pinisil nya ang pisngi nito. "May pakealam ako sadyang mali ka lang kanina, isa pa bakit naman aayawan kita?"

"Kasi ganito ako?"

"Wala namang mali sayo at kung marunong ka lang maging open sakin baka hindi ka na nagdaramdam."

"Faye, akyat na tayo."

"Kanina ko pa sinasabi, hindi ka nakikinig."

"Sorry," hinawakan sya ni Vladimir sa kamay at inalalayan paakyat ng hagdan kahit pa dapat ay ito ang inaalalayan dahil ang binata ang hindi makahakbang ng maayos. Pagpasok nila sa tree house agad na nahiga ito sa pwesto kaya naman nahiga na rin sya sa kama at nagkumot. "Faye?"

"Bakit?"

"Pwedeng tumabi?"

Humarap sya sa binata at nakita nyang nakaupo ito habang nakatingin sa kanya. "Bakit nagpapaalam ka ngayon?"

"Kasi lasing ako?"

"Baliw ka,"

"Pwede?"

Napairap sya. "Oo,"

Ngumiti si Vladimir saka sumampa sa kama at tumabi sa kanya, yumakap ito sa bewang nya at umunan sa may balikat nya. "Faye..?"

"Ano na naman?" Mataray na tanong nya na tinawanan ng binata.

"Can I share something?"

"Of course, you don't have to ask just spill it."

"Thank you," saglit itong natahimik. "Naalala mo 'yong ex ko no'ng 21years old ako?"

"Yong iniwan ka at ipinagpalit ka sa iba, sabi mo?" Tumango si Vladimir kaya napakunot ang noo nya. "Oh? Anong meron sa bruhilda? Nakikipagbalikan sayo?"

"I don't know if dapat mo pang malaman 'to pero ikukwento ko pa rin habang may lakas pa ako ng loob," bahagyang tumawa ang binata. "Lasing ako e,"

"Spill na, anong meron?"

"10 years din ang naging relasyon namin, iningatan ko sya...pinahalagahan ko kasi pakiramdam ko sya na talaga hanggang sa pagtanda pero bago kami mag-10years nalaman kong niloloko nya ako...may iba syang lalake,"

"Ilang taon sya?"

"Magkasing edad lang kami."

"Bakit daw may iba?"

"Hindi ko raw kasi maibigay kung anong kailangan nya..."

"Kailangan nya? Ano bang kailangan nya?"

"Sex..." rinig nyang mahinang sagot ni Vladimir kaya agad syang napatingin sa binata.

Napakunot ang noo nya saka napatingin sa kisame. "Kailangan pala 'yon?"

"Oo,"

"Kaya pala lumalaki ang issue ng teenage pregnancy, kailangan pala 'yon," ibinalik nya ang tingin kay Vladimir. "Anong ginawa mo?"

"Ibinigay ko-"

Nanlaki ang mga mata nya at hinampas nya ng malakas ang binata. "Bakit?!"

"Kasi naging desperado ako, sabi nya 'yon ang kailangan nya kaya ibinigay ko para hindi nya ako iwan."

Napabuntonghininga sya ng makita ang sakit sa mga mata ng binata. "Pero iniwanan ka pa rin."

Tumango si Vladimir saka nag-iwas ng tingin at sumubsob sa balikat nya para itago ang mukha dahil pansin na nya ang panunubig ng mga mata nito. "Kasi kahit anong gawin ko hindi na raw magiging sapat para sa kanya lahat, ayaw na raw nya sa akin, nagsasawa na sya kasi ang boring ko ni hindi ko man lang daw sya halikan ni yakapin naiilang pa raw ako parang hindi raw kami magkasintahan, parang nandidiri raw ako sa k-kanya," kwento nito, saglit na huminto ang binata ng marinig nyang nabasag ang boses nito.

"Pero?" Dugtong na pang-uudyok nya, kunwaring hindi nya napansin iyon para magpatuloy ang binata sa pagkukwento.

"P-pero gusto ko lang naman syang ingatan, gusto kong i-preserve lahat kasi pinahahalagahan ko sya, iniisip ko kasi no'n hindi naman 'yon ang mahalaga at ginagawa 'yon pagkatapos pa ng kasal. Hindi ko naman alam na iba pala ang iniisip nya."

"Kaya pala ganyan ka," di mapigilang sambit nya kaya napaangat ng tingin sa kanya si Vladimir, pinunasan nya ang mga mata ng binata na agad na bumalik sa pagtatago dahil sa ginawa nya na ikinatawa nya. "Nahihiya ka?" Tanong nya na tinanguan nito.

"Ang tanda ko na tapos iniiyakan ko 'yon,"

"Kasi nasaktan ka no'n, ano ka ba ako nga pumalahaw pa di ba?"

"Iba naman 'yon."

"Parehas lang 'yon, parehas na masakit at kapag nasasaktan walang masama kung iiyak mo ng husto kahit magwala ka pa dyan o magdabog hindi naman kita tatawanan." Inayos nya ang magulo ng buhok ng binata. "Anong ginawa mo pagkatapos?"

"Hanggang doon lang faye, baka mag-iba ang tingin mo sa akin kapag nalaman mo."

"Hindi naman ako judgemental,"

"Kahit na,"

"Nahiya pa, lubos-lubusin mo na habang nakikinig ako."

Tiningnan sya ni Vladimir. "Hindi ka pa inaantok?"

"Yong mga pelikula nga pinagpupuyatan ko, kwento mo pa kaya?"

"Pero faye...."

"Ikukwento o sa baba ka matutulog?"

Hinigpitan nito ang yakap sa kanya na ikinatawa nya. "Bakit mo ko tinatakot?" Salubong ang kilay na tanong nito.

Pinisil nya ang pisngi ni Vladimir. "Para ka kasing ewan, tapos sasabihin mong walang problema e binibigyan naman ng pagkakataong sabihin ang problema ayaw naman sabihin."

"Ayokong mandiri ka sakin, tsaka baka mailang ka na sakin kapag-"

"-vladimir," may awtoridad na bigkas nya kaya napasimangot ang binata at sumiksik ulit sa kanya.

"After the break up, naging miserable ako. Sinisisi ko ang sarili ko kasi pakiramdam ko nagkulang ako, pakiramdam ko andami kong pagkukulang sa kanya..."

"Ano ngang ginawa mo?"

"Faye teka lang naman, nabwelo pa nga e!" Reklamo ni Vladimir na ikinatawa nya.

"Alas dos na ng madaling araw bubwelo ka pa? Baka abutin tayo ng alas otso ng gabi."

"Akala ko ba ayos lang?"

"Wala akong sinabing hindi, sige na tuloy."

"Tapos nagka-nobya ako ulit and guess what? Iniwan ulit ako dahil din sa kaparehang rason. Then I had third, sinubukan kong ibigay lahat pero iniwan pa rin ako same with fourth."

"You mean, you did it with your exes?"

Tumango si Vladimir. "Natakot akong iwanan ulit katulad no'ng una dahil lang sa bagay na 'yon kaya ginawa ko ang lahat pero wala e." Hindi sya nakaimik ng marinig iyon, pakiramdam nya naiintindihan na nya kung anong pinanggagalingan ng lahat ng iyon, pakiramdam nya alam na nya kung bakit umabot ng ganito. Hindi nya alam pero hindi naman sya nakaramdam ng kahit ano maliban sa pagkalungkot, nalulungkot sya na ganoon ang nangyari sa binata.

"Faye?" Umangat ito para tingnan sya. "Sabi ko na e, dapat hindi ko na sinabi-"

"-kaya ka ganyan...." tiningnan nya si Vladimir na nangangamba na sa reaksyon nya. "Kaya mo ko madalas tanungin kung sawa na ako, nagsisisi o kung ayoko na sayo."

"Faye,"

"That's your biggest insecurities..." nagulat ito ng yakapin nya. "Vlad.."

"Po?"

"Maaalala mo ba lahat ng 'to bukas?" Binitawan nya ang binata na nakakunot na ang noo dahil sa tanong nya.

"Noong huli akong malasing ng ganito, wala akong naalala-" pinutol na nya iyon at hinalikan sa labi ang binata, hindi naman na mahalaga para sa kanya kung maaalala ba nito o hindi, mas ayos pa nga siguro kung oo kahit pa mahihiya sya panigurado pero hindi naman ang hiya nya ang mahalaga kundi ang insecurities nito.

Ng bitawan nya ang labi nito ay pinilit nyang tingnan ito sa mga mata kahit pa pakiramdam nya nag-iinit na ang buong mukha nya. "Makinig kang mabuti dahil isang beses ko lang sasabihin ito-"

"-Faye..."

"Hep, manahimik ka hindi ako lasing at maaalala ko 'to bukas, pwedeng mahiya ako ng bongga sayo bukas pero hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko." Marahang hinawakan nya ang pisngi nito. "Alam kong hindi pa iyon ang buong kwento, alam kong may hindi ka pa sinasabi sa akin-"

"-mahal kita at natatakot akong mauwi lang din ang lahat ng ito sa katulad no'n." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. "Kaya binawi ko ang cellphone ko noong nasa sapa tayo dahil natakot akong mabasa mo."

Tinaasan nya ito ng kilay. "Ah talaga, tapos nag-sorry ha?"

Napatawa si Vladimir. "Pakiramdam ko hindi ko dapat ginawa iyon sayo, natakot akong baka mauwi tayo sa higit pa kung hindi ko pipigilan ang sarili ko."

"Akala ko nag-sorry ka kasi nagsisi ka," pinisil nya ang pisngi ng binata. "Napaisip pa ko ng bongga."

Muli itong tumawa. "Bakit naman ako magsisisi? Kung hindi ka nga lang magagalit sa akin ay baka ulitin ko pa."

"Ginawa ko na nga di ba?"

"Bakit parang nagagalit ka?"

"Sinira mo lang naman 'yong moment ko,"

"Okay, sorry." Muli itong tumawa, wala na ang lungkot sa mga mata. "Ano ba 'yon?"

"Wag na, matulog na lang tayo."

"Pero faye, malilimutan ko 'to."

"Ipapaalala ko na lang." Naglalambing na hinalikan sya ni Vladimir sa pisngi.

"Malilimutan ko 'to pero Faye,"

"Hmm?"

"I love you."

"Itulog mo na 'yan." Sambit nya saka tumagilid na kaya bumalik na sa tabi nya si Vladimir, napabuntonghininga sya saka humarap at hinalikan din sa pisngi ang binata. "I love you vlad," sabi nya saka mabilis na tinalikuran ito at nagtalukbong ng kumot kahit pa nanlaki ang mga mata ng binata.

"Faye, totoo?" Di makapaniwalang tanong ni Vladimir na napabangon pa.

"Oo, matulog ka na."

"Faye..." di makapaniwalang sambit nito, napatili sya ng alisin nito ang pagkakatalukbong nya at bago pa sya makapagsungit ay hinalikan na sya ng binata sa labi, pikit mata nyang sinubukang tugunin iyon.

"Damn, I can't believe this! Y-You fell for me? God is this real?!" Hiyaw nito ng bitawan sya, kinurot nya sa tagiliran ang binata.

"Manahimik ka, ang ingay mo. Gabi na." Saway nya.

"Wala namang makaririnig no'n, nasa gitna tayo ng gubat faye."

"Anong wala? Marinig ka ng ahas dyan, tuklawin ka no'n."

"Kahit tuklawin pa, hindi ko na babalikan 'yon." Nahiga na ulit ito sa tabi nya saka niyakap sya. "Kuntento na ako sa atin, faye."

"Ibang ahas ang tinutukoy mo, ang sinasabi ko 'yong kaaway mo noong bata pa tayo."

"Wala rin akong pakealam do'n, kayang-kaya mo kaya 'yon."

"Medyo nakakahiyang ako pa talaga ang sasagip sayo ano?" Ismid nya.

"Ow, to be save by you is wonderful!" Dramatic na sabi ng binata na ikinatawa nya, muli syang humarap.

"Vlad.."

"Yes baby?"

Napakunot ang noo nya. "Anong baby?" Hinampas nya ito. "Ikaw, abusado ka!"

"Bawal?"

"Nakakainis ka na,"

Natawa si Vladimir. "You don't mean that."

Napairap sya. "Ano ba, sinisira mo talaga moment ko." Nakasimangot na reklamo nya.

"Okay, I'll gonna zip my mouth." Pagbibigay nito.

Bumuntonghininga si Faye, kinuha nya ang cellphone at tiningnan ang oras, pasado alas quatro na ng madaling araw kaunti na lamang at umaga na pero ni idlip ay hindi pa rin nila nagagawa.

"Vladimir," seryosong tawag nya.

"Po?"

Matapos ilapag ang cellphone ay bumaling sya sa binata na nakaabang na sa sasabihin nya. "Alam kong malilimutan mo 'to pero sasabihin ko pa rin at kung kailangan kong ulit-ulitin sayo araw-araw matahimik ka lang siguro naman kaya ko 'yon," hinawakan nya ang pisngi ng binatang nakikinig sa kanya. "Lagi mong tatandaan na ano mang nangyari noon ay hindi ibig sabihin maaaring mangyari ngayon, iba tayo sa kung anong meron sainyo noon. I may not assure you everyday but always keep in your mind that you are not what they think you are, hindi totoong hindi sapat lahat ng ginawa mo dapat nga magpasalamat pa sya kasi ganoon ang mindset mo, kung ako sya baka nagbunyi pa ako. Having a man that wanna keep me and value my purity is something that is rare lalo na sa generation ngayon."

Napangiti sya ng makitang naiiyak si Vladimir na agad na yumakap sa kanya at sumiksik para itago iyon, isinandal nya ang ulo sa ulo ng binata at marahang sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri nya.

"For me you are more than enough Vladimir, hindi ko sinasabi 'to dahil nalaman ko ang tungkol sa bagay na 'yon kundi dahil iyon ang totoo. Lahat ng ginawa mo at ginagawa mo para sakin ay sapat, sobra-sobra pa nga kung tutuusin at hindi magiging dahilan ang mga bagay na iyon para iwanan kita. Wala nga akong kaalam-alam na kailangan pala 'yon, teka," bahagya nyang ihiniwalay sa kanya ang binata. "Kailangan mo ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Vladimir. "Ang alin?"

"Yung bagay na kailangan ng exes mo, kailangan mo ba?"

"Huh?"

Natawa sya. "Kailangan mo ba kako 'yon? Kasi kung oo, ayos lang naman sa akin."

Nanlaki ang mga mata ni Vladimir. "Fatima Faye," gulat na sambit nito sa pangalan nya.

"Bakit?" Natatawang tanong nya.

"What are you talking about?" Galit na tanong nito.

"Ba't nagagalit ka? Tinatanong ko lang naman, kasi you've been exposed sa gano'n so naisip ko baka hanapin mo since puro wholesome lang tayo dito di ba? I can-"

"-No."

"Anong hindi?"

"Hindi ko kailangan 'yon. I can wait."

"Seryoso ka ba? Ayos lang-"

"-why do you have to talk about it?" Salubong pa rin ang kilay ni Vladimir na ikinatawa nya, pinisil nya ng madiin ang pisngi nito.

"Naisip ko lang naman. I know love isn't measurable by that pero kung makakabawas naman 'yon sa dinadala mong insecurities at ikapapanatag ng loob mo para hindi mo na i-overthink na baka iwanan kita dahil lang sa bagay na 'yon e ayos lang naman sa akin."

Doon hindi nakaimik si Vladimir, hindi sya makapaniwala sa narinig mula sa dalaga. "Faye..."

"Siguro kung noon ko pa nalaman, noong unang beses mong binanggit ang tungkol sa hiwalayan nyo at sa insecurities mo baka nagawa ko pang sabihin sayo na wag kang tatanga-tanga. Sana nasabi kong hindi ganoon ang pagmamahal, hindi ganoon nasusukat ang halaga ng tao. Somehow may part sa akin na nagsisisi kasi sana pala kinausap kita, sana pinakinggan kita ng maiigi so you'll be able to know that you shouldn't measure your worth based on other's perception and standards."

"Hindi mo naman kasalanan, faye..."

"Pero kung sana may nagawa ako di ba? Sana nasabi kong ang halaga mo ay hindi nasusukat sa kung gaano ka nya kamahal o kung gaano ka kasapat para sa kanya kundi sa kung paano mo mahalin at pahalagahan ang sarili mo."

Niyakap sya ng mahigpit ni Vladimir. "God, Faye you know how to make everything better."

"Pero tapos naman na 'yon, ang magagawa ko na lang ngayon ay tulungan kang pawiin lahat ng pangamba, burahin lahat ng insecurities na meron ka at bigyan ka ng assurance na lahat ng kinatatakot mo e malabo namang mangyari."

"This is weird."

"Bakit naman?"

"I am the man here pero ikaw pa ang nagbibigay sa akin ng assurance."

Napatawa sya. "Vladimir, wala naman sa gender 'yon. Atsaka ganoon ka naman din e, fair lang tayo."

"Ilang taon na nga ako?"

"26?"

Napatawa si Vladimir. "Pero bakit pakiramdam ko, ako ang 21 at ikaw ang 26?"

"Wala sa edad 'yan,"

Ilang sandali syang pinagmasdan ng binata. "Thank you,"

"For?"

"For everything, for making me feel like this, hell having you makes me forget that I'm too old for this kind of assurances. Thank you for treating me this way."

"You are always welcome," inayos na nya ang kumot nya. "Alas singko na, matulog na tayo."

"Can I sleep like this?" Tanong ni Vladimir na ang tinutukoy ay ang pagkakayakap nito sa bewang nya habang nakaunan sa balikat nya. Inayos nya ang unan nya.

"Of course," tanging sagot nya saka ipinikit ang mga mata naramdaman pa nyang hinalikan sya ni Vladimir sa pisngi bago ito nanahimik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro