CHAPTER XII: JACKSON

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

Masakit man ang nararamdaman nya at para bang lalagnatin sya ng sumunod na araw ng magising ngunit napangiti sya ng makitang mahimbing na natutulog sa tabi nya si Vladimir na nakayakap pa sa bewang nya. Tumagilid sya paharap sa binata at pinagmasdan ito, hindi nya alam kung bakit pero wala syang maramdamang pagsisisi sa naganap kagabi na para bang hindi man lang nya pinagsisihang ibinigay na nya ang sarili sa binata.

"Goodmorning faye," nakangiting bati ni Vladimir ng magmulat ito ng mata at makitang pinagmamasdan nya ito.

"Morning," mahinang bati rin nya.

"Ayos ka lang?" Tanong nito saka inilapit sya.

Tumango sya. "Medyo masakit nga lang."

Bahagya itong natawa. "Of course baby, it was your first time." Hinalikan sya sa labi ni Vladimir saka bumangon ito. "What do you want for breakfast?"

"Ahmmm, sinigang? Parang gusto ko ng may sabaw."

"Okay, I'll cook it for you." Kinuha nito ang shirt pero imbis na suotin ay sa kanya ipinasuot iyon ng binata, bumaba ito sa kama at kumuha ng damit sa aparador saka bumaba.

Ipinikit na lang nya ang mga mata at nakatulog sya, muli lang syang magising ng maramdaman nyang may humalik sa pisngi nya. Nagmulat sya ng mga mata at nakita nya si Vladimir.

"Breakfast is ready, do you want me to bring it here or kaya mong bumaba?" Tanong nito sa kanya.

"Kaya ko," sagot nya saka bumangon na, napakunot ang noo nya ng makitang nakangiti si Vladimir habang nakatingin sa kanya. "Para saan naman ang ngiting 'yan?"

Hinawakan ng binata ang kamay nya. "Ang ganda mo faye,"

"Bolero." Umiling ito. "Seryoso, ang ganda mo pagmasdan."

Napasimangot sya. "Nagkaproblema ka ba sa paningin? Mukha nga akong scarecrow sa damit mo."

Napatawa ito. "Faye, you look incredibly sexy." Napailing si Vladimir saka hinawakan sya sa bewang. "Tigilan na natin 'to baka mamaya mauwi pa tayo sa kung ano." Sambit nito saka iginiya na sya palabas ng tree house, bumaba sila sa baba at pinaupo sya sa may mesa. Kumain sila ng tahimik habang inaasikaso sya ng binata.

Malayo sa inaasahan nya, hindi nanlamig ang pakikitungo ng binata sa kanya matapos nyang maibigay ang sarili pagkalipas ng ilang araw, sa totoo nyan ay para bang mas naging malambing, clingy at maalaga pa nga ito bagay na nakapagpanatag sa kanya at nakapagpaalis sa mga pangamba nya.

Unang lunes ng sumunod na buwan ng maaga syang nagising dahil naduduwal sya, mabilis na bumaba sya sa baba at pumasok sa banyo saka nagsuka, pagkatapos no'n ay sumama na ang pakiramdam nya buong araw kaya nawala na talaga sya sa mood samantalang nakaagapay naman sa kanya si Vladimir na inaasikaso sya. Pagsapit ng hapon ay nagpaalam si Vladimir na aalis saglit at ng bumalik ay agad itong lumapit sa kanya.

"Faye, subukan mo 'to." Bungad ng binata sa kanya saka binigay sa kanya 'yong dala-dala.

Napakunot ang noo nya. "Ano 'yan?"

"Pregnancy test."

Napairap sya saka kinuha iyon pati na ang lagyanan saka pumasok sa loob ng banyo, ini-lock nya ang pinto saka binasa ang instructions at ginawa iyon. Nakaupo na sya sa bowl ng tingnan nya ang resulta, natulala sya ng makita kung ano 'yon.

"Faye! Bakit ini-lock mo ang pinto!?" Sigaw na tanong ni Vladimir sa labas.

"Manahimik ka dyan! Malamang!"

"Para namang di ko pa nakita-"

"-anong ibig sabihin ng dalawang pulang guhit?"

"Dalawang pulang guhit?" Rinig nyang ulit ni Vladimir sa sinabi nya saka natahimik.

Tumayo na sya at binuksan ang pinto, bumungad sa harap nya si Vladimir na para bang binuhusan ng malamig na tubig kaya napataas ang kilay nya. "Anong itsura 'yan?" Tanong nya pero parang hindi sya narinig ng binata.

"Vladimir!" Sigaw nya dahilan para mapapitlag ito saka di makapaniwalang tiningnan sya.

"Buntis ka?" Nanlaki ang mga mata nito saka mabilis na niyakap sya. "Magkaka-baby na tayo!"

Kinalas nya ang pagkakayakap sa kanya. "Bitawan mo nga ako,"

"Faye, magiging tatay na ako!" Tuwang-tuwang sigaw ni Vladimir.

"Tuwang-tuwa ka dyan, isipin mo kung paano natin sasabihin kay kuya 'to." Ismid nya saka tinalikuran ang binata at naupo sa mesa.

Tahimik syang nakatitig sa mga paa nya hanggang sa maiyak sya, saka lang nag-sink in sa isip nya kung anong naganap. Buntis sya...ibig sabihin magkakaanak na sila ni Vladimir, hindi na sya dalaga...ngunit kahit ganoon, pakiramdam nya masaya sya. Masaya syang mayroon buhay sa loob nya.

"Problema ba 'yon?" Tanong ni Vladimir saka naupo sa tabi nya. "Pananagutan naman kita e."

Kinurot nya sa tagiliran ang binata. "Anong problema ba 'yon? Problema talaga! Hindi pa nga nya alam na nag-propose ka na tapos ngayon buntis ako, kawawa naman ang kuya ko baka himatayin na 'yon sa gulat."

Napatawa si Vladimir saka niyakap sya. "I love you faye, thank you."

"Para saan?"

"For making me this happy."

Napa-ismid sya. "Kung magsalita ka para bang ako lang ang gumawa nito."

"Should I thank myself too? Galing ko ba?"

Napairap sya. "Baliw ka talaga," tumayo na sya.

"Saan ka pupunta? Maglalayas ka na agad di pa nga lumalabas si baby."

"Aakyat ako sa taas, ang drama mo."

Hilaw na tumawa si Vladimir. "Masama pa rin ang pakiramdam mo?"

Tumango sya. "Magpapahinga muna ako." Sagot nya saka hinalikan sa pisngi ang binata at iniwanan, umakyat sya at pumasok sa loob ng tree house saka nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata.

🍛🍛🍛

"Fatima," rinig nyang tawag ng kuya nya sa kanya habang nagwawalis sya sa labas ng kubo, nagprisinta kasi sya na tulungan itong maglinis.

Tatlong linggo na ang lumipas simula ng malaman nyang buntis sya at hanggang ngayon ay humahanap pa rin sya ng magandang tyempo kung paano kakausapin ang kapatid.

"Bakit kuya?" Tanong nya.

"Blotted ka ba?"

Nagulat sya sa tanong ng kapatid at napatingin sya sa tyan nya. Sasang-ayon ba sya o sasabihin nya ang totoo?

Napabuntonghininga sya. "Kuya, pwede ka bang makausap?" Lakas loob na tanong nya.

"Nag-uusap na tayo."

Napasimangot sya. "Ang ibig kong sabihin 'yong maayos, masinsinan kuya." Pagtatama nya saka naupo sa mahabang silyang malapit sa kanya, lumapit ang kapatid at naupo sa tabi nya.

"Kuya may aaminin ako, wag kang mabibigla." Hindi umimik ang kapatid nya. "Kuya, nagpropose na sakin si Vladimir." Nakangiting sambit nya saka ipinakita ang suot nyang singsing.

Tumayo ang kapatid nya. "Iyon lang pala, mabuti naman at may balak sya sayo."

"Kaso kuya may isa pa kong aaminin,"

Tiningnan sya ng kapatid. "Ano?"

"Kuya...buntis ako." Mahinang sagot nya.

"Fatima kung ginu-good time mo ko, tigilan mo 'yan di magandang biro 'yan." Di naniniwalang saway sa kanya ng kapatid.

"Kuya, totoo e. Ilang weeks na."

"Tang-ina?" Napaupo ito agad sa tabi nya. "Fatima anong naisip mo at pumayag ka?!"

Napasimangot sya saka napahawak sa magkabilang pisngi at umiyak, hindi nya alam kung bakit ba naiyak sya basta pakiramdam nya gusto nyang umiyak na para bang nasaktan sya kahit pa wala namang nanakit sa kanya.

"Pinuwersa ka ba ng lalakeng 'yon?! Fatima!" Galit na sigaw ng kuya nya.

Umiiyak na umiling sya. "Hindi...kuya, sorry.."

"E bakit ka umiiyak?!"

"Kasi nagi-guilty ako," pinunasan nya ang mga mata. "Alam kong blessing ang magkaroon ng baby pero kuya...sorry,"

Nahindik ang kuya nya. "Ipalalaglag mo 'yan?! Alam na ba ng gagong 'yon na nabuntis ka nya?!"

"Kuya!" Hiyaw nya. "Nagso-sorry ako kasi alam kong na-disappoint ka pero hindi ko ipalalaglag ang baby ko!" Hinawakan nya ang tyan nya ng marahan. "Tsaka isa pa, pananagutan nya raw ako."

"Para ka talagang tanga," napabuntonghininga ang kuya nya. "Siguraduhin mo lang na pananagutan ka ng gagong 'yon, baka mamaya inuuto ka lang ng hayop na 'yon. Mapapatay ko talaga sya!"

"Kuya naman, nagpropose na nga e. Ikakasal kami pagka-graduate ko."

"Ay hindi! Kakausapin ko ang gagong 'yon! Magtutuos kami! Tang-ina nya, ipinagkatiwala kita sa kanya tapos ganito ang gagawin nya!" Pinal na sabi nito saka tumayo animo'y hindi sya narinig, maya-maya ay bumaling ito sa kanya. "Akin na ang cellphone mo."

Nagsalubong ang kilay nya. "Bakit? Para saan?"

"Basta, akin na." Seryosong sagot ng kuya nya saka inilahad ang kamay sa kanya kaya wala syang nagawa kundi ang ibigay ang hinihingi sa kanya.

Napa-face palm na lang sya, pagsapit ng hapon bago pa man makalapit sa kanya si Vladimir ay sinalubong na agad ng kuya nya ng suntok sa mukha ang binata, napalugpok ito sa damo habang naguguluhan at walang kaalam-alam kung bakit bigla na lamang sumugod ang kuya nya. Naroon lang sya sa may hagdan, nakaupo at pinagmamasdan na magtalo ang dalawa. Bugbog sarado si Vladimir sa kuya nya kaya muli syang napa-face palm, hindi sya pupwedeng umawat baka lumala ang toyo ng kuya nya at lumala pa ang sitwasyon kaya tumayo na sya at pumasok sa loob ng kubo, kinuha nya ang mga panlapat na gamot sa mga sugat na makukuha ni Vladimir mula sa kapatid nya.

Sinilip nya ang mga ito sa bintana at nakita nyang nakahiga na sa damuhan ang dalawa, mukhang tapos na magsakitan. Di nagtagal ay umakyat na ang mga ito pero inaaya na sya ni Vladimir na umuwi na sa tree house dahil pagabi na rin, binitbit nya ang ilan sa mga gamot at binilinan si Alicia na gamutin ang kuya nya saka sya sumama kay Vladimir pauwi sa tree house nila.

"Hindi mo man lang ako sinabihang sinabi mo na pala," inis na sabi ni Vladimir saka napangiwi ng makaramdam ng sakit habang ginagamot nya.

"Biglaan e,"

"Bugbog sarado tuloy ako sa kuya mo, may galit ka ba sa akin?" Akusa nito sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit pinagbibintangan mo ako? Sya ang galit sayo kasi magkokolehiyo pa raw ako pero binuntis mo." Inis na sagot nya.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Bakit parang kasalanan ko? Ginusto mo rin naman 'yon,"

"Vladimir, ano bang pinupunto mo?" Tanong nya, pakiramdam nya hindi nya nagugustuhan ang sinasabi ng binata.

Napasaltak ang binata. "Ang sa akin lang, sana binalaan mo man lang ako."

"Pa'no kita babalaan kung hanggang ngayon nasa sa kanya ang cellphone ko?"

"Wala bang ibang paraan?"

"Anong gusto mo puntahan pa kita sa trabaho para lang sabihin sayo?!"

"Bakit hindi!"

Napahinto sya sa ginagawang pag-gamot sa mga sugat nito. "Do you even realize na hindi ko alam kung saang lupalop ka pupuntahan?! Ni hindi ko nga alam kung saan ka hahanapin kung sakaling manganak ako ng wala ka!" Tumayo sya, wala na nairita na sya.

"Faye-"

"-gamutin mo ang sarili mo." Inis na sabi nya saka iniwanan ang binata at umakyat na lang sa tree house. Nahiga sya sa kama pero hindi naman sya inaantok kaya bumangon sya at naupo, hindi rin sya nakatiis at bumaba sya pero hindi nya makita si Vladimir.

Napabuntonghininga sya saka lumakad papunta sa kubo, palapit na sya sa hagdan ng matanaw nya si Jackson na tumatakbo palapit sa kanya, napakunot ang noo nya ngunit agad na nanlaki ang mga mata nya ng makitang may humahabol sa lalake.

"Fatima akyat!" Rinig nyang sigaw ni Jackson, natatarantang umakyat sya sa hagdan ngunit di para magtago, tumakbo sya sa kwarto nya dahilan para mapabalikwas ng bangon ang kuya nya. "Fatima anong ginagawa mo-"

"-mamaya ko ipaliliwanag." Agap nya saka kinuha ang bag na nakasabit saka binuksan iyon at kinuha ang pang-cover nya sa mga kamay saka sya tumakbo ulit palabas ng bahay, nakita nyang malapit na si Jackson kaya dali-dali syang bumaba ng hagdan saka nya lang napansin na iika-ika na ang lalake habang tumatakbo.

"Sabi ko umakyat ka na!" Bungad ni Jackson sa kanya ng makalapit, agad syang pumuwesto sa harapan nito at hinarangan ang binata para di makalapit ang mga humahabol sa lalake. "Fatima, anong gagawin mo?"

"Pumasok ka na sa loob, ipagamot mo kay kuya 'yan. Ako ng bahala dito." Utos nya.

"Tanga ka ba? Haharapin-"

"-mas tanga ka! Dinala mo dito tapos anong ineexpect mo? Hahayaan kitang patayin ng mga 'to sa mismong pamamahay ko?!"

"Fatima-"

"-shut up!" Saway nya saka hinanda ang sarili. Nagdududa sya kung kakayanin nya pero siguro naman hindi pa kinakalawang ang buto nya para di makalaban.

"Tingnan nyo, nagtatago sa saya ng babae ang gagong 'to!" Natatawang sambit ng mga kaaway ni Jackson ng huminto sa harapan nya.

"Umuwi na kayo," mahinahong utos nya.

"Miss, labas ka dito." Bumaling iyon kay Jackson. "Wag mong sabihing hahayaan mong ipagtanggol ka ng babae, Montesejo? Ganyan ka na kaduwag?"

"Sabi ko, umuwi na kayo." Ulit nya pero hindi sya pinakinggan, akmang hahablutin si Jackson mula sa likuran nya ng hawakan nya ang braso ng lalake at buong lakas na pinatumba iyon sa lupa, doon nagsimula ang gulo. Apat laban sa isa, buntis pa sya pero kailan ba sya sumuko sa ganito? Kahit noon pa man ay hindi sya natatalo, bata pa lang sya sanay na sanay na syang makipagbasag ulo dahil palaging napapaaway si Jackson noon at hindi sya pumapayag na hindi nya sasaklolohan ang kaibigan.

"Fatima!" Rinig nyang sigaw ni Jackson at hinatak sya, saka nya lang napansin ang kutsilyong lumipad. Bumagsak sila sa damuhan mabuti na lamang at nasa ilalim si Jackson kung hindi ay baka namilipit na sya sa sakit. Agad syang bumangon at badtrip ng sinugod ang mga iyon para tapusin, ilang sandali lang at naibagsak na nya ang apat sa lapag.

Pagod na naupo sya sa lapag. "Fatima!" Rinig nyang sigaw ni Jackson kaya inis na binalingan nya ang binata.

"Ano ba! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Naririndi na ako!"

Napaatras sya ng bumangon ang apat na lalake, akala nya babalingan pa sya ng mga ito pero ni hindi na lumingon ang mga lalake at kumaripas na ng takbo palayo. Iika-ikang nilapitan sya ni Jackson na agad nyang nginitian.

"See? Kayang-kaya pa rin kitang ipagtanggol!" Pagmamalaki nya, ang ngiti nya ay nauwi sa simangot ng tuktukan sya ni Jackson sa ulo.

"Ang sabi ko umakyat ka, hindi ko sinabing ipagtanggol mo ko." Inis na sabi nito saka iniabot sa kanya ang kamay na tinanggap naman nya, inalalayan syang tumayo.

"Maiinis ka pa! dapat nga mabilib ka kasi kahit buntis ako naipagtanggol-" napatili sya ng mabitawan sya ni Jackson sa sobrang gulat sa narinig buti na lang at agad na natauhan ang binata at hinawakan sya sa bewang para saluhin.

"Buntis k-ka?" Gulat na tanong ni Jackson.

Ngumiti sya saka tumango. "Yes, opo, ilang weeks na din."

Inalalayan syang tumayo ng maayos ni Jackson saka sya sinamaan ng tingin. "Buntis ka pala tapos nakipagsuntukan ka pa sa mga 'yon!" Galit na sabi nito at nauwi iyon sa sermon.

Tinakpan nya ang mga tenga nya. "Lalalalala, wala akong naririnig!" Hiyaw na pang-aasar nya.

"Fatima!" Galit na sambit ni Jackson sa pangalan nya.

"Alam kong maganda ang pangalan ko pero kanina ka pa bigkas ng bigkas," inalalayan na nya maglakad papunta sa kubo ang binata. "Ansakit mo sa tenga."

"Bakit pala gabi na nasa labas ka pa?" Usisa ni Jackson. "Nag-away kami ni Vladimir, well nagkasagutan lang naman to be specific tapos 'yon lumabas ako kasi hindi ko sya makita."

Tiningnan nya ng masama ang binata. "Ikaw?"

Alanganing ngumiti si Jackson. "Galing ako sa maynila, pagbalik ko dapat bibili lang ako sa bayan tapos hinarang na ko ng mga 'yon."

"At hinayaan mong mapuruhan ka nila!"

"Hindi nakaiwas e." Pagdadahilan nito kaya napairap sya.

Dinala nya sa loob ng kubo si Jackson at agad namang umagapay ang kuya nga para tulungan ang binatang gamutin ang binti nito, naupo na lang sya sa tabi ni Jackson saka nakisawsaw sa ginagawa ng kapatid.

"Fatima masakit!" Daing ni Jackson ng higpitan nya ang tali ng telang inilagay ng kapatid nya sa binti ng binata.

"Talagang sasaktan kita!" Tinuro nya ito gamit ang gunting na ipinanggupit sa tela. "Sabi mo nagbagong buhay ka na tapos ngayon may humahabol na naman sayo!"

"Hindi ko naman expected na nakaabang sila," humarap sa kanya si Jackson.

"Ibaba mo nga 'yan," saway sa kanya kaya napasimangot sya at inilapag iyon. "Fatima, hindi mo naman ako ginu-good time-"

"-kapatid ka ba ni kuya? Bakit parehas kayo ng linya!?"

"Buntis ka talaga?"

Naningkit ang mga mata nya. "Gusto mong mag-pregnancy test pa ko ulit para maniwala ka?" Inis na tanong nya.

"Baliw ka, si Vladimir ang ama?"

Tumango sya saka tiningnan ang binata, ngumiti ito sa kanya. "Para saan 'yan?"

"Congrats?"

"Nang-aasar ka ba?"

Umiling ito saka sumandal. "Matutupad mo na ang pangarap mo."

Nanlaki ang mga mata nya. "Nalimutan ko na ang tungkol sa bagay na 'yan, mabuti na lang pinaalala mo."

"Kaya nga congrats e."

"Wag kang ano, maiiyak na naman ako."

Napatawa ng bahagya si Jackson. "Kahit kelan iyakin ka, wala ng bago do'n."

"Kukunin kitang ninong ah?" Nakangiting tanong nya kaya muling natawa si Jackson.

"Oo naman,"

Nagdududa ang tingin nya sa binata. "Hindi ka man lang ba nasasaktan? Joke time lang ba 'yon?"

Umiling ito. "Hindi kita binibiro no'ng sabihin kong may nararamdaman ako para sayo pero hindi rin naman ako selfish para ipilit ang sarili ko at guluhin ang ikasasaya mo."

"Jackstone...."

Pinisil nito ang pisngi nya. "Loka loka ka talaga, 'wag ka ngang ganyan dapat ako pa nga ang nagdaramdam kasi noong bata pa tayo ni hindi mo ko pinapansin, ni hindi mo nga ako itinuring na kaibigan e."

"Sorry, I was too feed up sa mga panghuhusga at pambubully to the point na pakiramdam ko pati ikaw gano'n din."

"Hindi naman masama ang loob ko, kasalanan ko rin namang di ako naglakas ng loob na patunayan sayo kung hindi pa dumating sa buhay mo sila Miriam hindi pa ako magkakalakas ng loob."

"Bakit parang pinaiiyak mo talaga ako?" Tanong nya saka pinunasan ang mga matang naluluha na, lumapit sya saka niyakap ng mahigpit ang kaibigan.

"Masaya ka ba sa kanya?" Rinig nyang tanong ni Jackson kaya napaangat sya ng tingin.

"Oo, sobra."

"Inaalagaan ka naman ba nya? Lalo na ngayong buntis ka, alam mo naman kung anong mga dapat at hindi mo dapat gawin di ba?"

"Oo naman, maalaga naman sya e tsaka oho tay, nag-research ako tungkol sa mga 'yan."

Pinitik sya ni Jackson sa noo. "Alam mo pala e dis oras na ng gabi mulat na mulat pa 'yang malalaki mong mata."

"Sinabi ko na kung bakit di ba?!" Inis na sabi nya saka ininda ang noo nyang pinitik.

Hindi pinansin ni Jackson ang sinabi nya at hinaplos nito ang buhok nya, lumamlam din ang mga mata ng binata habang nakatingin sa kanya kaya napakunot ang noo nya. Alam na nya kung para saan ang ganoon nito.

"Aalis ka na naman? Gaano katagal?" Tanong nya.

"Magsisimula na ang school year, kailangan kong tapusin 'yon at di pa ko sigurado kung kailan ako babalik."

"Bakit naman? Akala ko ba magnininong ka sa anak ko?"

Pinisil ni Jackson ang ilong nya. "Ilista mo na lang ako, kung kelan tayo magkita saka ako babawi."

"Pero babalik ka ah? Kaibigan mo pa rin kami."

"Oo naman, pwede ba namang hindi edi ginera mo na naman ako." Umayos ito sa pagkakasandal. "Nga pala, ipadadala ko na lang 'yong pang-crochet mo."

"Ba't kasi di mo dinala?"

"Bibili pa lang ako,"

"Kelan 'yon?"

"Next week? Basta ipahahatid ko na lang dito para may pagkaabalahan ka, gumawa ka ng maraming damit para sa inaanak ko para naman maganda sya."

"Maganda?"

Tumango si Jackson at pinisil ang pisngi nya. "Mukhang babae ang magiging anak mo, fatima at huwag kang magkakamaling pangalanan sya ng basta-basta lang. Talinuhan mo naman."

"Ako pa ba?" Pagyayabang nya na ikinatawa ng binata.

"Nagyayabang ka e puro kalokohan ang laman ng utak mo, baka mamaya pangalanan mo ng paa-tuhod-balikat-ulo 'yan, kawawa naman."

"HA HA HA, ang corny mo."

"Oh bakit? Sino ba sating dalawa 'yong nag-suggest na pangalanan ng ogie cockroach ang kapatid mo no'ng malaman mong buntis si tiya?" Hindi sya nakaimik, guilty. "Buti na lang di mo nagoyo si tiya sa paliwanag mo."

"Para mo namang sinabing ang pangit ng choices ko," napahikab si Faye. "Ikaw nga pinsan ni ogie di naman kita nilait."

"Kaya pala nakisakay ka sa pang-aasar ng kuya mo sakin."

"Maganda naman ang jackstone ah! Sosyal nga e."

"Talagang mangangatwiran pa."

Muling napahikab si Faye habang nagkukwentuhan silang dalawa, di nagtagal ay nakatulog na ang dalaga habang nakasandal sa kanya. Noon pa naman ay ganoon na ito, minsan nga kinakausap pa nya pero tinulugan na sya ni Faye. Bata pa lang sila ay ganoon na ang dalaga, sanay na sya kung noon ay iniintay nya lang kung kailan magigising si Faye kahit pa mangalay sya, ngayon ay alam nyang hindi na maaari ang ganoon.

Maingat nyang binuhat ang dalaga at ipinasok sa kwarto, inilapag nya iyon sa tabi ni Alicia na tulog na saka inayos ang kumot ng magtiya. Saglit nyang pinagmasdan si Faye bago isinara ang pinto ng kwarto, ganoon din ang ginawa nya sa main door ng bahay saka tahimik na naglakad palayo.

Napabuntonghininga sya, ilang taon ba ang sinayang nya? Napakarami no'n pero ni isa hindi sya nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa dalaga ang nararamdaman nya at ngayong nagkaroon sya ng lakas ng loob, bumalik man sya ay huli naman na. Naamin nya nga ngunit mayroon naman ng ibang mahal ang dalaga.

Napahawak sya sa may dibdib ng maalala ang tattoo nya, mukhang iyon na lang ang matitira sa kanya kasama ang alaala simula ngayon dahil kailangan na nyang tuluyang dumistansya upang hindi na magselos pa ang gagong 'yon, alam naman nya na galit ito sa kanya dahil malapit sila ni Fatima. Hindi iyon lingid sa kaalaman nya, lalake sya at alam na alam nya ang ganoong klase ng tingin sa kapwa lalake.

Muli syang napabuntonghininga at tahimik na tinahak ang daan patungo sa bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro