CHAPTER XVI: GENDER

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

"Omyghad! Jackson tingnan mo!" Sigaw ni Faye, umagang-umaga pero nagsisisigaw na agad sya na ikinakunot ng noo ni Jackson. Sabado ng umaga at pagkakataon iyon ng binata na makapagpahinga pero hindi rin naman sya matahimik dahil inaalala na naman nya si Faye at ang kalagayan nito.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Jackson, nitong mga nagdaang linggo ay nag-aalala sya talaga lagi sa dalaga lalo na at malapit na itong manganak. "Bakit?" Tanong nya ng makalapit.

"Natapos ko na!" Nakangiting prisinta ni Faye sa kanya saka ipinakita ang ginawa nitong ternong damit para sa baby, napangiti na rin sya ng makita iyon. "Tsaka may isa pa," sambit nito saka may kinuha sa box at ibinigay sa kanya.

"Crochet doll?" Di makapaniwalang sambit nya. "Gumagawa ka na rin ng ganito?"

Tumango si Faye. "Nagpa-practice pa lang ako actually," ngumiti ulit ang babae. "Nagustuhan mo ba? Naisip kong gawan ka ng ganyan."

Lumapad ang ngiti nya. "Fatima, ang cute nito." Sambit ni Jackson saka pinagmasdan ang crochet doll na keychain. "Talagang kuhang-kuha mo ang laki ng tyan ah," kumento nya, mini version kasi nilang dalwa iyon na magkasama, sya habang nakasuot ng uniporme nya samantalang katabi naman nya si Faye na buntis.

Pumasok sya sa kwarto at kinuha ang susi ng motor nya saka bumalik kay Faye, ikinabit nya ang ginawa nitong keychain sa susi nya. "Salamat," nakangiting sabi nya kay Faye na nakatingin sa kanya.

"Magd-deliver ka mamaya di ba?" Tanong ni Faye pagkaraan ng ilang oras.

"Yup," sagot nya.

"Pwede mo ba kong ibili ng ice cream? Gusto ko ng cookies and cream flavor."

"Sure, walang problema." Sagot nya at natulog na.

Nakahiga sya sa lapag sa sala habang nasa tabi naman nya nagc-crochet si Faye na tahimik lang, pagsapit ng tanghali ay umalis sya para mag-deliver at pagbalik nya bitbit na nya ang pinabibili sa kanya.

"Hi," nakangiting bati nya saka iprinisinta ang binili.

"Thank you!" Nakangiti ring sabi ni Faye sa kanya saka kinuha iyon at naupo sa silya para kainin. Lumapit naman si Jackson at naupo sa tabi ni Faye na abala na sa pagkain ng binili nya, dinukot nya sa bulsa ang pera saka ibinigay lahat sa dalaga.

"Ito na lahat?" Tanong sa kanya na tinanguan nya. "Di ka man lang talaga kumukuha ng para sayo," ismid nito saka binawasan ang binigay nya at ibinalik sa kanya.

"Fatima-"

"-hep! Pang-gas mo 'yan tsaka foods na din."

Wala syang nagawa dahil sa sinabi nito at tinanggap na lang iyon, kinagabihan ay matapos nyang akuin ang paghuhugas ng pinggan para makapagpahinga na si Faye ay pumasok sya sa kwarto at napakunot ang noo ni Jackson ng makitang umiiyak ang babae, agad nyang nilapitan iyon at napabuntonghininga sya ng makitang nanonood ito ng movie kaya umiiyak.

"Fatima, masama sayo ang iyak ng iyak." Paalala nya ng maupo sya sa tabi nito, agad na bumaling ang dalaga sa kanya at yumakap habang umiiyak pa rin.

"Anong magagawa ko? Nakakaiyak 'yong palabas e!" Katwiran nito.

"Andami naman kasing iba, bakit 'yan ang pinili mo?" Tanong nya saka hinaplos ang likod ni Faye para aluin.

"Kasi gusto kong panoorin," dahilan nito na ikinasaltak nya.

"Kahit kailan ka talaga, ang hilig mo sa ganyan." Naiiling na sabi nya saka akmang papatayin na ang laptop ng pigilan sya ni Faye.

"Hindi pa tapos," pigil nito.

"Fatima, seryoso ka ba?" Inis na tanong nya na tinanguan ng dalaga kaya napabuntonghininga sya at inalo na lang ito habang umiiyak sa pinanonood, hindi naman nya mapilit dahil alam nyang magagalit sa kanya ang dalaga.

Di nagtagal ay nakatulog ito sa mga bisig nya, pinatay na nya ang laptop at kinalangan ng unan ang likod saka sumandal, inayos nya si Faye para makaunat ito habang nakayakap sa kanya. Kinuha nya ang kumot at binalot mula paa hanggang sa tyan si Faye para hindi lamigin ang dalaga, hindi na biro ang laki ng tyan nito na mas ikinatatakot nya dahil paniguradong mabigat iyon. Hindi na rin nya namalayang nakatulog sya kung hindi pa nya naramdamang humiwalay sa kanya si Faye, sinimangutan sya ng dalaga ng magmulat sya ng mga mata.

"Nagdahan-dahan pa ako, magigising ka din pala." Sabi nito.

"Mababaw lang naman kasi ang tulog ko." Naupo sya. "Saan ka pupunta?"

"Naiihi ako," sagot ni Faye sa kanya kaya sinamahan nya ito hanggang sa labas ng cr.

"Mag-ingat ka baka madulas ka." Paalala nya na tinanguan lang ng dalaga, matapos iyon ay bumalik sila sa kwarto pero imbis na humiwalay sa kanya ang dalaga ay natulog ulit ito ng katulad kanina, hirap man sya at paniguradong mangangalay buong gabi ay hinayaan na lamang nya basta't makatulog ito ng mahimbing.

Hindi na nya namalayan ang mga buwan, basta't isang umaga ay nagising na lang sya na sumisigaw na ito at tinatawag ang pangalan nya kaya dali-dali syang bumunghalit ng bangon para lapitan ang dalaga.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong nya lalo na ng kumapit ng mahigpit sa kanya si Faye.

"M-ma...manganganak na ata ako!" Natatakot na sagot nito dahilan para mablangko sya, natauhan lang sya ng malakas na sumigaw ulit ito. Dali-dali nyang binuhat si Faye, nagising na rin ang kuya nito at ng malaman kung anong nangyayari ay agad silang tinulungan, tumawag ito ng tricycle at doon sila pinasakay ni Faye saka sila dumiretso sa hospital.

Abot-abot ang kaba nya, pakiramdam nya natatakot sya lalo na ng ipasok na si Faye sa loob para sa panganganak nito, halos hindi sya makaupo man lang. Mapupudpod na ang swelas ng suot nyang tsinelas sa kakabalik-balik nya kalalakad dahil sa kaba, hindi sya makakalma dahil natatakot ang puso nya, takot na baka mapahamak ang mag-ina. Ilang oras, alam nyang lumipas ang ilang oras bago lumabas ang doctor dahil bilang na bilang nya ang takbo ng kamay ng orasan.

"Sino ho ang asawa ni misis?" Bungad sa kanila ng doctor kaya agad syang lumapit.

"Ako ho, kamusta ho sila?" Agap na tanong nya.

Ngumiti ang doctor. "Congratulations Mr,"

"Montesejo," sagot nya.

"Well, congratulations mr. Montesejo, your wife and baby is safe and fine."

"Thank you, may I know what's my baby's gender?"

"It's a boy, a bouncing cute baby boy. Mr. Montesejo," rinig nyang sagot at napatalon na lang sya bigla saka napasigaw, pakiramdam nya ay biglang umapaw ang saya na nararamdaman nya. Tuwang-tuwa sya na kahit pa ilang oras na ang lumipas at nakaupo na sya sa gilid ng kama kung saan mahimbing na nagpapahinga si Faye ay hindi mawala ang nararamdaman nyang saya.

"Bro," napatingin sya sa pinto ng marinig iyon at nakita nya si Gerald at Orville kaya napakunot ang noo nya sa gulat.

"Anong ginagawa nyo rito? Paano-"

"-walang imposible sa amin," lumapit si Gerald at inakbayan sya. "Akala mo ba hahayaan ka naming mag-isa? Alam namin ang mga ginagawa mo."

"Walang imposible sa amin," sabat ni Orville saka tumingin kay Faye. "Sya na ba 'yon?"

Tumango sya. "My Fatima Faye." Sagot nya.

"Maganda naman pala ang taste mo," pang-aasar ni Gerald.

"Shut up," masungit na sabi nya.

"Sungit sungitan pero kanina halos umabot sa kisame ang talon," pang-aasar ni Gerald kaya napahiwalay sya mula sa pagkakaakbay nito.

"Nakita nyo?" Salubong na ang kilay na tanong nya.

Tumango si Orville. "You forgot that I can pull some strings, Jackson."

"I hate you both," inis na sabi nya.

"Gago, kami nga dapat mag-hate sayo kasi itinago mo samin na may asawa ka na." Kontra ni Gerald.

"You both know how I hate updating people about me."

"And we hate you kasi di naman na kami iba pero kung magtago ka parang di mo kami kaibigan!" Inis ding sabi ni Orville.

"Oh, 'wag kayong mag-lovers quarrel dito." Awat na biro ni Gerald.

"Jack...?" Rinig nilang sambit kaya pare-parehas silang napatingin kay Faye na gising na. Agad syang lumapit para alalayan ang dalaga na ngayon ay isa ng ganap na ina. "Si baby?" Agad na tanong nito.

"Nasa nursery, teka sasabihin ko sa nurse." Sabi nya saka akmang aalis sa tabi ni Faye ng pigilan sya

"Sino sila?" Tanong sa kanya habang nakatingin si Faye sa dalawa, agad namang lumapit si Gerald at iniabot ang kamay.

"Gerald Andrew Vanford, at your service." Pakilala ni Gerald.

"Orville Pantalleon," si Orville.

"Kaibigan nya kayo?" Tanong ni Faye.

Tumango lang si Orville. "Yes, Ms. Beautiful, kaibigan kami ng masama ang ugaling lalakeng 'to." Si Gerald ang sumagot.

"May kaibigan ka pa lang iba?" Tanong sa kanya ni Faye kaya napatango sya.

"Actually marami sila," sagot nya.

"Hindi kami ikinukwento ni Jackson sayo? Nakakasakit na talaga!" Reklamo ni Gerald.

Bahagyang natawa si Faye. "Hindi ko din kasi natatanong,"

"Bagay nga," ismid ni Orville. "Parehas walang pakealam sa paligid."

Lumabas ang lalake matapos iyon at ng bumalik ay may kasama ng nurse, napaupo ng maayos si Faye ng makita ang baby na dala ng nurse.

"Pati ikaw?" Salubong ang kilay na bungad ni Jackson sa nurse ng makilala iyon.

Ngumiti ang babae. "Dito ako nagta-trabaho," bumaling iyon kay Faye. "Hi! I'm Ravennia Salazarita." Pakilala nito kay Faye.

"Kaya pala pumunta tayo dito?!" Hiyaw na baling ni Gerald kay Orville na nakasandal lang sa gilid ng pinto at tahimik na pinagmamasdan sila.

"Akala mo pala sinadya ako nyan dito?" Naiiling na sumaltak si Jackson. "Si Raven ang sadya nyan, nauto ka lang nyang kaibigan mo."

"I hate you all!" Madramang sambit ni Gerald, matapos maibigay ng nurse kay Faye ang baby ay hinawakan na nito sa damit ang dalawang lalake at isinama ang mga iyon palabas, ng maiwan silang dalawa ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Jackson.

Naupo sa harapan nya ang binata, pagkakita pa lang ni Faye sa sanggol bago sya tuluyang mawalan ng malay ay ramdam na nya ang saya sa puso nya at ngayong nasa mga bisig na nya ang anak ay pakiramdam nya nagsisimula na naman syang maging emotional. Marahang hinawakan ni Jackson ang maliit na kamay ng sanggol dahilan para mapatingin sya sa lalake, napangiti ito ng mapansing nakatingin sya. Muli sa pagiging simpleng emosyonal ay tuluyan na syang naiyak ng makitang emotional din si Jackson.

"Fatima naman, lagi kang umiiyak." Puna nito saka pinunasan ang mga mata nya.

"Sorry...hindi ko lang mapigilan,"

Bahagyang natawa si Jackson. "Iba sa pakiramdam na makita't mahawakan sya ano?"

Agad na tumango si Faye at pinunasan ang luha. "Parang masyadong masaya, nagda-doubt na ko kung totoo ba 'to."

"Totoo 'to Fatima, may baby na tayo."

"Tayo..." ulit nya. "Thank you, Jackson."

"Nah, thank you for letting me share it with you." Ngumiti si Jackson. "Well, tatay na ko."

"Pa'no ba 'yan? Hindi sya girl."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Oo nga, seryoso nga." Hindi umimik si Jackson. "Oyy!"

"Hindi ko alam....pakiramdam ko sobrang nakaka-overwhelm fatima."

Napatawa sya. "Buhatin mo sya," sambit nya saka maingat na inilipat ang sanggol sa mga bisig ni Jackson na maingat namang binuhat ang baby.

Saglit itong natulala habang pinagmamasdan ang sanggol bago hinawakan ang kamay nya. "Hindi pa rin ako makapaniwala, tatay na ko." Nakangiting sabi ni Jackson saka tiningnan sya. "Thank you,"

"Paulit-ulit ka na." Natatawang sabi nya.

"Can't help it." Bumaling ito sa sanggol. "Hey my boy, ako ang papa mo ha?"

Hinalikan ni Jackson ang noo ng sanggol. "I'll be your best dad, promise. Hindi ko kayo pababayaan ng mama mo," sambit nito habang nakatingin sa baby, pakiramdam nya naiiyak na naman sya. "I'll be with you in every step of the way."

Sa lahat ng naging desisyon ni Faye sa buhay, pakiramdam nya iyon ang pinaka-tama sa lahat, natatakot man syang baka panandalian na naman ang lahat pero wala naman syang ibang pagpipilian dahil kung hindi nya tatanggapin ang alok ni Jackson ay mas lalong mahihirapan lamang sya, mahirap ang buhay at dinanas nya iyon na syang ayaw nyang danasin din  ng magiging anak nya bagay na kung sana maaga nyang napagtanto ay hindi na umabot sa ganito ang lahat.

Wala namang gabi o araw na hindi nya naiisip ang lahat ng kasawiang inabot nya sa buhay, may mga pagkakataong bigla na lamang syang matutulala at maiiyak dahil bumabalik ang sakit na dala ng alaalang iyon pero wala syang ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy sa buhay lalo na ngayong naisilang na nya ang anak nya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro