CHAPTER XXII: SWEETS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

"Morning," inaantok pang bati nya ng maramdaman ang paghalik nito sa leeg nya habang yakap sya, umagang-umaga. Tinapik nya ang likod ni Jackson para huminto na. "Maaga ang pasok ko," paalala nya kaya binitawan na sya ng asawa.

Inaantok na naupo sya at inayos ang tali ng buhok nya habang nagtakip naman ng unan si Jackson sa mukha, matapos magtali ng buhok ay lumapit sya sa asawa saka iniangat ang unan na nakatakip at hinalikan ang labi nito. "Maaga rin ang pasok mo, bangon na." Paalala nya ng bumitaw sya.

Tumayo sya saka balewalang naglakad palabas ng kwarto kahit pa nakasuot lang sya ng shirt ni Jackson, napatingin sya sa kalendaryo ng mapansin ang buwan na nakasulat doon, august na naman.

Dumiretso sya sa kusina at nag-toothbrush saka nagsaing, ilang buwan na rin naman ang dumaan mula ng araw na iyon at bawat isa sa buwang dumaan ay nakita nya kung paano nagbago si Jackson.

"Susunduin kita mamaya, wife." Sambit ni Jackson habang nakayakap sa bewang nya ng ihatid sya nito sa trabaho.

Ngumiti sya. "Oo naman," sang-ayon nya at nagpaalam na sila sa isa't-isa, napailing-iling na lang sya habang naglalakad papasok dahil palagi itong ganoon sa lumipas na mga buwan, lagi itong nagpapaalala na susunduin sya pagkatapos ng trabaho nya.

"Hi!" Nakangiting bati nito sa kanya ng sumapit ang tapos ng trabaho nya, hindi na inantay ni Jackson na makalapit sya at sinalubong na agad sya. Kinuha nito ang bag nya saka hinalikan sya sa labi at ibinigay ang tatlong pirasong bulaklak na hawak nito.

"Malapit na akong makapagpatayo ng sariling flower shop sa dami." Natatawang sabi nya, paano'y araw-araw sya nitong binibigyan ng tatlong piraso ng bulaklak na paborito nya.

Hinawakan ni Jackson ang kamay nya ng magsimula silang maglakad. "Let's have a date, wife."

Napakunot ang noo nya. "Gabi na, sarado na lahat. Saan naman?"

Nginitian lang sya ni Jackson, hanggang sa makarating sa elevator sa unit ay napapakunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. Nagtataka sya kung saan ba ang sinasabi nitong magdi-date sila pero napangiti na lang sya ng pagpasok sa unit ay nakita nya ang animo'y bahay-bahayan na naka-set up sa sala.

"Ginawa mo 'to?" Di makapaniwalang tanong nya, proud na ngumiti saka tumango naman si Jackson bilang sagot. Pinisil nya ang pisngi ng asawa. "Nanggaling ka na pala dito bago mo ko sunduin?"

"Yup, inayos ko muna lahat bago ka sinundo."

"So....dito tayo magdi-date?"

"Yes....kung ayos lang sayo...since wala ng bukas na-"

"-nagustuhan ko," nakangiti ng putol nya sa sinasabi nito. "Bihis lang ako ng pantulog."

"Sigi." Sang-ayon nito at binitawan na sya, pumasok sya sa kwarto at kumuha ng damit, dumiretso sya sa banyo tapos nag-half bath at paglabas nya lumapit sya kay Jackson at naki-tabi sa loob ng ginawa nitong bahay-bahayan nilang dalawa, nakaupo sila sa mattress habang may kumot na nakapormang triangle na nagsisilbing bubong kuno ng bahay, may ilang unan din sa loob samantalang nasa harap naman nila mismo ang laptop at bowls na may lamang snacks maging ang drinks na nasa cooler na maliit sa gilid nila. Patay ang ilaw sa buong unit at ang nagsisilbing ilaw nila ay ang string lights na nakasabit sa kisame maging ang nakalatag sa palibot ng bahay-bahayan.

Nakisilip sya sa ginagawa nito sa laptop habang tinutuyo ang buhok nya, napangiti na lang sya ng makita kung ano iyon, pinipili na nito ang panonoorin nila at lahat ng iyon ay base sa genre na paborito nya. Nag-play ito ng isa at nagsimula na silang manood, inihinto na nya ang pagtutuyo sa buhok ng yakapin sya ni Jackson. Isinandal nya ang sarili sa asawa habang yakap sya nito, hawak naman nya ang bowl ng chips habang nanonood sila.

Napapikit sya ng mayroong kissing scene ang palabas bagay na ikinatawa ni Jackson, kahit naman kasi ginagawa nila iyon ay naiilang pa rin syang makita ang ganoon sa palabas. Nagmulat sya ng mga mata saka ngumiti. "Thank you sa effort," sambit nya habang nakatingin kay Jackson na nakatingin na rin sa kanya.

"I love you, wife." Sagot nito saka dinampian sya ng halik sa labi at bumaling na sila sa pinanonood.

"Ay tanga, nasa likod na e." Ismid nya makaraan ang ilang minuto ng panonood, tinapik nya ang binti ng asawa kaya nag-lean ito para pansinin sya. "May pasok ka bukas?" Tanong nya.

"Wala, baby."

"Good, samahan mo ko."

"Saan?" Tanong nito.

"Sa mall? May bibilhin ako sa bookstore."

"Okay, sure." Sagot sa kanya ni Jackson at nanood na ulit sila.

Nasa climax na 'yong palabas ng manlaki ang mga mata nya sa sumunod na scene, agad nyang isinara ang laptop na ikinatawa ni Jackson. Pagharap niya para tingnan ito ay agad syang siniil ng halik, tinugon naman nya pero agad syang humiwalay at napairap.

"Ang inggitera mo talaga!" Akusa nya saka kinurot ang tagiliran nito. "Bakit may gano'n? Movie ba 'yon o porn?!" Nahihindik na tanong nya na tinawanan ni Jackson.

"Wife, romance 'yon."

"Oo nga pero bakit naman gano'n?!" Naeeskandalong sabi nya saka binuksan ang laptop at pumili na lang ng ibang genre kaysa maeskandalo ulit sa pinanonood.

"Wife, ang hilig mo talaga sa ganyan. Tumahan ka na nga." Saway sa kanya ni Jackson pagkaraan ng ilang minutong panonood nila ng pinili nya.

Pinunasan nya ang mga mata. "Ako 'yong nasasaktan para sa bida, tatanga-tanga kasi e." Katwiran nya saka yumakap kay Jackson na napapasaltak at iling na lang dahil sa pag-iyak nya habang inaalo sya.

Ilang movies pa ang natapos nila bago sya nakaramdam ng antok at pagod dahil sa mga ginawa nya buong araw, ipinikit nya ang mga mata kahit pa nilalambing sya ni Jackson at mukhang gagapangin na naman sya ng asawa, ganoon pa man ay hindi naman sya pinupwersa nito.

"Sleepwell wife," rinig nyang sabi nito ng ihiga sya sa mattress at ayusin ang unan.

"Goodnight..." mahinang sabi nya saka tumagilid, naramdaman nya ang pagkumot nito sa kanya kaya namaluktot na sya at nakatulog.

🍚🍚🍚

"Surprise!" Ring nyang sigaw pagbukas nya ng pinto ng unit, halos manlaki ang mga mata nya sa gulat ng makita kung ano iyon.

"A-akala ko, tayo ang uuwi?" Di makapaniwalang tanong nya.

Lumapit sa kanya ang mag-ama nya at agad syang niyakap ng dalawa dahilan para matawa sya.

"Actually oo nga, kaso naisip ko never pa nating naipasyal dito sa maynila si Acks kaya sinundo ko sya." Sagot ni Jackson na nakangiti sa kanya habang buhat-buhat ang anak nila.

"Mama, na-surprise ka po ba?" Tanong naman ni Acks na ikinangiti nya.

Hinalikan nya sa pisngi ang bata. "Oo naman-" napahinto sya ng maramdaman ang paghawak ni Jackson sa bewang nya.

"Ako wala?" Reklamo nito kaya napairap sya.

"Napaka-inggitero mo talaga," ismid nya saka kinuha ang anak at pumasok na sa loob.

"Wife!" Tawag sa kanya ni Jackson ng lagpasan nya ang asawa.

"Mamaya ka na!" Sigaw nya saka pumasok sa kusina, inilapag nya sa silya ang anak.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong nya, agad na kumislap ang mga mata ng bata at tumango.

"Pancakes mama!" Sagot nito sa kanya na ikinangiti nya ulit.

"Parang may narinig akong batang tuwang-tuwa na naman," biro ni Jackson ng sumunod sa kanila sa kusina.

"Papa pancakes!" Ulit ni Acks sa sagot nito at napailing na lang sya saka nagsimulang gawan ng pancakes ang bata, naupo naman sa katabing silya si Jackson at kinulit ang bata.

Di nagtagal ay naiwan na syang mag-isa sa kusina dahil lumipat sa sala ang dalawa, natapos na sya sa pagluluto ay hindi pa rin bumabalik ang mga ito kaya naman sinilip na nya kung anong ginagawa ng dalawa at napangiti sya ng makitang naglalaro ang mga ito sa sala.

"Tama na muna 'yan, luto na ang pancakes." Tawag nya sa atensyon ng dalawa.

"Papa, kain na tayo!" Aya ni Acks saka hinawakan si Jackson at hinila na pabalik sa kusina. Nginitian lang sya ng asawa ng madaanan, sumunod naman sya. Inaasikaso na ni Jackson ang anak nila ng makalapit sya, kumakain na nga ang bata kahit kalalagay lang ng syrup sa pancakes nito.

Pinagsaluhan nilang tatlo iyon at hindi na nga nya namalayan ang oras, naaaliw sya habang pinagmamasdan ang dalawa na walang ibang ginawa kundi magkulitan at pagkatapos kumain ay naglaro na naman sa sala, pagsapit ng hapon ay lumabas sila para ipasyal si Acks.

"Sya na ho ba 'yon?" Usisa no'ng babae sa front desk, ngumiti sya saka tumango.

"Si Acks," sagot nya.

"Jackson Montesejo Jr." Singit na sagot ni Jackson at napatawa na lang sya sa pagiging proud nito.

Pagkaalis nila sa building ay una silang pumunta sa zoo para mamasyal, halos hindi mapakali ang bata at aliw na aliw sa mga nakikita nito sa paligid.

"Acks!" Sigaw nya ng tumakbo ang anak palapit sa glass, naiiling na sinundan nila iyon ni Jackson at napatawa na lang sila parehas ng makitang idinikit ng anak ang mukha sa glass habang sinusundan ang paglangoy ng mga isda.

"Mukhang namana nga nya," natatawang sabi ni Jackson.

Napakunot ang noo nya. "Alin?"

"Ang pagiging baliw mo."

"Hoy!" Hiyaw nya na tinawanan ni Jackson. "Grabi ka sakin!"

"Biro lang, pero medyo."

Umirap sya saka kinurot ang tagiliran ng asawa, nakatayo lang sila habang pinagmamasdan ang anak na nasa mga isda pa rin ang atensyon. "Mukhang may balak maging sirena ang anak mo, Jackson." Sambit nya.

"Kahit maging shokoy pa sya," napatingin sya sa katabi ng marinig iyon. "Anak ko pa rin sya."

Hindi sya nakaimik ng marinig iyon at nanatili lang ang tingin kay Jackson, lumapit sa kanya ang asawa at niyakap sya. "Thank you," sambit nya na inilingan ng lalake.

"Thank you for completing me." Rinig nyang sabi nito sa kanya kaya napairap na lang sya, di talaga papatalo e.

Malapit ng maggabi ng magpasya silang umuwi matapos kumain sa isang fast food, pagod na pagod ang makulit na bata kaya tulog na ito ng makauwi sila sa unit. Ipinasok nya sa kwarto ang anak at inilapag sa kama saka inayos. Nagtatali sya ng buhok ng paglabas nya ng kwarto ay nakita nyang nakasandal sa hamba si Jackson, nakahalukipkip at mukhang iniintay sya.

"Hey," bungad nito ng makita nya, naglakad sya palapit at paghinto nya sa harap nito ay agad syang hinalikan sa labi.

"Thank you," mahinang sambit nya ng bitawan nito ang labi nya. "Hindi lang si Acks ang napasaya mo Jackson, ako din." Pag-amin nya.

"I'm also happy, knowing that my woman and my son are happy," hinawakan nito ang likod nya. "Hindi pa ba sumasakit ang likod mo? Nakakapagod ang kalikutan ni Acks."

Umiling sya saka nag-tiptoe at hinalikan sa labi si Jackson. "Hindi pa naman," sagot nya pagkatapos. "Ikaw?"

"Medyo.." sagot nito saka napatawa. "Signs of aging, I guess."

Natawa rin sya. "Matanda ka na kasi talaga," sang-ayon nya. "Anyways, halika na i-massage natin 'yan." Aya nya saka hinawakan sa braso si Jackson at dinala sa isa pang kwarto. Pumuwesto ito sa kama, nag-alis ng shirt at dumapa.

Kinuha nya 'yong ointment saka sumampa sa kama, naupo sya sa ibabaw nito at sinimulang i-masahe ang likod ng asawa.

"Tulog ka na ba?" Tanong nya ng matapos sya at makitang nakapikit na si Jackson, nagmulat ito ng mga mata saka tumihaya.

"Masakit din pala ang dibdib ko," biro nito na inirapan nya, nag-lean sya at hinalikan sa labi si Jackson, naramdaman nya ang mga kamay nitong humawak sa mga binti nya.

"May masakit pa?" Tanong nya na ikinangisi nito.

"Madami," natatawang sagot nito saka hinawakan sya sa likod at inihiga.

"Jackson!" Tili nya ng pumaibabaw ito sa kanya.

"Yes, baby?" Painosenteng tanong nito.

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Masama 'yang iniisip mo, may bata sa kabilang kwarto."

Tumawa ang lalake at nahiga sa tabi nya, niyakap nito ang bewang nya. "Sleep na lang tayo," nginitian sya ni Jackson. "Goodnight, wife."

Hinawi nya ang magulong buhok nito. "Goodnight!" Sambit nya saka inayos ang unan at sumiksik sa asawa para matulog.

Kinabukasan nagising na lang sya na wala na syang katabi at ng lumabas sya ng kwarto ay naabutan nya sa kusina na abala ang mag-ama nya sa pagluluto.

"Bakit hindi nyo ko ginising?" Tanong nya kaya napatingin sa kanya ang dalawa, na ng makita sya ay agad na huminto sa ginagawa saka nag-uunahang lumapit sa kanya.

"Goodmorning mama!" Bati ni Acks na agad yumakap sa kanya ng yumuko sya para maabot nito dahil naka-extend na naman ang mga braso ng batang makulit at inaabot sya. Pag-tayo nya ng maayos ay ngiti ni Jackson ang bumungad sa kanya.

"Goodmorning, wife." Bati din nito na talagang ayaw magpahuli.

"Goodmorning, anong ginagawa nyo?" Agad na usisa nya.

"Nagluluto kami ng agahan," sagot ni Jackson.

Hinawakan naman sya ni Acks at hinila papunta sa upuan. "Mama upo ka lang." Sabi nito na sinunod nya dahil ng subukan nyang tumulong ay agad syang pinagbawalan ng dalawa, napailing-iling na lang sya at pinagmasdan magluto ang mag-ama.

Hindi nya maiwasang mapangiti habang pinanonood ang dalawa, akala nya'y doon na matatapos iyon pero hindi pala, dahil buong araw ay ang dalawa ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay na dapat sana ay sya ang gagawa samantalang sya naman ay nakaupo na lang at pa-chill chill.

"Magpahinga ka lang dyan, kami na nito." Iyon ang halos parehas na sabi ng mag-ama nya. Natawa na lang sya dahil kahit ang gawaing bahay ay ginawang bonding ng dalawa, naaaliw syang pagmasdan at panoorin iyon lalo pa't walang ibang ginawa si Acks kundi gayahin si Jackson.

"Ano, kaya nyo pa?" Biro nya sa dalawa ng tumabi sa kanya pagsapit ng hapon na natapos na ng mga ito ang gawaing bahay, pareho pang yumakap sa kanya.

"Pagod, mama." Reklamo ni Acks saka tiningnan sya. "Pero atleast di ka po napagod mama, 'yon sabi ni papa."

Tiningnan nya si Jackson na nakatulog na agad sa pagkakayakap sa kanya, napangiti na lang sya ng makitang pagod man ito ay mukha namang nasiyahan ang asawa sa ginawa. Hinayaan na lang nyang gawin syang unan ng dalawang nakatulog na sa pagod, natutuwa rin kasi sya sa kaalamang ganoong bagay ang itinuturo ni Jackson sa anak.

"Ang tangos naman ng ilong nyo," sambit nya ng sumulpot ang mag-ama nya saktong naghahain na sya sa mesa makalipas ang ilang oras na tulog sa sofa ang mga ito. Parehas pang-inaantok at pumipikit ang mata ng dalawa habang nauupo sa silya.

"Mama, gatas po please." Naglalambing na hirit ni Acks ng tumayo sya sa tabi nito para ilapag ang mga plato.

Nagkatinginan sila ni Jackson na tumalsik ata ang antok dahil sa narinig, ang tono at pananalita kasi ni Acks ay halos kaparehas sa kung paano maglambing si Jackson sa tuwing magpapatimpla sa kanya ng kape marahil ay naririnig at nakikita kasi nito iyon sa tuwing bakasyon na uuwi silang mag-asawa sa probinsya para sa anak.

"Kasalanan mo 'to," naiiling na paninisi nya kay Jackson na napa-pout na lang saka napa-facepalm.

Tinimplahan nya ng gatas ang anak saka inilapag iyon sa harap nito, agad namang ngumiti ang bata. "Tenchu mama!" Pasasalamat nito sa kanya. Ngumiti lang din sya saka naupo na at nagsimula na silang kumain, akmang magliligpit na sya ng pinagkainan ng pigilan sya ni Jackson.

Tumayo ang asawa saka kinuha sa kanya ang hawak nya. "Ako na nyan, magpahinga ka na lang do'n sa sala." Awat nito sa kanya.

Agad namang tumayo din si Acks. "Oo nga mama, kami na po bahala ni papa." Segunda nito na nakikidamay na naman sa gagawin.

"Kaya ko naman tsaka hindi naman ako pagod." Kontra nya.

"Kahit na," hinawakan sya ni Jackson sa magkabilang balikat at iginiya palabas ng kusina. "Isipin mo na lang na day off mo ngayon wife, sa araw-araw ba naman na lagi mong ginagawa 'to. Ngayon ka lang makakapagpahinga kaya 'wag ka ng kumontra."

Nakasimangot na humarap sya sa asawa. "Ano bang nakain mo at inaako mo ang gawain ko?"

"Well, bukod sa gusto ko talagang makapagpahinga ka. Tingin ko din kasi oras na para turuan si Acks ng ilang mga bagay-bagay." Paliwanag nito kaya hindi na sya kumontra at hinayaan na lang ang mag-ama nya.

Pumuwesto na lang sya sa sofa at pipili na sana ng panonoorin ng may maalala, pumasok sya sa kwarto at nagligpit ng mga gamit doon maging sa kabilang kwarto.

"Mama naman!" Napapitlag sya ng marinig iyon, nilingon nya ang gawi ng pinto at nakita nyang parehas na nakahalukipkip ang mag-ama nya sa may pinto habang nakatingin sa kanya, parehas ding nakataas ang kilay na ikinangiti nya.

"Hindi ako matahimik ng walang ginagawa e." Nakangiting pagrarason nya pero ang totoo e nabo-boring sya sa buhay nya ng walang ginagawa. "Mabuti pa, halika na kayo ng makapagpahinga na kayong dalwa." Pag-iiba nya.

Nakasimangot na lumapit ang mag-ama nya saka sumampa sa kama, lumabas naman sya para mag-half bath muna bago matulog. Pagbalik nya ay nakita nyang abala ang dalawa sa laptop habang magkadikit na animo'y nagkasundo sa tinitingnan. "Mukhang busy kayo dyan ah?" Puna nya saka naupo sa gilid ni Jackson at nakisilip din sa tinitingnan ng dalawa. Napangiti sya ng makitang nanonood lang pala ng cartoons ang dalawa.

"Mama, dito ka po sa gitna." Sabi ni Acks ng mapansing nasa tabi sya ni Jackson, humiwalay na pati ito sa ama para bigyan sya ng space. Inalis ni Jackson ang laptop at inalalayan syang makapwesto sa pagitan ng dalawa saka pumasok sa kumot.

Agad na lumapit sa kanya si Jackson at ganoon din si Acks na sumiksik talaga sa kanya saka yumakap, napasaltak na lang ang asawa nya saka niyakap silang mag-ina.

"Pakiramdam ko habang tumatagal nagiging kaagaw ko na si Acks," napapailing na sabi nito ng makitang tulog na ang anak.

Bahagya syang natawa. "Ngayon lang naman 'yan habang bata pa sya, pagnag-binata na 'tong anak mo paniguradong kahit yumakap sa akin e maiilang ng yumakap 'to."

"Mabilis ngang lumalaki ang mga bata ngayon, pakiramdam ko tuloy matanda na ko."

"Jackson, matanda ka na talaga hindi na lang basta pakiramdam 'yon."

"Lagi mo talagang binabasag ang trip ko, tapos hanggang ngayon Jackson pa rin ang tawag mo sakin e ilang taon na tayong kasal." Reklamo nito sa kanya na tinawanan nya, inayos nya ang higa ni Acks para mapahiwalay ito sa kanya saka humarap kay Jackson na agad yumakap sa bewang nya pagharap nya.

Tinaasan nya ng kilay ang asawa. "Bakit parang napakarami mo atang inaangal lately?"

Napa-pout si Jackson. "Pakiramdam ko kasi trip na trip mo kong pagtripan." Nagtatampong sabi nito na ikinatawa nya.

"Alam mo, tama ka. HAHA!" Sang-ayon nya.

Napakunot ang noo ni Jackson. "Tama ako?"

"Yup, minsan talaga aaminin ko na trip na trip talaga kitang pagtripan o kulitin, but that's not mean na hindi ako seryoso sayo." Hinawakan nya ang pisngi ng asawa. "I may not always call you using such endearments but know that I always love you, love." Marahang sambit nya na ikinatulala ni Jackson, namula ito at sumunod na sumilay ang ngiti sa mga labi.

Napabangon si Jackson. "Wife....." sambit nito na para bang hindi makahinga. "Damn, ganito pala ang pakiramdam ng binibigyan ng assurance?" Halos pabulong ng sabi ni Jackson na para bang hindi makapaniwala.

"Ayos ka lang?" Natatawang tanong nya dahilan para tingnan sya ni Jackson, nag-thumbs up sya para sumenyas kung okay lang ba ito pero imbis na sagutin sya ay bigla na lamang naglean ang asawa nya at walang babalang hinalikan sya sa labi, saglit lang iyon at agad na nyang pinutol dahil nasa tabi lang nila si Acks.

"Fatima Faye....." bigkas ni Jackson sa pangalan nya habang nakapikit pa rin at nakadikit ang noo sa noo nya. "Pa'no mo naga...gawa sa akin 'to? Damn, I can't even breath nor...mally."

"Wala kong kasalanan kung ganyan mo ko kamahal." Nagyayabang na kaila nya.

Napatawa si Jackson saka niyakap sya. "Yes, this is my fault. I fall this damn hard but hell I don't even regret falling."

Kunwaring itinaas nya ang isang kilay. "Sinusubukan mo ba kong pakiligin din?" Nang-aakusang tanong nya.

Ngumisi si Jackson at nagkibit-balikat. "Di ko kasalanan kung kinikilig ka sakin wife, kasi kinikilig din naman ako sayo so fair lang."

Napatawa sya saka pinisil ang pisngi ng asawa, bahagya sya nitong binitawan para tingnan kaya hinawakan nya sa batok si Jackson at inilapit. "Wala naman akong sinabing kinikilig ako," kaila nya.

"Not? Maybe I should try harder?"

"You should..." pagsang-ayon nya saka hinalikan sa labi si Jackson, napahinto lang sila ng maradamang gumalaw si Acks. Hinawakan sya ng asawa sa bewang saka umusog ng umusog palayo sa tulog nilang anak. "Jack-" sisigaw sana sya sa gulat pero natutop na lang nya ang bibig ng malaglag ito sa lapag kauusog papalayo sa anak, napatawa sya saka bumangon para tingnan ang asawa.

Nakasimangot na ito at bahagyang nakangiwi habang iniinda ang balakang. "Ayan, literal kang na-fall tuloy." Pang-aasar nya saka iniabot ang kamay. "Ayos ka lang?"

Sinimangutan sya. "Hindi," tinanggap nito ang kamay nya at imbis na bumangon ay hinila din sya, nalaglag sya sa ibabaw ni Jackson na agad na niyakap sya.

Hinampas nya ang asawa. "Baliw ka, baka magising ang anak mo." Paalala nya pero napahinto sya at nanatili ang tingin nya kay Jackson ng ngumiti ito habang nakatingin sa kanya. Hinawakan nya ang balakang nito. "Ayos ka lang? Masakit?"

"Medyo," sagot sa kanya kaya tiningnan nya iyon dahil baka namaga o nagkapasa. "Fatima Faye..." rinig nyang tawag nito sa atensyon nya kaya agad syang napahinto at tumingin.

Inayos ni Jackson ang shirt nyang bahagya ng umangat dahil sa pagkakalaglag nya. "Kung darating man ang araw na maisipan mong iwanan na ako, sana maalala mo lahat ng 'to." Seryosong sabi ni Jackson na ikinakunot ng noo nya.

"Maisipan kong iwanan ka?" Ulit nya, napabuntonghinga sya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jackson saka pinangigilan 'yon. "Baliw ka talaga, hindi mangyayari 'yon."

Humiwalay sya at naupo ng maayos kaya ganoon din ang ginawa ni Jackson, hinawakan nya ang mga kamay ng asawa. "Hindi ko alam kung anong iniisip mo at nasasabi mo 'yan pero kung ano man 'yon sigurado akong kahit mangyari 'yon hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Oo noong mga nakaraang taon hindi tayo naging okay, nasaktan mo ko at nagkaroon din ako ng ilang pagkukulang sayo kasi hindi ko naiisip na sa sobrang honest ko sayo nasasaktan na din kita lalo na noong mga panahong nababanggit ko pa sya, alam kong kahit di mo sabihin nasasaktan kita kasi ikaw 'yong nasa tabi ko pero naaalala ko pa rin sya noon, pero matagal na ang lahat ng 'yon." Ngumiti sya. "Marami na tayong pinagdaanan, may mga di pagkakasundo, sakitan at away pero tingnan mo naman nandito pa rin tayo, magkasama."

"Dahil pinatawad mo ko."

Umiling si Faye. "Dahil mahal mo ko." Pagtatama nya.

"Pa'no kung kaya ako nanatili dahil wala akong choice? Hindi dahil mahal kita."

"Ang mahalaga nanatili ka."

"Paano kung napakarami kong kasinungalingan? Pa'no kung hanggang ngayon nagsisinungaling ako sayo?"

"Edi simulan mo ng magsabi ng totoo."

"Paano pala kung hindi naman pala talaga kita mahal noon?"

Tiningnan nyang mabuti si Jackson at ang mga mata nitong para bang napakalalim ng lungkot na dinadala.

"Mahal mo ba ko ngayon?" Tanong nya habang nakatingin sa mga mata ni Jackson.

"Oo," walang kurap na sagot nito, ni walang pag-aalinlangan kaya napangiti sya kahit pa ang negative nito mag-isip.

"Iyon naman pala e," balewalang sabi nya.

Napakunot ang noo ni Jackson. "Anong ibig mong sabihin?"

"Love, ang ibig kong sabihin ang mahalaga mahal mo ko ngayon. Wala akong pakealam sa kung ano noon, ang mahalaga kung ano 'yong ngayon."

Animo'y nakahinga ng maluwag si Jackson sa mga narinig mula sa kanya. "Sana nga, di magbago 'yan wife." Ngumiti na ito. "Panghahawakan ko 'yan."

Hindi sya umimik kaya lumapit ng husto sa kanya si Jackson. "Love...?" Tawag nito sa pansin nya.

"Naisip ko lang," tiningnan nya si Jackson. "Huwag mo na pa lang panghawakan."

Napakunot ang noo ng lalake. "Binabawi mo na?"

"Hindi 'yon," kontra nya. "Ansakit mo kaya humawak! Naaalala ko pa 'yong paghila mo sa buhok ko tsaka paghawak mo ng mahigpit."

"Fatima....."

Tiningnan nya si Jackson at nawala ang dapat na pagtawa nya ng makita ang pagsisisi sa mukha nito kaya agad syang nataranta.

"Jackson binibiro lang kita!" Hiyaw nya. "Nagbibiro lang ako,"

"Did you...ahmmm..." napabuntonghinga si Jackson. "...napatawad mo ba talaga ako fatima? O pinilit mo lang na kalimutan kasi ayaw mong masira lahat para kay Acks?" Hinawakan nito ang kamay nya. "Magsabi ka ng totoo, hindi naman kita-"

Lumapit sya. "-napatawad na kita," sabi nya. "Hindi ko man agad na-realize pero noong araw na 'yon, no'ng mismong araw na tumakbo ako palapit sayo no'ng nasa elevator ka, napatawad na kita."

Nagulat si Jackson sa narinig. "Pwede nilang sabihing masokista ako kasi kahit nasaktan mo ko bumalik pa rin ako sayo, pwede nilang sabihing ang tanga ko kasi kahit pa kumakaway sa harap ko ang pagiging red flag mo e pumikit pa rin ako at tinanggap ka pero Jackson, nagbago ka. Hindi dahil sinabi ko kundi ginawa mo ng kusa, nagbago ka at sapat na sa akin 'yon para patawarin ka."

"W-wife...."

"Oo hindi ko malilimutan 'yon pero hindi dahil hindi pa kita napapatawad o dahil nasasaktan pa rin ako. Hindi ko malilimutan 'yon dahil 'yon ang isa sa palatandaan na nagbago ka, na naging better ka hindi lang para sa akin kundi para sa sarili mo." Hindi nakaimik si Jackson at nagulat na lang ng may luhang tumulo mula sa gilid ng mga mata nito, niyakap agad sya ni Jackson ng mahigpit. Tinapik nya ang likod nito. "Nakikita ko lahat at naa-appreciate ko ang pagsusumikap mong maging maayos para sa amin ni Acks."

"Napaka-swerte ko," panimula ni Jackson saka bahagyang humiwalay sa kanya. "Napaka-swerte kong ikaw ang pinakamamahal ko."

"Ganoon-"

"-ma? pa?" Rinig nilang tawag ni Acks dahilan para agad silang mapahiwalay sa isa't-isa, tumayo sya at nilapitan agad ang anak.

"Yes baby? Ayos ka lang?" Tanong nya.

"Akala ko po, iwan nyo ko." Mahinang sagot ng bata sa tanong nya kaya tumabi na ulit sya sa anak at hinayaan itong yakapin sya.

Sinuklay nya lang ang buhok nito ng marahan hanggang sa muling makatulog si Acks samantalang si Jackson naman ay bumalik na rin sa tabi nya. "Masakit ang balakang mo?" Tanong nya ng yakapin din sya ng asawa at maalala ang balakang nito.

Umiling si Jackson. "Ayos lang ako," paninigurado nito sa kanya saka sumubsob sa balikat nya. "Wife...ang bango mo,"

"Tigilan mo nga 'yan, may bata." Saway nya kaya natawa ang asawa nya.

"Sabi ko nga, itutulog ko na lang e." Pagbibigay nito saka nakuntento na lang sa pagyakap sa kanya, natahimik na sila matapos 'yon at di rin nagtagal e nakatulog na sila parehas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro