CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

Napangiti sya habang nakapangalumbaba sa mesa at pinagmamasdan kung paano turuan ni Jackson si Acks sa mga aralin nito, simula ng mag-aral ang anak noong nakaraang taon ay palagi ng tinutulungan ni Jackson ang anak sa pag-aaral at ganoon din naman s'ya. Habang abala ang mga ito ay naisip n'yang mag-isip ng negosyong pwedeng makatulong sa kanila pero kanina pa s'ya nag-iisip at wala s'yang maisip kaya iniligpit na n'ya ang mga papel sa harap n'ya sakto namang nag-aya ng matulog ang mag-ama n'ya. As usual, sa gitna na naman sya nahiga habang yakap sya ng dalawa na nasa magkabilang gilid nya.

"Love, gising ka pa?" tawag nya.

"Hmmm?"

"Tingin mo, anong magandang negosyo?"

"Negosyo?" Ulit nito sa sinabi nya.

"Oo, wala kong maisip e."

"Wife, saan ka ba magaling?"

"Sa pagluluto?" Di siguradong sagot nya.

"Saan ka mas masaya?"

"Sa kusina?"

"Medyo masakit pero 'yon na ang sagot sa iniisip mo love."

Natawa sya. "Sira, masaya din naman ako sayo." Dagdag ni faye at simula ng gabing 'yon, pinupursigi sya ni Jackson na iyon ang gawin nyang negosyo dahil doon daw sya masaya at magaling kaya ng pumayag sya ay todo suporta ito sa kanya.

"Ako ng magdi-deliver." Nakangiting prisinta nito kahit pa ang asawa na rin ang sumasama sa kanya sa pamamalengke ng magsimula sya.

Nakakapagod iyon lalo na at pinagsasabay nya ang lahat pero napapangiti sya sa tuwing makikitang tinutulungan sya ng mag-ama nya, ultimo pagbabalat ng bawang ay ginagawa ni Acks para tulungan sya.

"Jackson baka masugat ang anak mo!" Hiyaw nya ng makitang may hawak ng kutsilyo si Acks, maliit man iyon ay nag-aalala pa rin sya na baka masaktan o mahiwa ang anak.

"Fatima, hindi matututo si Acks kung hindi sya masasaktan." Kumuha ito ng sibuyas. "Sundan mo ang ginagawa ko nak," utos nito sa anak na agad namang sumunod.

Napabuntonghinga sya at ng umalis si Jackson para magtapon ng basura ay tumabi sya sa anak. "Baby, hindi ka ba nahihirapan sa mga pinapagawa sa'yo ng papa mo?" Tanong nya na agad inilingan ni Acks.

"Hindi naman po mama, maliliit pa po ang mga kamay ko pero kaya ko naman po, di naman po ako pinapabayaan ni papa e." Ngumiti si Acks. "Mama, wala ka pong dapat ipag-alala di naman po pwedeng laging toys ang hawak ko. Sabi ni papa dapat marunong akong mag-asikaso dito sa bahay para kahit wala sya may katulong ka daw po mama, kung kaya ko nga lang po bumuhat ng mabibigat, bubuhatin ko po para di sumakit likod mo e kaso sabi ni papa kailangan ko daw po muna lumaki tsaka maging matibay buto ko kaya nga po nagmi-milk ako e!"

Napangiti sya pero nag-aalala pa rin sya. "Kapag hindi mo kaya pwede namang huwag mong gawin, hindi naman lahat ng itinuturo ng papa mo e kaya mo anak, masyado ka pang bata."

"Mama naman, wala naman pong mahirap sa itinuturo ni papa," napa-pout si Acks. "Maliban sa sibuyas po, nakakaiyak kasi e!" Reklamo nito.

"Nag-aalala lang ako sayo, dapat naglalaro ka pa pero tingnan mo naman ginagawa mo."

Umiling si Acks. "Mama, naglalaro naman po ako ng toys ah? Lagi nga po ako binibilhan ni papa ng lahat ng gusto kong toys, naglalaro din po kami lagi pagtapos nya sa trabaho e, di ba po?" Hinawakan ni Acks ang pisngi nya. "Mama, wala ka pong dapat ipag-alala sa akin, hindi naman po ako pinahihirapan ni papa tsaka di nga po nya ko nipapalo e unlike sa mga kaklase ko na nipapalo daw sila pag-mali sila. Si papa lagi nya lang po ako kinakausap ng mahinahon, gagalit lang sya pag-ayaw ko makinig pero sesermon lang naman sya kasi gusto daw nya mapabuti ako tsaka love nya ko."

Muling sumimangot si Acks. "Tsaka mas gusto ko po na nituturuan ako ni papa, mama. Kaysa naman po katulad ng mga kaklase ko, puro iyak nigagawa, alam mo ba mama wala silang alam sa gawaing bahay, tsaka mama mga di sila marunong rumispeto kay teacher! Nasigaw sila tsaka nagwawala kapag di nibibigay gusto nila," umismid ang anak nya. "Mga immature, di nila alam na too much candy can make their teeth broken! Tsaka iinis ako do'n sa isa kasi pag-iiwan sya ng mama nya sa school, naiyak sya akala mo po di babalikan e sabi ni papa, nihahatid lang naman daw talaga kami kasi need po namin mag-aral ng kami lang, dapat matuto sila maging independent mama! Di naman sila nisasaktan puro sila iyak, nakakakulili!" Reklamo nito na ikinatawa na lang nya, alam nya na maaga talagang magmamatured ang anak nya dahil sa mga itinuturo ni Jackson pero hindi nya inaakalang ganito ang kahihinatnan no'n, hindi na sya magtataka kung maging masungit na snabero ang anak paglaki dahil ngayon pa nga lang ay andami na nitong reklamo.

Natatakot sya sa totoo lang dahil baka mawalan ito ng masayang childhood dahil sa maagang pag-matured pero napanatag na rin sya ng magawa nitong mabalanse iyon, marahil dahil na rin kay Jackson na talagang ginagabayan ang anak nya ng maayos.

"Anong meron?" Bungad na tanong ni Jackson saka lumapit sa lababo para maghugas ng mga kamay ng makabalik. "Bakit parang ang seryoso nyo?"

"Papa, si mama nag-aalala na naman." Sumbong ni Acks. "Nag-aalala si mama, papa. Baka daw po di na ko maging normal na bata dahil sa mga natututunan ko, e normal naman ako tsaka naghahanap pa ko ng friends yung di iyakin!"

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig dahil hindi naman nya sinabi ang tunay na ipinag-aalala nya pero naintindihan agad nito ang ikinatatakot nya.

"Sabi ko sayo, nag-aalala sayo ang mama mo." Sabi ni Jackson saka lumapit habang nagpupunas ng kamay. "Huwag mo kasing husgahan masyado 'yong iyakin mong mga kaklase."

Sumimangot si Acks. "Sakit kaya po sa tenga, puro sila iyak konting kilos iyak agad."

Napatanga na lang sya sa dalawa dahil para bang andami nyang hindi nalalaman na pinagkukwentuhan ng mga ito, hindi naman sya nagkukulang sa oras pero para bang habang tumatagal ay mas nagiging mas close si Acks kay Jackson.

"Bakit parang andami kong di alam?" Taas kilay na tanong nya.

"Mama talaga, syempre usapan po ng lalake 'yon kaya kami lang ni papa." Sagot ni Acks na ikinalaki ng mga mata nya.

"Huwag mong sabihing may crush ka na! Aba Jackson! Mag-aanim ka pa lang next month!" Nahihindik na sabi nya.

"Mama, wala po akong crush. Bata pa po ako."

"Siguraduhin mo lang, mapipingot talaga kita." Banta nya.

Naiiling na niyakap sya ng anak. "Mama, saka na po ako magka-crush pag-nakita ko na po katulad mo."

"Siguraduhin mo lang Jackson, may gatas ka pa sa labi!"

Napatawa ang asawa nya. "Parang ibang gatas ata nasa labi ko love." Sagot nito, nanlaki ang mga mata nya.

"Isa ka pa! Huwag mong maturo-turo sa anak mo 'yang mga ganyan at masasapak talaga kita!" Banta nya kaya napataas ng mga kamay si Jackson.

"Mama, hindi pagiging babaero po ang nituturo ni papa sakin." Umupo ng maayos si Acks. "Sabi ni papa dapat isang babae lang po ang love ko bukod sayo mama, dapat isa lang crush ko kasi masama daw 'yong madami. Di daw po nakakagwapo 'yon."

Tiningnan nya si Jackson na ngumiti sa kanya, umirap lang sya.

Nagpatuloy ang negosyo nya, lumalago iyon at nagiging kilala dahil sa magagandang feedbacks na nakukuha nila mula sa clients hanggang sa di nagtagal ay naisipan na nilang magbukas ng physical store, kumuha ng ilang mga tauhan na kailangan at mas palaguin ang negosyo.

"Love," rinig nyang tawag ni Jackson pagpasok nya sa kwarto, nakaupo ito habang tulog naman si Acks sa tabi nito.

"Po?" Sagot nya.

"Kanina pa tumutunog ang cellphone mo."

Napakunot ang noo nya ng marinig iyon, lumapit sya at tiningnan ang sinasabi ni Jackson. Pagbukas nya ng cellphone ay mayroong tatlong missed calls mula sa isang unknown number, sa pag-aakalang baka tauhan nila iyon sa store or client ay tinawagan nya pabalik ang numero.

Tatlong ring ang inabot bago nasagot ang tawag. "Hello?" Bungad nya.

"Hi, is this Fatima Faye Clinton?"

"Yes, speaking."

"Ahmm, this is Cornellia Austell Avenson - Clinton."

Natahimik sya saglit ng marinig ang apelyedo nya saka tumikhim. "How can I help you, Mrs. Clinton?" Napatingin sa kanya si Jackson ng marinig ang sinabi nya.

"Can we meet?" Diretsang tanong nito.

Nagsalubong ang kilay nya. "This is for?"

"For your father. Ernesto Clinton Sr."

"Why do I have to meet you? Why don't you just discuss it over the phone?" Matapang na tanong nya, pakiramdam nya umangat ang galit sa puso nya dahil narinig nya ang pangalan ng itay nya.

"I'm sorry. I just wanna see you in person, maybe to talk about everything?"

"Kung inutusan ka nya para gawin 'to-"

"-ah no, darling wala syang alam tungkol dito. I just think it's better if makausap kita ng personal. Wala akong ibang intensyon, sadyang gusto ko lang ayusin ang ilang mga bagay sa pagitan natin."

Saglit syang napapikit ng mga mata at ng magmulat ay napabuntonghinga. "Okay, where do you want to meet?"

"Of course on your shop."

"Okay." Walang emosyong sagot nya.

"Thank you! See you!" Sabi nito bago namatay ang tawag at pakiramdam nya para syang nawalan ng lakas, pabagsak na humiga sya sa kama habang takang-taka naman si Jackson.

"Si Cornellia, ang legal na asawa ni itay. Gusto nyang makipagkita." Sambit nya saka ipinikit ang mga mata nya, unti-unting umaangat ang galit at sakit na nararamdaman nya ng dahil sa pang-iiwan ng itay nya. Pakiramdam nya sinasakop ng galit na iyon ang isipan nya na hindi na nya magawang mag-isip ng ibang bagay o kahit pa ang makapag-isip ng tuwid.

"Pupunta ka." Hindi iyon tanong dahil alam ni Jackson ang naging sagot nya.

"Hindi ko alam, may parte sa akin na ayoko syang makita o makilala pero mayroon ding parte sa akin na gustong marinig ang mga sasabihin nya." Mahinang sabi nya.

"Fatima," napamulat sya ng marinig iyon at napatingin sya kay Jackson na nakatingin din sa kanya. Ngumiti ng marahan ang asawa na para bang pinagagaan ang loob nya. "Magiging ayos din ang lahat." Paninigurado nito sa kanya kaya bumangon sya at yumakap ng mahigpit kay Jackson.

Nagsimulang manubig ang mga mata nya hanggang sa nauwi iyon sa pag-iyak, ramdam nya ang panginginig ng kalamnan nya dahil sa galit na nadarama. Natatakot din sya, para bang ayaw nyang marinig na ipamukha sa kanyang ito ang pinili ng itay nya kesa sa inay nya. Natatakot syang malamang masaya sa piling nito ang itay nya, natatakot syang baka kaya hindi naipaglaban ng itay nya ang inay nya ay dahil ang babaeng 'yon ang tunay nitong mahal taliwas sa sinabi ng kuya nya sa kanya noon.

Nakatulog sya habang umiiyak sa mga bisig ni Jackson ng gabing iyon at pagsapit ng umaga ay lakas loob syang nagtungo sa store, hindi para magtrabaho pero para harapin ang asawa ng itay nya. Inip na inip sya, iyon ang nadarama nya ng mga sandaling naghihintay sya sa opisina nya sa pagdating nito. Bawat paggalaw ng kamay ng orasang nasa mesa nya ay bilang na bilang nya hanggang sa pagsapit ng tanghali ay may kumatok sa pinto ng silid.

"Ma'am may naghahanap po sainyo, Cornellia daw po." Bungad ng empleyado nya.

"Papasukin mo." Sagot nya saka umayos ng upo.

Bumukas ng malaki ang pinto at pumasok ang isang maputing babae, malayo man ang agwat ng distansya nila ay halatang-halata nya ang pagiging makinis nito. "Hi," nakangiting bati nito sa kanya.

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at iminuwestra ang sofa. "Have a seat," sambit nya saka bumaling sa tauhan at nag-utos na dalhan sila ng meryenda.

"Thank you," mahinhing sabi nito saka naupo, lumapit sya at naupo rin sa kaharap nitong sofa.

"Let's be straight to the point," panimula nya, ayaw nyang tumagal pa ang usapan dahil pakiramdam nya nagtataksil sya sa inay nya sa pakikipag-usap nya sa babaeng ito. "Anong pakay mo?"

Napangiti ang ginang. "Hindi ako nasabihang ganito pala kaseryoso ang anak ni Ernesto," napailing ito ng bahagya. "Hindi ako pumunta para maghamon ng away hija, paniwalaan mo ako ng sabihin kong nakipagkita ako para ayusin ang ilang bagay-"

Napahinto ito ng bumukas ang pinto matapos may kumatok at isinerve sa mesa ang iniutos nya, pag-alis ng empleyado nya ay iminuwestra nya ang nasa mesa at nagpasalamat ang ginang bago tumikhim. "Alam kong huli na para humingi ng tawad pero nais ko pa ring sambitin, sorry sa mga nangyari hija."

Napataas ang kilay nya. "Iniinsulto mo ba ako?"

"Hindi, pero pakiramdam ko somehow kailangan ko ring humingi ng tawad sa'yo at kay Amelia."

Nagulat sya ng banggitin nito ang pangalan ng ina nya. "Alam mo ang pangalan ng inay ko?"

Tumango ang ginang saka malungkot na ngumiti. "Palaging binabanggit ng itay mo ang pangalan nya sa tuwing malalasing o magkakasakit."

Hindi sya nakaimik, naalala nya si Jackson dahil sa nakita nyang lungkot sa ginang. Pakiramdam nya kaparehas iyon ng lungkot na nakita nya sa mga mata ni Jackson noon, ngayon sigurado na sya kung para saan ang lungkot na iyon.

Mariin syang pumikit. "Sorry," nagmulat sya ng mga mata. "I know how much it hurts hearing someone you love calling other name rather than yours."

"You don't have to, kasalanan ko rin naman 'to."

"Mahal mo talaga si itay?"

"Hindi ko gagawin ito kung hindi hija, pero kahit ilang taon pa ang lumipas alam kong hindi talaga mababago ng panahon ang nararamdaman nya para sa inay mo, kung may pagkakataon nga lang akong bumalik sa nakaraan sana'y tinutulan ko na lamang ang kasunduan ng pamilya ko at pamilya nya. Sanay nagkalakas ako ng loob na tumutol." Bumuntonghininga ang ginang. "Oo nga pala, bago ko malimutan. Gusto ko sanang ikaw ang mag-cater para sa nalalapit nyang kaarawan, kung okay lang sayong makita sya."

"B-bakit ako?"

"Alam kong kayang-kaya mong gayahin ang luto ng inay mo, kahit kasi hindi nya sabihin ramdam kong nami-miss na nya ang lutong iyon."

"Ano-ano ho ba?"

Ngumiti ang ginang. "Papayag ka?"

Napakurap-kurap sya saka tumango, papayag sya hindi para sa ama kundi para sa ginang at sa nais nitong mapasaya ang itay nya kahit man lang isang beses.

May kinuha sa bulsa ang ginang saka iniabot sa kanya. "Iyan ang pribado kong numero, maaari mo kong tawagan sa numerong 'yan."

"Hindi ba't may numero ka na sa akin?"

"Numero iyon sa opisina, ayokong iyon na naman ang gamitin." Katwiran nito na hinayaan na lamang nya, pag-alis ng ginang ay dali-dali rin syang umalis at tinungo ang opisina ni Jackson.

"Good afternoon ma'am!" Bati ng sekretarya ng asawa nya. "Nasa meeting pa po si sir, tatawagin ko ho ba?"

"Huwag, iintayin ko na lang." Sagot nya saka naupo sa silyang katabi ng desk ng sekretarya at doon naghintay.

Inip na inip sya habang iniintay si Jackson pero kahit pa ganoon ay natutuwa syang pagmasdan ang workplace nito, iyon kasi ang isa sa palatandaan ng pagsusumikap nito. Hindi ba nya nabanggit na isang arkitekto ang asawa nya? Sa lumipas na mga taon ay nagsumikap itong makabuo ng sariling firm na syang pinalalago nito ngayon. Hindi iyon ang unang plano nito, ang orihinal na nais nito ay makapagpatayo ng sarili nilang bahay ngunit pinigilan nya dahil hindi pa naman nila kailangang lumipat sapagkat hindi pa naman ganoon kalaki ang pamilya nila at mas pinursigi nya itong magtayo ng negosyo.

Bumukas ang double door at ng makita nya si Jackson ay hindi na nya napigilang salubungin ito, nagulat man ang asawa sa biglaang pagsulpot nya ay tinanggap naman sya agad sa mga bisig nito ng yakapin nya ng mahigpit, pakiramdam nya maiiyak sya.

"L-love..." naiiyak na sambit nya ng bahagyang humiwalay.

"Kamusta ang meeting mo?" Tanong nito.

"Ayos lang," pinunasan nya ang mga mata. "Nagpunta lang naman ako kasi wala lang," natawa sya. "I love you."

Napangiti si Jackson. "Silly, what happened?"

Nanlaki ang mga mata nya, hindi man lang nito pinansin ang I love you nya? "Did you just-"

"-of course I love you more, pero hindi ka susugod dito ng wala lang. Tell me, what happened? Inaway ka ba?"

"Kasi-"

"-awwww, ang sweet!" Rinig nyang hiyaw kaya napatingin sya sa likuran ni Jackson at nakita nya sina Gerald, Orville at....si Vladimir, bakit naroon ito? nakatingin ito sa kanila pero hindi katulad nina Gerald at Orville na nakangisi, si Vladimir ay hindi. Matiim ang tingin nito, salubong ang mga kilay at para bang galit.

Ibinalik nya ang tingin kay Jackson saka hinawakan ang kamay nito bago bumaling kanila Gerald, ramdam na nya ang bilis ng tibok ng puso nya sa kaalamang pinagmamasdan sya ni Vladimir. "Hiramin ko muna 'to ha, aawayin ko lang saglit." Nakangiting paalam nya sa dalawa na tinawanan sya.

"Kahit bigtiin mo pa faye, di papalag 'yan." Sagot ni Orville at hinila na nya palayo doon si Jackson. Huminto lang sya sa paghila ng nasa office na sila.

Hinihingal na naupo sya sa sofa ng pumasok sila sa loob ng Office nito, parang nanakit ang paa nya sa ginawa nya. Napahinto lang sya sa pagdamdam sa hingal nya ng bumaba sa harap nya si Jackson at alisin nito ang suot nyang stilleto, napangiti sya pero agad ding napasimangot at napataas ang kilay.

"Bakit kasama mo 'yon?" Tanong nya.

"Kasalanan ni Orville, iyon pala ang tinutukoy nyang possible na business partner."

Napahawak sya sa noo saka humarap sa asawa ng maupo din ito sa sofa sa tabi nya. "Business partner kayo?"

"Possible pa lang naman, parang ayoko ngang tanggapin e. Tingin mo love?"

Ipinatong nya ang braso sa sandalan at napangalumbaba sya. "Bahala kayo sa buhay nyo, basta nagpunta ko dito kasi trip ko." Tinaasan sya ni Jackson ng kilay kaya napairap sya saka napa-pout. "Okay fine, naalala kita habang nag-uusap kami no'ng asawa ni itay kaya pag-alis nya pinuntahan kita agad."

"Bakit naman?"

"Kasi may nabanggit sya sa akin, sabi nya palagi raw nababanggit ni itay ang pangalan ni inay." Tiningnan nya si Jackson. "Naalala kita bigla tsaka no'ng mga panahong nababanggit ko 'yong 'business partner' mo."

"Wife," sambit nito saka hinawakan ang waist nya.

"Tapos naalala ko 'yong nakita ko sa mga mata mo, nakita ko sa kanya 'yong kaparehas na sakit na naidulot ko noon sayo, so-" lumapit sa kanya si Jackson at hinalikan sya sa labi, ng bitawan nito ang labi nya ay hinawakan nya ang pisngi nito. "-so I immediately came here, almost rushing just to tell you that I love you kasi....ayoko ng maramdaman mo ulit 'yong sakit na 'yon."

Napangiti si Jackson. "You came here just to assure me?"

Parang batang tumango si Faye. "Yup,"

Namula si Jackson ng marinig ang sagot nya saka bumuntonghininga. "You really know how to make things better, fatima faye."

Napakunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kanina pa ko nababadtrip, makita pa lang ang mukha ng lalakeng 'yon naiinis na ako."

"Asows, nag-flashback ba bigla?"

Sumaltak si Jackson saka nagsalubong ang mga kilay. "Bakit inaasar mo pa ko?"

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Ang cute mo pero mukhang kailangan mong kumalma, makikita mo pa sya sa mga susunod na araw plus pumayag akong mag-cater sa birthday ni itay so definitely makakasalamuha natin sya sa araw na 'yon."

Napadaing sa inis si Jackson. "Can they just fucking disappear? It really irritates the hell out of me! Why do they have to come again? It's fucking bullshit!"

Napairap sya sa narinig at hinalikan na lang nya sa labi ang asawa, hinawakan sya nito sa likod at inalalayan.

"Anong fucking-" napabitaw agad sya at umayos ng upo ng makita sila Gerald. "-awts porn!" Hiyaw nito at pakiramdam nya namula sya sa hiya dahil do'n marahil ay naabutan ng mga ito na nasa ibabaw sya ni Jackson, pakiramdam nya nabawasan ang dignidad nya lalo pa't kasama na naman ng mga ito si Vladimir.

"Bakit kasi hindi kayo kumakatok?!" Highblood na sabi ni Jackson saka tumayo. "Ano pa bang kailangan nyo? Naiistorbo-"

"-Jackson!" Sigaw nya kaya natawa si Gerald at Orville.

"Huli pero di kulong," naiiling na sabi ni Orville. "Susundan nyo na si Acks?"

"Dapat Jaeraville ang pangalan nyan ah, dito nyo ginawa e." Segunda ni Gerald

"Gusto ko ng little Fatima," itinulak na nito palabas sila Gerald at napa-facepalm na lang sya, nagagawa pang mag-asaran ng tatlo at para kasing di ng mga ito pinapansin si Vladimir. "Lumayas na kayo." Pagtataboy ni Jackson.

Pagkaalis ng tatlo ay bumalik sa kanya si Jackson. "Asan na nga tayo?" Tanong nito na tinawanan nya.

"Nasa loob ng office?" Birong sagot nya saka tumayo ng makita ang oras sa suot na relo. "Ilang minuto na lang oras na ng uwian ni Acks."

"Tara, samahan kita." Aya nito na inilingan nya.

"Kaya ko na 'yon, tsaka naistorbo na nga kita e."

"Di ka naman istorbo, wife."

Lumapit sya. "Sigi, sabi mo e." Hinalikan nya ang pisngi ng asawa saka nagpaalam na, wala itong nagawa kundi ihatid sya sa elevator.

"Sa store kayo di ba?" Tanong nito na tinanguan nya kaya ngumiti si Jackson. "Alright, susunduin ko kayo mamaya."

Nag-thumbs up sya. "Oks!" Nakangiti ring sabi nya saka nag-wave na lang ng pasara na ang pinto.

Ng sya na lang mag-isa ay napabuntonghinga sya, nakakaramdam sya ng contentment matapos makita si Jackson, para bang nawala na ang iniisip nya kanina noong kaharap nya ang asawa ng itay nya siguro'y dahil nagawa nyang masigurado sa asawa na hindi na mauulit pa ang ganoon, hindi nya din talaga gets sa sarili nya kung bakit bigla na lang syang nakaramdam ng urge na bigyan ng assurance si Jackson, siguro'y dahil ayaw nyang masaktan pa ulit ito ng ganoon kaya't hangga't maaari ay ginagawa na nya ang makakaya nya upang maiparamdam ng maayos sa asawa ang nararamdaman nya.

Abala sya sa pag-iisip ng tumunog ang elevator, akala nya'y kailangan na nyang lumabas pero ng mapansing hindi pa iyon ang groundfloor ay napakunot ang noo nya lalo na ng bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Vladimir na kung mamalasin nga naman sya ay ito pa talaga ang mabubungaran nya sa lahat ng taong nasa building na iyon. Hindi sya umimik ng pumasok ito at nanatili sa pwesto, tumayo ito sa may gilid nya at pinindot ang floor na bababaan nito. Pagsara ng pinto ay parang gusto na lang nyang bumukas ulit iyon at tumakbo palabas dahil sa awkward na nararamdaman nya.

Ilang taon na nga ba ang lumipas? 6 years? Tapos bigla-bigla na lang nya itong makikita doon, pakiramdam nya gusto nyang pingutin o bugbugin si Orville dahil ito ang nagdala sa lalake doon.

"Fatima Faye Clinton, right?" Rinig nyang tanong nito animo'y hindi alam kung anong pangalan nya at kailangan pang tanungin.

Casual na umiling sya. "It's Fatima Faye Clinton-Montesejo," pagtatama nya, mukha bang papatalo sya? Syempre hindi.

"Kayo rin pala ang nagkatuluyan..."

Saglit syang hindi umimik bago tumango. "Nagkatuluyan din kayo, hindi ba?" Nakangiting tanong nya pabalik, kung saan nya nakukuha ang lakas para ngumiti kahit pa may parte sa kanya na kumikirot na ay hindi nya alam.

"It's been five damn years," nakita nya mula sa pinto ang repleksyon nito na humarap ito sa kanya kaya napatingin sya. "You look so well and happy...."

Hindi sya nakaimik ng makita ng malapitan ang mukha nito, wala mang nagbago sa itsura nito pero bakas ang pagod sa mga mata ni Vladimir, pagod na para bang kahit anong gawin ay hindi maaalis.

Umayos sya ng tayo at humarap sa gawi ng pinto. "Who wouldn't be happy, if hindi ka itinatago." Lakas loob na sagot nya na sana pala hindi na lang nya sinabi dahil para bang biglang nawala sa kawalan ang kausap nya.

"Faye...."

Nagkibit-balikat sya. "But don't get me wrong, I don't mean anything." Bawi nya dahil pakiramdam nya nakunsensya sya, bumukas ang pinto at humakbang na sya palabas saka humarap kay Vladimir. "It's nice seeing you after a long time," ngumiti sya. "But I hope, this would be the last." Dagdag nya bago tuluyang magsara ang pinto.

Bumuntonghininga sya saka ipinagkibit-balikat na lang ang tagpong iyon at ipinagpatuloy ang dapat nyang gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro