CHAPTER XXVIII: CONDITIONS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

Maaga s'yang nagising ng sumunod na araw, tulog pa nga si Jackson at nakayakap sa kan'ya ng abutin n'ya sa lapag ang shirt nito na s'yang malapit sa kan'ya. Bumangon s'ya at isinuot iyon dahilan para maalimpungatan ang katabi.

"Maaga pa," inaantok na sabi nito saka yumakap ulit sa kan'ya kaya hinampas na n'ya ang braso nito.

"Anong maaga, baka mauna pa ang anak mo magising sa atin." Ismid n'ya. "Gusto mo bang makita n'ya ang mga kalat mo?" Pananakot pa n'ya saka kinalas ang yakap nito. Bumaba s'ya mula sa kama at pinulot ang mga damit nila.

"Hey sexy, wala ba kong goodmorning kiss man lang?" Ungot nito na inirapan n'ya.

"Goodmorning kiss ka dya'n, sumobra ka na nga kagabi!"

Tumawa si Jackson. "No comment," sabi nito saka bumangon, kinuha ang twalya na nakasabit at binalot ang sarili bago lumapit sa kan'ya para yakapin s'ya. "Any cravings for breakfast, madam?"

"Fried rice?" 'Di siguradong sagot n'ya.

Ngumiti si Jackson. "Okay, fried rice for my beautiful wife." Malambing na sabi nito saka binitawan na s'ya at lumabas.

Alam n'yang diretso iyon sa banyo kaya naman kumuha na lang s'ya ng susuotin nito bago inasikaso naman ang sarili, naliligo na s'ya ng magsimula itong magluto at abala na s'ya sa pagbibihis ng kumatok ito sa pinto ng kwarto mukhang tapos na sa ginagawa.

"Wife, do you need help?" Tanong nito ng makitang naglalagay s'ya ng lotion. "I can perfectly apply that, all over."

Muli s'yang napairap. "Tigilan mo ko, ang aga-aga!" Reklamo n'ya na tinawanan ni Jackson.

"Okay mamaya na lang ulit gabi. Anyways, hurry up lalamig ang pagkain." Sabi ng asawa n'ya saka lumabas na ng kwarto, tinapos n'ya ang ginagawa at nagtungo sa hapag. Nakahain na ito at naroon na rin si Acks na magana ng kumakain ng agahan, ipinaghila s'ya ng asawa ng upuan at nagsimula na rin silang dalawa kumain.

Pagkatapos ay nag-asikaso na sila para sa kan'ya-kan'yang gagawin buong araw, inihatid nila ang anak sa eskwelahan bago s'ya nito ihahatid sa store n'ya. Napahinto s'ya sa pagtanaw sa anak ng magsimula ng magmaneho paalis doon si Jackson ng mawala na sa paningin nila si Acks, hinawakan nito ang kamay n'ya saka saglit s'yang sinulyapan para ngitian. "Wife,"

"Hmmm?"

"Thank you,"

Napakunot ang noo n'ya, ano namang ipinagpapasalamat nito ng ganito kaaga? "Para saan?" Tanong n'ya.

"Kagabi,"

"Alin do'n?" Kunot pa rin ang noong tanong n'ya.

"Lahat," saglit ulit s'yang tiningnan ni Jackson. "Have you check your accounts already?"

"Accounts? What do you mean?"

"Just check your social media accounts," utos nito saka binitawan ang kamay n'ya, nagtaka s'ya bigla at mas lalong lumala ang pagkakata n'ya ng mapansin ang ngiting sinusupil nito kaya naman kinuha n'ya sa bag ang cellphone at ginawa ang sinabi nito.

Halos manlaki ang mga mata n'ya at hindi s'ya nakaimik ng makita ang tinutukoy nito.

Relationship Status Request:
Jackson Montesejo is married with Fatima Faye Clinton
August 1, 2015

"Seryoso?" 'Di makapaniwalang sambit n'ya at lumabas na ang ngiti sa mga labi ni Jackson. "B-bakit? Para saan?" Naguguluhang tanong n'ua dahil hindi naman ito ganoon, katulad nga ng napag-usapan nila noong nakaraan ay hindi naman ito ganoon ka-public sa social media kaya hindi n'ya maintindihan kung anong sumapi sa asawa at nag-ganoon ito.

"I just thought last night that it's better to announce it that way."

Nagsalubong ang kilay n'ya. "Is this because we did it?"

"Wife, ilang beses na kitang ginapang so no, it isn't about it."

"Then what?"

Ngumisi si Jackson. "This is about you being my wife. I just thought it's time for them to know that you are mine."

"Talaga lang ha, ngayon mo pa talaga naisip 'yan. 5 years na tayong kasal." Nakasimangot na sabi n'ya. "Iyong totoo, bakit nga?"

Napanguso si Jackson at nauwi iyon sa pagsimangot. "Masama na bang ipagkalat na misis kita? E sa hindi na ako nakukuntento na basta alam ng ilan, gusto kong ipagsigawan! Gusto kong malaman nilang lahat na asawa kita." Saglit s'yang tiningnan nito. "Bawal ba 'yon?"

Napairap s'ya. "May sinabi ba ko? Ang weird mo."

Bahagyang natawa si Jackson. "I know, wala lang pakiramdam ko gusto ko lang gawin. Can I be honest Fatima?"

"Of course."

"I honestly didn't felt being your husband way back then, masyado pa tayong nagkakailangan sa isa't-isa, naninibago, nangangapa, 'di magkaintindihan at nagkaroon din tayo ng ilang pag-aaway pero after we tried to fix everything, after nating magsimula ulit saka ko lang naramdamang talagang kasal na ko, hell yes feel na feel ko na s'ya. Hindi nga lang ako agad nagkaroon ng lakas ng loob na ipaalam sa lahat kasi ayokong madaliin ka o masakal ka sakin. Iniisip ko din kasi noon na baka maisip nilang ang clingy ko o 'di kaya masyado kitang binabakuran." Napangiti si Faye sa narinig. "Pero ngayon, wala na kong pakealam kung isipin nilang masyado akong clingy sa'yo....totoo naman pero bakit ba? I should be clingy, asawa kita e. Alangan naman sa iba ako maging clingy e ikaw ang misis ko. Bakuran man kita, pakealam ba nila? As long as hindi kita nasasakal, wala akong pakealam sa kanila, ang mahalaga maipagsigawan kong misis ko si Fatima Faye!"

Napatawa s'ya sa narinig, para kasing bata si Jackson na pilit dyina-justify ang ginawa bagay na wala naman s'yang makitang mali dahil nagiging totoo lamang sa sarili ang asawa n'ya at kung ganoon nito nais na ipahayag ang nararamdaman ay wala naman s'yang nakikitang mali dahil hindi rin naman s'ya nito pinipilit.

"Here I thought na public show off sa socmed isn't your thing, nahihiya ka lang pala." Napapailing na sabi n'ya saka lumapit at saglit na niyakap ang asawa.

"Ayos lang sayo?" Tanong nito na inihinto na ang sasakyan sa gilid.

Tumango s'ya. "Oo naman, bakit hindi?" Inayos n'ya ang buhok ni Jackson na bahagyang nagulo. "Kung iyon ang makakapagpanatag sa'yo, ayos lang sa akin."

Bumaling s'ya sa cellphone at inaccept ang request na iyon saka ipinakita sa asawa. "Accepted na," nakangiting sabi n'ya, dinampian s'ya nito ng halik sa labi.

"Salamat!" Masayang sabi ni Jackson, pinisil n'ya ang pisngi ng asawa.

"Just don't do oversharing love, mas peaceful pa rin ang pribadong relasyon."

Tumango si Jackson. "Of course. I still prefer and love being private and alone with you wife."

"That's good to....know," napakurap-kurap s'ya ng dumagsa ang notification sa accounts nila ni Jackson.

"Bakit?" Tanong ng asawa sa kan'ya ng mapansin ang reaksyon n'ya.

"Mukhang magiging talk of the town ka, andaming nag-comment."

"Talk of the town agad?"

"Love, nalimutan mo bang Clinton ang misis mo? Isa pa, babaero ang image mo noon, remember?"

Napalabi si Jackson. "As if naman mahaharang ako ng angkan mo, tsaka dati pa 'yon nagbago na ko, remember?" Panggagaya nito sa tono n'ya kaya natatawang kinurot n'ya ang asawa.

"Edi ikaw na po matapang."

"Oo naman," ngumisi si Jackson. "Ipaglalaban kita kahit pa makialam din sa atin ang lolo mo."

"Malabo 'yan, anak ako sa labas remember?"

"Hey!" Agap na saway nito. "Huwag mo ngang isipin 'yan, sa lahat ng anak sa labas ikaw ang pinakamaganda."

"Wow ha, salamat." Ismid n'ya kaya napangiwi si Jackson.

"See? I'm suck on being a damn comforter."

"But atleast, you love me."

"Is that even enough?"

"That's more than enough, tsaka pakealam ko naman kung anak ako sa labas? Para namang bati na kami ni itay para damdamin ko pa 'yon. Ang mahalaga lang naman sa akin may pamilya ako at nandyan kayo nila nanay."

"Kailan mo naman balak makipagbati?"

Nagkibit-balikat s'ya. "Hindi ko alam."

Bumalik na sa pagmamaneho si Jackson. "Take your time, wife." Tumango s'ya at bumaling sa cellphone, nag-scroll s'ya at napatawa ng may mabasa. "Why?" Kunot ang noong tanong ng asawa n'ya.

"Nag-comment friends mo."

"And?"

"And they all teasing you, while telling me that I should be thinking twice right now if my decision on marrying you is right."

"Those motherfucker," nanlaki ang mga mata ni Faye ng kuhanin ni Jackson ang cellphone n'ya. "Stop reading it, mamaya makumbinsi ka pa ng mga gagong 'yon."

Hindi alam ni Faye kung magugulat lalo o maiinis dahil bigla na lamang ni Jackson kinuha sa kan'ya ang cellphone n'ya, sa huli ay naiiling na napatawa na lang s'ya sa inaasal ng asawa n'ya. Hindi naman kasi n'ya akalain na may ganoon itong ugali.

"Jackson, para namang iiwanan kita ng dahil lang sinabi nila." Lumapit s'ya. "Akin na nga ang cellphone ko, nagbabasa ako e."

Napasimangot si Jackson. "Hindi mo ko iiwan?"

Napairap s'ya. "Ang cute mo, syempre hindi."

Nakarating sila sa store n'ya at matapos magpaalam ay umalis na rin si Jackson kaya naman inabala n'ya ang sarili sa trabaho hanggang sa pagsapit ng hapon ay nakatanggap s'ya ng text galing sa asawa.

Jackson: Hey wife, can you go with me? I need you :<

Napakunot ang noo n'ya at ng muling makatanggap ng text na naglalaman ng address ay tumayo na s'ya saka kinuha ang bag at umalis papunta doon. Kailangan daw s'ya ng asawa n'ya at hindi naman pwedeng pabayaan na lang n'ya ito sa kung ano man iyon. Pagdating sa address ay hindi pa rin naaalis ang kunot ng noo n'ya lalo pa at isang restaurant ang bumungad sa kan'ya, naglakad s'ya  sa entrance saka n'ya lang napansin na nakatayo malapit doon si Jackson na mukhang iniintay s'ya.

"Anong meron?" Tanong n'ya ng makalapit.

Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko at para bang nakakita ng pag-asa ng makita s'yang nasa harapan na nito dahil bigla na lamng umaliwalas ang mukha ni Jackson, lumapit ito at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Ayos ka lang?" Tanong n'ya ulit dahil nagsisimula na s'yang mag-alala sa inaasal nito.

Umiling si Jackson saka humiwalay at hinawakan ang kamay n'ya. "Halika na sa loob." Aya nito sa kan'ya kaya naman hinayaan na lang n'ya ng igiya s'ya nito papasok sa loob, nagsalubong ang mga kilay n'ya ng makita si Anna at Vladimir sa mesa kung saan sila papalapit.

Huminto s'ya at hinawakan sa braso si Jackson para pigilan. "Bakit nandito din sila?"

"Nakipagkita sila para pag-usapan ang tungkol sa mga bata." Sagot ni Jackson saka n'ya lamang napagtanto kung bakit ganoon ang text ng asawa n'ya sa kan'ya at kung bakit ganoon ang itsura nito ng makita n'ya.

"Ang kakapal talaga ng mukha." Inis na sabi n'ya saka hinawakan ang kamay ni Jackson. "Halika na," aya n'ya.

"Wife...."

"We'll get through this." Kompiyansang sabi n'ya dahil alam naman n'ya sa sarili n'yang hindi s'ya papayag na hindi magkaroon ng pagkakataon si Jackson na makasama ang anak nito kay Anna at mas lalong hindi s'ya makakapayag na makuha ni Vladimir si Acks sa kan'ya kung iyon ang nais ng lalake.

Tumuloy na sila sa mesa, agad namang napansin s'ya ni Anna na inirapan s'ya. "And now here's the feelingerang cheap." Sambit nito saka maarteng nagpunas ng kamay.

Imbis na ipakitang naiinis s'ya sa pagmumukha ng babae ay ngumiti s'ya. "And here you are bitch," bati n'ya.

Ipinaghila s'ya ni Jackson ng silya at naupo na sila, katapat n'ya si Anna na halatang-halata ang disgusto sa mukha habang kaharap s'ya. Talagang hindi magawang itago ng bruhilda ang galit sa kan'ya na hindi n'ya maintindihan kung para saan.

"Let's get to the point, huwag na nating patagalin 'to masyadong nakakasuka ang kasama ang babaeng 'to sa iisang mesa." Panimula ni Anna na hindi talaga nawala ang panghahamak sa kan'ya.

"Mabuti pa nga siguro, ayoko din namang magtagal na kaharap ka baka bangungutin ako sa pagmumukha mo." Bawi n'ya, napataas ang sulok ng labi n'ya ng mapansing humigpit ang hawak nito sa tissue.

"That's enough women," awat ni Vladimir na ikinairap n'ya. "Nandito tayo para pag-usapan ang mga bata at hindi ang disgusto n'yo sa isa't-isa."

"Then might as well start, ayokong nagsasayang ng oras sa walang ka-kwenta-kwenta." Sambit n'ya.

"Napakakapal talaga," ismid ni Anna sa sinabi n'ya.

"We have three conditions." Panimula ni Vladimir.

"Spill," tanging sabi ni Jackson na kanina pa tahimik, nakakunot lang ang noo nito marahil katulad n'ya ay iniisip din nito na napakakapal ng dalawang kaharap na gumawa pa ng tatlong kondisyon matapos ng lahat.

"First," tumingin sa kan'ya si Vladimir. "Hahayaan lang ni Anna na makasama ni Jackson si Amanda kung hahayaan mo kong makasama ang anak ko."

Tumaas ang isang kilay n'ya. "And who the fuck you think you are para gumawa ng kundisyong gan'yan?!" Galit na sabi n'ya, napahinto lang s'ya ng hawakan ni Jackson ang kamay n'ya para pigilan s'ya. Afterall nasa loob sila ng restaurant at hindi maganda kung gagawa s'ya ng eskandalo o eksena.

"You have no choice cheap, kung hindi ka papayag ay hindi kami papayag na makasama ni Jackson si Amanda." Sagot ni Anna na talagang pinagdiinan sa mukha n'ya na wala s'yang pagpipilian.

Hindi s'ya umimik. "Second, we'll gonna have a schedule. Monday to Wednesday will be Acks schedule with me and on the same day, Jackson can have amanda as well." Pagpapatuloy ni Vladimir.

Hindi na talaga n'ya gusto ang naririnig. "Anong tingin mo sa mga bata? Laruan na pwedeng pagsalit-salitan?!"

"Last, no one are allowed na ipagdamot ang mga bata sa bawat isa." Dagdag pa ng lalake at napadaing na s'ya sa galit.

"Tang-ina." Galit na sambit n'ya. "Napakakapal ng mukha mo para makisali, para gamitin si Amanda sa sarili mong benipisyo. Napaka-makasarili mo kahit kailan."

"You just need to choose cheap, papayag ka o hindi makakasama ni Jackson si Amanda." Sabi ni Anna na para bang natutuwa pa sa sitwasyon, for all Faye know, natutuwa ito dahil galit na s'ya. Mariin n'yang ipinikit ang mga mata, pinipilit n'yang kumalma bago pa n'ya mapataob ang mesa dahil sa nararamdaman n'yang galit.

Nang imulat n'ya ang mga mata ay saglit n'yang pinagmasdan si Jackson na hindi umiimik, naiintindihan na n'ya. Kailangan s'ya nito dahil hindi lang tungkol iyon sa anak nito kay Anna kundi maging sa anak n'ya at gusto nitong s'ya ang magdesisyon para doon.

Hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ni Jackson saka matapang na tiningnan si Vladimir na nag-iintay sa sagot n'ya. "Sige, pumapayag ako." Diretsang sagot n'ya na ikinangiti ni Vladimir samantalang ikinagulat ni Jackson. "Just make this goddamn sure na tutupad kayo dahil kung hindi, sinisigurado ko sa'yo hinding-hindi mo na makikita si Acks." Banta n'ya saka tumayo na.

Umalis sila doon pero ang galit na nararamdaman n'ya hindi maalis-alis kahit pa hanggang sa makarating sila sa eskwelahan para sunduin si Acks, mukhang nakaramdam naman ang bata dahil hindi rin ito nag-ingay matapos silang batiin. Buong byahe pauwi ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa ni Jackson.

Pakiramdam ni Faye gustong-gusto n'yang magwala, gusto n'yang basagin lahat ng mababasagin sa mukha ni Vladimir.  Napakakapal ng mukha nito para humiling ng ganoon matapos ng lahat ng ginawa nito sa kan'ya,  napakamakasarili nito para gamitin ang bata para makuha ang gusto n'ya, galit na galit s'ya dahil napakasama ng ugali nito para gawin iyon.

"Wife," rinig n'yang sambit ni Jackson matapos yumakap sa kan'ya mula sa likuran n'ya.

Napabuntonghininga s'ya saka humarap sa asawa at yumakap rin ng mahigpit para kahit papaano ay kumalma ang nanginginig n'yang kalamnan dahil sa galit na nararamdaman.

"Sorry..." mahinang hingi nito ng tawad.

Nag-angat s'ya ng tingin. "Tell me, bakit ba pinapunta mo ako doon?"

"Pinapunta kita para ikaw ang magdesisyon,"

"Ibig mong sabihin...."

"Sinabi na sa akin ni Chase ang iniisip ni Vladimir kaya ng sabihin nilang gusto nilang pag-usapan ang tungkol sa mga bata ay agad kitang sinabihan, gusto kong ikaw ang magdesisyon dahil hindi ko kayang pumayag...."

"Hindi mo kayang pumayag...." nanlaki ang mga mata n'ya. "Jackson...'wag mong sabihing hahayaan mong hindi mo man lang makilala ang anak mo?!"

"Gusto ko s'yang makilala...anak ko pa rin naman iyon pero hindi ko kayang ipagpalit si Acks....hindi ko kayang pumayag ng s'ya ang kapalit..."

Sa narinig ay nagsimulang manubig ang mga mata ni Faye. "Kaya ba ako ang pinagdesisyon mo dahil alam mong papayag ako?"

Umiling si Jackson. "Ikaw ang pinagdesisyon ko dahil alam kong hindi ka papayag, galit ka kay Vladimir maging kay Anna kaya nagulat ako ng marinig na pumapayag ka....bakit?"

"Pumayag ako kasi hindi ako kasing selfish n'ya....ayokong ipagdamot sa'yo ang pagkakataong makasama mo si Amanda,"

"Pero....kapalit no'n...."

"....huwag mo ng isipin...kayang-kaya ko si Vladimir."

"Fatima..."

Napabuntonghininga s'ya saka marahang ngumiti. "Ang mahalaga may pagkakataon ka na," sambit n'ya saka humiwalay na. Inaya na n'ya itong matulog ng makapagpahinga na pero kahit pa nakalapat na sa kama ang likod n'ya at yakap s'ya nito ay hindi naman matahimik ang isip n'ya hanggang sa hindi na n'ya napigilan at tumulo na ang mga luha n'ya.

Pakiramdam n'ya naging sariwa ulit lahat ng sakit na naramdaman n'ya noon ng dahil kay Vladimir, sa totoo lang ay kung may iba s'yang pagpipilian ay hindi s'ya papayag sa gusto nito. Hindi s'ya papayag na mapalapit pa ito sa anak n'ya, ayaw n'yang maging bahagi ito ng buhay ng anak n'ya dahil pakiramdam n'ya natatakot s'ya na baka dumating ang araw na katulad ng ginawa ng lalake sa kan'ya ay basta na lamang itong maglaho at iwanan ang anak n'ya. Ayaw n'yang maramdaman ng anak n'ya ang kaparehang sakit na idinulot sa kan'ya ng lalake pero hindi n'ya magawang maging madamot kay Jackson, hindi n'ya magawang ipagkait sa asawa n'ya ang pagkakataong makasama nito ang tunay na anak.

Gustong-gusto n'yang humindi ng mga sandaling iyon pero naaalala n'ya kung gaano minahal ni Jackson ang anak n'ya, hindi ito nagdamot ni minsan at palaging ibinibigay ang lahat sa anak n'ya kahit pa hindi naman nito kadugo iyon kaya ng mga sandaling iyon kahit pa kumikirot ang puso n'ya at natatakot ay pikit mata s'yang pumayag dahil hindi katulad ni Vladimir, hindi s'ya makasarili. Sapat na sa kan'ya ang mga nagawa ni Jackson para sa anak n'ya at ayaw na n'ya sanang umepal pa sa buhay nila si Vladimir pero hindi s'ya pwedeng maging makasarili. Gusto n'yang sa pagkakataong iyon ay masuklian kahit papaano ang lahat ng nagawa ni Jackson kahit pa ang kapalit ay ang pagsakripisyo sa anak n'ya.

Alam naman n'ya sa sarili n'yang hindi n'ya hahayaang masaktan ang anak sa maaaring maidulot ni Vladimir, ang kailangan n'ya lang ay mapanatag at magapi ang takot na nararamdaman upang kayanin ang mga susunod na araw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro