CHAPTER XXXI: SAD SONGS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

Ilang beses pang naulit na s'ya ang palaging sumusundo kay Amanda para ihatid sa eskwelahan dahil nagsimula na namang maging abala sa trabaho si Jackson at ang tanging oras nito para sa mga bata ay sa tuwing matatapos ang trabaho kaya naman s'ya na lamang ang pumupuno sa dapat na obligasyon nito kay Amanda bagay na ayos lang naman para sa kan'ya dahil alam naman n'yang sadyang demanding lang talaga sa ngayon ang trabaho ng asawa n'ya at hindi rin naman tatagal iyon.

"Wife," rinig n'yang tawag ni Jackson, nag-angat s'ya ng tingin mula sa ginagawa.

"Nand'yan ka na pala." Tumango ito saka isinara ang pinto kaya tumayo s'ya at lumapit para salubungin ang asawang mukhang pagod na pagod. "Ayos ka lang?" Tanong n'ya ng yakapin s'ya nito ng mahigpit.

"Pagod lang," sagot ni Jackson saka bahagyang humiwalay para tingnan s'ya. "Thank you."

"Wala 'yon," ngumiti s'ya, alam naman n'ya kung para saan iyon.

"You are the best, babawi ako promise."

Pabirong umirap s'ya. "Binola pa ko," niyakap n'ya ng mahigpit si Jackson. "Kapag hindi ka na busy, lumabas kayo ng mga bata para naman makasama mo sila."

"I will, sinusundo pa ba ni Vladimir ang anak ko?"

Napakunot ang noo n'ya at napahiwalay. "Si Amanda?"

"Fatima, si Acks."

"Ah, hindi na."

Kumunot din ang noo ni Jackson. "Hindi na?"

Tumango s'ya. "Hindi na rin s'ya nagpakita."

"May problema ba?"

Umiling s'ya. "Wala naman, magbihis ka na at ipaghahain kita." Sabi n'ya, nagdududa man ang tingin ni Jackson ay sinunod nito ang sinabi n'ya. Patapos na s'ya maghain ng maramdamang niyakap s'ya nito mula sa likod kaya agad s'yang humarap. "Problem?"

"Magsabi ka ng totoo, may nangyari ba habang busy ako?"

Napabuntonghininga s'ya. "Nagkasagutan kami, pagkatapos no'n hindi na s'ya nagpakita."

"Iyon lang? Nagkasagutan kayo at huminto na?"

Tumango s'ya, ayaw na n'yang ikwento ng buo. Ayaw n'yang malaman pa nito ang mga sinabi ni Vladimir sa kan'ya ng araw na iyon dahil pakiramdam n'ya masasaktan lang ang asawa n'ya. "Tungkol sa nakaraan namin, alam mo na, tapos ayaw n'yang magpaliwanag kaya ayon hinayaan ko na." Nagkibit-balikat s'ya. "Sabi ko naman 'di ba? Hindi na mahalaga 'yon."

"Hinayaan mo lang?"

"Jackson naman, bakit parang hindi ka naniniwala?"

"I just can't believe na hinayaan mo lang, after all nasaktan ka ng sobra dahil sa kan'ya."

"I guess dahil pagod na pagod na kong masaktan ng dahil sa kan'ya?"

"Sabagay," bumitaw na ito at pinaupo s'ya. "Kain na nga tayo." Sabi ni Jackson saka nagsandok, magkasabay silang kumain habang nagkukwentuhan tungkol sa ilan pang mga bagay na hindi rin naman nagtagal dahil kinailangan na nilang matulog ng maaga dahil may kan'ya-kan'ya pa silang pagkakaabalahan sa susunod na araw.

"Goodnight, wife." Nakangiting sabi ni Jackson saka hinalikan s'ya sa labi ng magkatabi na sila sa kama para matulog.

Napangiti s'ya saka yumakap ng mahigpit. "Goodnight!"

Niyakap din s'ya ni Jackson. "Fatima..." tawag nito makaraan ang ilang sandali.

"Hmmm?"

"Na-mimiss kita." Nag-angat s'ya ng tingin ng marinig iyon. "Date tayo?"

"Maaga ka pa bukas." Paalala n'ya.

"Ayos lang namang maging zombie sa meeting paminsan-minsan." Natatawang katwiran ni Jackson.

"Baliw ka, pagod ka nga e tapos magkukulang pa ang tulog mo."

Sinimanguan s'ya ni Jackson. "Ayaw mo kong ka-date?" Nagtatampong akusa nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya.

"Sira, syempre gusto pero kasi kailangan mong magpahinga." Hindi umimik si Jackson kaya napabuntonghininga s'ya saka humiwalay at naupo. "Okay fine, saglit lang tayo." Pagbibigay n'ya na ikinangiti ni Jackson.

Sinilip muna nila si Acks na tulog na bago magkahawak-kamay na lumabas para maglakad-lakad.

"Kamusta naman kayo ng mga bata?" Tanong ni Jackson habang nakatayo sila sa harap ng isang foodcart at hinihintay ang binibili nila.

"Ayos naman, though namimiss na raw ng anak mo na kasama ka. Okay naman sila."

"Mukhang kailangan ko na talagang tapusin lahat ng trabaho ko, baka magtampo na sa akin ang makulit na iyon."

"Hindi naman siguro," napahinto s'ya ng lumapit sa foodcart si Jackson at kinuha 'yong binili nila.

"Tara na?" Aya nito matapos iabot ang sa kan'ya na tinanguan n'ya lang, nagsimula na ulit silang maglakad. "Kamusta naman ang pakikitungo ni Amanda sayo?"

"Ayos naman, though 'di maiiwasang magkasalungat kami."

"Hindi ka naman ba inaaway?"

Umiling s'ya. "Hindi naman maldita si Amanda, matalas lang ang dila n'ya."

"Si Anna?"

Napahinto s'ya ng marinig iyon. "Kinakamusta mo sa akin ang bruhildang 'yon?"

"Ang ibig kong sabihin, wala ba s'yang ginagawa sa'yo kapag sinusundo mo si Amanda sa pamamahay n'ya?"

"Wala," tumuloy s'ya sa paglakad, tiningnan n'ya ang suot na relo at pasado alas onse na ng gabi. "Uwi na tayo." Sambit n'ya.

Napakunot ang noo ni Jackson. "Bakit naman parang nagmamadali ka?"

"Alas onse na, maaga ka pa bukas." Seryosong sagot n'ya pero napangisi si Jackson.

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi."

"Talaga?"

"Oo, umuwi na tayo." Tinawanan s'ya ni Jackson kaya nagsalubong ang mga kilay n'ya. "Anong nakakatawa?"

"Wife, nagseselos ka." Buo ang kumpyansang sabi ng asawa n'ya habang may ngiti sa mga labi.

Itinaas n'ya ang isang kilay. "Bakit, may nagawa ka bang ikaseselos ko?" Natahimik si Jackson para mag-isip ngunit ang katahimikang iyon ay iba ang pahiwatig kay Faye kaya naman hindi na rin s'ya umimik.

"Wala akong maalalang meron," sabi ni Jackson makaraan ang ilang sandaling katahimikan. "Wala naman akong ginagawang-" nagulat ito ng pumasok s'ya agad sa elevator bago pa tuluyang magsara iyon. "-wife!" Hiyaw nito bago sumara ang pinto.

Napabuntonghininga na lang s'ya, ayaw n'ya sanang ipahalata ngunit siguro'y may karapatan naman s'yang mairita hindi ba? Paano'y pakiramdam n'ya labis na, may oras itong magtungo kay Anna na alam naman n'yang para kay Amanda ngunit nagkukulang ang oras nito para sa kanila ni Acks. Hindi n'ya alam kung tama bang ika-inis n'ya iyon dahil hindi naman ni Jackson tunay na anak si Acks para bigyan ng oras pero naiinis s'ya sa pagbabagong nagaganap na gusto man n'yang kimkimin ay hindi na n'ya nagawang mapigilan ang sarili na ipaalam sa asawa.

Bumukas ang pinto ng elevator pagdating sa floor kung nasaan ang unit nila at bumungad sa kan'ya si Jackson na kunot ang noo, agad itong lumapit ng makalabas s'ya ng elevator.

"Wife, seryoso ka ba? Pinagseselosan mo ang babaeng 'yon?" Pangungulit ng asawa n'ya habang pabalik sila sa unit. "Wife-"

"-syempre hindi," natatawang tiningnan n'ya si Jackson, babawiin na lamang n'ya kaysa maging isyu pa sa pagitan nila. "Bakit naman ako magseselos sa kan'ya? Alam ko namang si Amanda lang ang dahilan kung bakit nagta-tyaga ka sa kan'ya."

Napabuntonghininga si Jackson. "Sigurado ka ba?"

"Na hindi ako nagseselos? Oo naman, tsaka wala namang kaselos-selos sainyo." Sagot n'ya, pumasok na sila sa unit at akmang di-diretso na sana sa kwarto ng marinig n'yang parang umiyak si Acks. "Sige na, magpahinga ka na, kaya ko na 'to." Pigil n'ya kay Jackson ng akmang sasama, bago pa man makaimik ang asawa n'ya ay pumasok na s'ya sa silid at isinara iyon. Napabuntonghininga na lang s'ya saka nilapitan ang anak, hindi na rin s'ya umalis sa tabi ni Acks at doon na natulog.

"Goodmorning," bati ni Jackson ng magising ito at nasa kusina na s'ya.

"Mag-asikaso ka na, baka ma-late ka." Paalala n'ya.

"Son, sumabay ka na sakin sa pagpasok. Ihahatid kita." Nakangiting sabi nito sa anak na agad umiling.

"Papa wala naman po kaming pasok ngayon, sabado." Nakasimangot na sabi ni Acks.

Napakunot ang noo ni Jackson. "Sabado ngayon?"

Tumango ang bata. "Opo, pati weekends may trabaho ka na po papa?"

Bumagsak ang balikat ni Jackson. "Unfortunately yes, may gagawin ba kayo ngayong araw?"

"Uuwi kami kanila nanay." Sagot n'ya.

"Babalik din kayo mamayang gabi?"

Umiling s'ya. "Baka sa linggo na ng gabi kami bumalik."

"Okay, susunod na lang ako sainyo doon." Sabi ni Jackson na hindi na n'ya inimikan. Nag-asikaso na ito at sabay-sabay silang nag-agahan pagkatapos ay magkakasabay silang nagtungo sa parking lot na ikinakunot ng noo ni Jackson. "Kailan ka pa bumili ng kotse, fatima?"

"Ipinahiram lang ito ni Cornellia." Tipid na sagot n'ya. "Acks magpaalam ka na at aalis na tayo, baka abutin tayo ng tanghali sa daan." Utos n'ya sa anak saka inilagay sa loob ng kotse ang bag na dala nilang mag-ina, matapos magpaalam ni Acks ay inalalayan na n'ya ito na makaupo sa passenger seat bago s'ya bumaling kay Jackson.

"Ingat ka sa pagpasok sa trabaho." Nakangiting paalam n'ya, kunot man ang noo ng asawa n'ya ay pinagbuksan s'ya nito ng pinto kaya pumasok na rin s'ya.

"Ingat kayo." Seryosong sabi ni Jackson na tinanguan n'ya. Binuhay n'ya ang makina kaya isinara na nito ang pinto at nagmaneho na s'ya paalis doon, hindi n'ya tuloy maiwasang hindi mapabuntonghininga habang nagmamaneho at naiisip n'ya ang sinabi ni Amanda noong nakaraang araw.

"Bago ko pala malimutan, inaya namin ni mommy ang asawa mo na manood ng sine bukas kaya baka hindi mo na ko kailangang sunduin pa." Iyon ang eksaktong sinabi ni Amanda sa kan'ya bago pumasok sa eskwela ngunit ng umalis naman kahapon si Jackson, ang sabi nito ay sa trabaho ito magtutungo bagay na ipinagtaka n'ya. Nakumpirma lamang n'ya na tunay ang sinabi ni Amanda ng makita n'ya ang picture ng mga ito na isinend sa kan'ya ni Cornellia dahil nakita raw ng ginang sa mall iyon. Doon nagsimulang umangat ang selos sa sistema n'ya, noong una'y akala n'ya'y walang epekto sa kan'ya dahil alam n'yang ginagawa iyon ni Jackson para lamang mapalapit kay Amanda pero pagsapit ng gabi, noong makita n'ya si Jackson ay para bang nakaramdam s'ya ng pagdududa lalo na ng mabanggit nito si Anna kaya kahit gusto n'yang ipagkibit-balikat na lamang ay hindi n'ya magawa.

Ikinalma n'ya ang sarili ng makarating sila ng anak sa kubo, agad kasi silang sinalubong ng kan'yang ina.

"Mabuti naman at naisipan n'yong dumalaw?" Bungad nito matapos n'yang magmano.

"Wala naman ho kasing pasok si Acks."

"Hindi n'yo ata kasama si Jackson?"

"Nasa trabaho ho."

"Oh s'ya, halina't magtanghalian." Aya ng ginang kaya naman pumasok na sila sa loob, matapos nilang kumain ay tinulungan n'ya ang ina sa paghuhugas.

"Nay, may importante ho kong sasabihin." Panimula n'ya dahil iyon naman talaga ang sadya n'ya kung bakit naisip n'yang umuwi sa ina.

"Ano iyon?"

"Nagkita na ho kami ni itay...." mahinang sabi n'ya.

Sandaling natahimik ang ina n'ya bago itinuloy ang ginagawa. "Kamusta naman ang trato n'ya sa'yo?"

"Ayos naman ho, kaso inaway ko s'ya e." Napabuntonghininga s'ya. "Alam n'yo na, hindi ko naiwasang magalit sa kan'ya."

"Normal iyan, hindi namin sinabi sainyo ang tunay na rason n'ya."

Napakunot ang noo n'ya dahil sa narinig. "Ibig sabihin...."

Malungkot na ngumiti ang inay n'ya. "Alam ko Fatima....akala mo ba'y naglilihim sa akin ang iyong itay?"

"Akala ko ho....hindi n'yo alam...."

"Kung may isang bagay na masasabi kong hindi kumupas kahit pa ilang taon ang lumipas, iyon ay ang pagiging tapat ni Ernesto sa akin kahit pa malayo at mahirap...."

"Bagay na ikinasasakit ng puso ni Cornellia." Hindi n'ya mapigilang sambit.

"Nakilala mo na si Cornellia?"

Dahan-dahan s'yang tumango. "Magagalit ka ho ba 'nay kung sabihin kong lumalabas kami paminsan-minsan?"

"At bakit naman?" Bumaling sa lababo ang inay n'ya. "Wala naman akong nakikitang masama roon, mabuti naman si Cornellia at isa pa mukhang kinagigiliwan ka n'ya dahil wala na ang anak n'ya..."

Nagulat s'ya, halos manlaki ang mga mata n'ya. "Alam mo ho lahat....?"

"Oo naman, sumusulat ang iyong itay dalawang beses sa isang buwan."

Napakurap-kurap s'ya dahil sa narinig, hindi s'ya makapaniwala. "Ibig sabihin nakilala n'yo na rin si Cornellia?"

"Oo, minsan ko na s'yang nakaharap noon."

"Pero kahit pa nagsusulatan naman pala kayo ni itay," tiningnan n'ya ang inay n'ya. "Bakit parang napakalaki pa rin ng pangungulila ni itay saiyo?"

"Tingin mo ba....napapawi ng simpleng sulat ang pangungulila?" Saglit s'yang sinulyapan ng kan'yang ina. "Fatima, patuloy lang na nadaragdagan no'n ang lungkot na dinadala."

"...pero kung nagsusulatan kayo...hindi ba malalaman iyon ng pamilya n'ya?"

"Inaalala ko rin ang bagay na iyan ngunit sadyang mahusay magtago ang itay mo kaya't nakakapagsulatan kami."

Napatango s'ya bilang pagsang-ayon. "Nasa dugo na ata nila 'yan." Pagsang-ayon n'ya kaya napakunot ang noo ng inay n'ya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Agad s'yang napailing ng mapagtanto ang nasabi n'ya. "Nako, wala ho 'nay, so kahit hindi ka pinili ni itay at hindi kayo magkasama ay kayo pa rin?"

"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam...."

Napabuntonghininga s'ya, gusto n'yang sawayin ang ina dahil alam n'yang mali iyon. Kahit saan naman kasi tingnan ay lumalabas na ang inay n'ya ang kabit kahit pa ito ang mahal ng kan'yang itay, pakiramdam n'ya nasasaktan s'ya para kay Cornellia.

"Kung ang inaalala mo'y ang tungkol kay Cornellia, huwag kang mag-alala Fatima. Hindi ko naman sinasagot ang sulat ng iyong itay."

Muling nanlaki ang mga mata n'ya. "Pero...sabi mo po nagsusulatan kayo...."

"Noon iyon pero ilang taon na rin ang nakakaraan ng huminto ako sa pagsulat sa kan'ya ngunit ganoon pa man ay patuloy pa rin s'yang sumusulat at ipinadadala iyon sa akin."

"Bakit ka po huminto...?"

"Masakit na para kay Cornellia ang kaalamang ako ang mahal ni Ernesto, mas dumoble ang sakit ng hindi huminto ang itay mo at sumusulat pa rin sa akin kaya't hindi na ako sumulat pa pabalik kahit kailan dahil ayoko ng gawing triple ang sakit na naidudulot namin kay Cornellia." Nagpunas ng kamay ang kan'yang inay dahil tapos na silang maghugas. "Sa totoo lang ay pinahihinto ko na noon pa ang itay mo pero msyadong matigas ang ulo n'ya at masyadong mabuti ang puso ni Cornellia para pikit-mata n'yang tanggapin ang lahat."

"...dahil mahal n'ya si itay...." mahinang sambit n'ya pero hindi na umimik ang inay n'ya.

Hindi na nawala sa isip n'ya ang usapan nilang iyon ng kan'yang inay hanggang sa ayain s'ya ng anak na maglakad-lakad, malapit na sila sa bukana ng gubat ng may maalala. Hindi n'ya alam kung kaya na ba n'ya pero gusto n'yang subukan, ilang taon na rin naman ang nagdaan.

"Nak," tawag n'ya sa pansin ni Acks.

"Bakit po mama?"

"May ipapakita ako sa'yo."

"Sige po!" Agad na payag ng anak n'ya kaya naman lakas loob n'yang iginiya ang anak papasok sa loob ng gubat. Bawat hakbang n'ya'y bumabalik sa kan'ya ang lahat ng alaala maging ang pamilyar na pakiramdam noong doon pa s'ya naglalagi noon, bawat hakbang pakiramdam n'ya nagdudulot ng panibagong ginhawa sa puso n'yang matagal ding nasugatan bagay na ipinagtataka n'ya. Iyon na ba ang senyales na ayos na s'ya?

Napahinto s'ya sa paglakad ng bumitaw sa kan'ya si Acks ng makarating sila sa tree house, napahinto rin s'ya dahil pinagmamasdan n'ya ang buong lugar. Ilang taon ang lumipas ngunit para bang hindi naluma ang tree house maging ang lahat ng naroon.

"Faye...?" Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa narinig, ramdam n'yang nagtayuan ang mga balahibo n'ya at ng humarap s'ya sa gawi ng nagsalita ay para bang nalunok n'ya ang dila n'ya ng makita si Vladimir na mayroong buhat-buhat na mga kahoy habang walang damit pang-itaas, bakas pa sa mukha ng lalake ang pagod at pawis.

"Anong ginagawa-"

"-Hi uncle!" Singit ni Acks na biglang sumulpot.

Agad na napangiti si Vladimir ng makita ang bata. "Narito ka rin pala, kamusta?"

"Namamasyal po kami!" Nakangiting sagot ng anak n'ya. "Sa'yo ho ba ito? Ang ganda dito!"

Lumapit si Vladimir at inilapag ang buhat-buhat. "Actually hindi,"

"Hala! Kanino po pala?"

Tiningnan s'ya ni Vladimir. "Sa babaeng pinakamamahal ko," sagot nito saka nginitian s'ya bago bumaling kay Acks. "Gusto mo bang ilibot kita? May malapit na sapa dito, marami ding puno na maraming prutas."

Nanlaki ang mga mata ni Acks dahil sa narinig. "Opo! Sige po! Gusto ko!" Excited na bumaling ang anak sa kan'ya. "Mama, ayos lang po ba? Sasama ako kay uncle!"

Napakurap-kurap s'ya dahil parehas na nakangiti ang dalawa habang iniintay ang pagpayag n'ya kaya wala s'yang nagawa kundi ang tumango at hayaan ang mga ito. 'Di nagtagal ay naiwanan na s'yang mag-isa doon dahil talagang umalis na ang mga ito, nanghihinang napahawak s'ya sa malapit na kahoy. Gusto n'ya lang namang ipakita kay Acks ang tree house dahil naisip n'yang ibigay na lamang iyon sa anak kung magugustuhan nito sa pag-aakalang pinabayaan na rin iyon ni Vladimir ngunit mukhang nagkamali s'ya.

Lumipas ang mga oras na mag-isa lamang s'ya doon, noong una ay tulala lang s'ya habang pinagmamasdan ang lugar hanggang sa mapagtanto n'yang para na s'yang tanga sa ginagawa n'ya kaya naman inabala na lamang n'ya ang sarili sa pagliligpit ng mga kalat na naroon. Lumapit s'ya sa kusina at napailing na lang ng makitang may nagkalat na bayabas doon, ayaw n'yang isiping pinipilit ni Vladimir na magluto ng paborito nitong minatamis ngunit ano pa nga bang posibleng rason maliban doon?

Patapos na s'ya sa pagliligpit ng makita n'ya si Acks, ngiting-ngiti ito habang may bitbit na dalawang supot na hawak ng dalawang kamay nito. "Mama, namitas po kami ng bayabas!" Nakangiting prisinta ng anak n'ya kaya 'di na n'ya naiwasang mapairap, gets na n'ya kung para saan iyon pero kahit ganoon ay hindi n'ya ipinahalata sa dalawa.

"Anong gagawin mo d'yan?" Taas ang kilay na tanong n'ya sa anak. "Hindi ka kumakain n'yan, nalimutan mo na ba?"

"Oo nga po pero sabi kasi ni uncle masarap daw 'to."

"Dahil lang sinabi n'ya, kakainin mo na?"

"Mama naman, bawal po ba subukan?"

Napasimangot s'ya ng ngitian s'ya ni Acks, kinuha n'ya sa kamay ng anak ang supot na bitbit. "Anong gagawin ko dito?" Masungit na tanong n'ya.

"Uncle..." bumaling si Acks kay Vladimir. "Ano daw gagawin?"

Alanganing ngumiti si Vladimir. "Minatamis?"

"Ayoko-"

"-Faye naman-"

"-faye?" Ulit na sabi ni Acks kaya napatingin sila sa bata na nakatingin kay Faye na nakakunot ang noo. "Mama, faye pangalan mo po? Akala ko fatima po 'yon?"

"Sino ba talagang mama mo?" Biro n'ya.

"Ikaw po," humaba ang nguso ni Acks, sinyales na mangangatwiran na naman. "Hindi ko po alam, ngayon ko lang narinig na may tumawag po sa'yong faye."

Bumaba s'ya sa level ng anak para magpantay sila. "Fatima Faye ang pangalan ko," tinaasan n'ya ng kilay si Acks. "Anak ba talaga kita?"

"Hehe.." naglalambing na yumakap sa leeg n'ya ang anak. "Syempre mama anak mo po ako! Dalwa pala pangalan mo mama? Tunog fairy ang faye mama! Mas bagay po sa'yo!" Pambobola nito habang nakangiti sa kan'ya na ikinairap n'ya.

"Bolero ka masyado," ismid n'ya.

"Totoo naman po." Bumaling si Acks kay Vladimir. "Ikaw po uncle? Anong pangalan mo?"

"Vladimir." Nakangiting sagot ng lalake.

"Tunog bambira! Parang 'yong sa mga nakakatakot na movies!" Nakangiwing sabi ni Acks.

"Takot ka ba sa akin?" Tanong ni Vladimir saka ginaya na rin s'ya.

Tiningnang maigi ni Acks si Vladimir saka umiling. "Hindi po, mabait ka naman e." Ngumiti ang bata. "May mama akong fairy tapos may uncle akong bampira!" Natutuwang dagdag nito saka hinawakan sa batok si Vladimir at hinila, napapikit si Faye at napadaing ng tumama ang noo ni Vladimir sa noo n'ya dahil sa inosenteng paghila ni Ack sa kanilang dalawa para yakapin sila.

"Ayos ka lang?" Rinig n'yang tanong ni Vladimir kaya napadilat s'ya ng bahagya ng maramdaman n'yang hinawakan nito ang noo n'yang iniinda.

Tiningnan n'ya ng masama ang kaharap. "Grabi naman 'yang noo mo, parang nagka-crack 'yong akin!" Reklamo nya saka pinitik ang noo ni Vladimir.

Napatawa ang binata, hindi nito ininda ang pagpitik nya. "Sorry, dalhin kita sa hospital?"

"Baliw ka ba?"

"Medyo, malapit na faye." Sambit nito habang seryoso ang mga mata na nakatingin sa kan'ya ngunit may ngiti sa labi, napahiwalay s'ya at agad na tumayo ng makaramdam ng deja v ù dahil sa nangyari.

Tinalikuran n'ya ang dalawa saka tinungo ang kusina pero napahinto s'ya ng makita ang lutuan, napakunot ang noo n'ya. "Lumipat ako sa kahoy," rinig n'yang sabi ni Vladimir kaya napaharap s'ya. "Saglit lang at ipagsisibak kita." Napataas ang kilay n'ya dahil sa narinig pero hindi s'ya nagkumento at pinagmasdan lang ito ng lumapit sa mga kahoy na maayos na nakasalansan sa kabilang bahagi, kinuha nito ang itak at ginawa ang sinabi.

Napabuntonghininga s'ya saka inihanda na lang ang lulutuin, muli n'yang tiningnan ang ginagawa ni Vladimir at nakita n'yang naroon na rin si Acks tumutulong sa pagsalansan ng mga nasibak na kahoy.

"Ah! Sakit!" Daing ni Acks kaya napahinto s'ya saka lumapit, agad n'yang tiningnan ang kamay nito at nakita n'yang nasalugsugan ng kahoy ang daliri ng batang makulit.

"Akin na," napatingin s'ya kay Vladimir na tumabi sa kan'ya, kinuha nito sa kan'ya ang kamay ni Acks saka inayos ang nail cutter na hawak, ng magsimulang alisin ni Vladimir ang kahoy ay napasigaw ang anak n'ya.

"Sakit!" Sigaw nito saka ipinikit ang mga mata, tinakpan pa ni Acks ang mga mata gamit ang isang kamay kahit nakapikit na. "Sakit...! 'Di ako iiyak! Lalake ako! Ah! Sakit!" Patuloy na daing nito na ikinangiti ni Vladimir.

"Okay na," sabi ni Vladimir ng maalis na ang maliit na kahoy, agad namang tiningnan iyon ni Acks.

"Parang ni-operahan naman daliri ko!" Reklamo nito na ikinatawa n'ya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag ka ng tumulong e."

"Uncle, ayaw ko po ng walang ginagawa."

Napasaltak lang si Vladimir saka bumalik na sa ginagawa at dahil likas na matigas ang ulo ng anak n'yang makulit ay bumalik din ito sa pagtulong kahit pa nasaktan na.

"Acks, maupo ka na nga lang." Saway ni Vladimir.

Agad na umiling ang anak n'ya. "Ayaw ko po."

"Nasugatan ka na nga, mamaya masugatan ka ulit."

"Bakit po ako matatakot?" Inilapag nito ang hawak saka namewangan. "Uncle, hindi po purket nasaktan ako ng isang beses e titigil na po ulit ako. Gusto ko po tumulong at sabi ni mama kapag gusto mo ang isang bagay dapat hindi mo sukuan kahit pa anong mangyari." Katwiran ng anak n'ya kaya napatingin sa kan'ya si Vladimir, nag-iwas naman s'ya agad ng tingin.

Matapos magsibak ay nagprisinta na s'yang magpaapoy para makapagluto. "Mama-" tiningnan n'ya ng masama ang dalawa na pinipigilan s'ya, napaatras ang mga ito.

"Manahimik kayo d'yan."

"Taray talaga ng mama mo," rinig n'yang sabi ni Vladimir ng bumalik s'ya sa ginagawa.

"Katakot lagi 'yan, uncle." Sang-ayon ni Acks kaya napairap na lang s'ya.

Nakapagpaapoy man s'ya ay hindi rin iyon nagtagal, namatay din ang apoy at hindi na nakatiis si Vladimir. Tinulungan na s'ya nito.

"Ang init," daing n'ya ng lumiyab na ulit 'yon.

Tiningnan s'ya ni Vladimir. "Kaya mo ba?"

"Malamang," ismid n'ya saka lumapit na at nagsimulang magluto.

"Somehow, pakiramdam ko nagpapasalamat na rin akong hindi s'ya lumaki ng kasama ako." Napahinto s'ya ng marinig iyon at napatingin kay Vladimir na kay Acks naman nakatingin, pinagmamasdan nito ang bata na nagliligpit. "Kung lumaki s'yang kasama ako marahil kasing duwag ko rin s'ya."

"May mga desisyon na pinili natin dahil iyon ang tingin nating nararapat ng mga panahong iyon, desisyon na hinihingi ng sitwasyon." Bumaling s'ya sa niluluto.

"Tingin mo ba faye, kung mas pinili kong huwag maging duwag. Ano kayang kahihinatnan natin?" Nag-iingat ang tono ng boses na tanong ni Vladimir.

"Hindi ko alam." Sagot n'ya saka napatitig sa ginagawa. "Sinubukang maging matapang ni itay noon, nakita mo naman kung anong kinahinatnan ngayon."

"...pero paano pala kung...naiiba ang sa atin?"

"Nagsisisi ka?"

"Araw-araw."

Hindi nakaimik si Faye dahil sa narinig, pinakikiramdaman n'ya ang sarili at unti-unti na s'yang nagtataka. Alam n'yang galit s'ya dapat kay Vladimir pero sa kung anong dahilan ay wala s'yang maramdaman habang nakikita n'ya ito at nakakausap. Hindi n'ya maintindihan, anong nangyayari sa kan'ya?

"Mama!" Sigaw ni Acks kaya napatingin s'ya doon, nakangiti ang anak n'ya habang may hawak sa isang kamay. Lumapit ito sa kan'ya. "Mama, wear mo po ito!" Prisinta ng makulit n'yang anak.

Napakunot ang noo n'ya. "Saan mo nakuha 'yan?"

"Do'n po sa ilalim ng mesa," iniaabot sa kan'ya ni Acks 'yong flower crown na hawak nito. "Mama, wear mo na dali!"

Napasaltak s'ya saka akmang kukuhanin na sa kamay ng anak ng maunahan s'ya ni Vladimir, lumapit ang lalake at ito na ang naglagay no'n sa ulo n'ya saka bahagyang inayos ang buhok n'ya, napapalakpak naman si Acks habang nakatingin sa kanila ni Vladimr.

"Mama! Ang ganda mo po! Para ka ng fairy talaga!" Puri nito sa kan'ya, napataas ang kilay n'ya ng mapansin ang ngiti ni Vladimir habang nakatingin sa kan'ya.

"Ano?"

Umiling si Vladimir. "Wala, tama s'ya."

Napairap s'ya dahil doon. "Mga bolero." Ismid n'ya saka tinuloy ang ginagawa.

"Si mama, lagi na lang bolero ang tingin kapag nagsasabi ng totoo. Totoo naman po ah! Sabi nga po ng mga kaklase ko, ang ganda-ganda ng mama ko! Akala nga po nila ate kita e!"

"Manahimik ka."

"Totoo-"

"-tama na 'yan kiddo, nagsusungit na ang mama mo mamaya n'yan manghahampas-aray!" Hinampas n'ya talaga ng panghalo si Vladimir. "Sabi ko sa'yo e." Hinawakan nito si Acks saka lumayo sa kan'ya.

Natapos s'ya sa pagluluto makalipas ang ilang sandali, nagsandok na rin s'ya at dinala iyon sa dalawa na abala na sa ginagawa habang nakaupo sa mesa.

"Thank you," nakangiting sabi ni Vladimir ng ilapag n'ya sa harap nito ang mangkok.

"Para saan ba 'yang ginagawa n'yo?" 'Di maiwasang tanong n'ya.

"Duyan, mama!" Sagot ni Acks.

"Disgrasya na naman ang gusto mo." Inis na sabi n'ya saka naupo. Kumain sila ng tahimik ngunit sandali lang iyon dahil dumaldal na naman ang anak n'ya.

"Mama, punta tayo sa sapa!" Nakangiting aya nito.

"Anong gagawin natin do'n?"

"Maliligo?"

"Pumasok ka sa ban'yo, may tubig do'n."

"Mama naman, gusto ko do'n." Nagpa-cute si Acks sa harap n'ya. "Pleaseee?"

"Hindi."

Bumaling ito kay Vladimir. "Huwag mo kong tingnan ng gan'yan kiddo...." napatingin s'ya at nakita n'yang nakapikit ang mga mata ng lalake, "....kahinaan ko 'yan..." mahinang dagdag nito.

"Uncle naman, kampihan mo po ako!" Reklamo ni Acks.

"Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng mamanahin, 'yan pa? Pwede namang pagiging bugnutin-" kinurot n'ya ng madiin si Vladimir. "Aray faye, masakit!" Reklamo nito.

"Sinong bugnutin ha?" Masama ang tinging tanong n'ya.

Nagmulat ng mga mata si Vladimir saka alanganing ngumiti. "Ako?" Hinawakan nito ang kamay n'ya para alisin sa pangungurot. "Pumayag ka na, saglit lang naman tayo at malapit ng maghapon." Kumbinsi nito sa kan'ya.

Tiningnan n'ya si Acks na nagpapa-cute pa rin saka ibinalik ang tingin kay Vladimir na sa kan'ya lang nakatingin. "Kasalanan mo 'to, pinamana mo sa kan'ya 'yan." Nakalabing reklamo ni Vladimir na ikinairap n'ya.

"Tapusin n'yo na 'yan." Inis na sabi n'ya.

"Pupunta tayo mama?!" Gulat na tanong ni Acks pero hindi s'ya umimik.

"Pupunta tayo." Kumpirma ni Vladimir na ikinatuwa ng bata. Tinapos ng dalawa ang pagkain kaya tumayo s'ya para umakyat sa tree house, pagpasok n'ya sa loob ay napahinto s'ya ng makaramdam na naman ng kakaiba na para bang bumabalik sa kan'ya ang lahat noong mga panahong narito s'ya sa silid na iyon.

Napakurap-kurap s'ya saka lumapit sa aparador at napahinto s'ya ng makitang maayos pa ring nakasalansan ang mga gamit nila ni Vladimir doon, ni walang nagalaw sa mga gamit n'yang iniwanan at kumpleto pa ring naroon ang mga iyon. Napabuntonghininga s'ya ng maalalang wala na s'yang makapang galit sa puso n'ya, hindi n'ya alam kung dahil ba sa narito sila sa tree house kung saan napakarami nilang alaala o sadyang wala ng galit sa puso n'ya, hindi n'ya na talaga maintindihan.

"Ayos ka lang?" Napatingin s'ya sa may pinto ng marinig iyon, nakita n'ya si Vladimir. Napatango s'ya saka itinuloy na ang sadya, ihinanap n'ya ng pwedeng pamalit si Acks. Lumapit si Vladimir at tinulungan s'yang maghanap. "Kasya na siguro sa kan'ya ito."

Napatingin s'ya sa katabi at napahinto s'ya sa paghanap, iniabot ni Vladimir sa kan'ya ang damit at tiningnan n'ya iyon. Sandaling nanlaki ang mga mata n'ya ng makilala ang damit saka tiningnan si Vladimir. "Ito 'yong damit mo noong...."

Ngumiti ang lalake.  "Noong una tayong magkita at iniligtas mo ako." Dugtong nito.

Napakunot ang noo n'ya. "Paano napunta 'yan dito?"

"Naglipat ako ng ilang mahahalagang bagay."

"Bakit..?" 'Di n'ya mapigilang tanong.

"Ilang buwan na kong dito na ulit naninirahan faye."

"Naninirahan? Ibig mong sabihin...."

Tumango si Vladimir. "Hiniwalayan ko na si Anna."

Nanlaki ang mga mata n'ya sa gulat. "Hiniwalayan mo s'ya? Pero magkasama kayo no'ng sa restaurant!"

"Huli kang dumating hindi ba? Halos magkasunod lang tayo noon, hindi ko s'ya kasama."

"Pero magkakampi kayo!" Pagdidiin n'ya.

"I have to, wala naman akong ibang pagpipilian. Iyon lang ang paraan para mapalapit ako kay Acks."

"Yong sa ano...." nag-iwas s'ya ng tingin. "...no'ng birthday ni itay..."

"That's all for a show faye," napatingin s'ya kay Vladimir na nakatingin lang sa kan'ya. "Ayaw pumayag ni papà na hindi ako pumunta, ayaw n'yang ipaalam na hiwalay na kami ng babaeng 'yon hangga't hindi pa tapos ang annulment case."

Napakurap-kurap s'ya. "Hindi pa?"

"Unfortunately, hanggang ngayon hindi pa tapos."

"Pero bakit mo s'ya hiniwalayan?" Nagtatakang tanong n'ya.

Napakunot ang noo ni Vladimir. "Bakit parang ayaw mong hiwalayan ko s'ya?"

"Tanga, ang ibig kong sabihin-"

Tumawa si Vladimir. "-alam ko faye, kalma ka lang HAHA!"

Nagsalubong ang mga kilay n'ya. "Anong nakakatawa?"

Pinisil nito ang pisngi n'ya. "Ang cute mo talaga, para ka kasing galit."

Hinampas n'ya ang kamay nito para alisin. "Galit naman talaga ako sa'yo!" Sigaw n'ya kahit pa alam n'ya sa sariling wala naman na talaga s'yang maramdaman, bagay na hindi n'ya maintindihan.

"Hiniwalayan ko s'ya kasi hindi ko naman talaga gustong makasal sa kan'ya, faye."

"Seriously," nang-aasar na sambit n'ya. "After 5 years?"

"Ngayon lang nagkalakas ng loob ang duwag, teka nga..." ngumisi si Vladimir. "Bakit parang nakiki-chismis ka sa buhay ko? Interesado ka na ulit-"

Awtomatikong umangat ang kamay n'ya at nahampas n'ya iyon sa mukha ni Vladimir. "Ang kapal mo naman!" Sigaw n'ya.

Imbis na indahin iyon ay tinawanan lang s'ya ng lalake. "May pakealam ka na ulit sa akin?" Nang-aasar na tanong nito.

"Manahimik ka!" Inis na sabi n'ya saka kinuha 'yong twalya, akmang lalagpasan na n'ya ito ng pigilan s'ya.

"Faye..." marahang sambit nito sa pangalan n'ya kaya napatingin s'ya. "Galit ka pa rin ba sa akin...?"

Hindi s'ya agad nakaimik at nanatiling nakatingin kay Vladimir. "H-hindi ko alam...." nag-aalangang sagot n'ya saka piniksi na ang hawak nito.

"Faye...."

Umiling s'ya. "Hindi ko talaga alam..."

"Noong huli tayong nagkita, galit na galit ka sa akin."

"Tapos bigla kang nawala..." mahinang sabi n'ya.

"Inasikaso ko 'yong annulment."

Napaangat s'ya ng tingin. "Bakit...?"

"Anong bakit?"

"Bakit parang ang lakas ng loob mong gawin lahat ng ito ngayon?"

"Sinabi ko na sa'yo, noong huli tayong nagkausap."

"Hindi ka na natatakot sa pwedeng gawin ng papa mo?" Bigla s'yang nakaramdam ng pag-aalala. "Nagkausap kami ni itay, parehas kayo ng dahilan...hindi ka ba natatakot na baka totohanin iyon?"

"Hanggang kailan ko ba kailangang matakot, faye?"

"Vladimir..." napapikit s'ya ng hawakan s'ya nito at ilapit, pagmulat ng mga mata n'ya ay nakatingin pa rin sa kan'ya si Vladimir.

"Ayoko ng mabuhay sa takot...sawang-sawa na kong magsisi. Wala na kong pakealam kung anong gagawin ni papà sa akin."

"P-paano kung hindi ka n'ya pamanahan? Pa'no kung itakwil ka n'ya...?"

"Hindi na mahalaga...pagod na kong matakot sa kan'ya ni hindi naman s'ya ang tunay kong ama...sawang-sawa na kong makinig at sumunod sa lahat ng gusto n'ya."

"H-hindi mo s'ya tunay na ama?"

Napakunot ang noo ni Vladimir. "Hindi ba't nasabi ko na iyon noon?"

"Akala ko....kasinungalingan din iyon.."

"Faye," napatingin s'yang muli sa mga mata ni Vladimir. "Ni minsan hindi ako nagsinungaling sayo, lahat ng sinabi ko noon ay totoo."

"Ang mga mata mo..." mahinang sabi n'ya.

"Mga mata ko?"

Tumango s'ya ngunit agad ding nanlaki ang mga mata n'ya ng may mapagtanto, parehas ang pagod sa mga mata ng itay n'ya at ni Vladimir. Agad s'yang napahiwalay ng maisip iyon, totoo nga ba 'yon?

"Faye, anong-"

"-iyang mga mata mo....noong magkita tayo sa elevator....parehas kayo ng pagod na dinadala ni itay...."

Napatango si Vladimir kaya natutop n'ya ang bibig. "Kaya ayoko ng matakot faye, pagod na kong maging duwag..kahit ano namang gawin ni papà wala ng mawawala sa akin, ikaw lang ang mayroon ako noon at ngayong wala ka na...wala ng halaga lahat..."

"...vladimir...."

"At oo, parehas kami ni kuya...parehas na nangungulila," bahagyang natawa si Vladimir. "Akala mo ba madali ng wala ka? Hindi faye, araw-araw akong nagdurusa."

Hindi s'ya nakapagsalita, nagsimulang manubig ang mga mata n'ya hanggang sa nauwi iyon sa pag-iyak. Nanghihinang napaupo s'ya, agad naman s'yang dinaluhan ni Vladimir na nag-aalala sa kan'ya.

"Ayos ka lang-"

"-sorry! S-sorry!" Iyak n'ya.

"Faye, 'wag mo nga akong iyakan." Pinunasan nito ang mga mata n'ya. "Hindi pa ko mamamatay, 'wag kang umiyak."

"Sorry! I was too occupied on my own pain, ni hindi ko naisip na baka nahihirapan ka rin...sorry!"

"Hey, tahan na...ayos lang, kasalanan ko mas pinili kong hindi sabihin sa'yo."

Napahinto si Faye saka tiningnan si Vladimir. "Noong huli tayong nag-usap, sabi mo ayaw mong sabihin kasi baka mas k-kamuhian k-kita...bakit?"

"Dahil alam kong mas lalo kang magagalit kapag nalaman mo lahat, kapag sinabi ko sa'yo lahat ng pinagdaanan ko-"

"-pero hindi kita kamumuhian ng dahil doon!"

"Natakot ako, sabi ni kuya galit na galit ka sa kan'ya dahil naging duwag s'ya kaya natakot akong baka kapag nalaman mong katulad n'ya rin ako, baka mas lalo kang magalit sa akin."

"Ang tanga-tanga mo talaga," iyak ni Faye. "Puro ka na lang takot!"

"Tama ka, napakatanga ko..." napahinto si Faye sa pag-iyak ng marinig iyon. "....siguro kung hindi ako natakot noon, kung hindi ko hinayaang saluhin ka ng gagong 'yon baka sakaling iba ang sitwasyon natin ngayon...baka hindi ko kailangang mangulila sa'yo faye..."

"A-anong kung hindi mo h-hinayaan...?"

"Binalikan kita Faye pero nakita kong ang gagong 'yon na ang nasa tabi mo, gustong-gusto kitang bawiin ng mga sandaling 'yon pero natakot na naman ako na baka totohanin ni papà ang b-banta n-n'ya..." huminto si Vladimir, nanlaki ang mga mata ni Faye ng mapansin ang pag-iyak nito na hindi n'ya nakita kanina. "....buntis ka noon, natakot akong baka kapag hindi ko pinakinggan s-si papà baka madamay pati si Acks...baka masaktan k-kayo parehas..."

Pinunasan n'ya ang pisngi ni Vladimir ng tumulo ang luha nito. "M-mukha ba kong papaapi?"

Agad na umiling si Vladimir at hinawakan ang kamay n'ya. "Hindi," napalabi ito. "Lagi mo nga akong inaapi e."

"Siraulo ka-"

"-mama!" Rinig nilang sigaw mula sa labas ng pinto kasabay ng pagkatok, agad n'yang pinunasan ang mga mata saka inayos ang sarili at lumapit sa pinto. Binuksan n'ya iyon at bumungad ang anak n'ya na nakasimangot. "Tagal n'yo naman po."

"Wala akong mahanap na pamalit mo," pagdadahilan n'ya.

"Oo nga pala, liligo ako do'n!" Agad na sabi nito.

"Mabuti pa, umalis na tayo." Si Vladimir, lumapit ito kay Acks at binuhat na ang bata saka hinawakan s'ya at bumaba na sila.

"Magbabaon pa ba kayo ng pagkain?" Tanong n'ya.

"Opo mama! Sayang yung minatamis, masarap e!" Agap na sagot ni Acks kaya inasikaso na n'ya, 'di nagtagal ay umalis na sila. Nagpababa na rin si Acks habang naglalakad dahil ayaw ng magpabuhat ng batang makulit na nauuna sa kanila maglakad.

"Kaya ko!" Mahinang reklamo n'ya ng alalayan pa s'ya ni Vladimir.

"Kaya mo tapos mamaya matitisod ka," ismid nito saka 'di pumayag kahit pa umaangal s'ya.

Pagdating nila sa sapa ay naglatag s'ya ng sapin samantalang dumiretso na ang dalawa para magtampisaw, naupo s'ya at pinagmamasdan lang sila Acks na nagtatawanan na. Hindi n'ya rin maiwasang ilibot ang tingin sa paligid, ilang taon ang lumipas pero heto katulad ng tree house ay para bang mas lalong gumanda ang lugar na ito.

"Mama sali ka samin!" Sigaw ni Acks.

"Hindi na, kayo na lang!" Tanggi n'ya.

Makalipas ang ilang minuto ay umahon si Vladimir sakto namang kumakain s'ya, lumapit ito at iniabot n'ya ang twalya. Nagpunas ang lalake saka naupo sa tabi n'ya.

"Faye," sambit ni Vladimir.

"Hmmm?"

"Bakit nga ba nandito kayo ngayon?"

Napahinto s'ya sa pagkain at tiningnan ang katabi. "Problema mo?"

Kumuha ito ng kutsara at nakisandok sa kinakain n'ya. "Nagtataka lang ako."

Ibinalik n'ya ang tingin kay Acks na naglalaro sa tubig. "Si nanay ang sinadya ko dito, may pinag-usapan kami."

"Tungkol kay kuya?"

"Bakit ang chismoso mo?"

Napasimangot si Vladimir ng ilayo n'ya ang tupperware. "Faye naman, pati minatamis ipagkakait mo sakin?"

"Andami mo na kayang kinain kanina."

"Pero gusto ko pa."

"Bawal," awat n'ya ng akmang kukunin ni Vladimir sa kan'ya iyon.

"Faye..."

"Ano?"

"Nakakasama ka ng loob, birthday ko pa naman ngayon tapos pinagdadamutan mo ko ng minatamis."

Nagulat si Faye sa narinig. "Birthday mo ngayon?" Napahawak s'ya sa mga tenga n'ya, tama ba ang narinig n'ya? Kaarawan nito ngayon! Ngayon? Hindi n'ya alam iyon...

Tumango si Vladimir. "Oo, miss kita pero mas na-miss ko 'yong minatamis hehe."

"Seryoso?"

"Na miss kita?"

"Hindi, na birthday mo ngayon?"

"Oo, tanong mo pa kay kuya." Parang batang sagot nito kaya ibinigay na lang n'ya, nanlaki ang mga mata n'ya ng mabilis na hinalikan ni Vladimir ang pisngi n'ya. "Salamat!"

"Vladimir!" Tili n'ya.

"Ay hehe," alanganing tawa nito ng mapagtanto ang ginawa. "Sorry nasayahan lang."

Tiningnan n'ya ng masama ang katabi. "Nakita ko 'yong mga bayabas sa kusina bago kayo manguha, sinusubukan mo bang magluto?" Nanliliit ang mga matang tanong n'ya.

Napakamot sa batok si Vladimir. "Hehe, oo pero hindi ko makuha."

"Turuan kita?"

Agad na umiling si Vladimir. "Ang gusto kong matutunan 'yong mga paborito mo, hindi ang sa akin."

"Pa'no pala kapag nawala ako?"

Nagulat si Vladimir ng marinig iyon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Alam naman natin parehas na hindi na ako palaging nasa tabi mo-"

"-stop," pigil ni Vladimir, ng tingnan n'ya ito ay salubong na ang kilay ng lalake. "Alam kong parehas na tayong may pamilya pero tigilan mo faye, huwag kang magsalita na parang namamaalam."

Napasimangot s'ya. "Sinasabi ko lang kung anong totoo,"

"Magkikita pa tayo at ipagluluto mo ko ulit-" hinampas n'ya si Vladimir, "-aray!"

"Desisyon ka masyado!"

"Oh bakit?" Naghahamong tanong nito sa kan'ya. "May karapatan ako, nasa sa'yo ang anak ko." Mahinang sabi ni Vladimir na ikinairap n'ya.

"Nasa akin pero hindi ibig sabihin-" napahinto s'ya ng tumunog ang cellphone n'ya, tiningnan n'ya iyon at hindi s'ya nakaimik.

Sabihin mo kung susugurin ko na, kakalbuhin ko ang bruhilda. Bilis hija!

Iyon ang sabi ni Cornellia sa mensahe, may kasama iyon na litrato ni Jackson habang kasama sina Anna na mukhang masayang-masaya sa bonding na nagaganap. Napabuntonghininga s'ya at saka n'ya lang napansin na nakatingin din pala sa cellphone n'ya si Vladimir, agad n'yang pinatay iyon at inilapag.

"Faye," tawag ni Vladimir sa atensyon n'ya.

Napakunot ang noo n'ya. "Ano?"

Ngumiti si Vladimir. "Limang taon pero hindi pa rin nagbago ang lasa, magaling ka pa rin talaga magluto faye."

Napairap s'ya. "Kaya nga ang negosyo ko, pagkain 'di ba?"

Napatango-tango ang kausap n'ya. "Oo nga pala, naka-dalwang balik ako no'ng birthday ni kuya." Pag-amin nito saka natawa.

"Medyo hindi magandang tingnan para sa image mo."

"Who cares about image and such? Faye, luto mo 'yon."

"Correction, luto ng chefs ko."

Napangiwi si Vladimir. "Hindi pala masarap."

"Siraulo ka." Ismid n'ya na ikinatawa nito, alam n'yang sinusubukan lang nitong pangitiin s'ya matapos n'yang makita 'yong mensahe ni Cornellia.

Napabuntonghininga si Vladimir. "Kaya ba nandito kayo...?" Nag-iingat na tanong nito na agad n'yang inilingan.

Umiling s'ya. "Totoong si nanay ang sadya ko, nag-usap kami tungkol nga kay itay."

"Nasabi mo ng close ka kay Cornellia?"

Napaangat s'ya ng tingin at nakita n'ya ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa kan'ya. "Alam mo?"

"Kilala ko si Cornellia, hindi s'ya magbibigay ng personal numner kung hindi n'ya ka-close."

"Nasabi ko na,"

"And?"

"Ayos lang naman, teka nga! Ang chismoso mo talaga!"

"Tinanong ko lang, ikaw nga bigla kang sumulpot dito 'di naman ako nagreklamo na trespassing ka."

"Pumunta kami kasi akala ko walang tao! Tsaka ibibigay ko na sana kay Acks 'yong tree house!" Ismid n'ya.

"Ibibigay mo sa...anak natin...?"

"Bakit bawal? Sakin 'to 'di ba?!"

"Faye, kaharap mo lang ako 'wag kang sumigaw." Natatawang awat nito sa kan'ya dahil malakas na ang boses n'ya.

Napa-pout s'ya. "Andami mo kasing tanong." Reklamo n'ya.

Hindi na umimik si Vladimir at kumain na lang saka natulog sa tabi n'ya ng mabusog, napabuntonghininga s'ya saka inayos ang twalya na ginawa nitong kumot, hinawi ng mga daliri n'ya ang buhok nitong magulo na. Nakatingin lang s'ya habang tulog ito, pinagmamasdan n'ya at kahit pa siguro abutin s'ya ng bukas sa kakapakiramdam sa sarili kung galit pa s'ya ay wala talaga s'yang makapa sa puso n'ya.

Pakiramdam n'ya'y himala na bigla na lamang naglaho ang lahat ng galit na nararamdaman nya, bagay na hindi n'ya talaga maunawan kung bakit at kung anong nangyari na para bang pagtapak n'ya sa lugar na ito bigla na lamang tinangay ng hangin ang lahat ng bigat na dinadala ng puso n'ya.

'Di nagtagal ay nagsawa na rin si Acks sa pagtatampisaw kaya umahon na at lumapit sa kan'ya, agad n'yang inasikaso ang anak. "Nagugutom ka ba? Gusto mong-"

"-sshh, mama tulog si uncle." Saway nito sa kan'ya, saglit n'yang tiningnan si Vladimir na mahimbing na natutulog sa tabi n'ya at bigla na lamang pumasok sa isip n'ya ang tungkol sa totoong relasyon ni Acks kay Vladimir.

Alam n'yang sinabi n'ya noon na deserve ni Vladimir ang pagtratong nakukuha nito sa anak pero ngayon para bang pakiramdam n'ya hindi na s'ya sigurado sa binitawan n'yang mga salitang iyon.

"Baby," marahang sambit n'ya ng tingnan si Acks.

"Yes mama? May problema po ba?"

Napabuntonghininga s'ya, hindi s'ya sigurado kung tama bang malaman ni Acks pero pakiramdam n'ya iyon ang tama. Padalos-dalos ba s'ya? Hindi n'ya alam. "Paano kung...hindi si Jackson ang papa mo...?" Mahinang tanong n'ya, inaantay n'ya ang reaksyon ni Acks pero kumurap-kurap lang ito. "Acks?"

Napasimangot ang bata. "Ma, antagal naman."

Napakunot ang noo n'ya. "Huh?"

"Inabot ka po ng ilang buwan bago mo sinabi, hys."

"Acks...." nanlaki ang mga mata n'ya. "Alam mo?"

Tumango ang bata. "Opo,"

"Sinong nagsabi sa'yo? Pa'no-"

Bumuntonghininga ang anak n'ya na para bang matanda ito. "Noong birthday ni lolo, naiwan ako kay Amanda 'di ba po?"

"Tapos?"

"Sinabi sakin ni Amanda na hindi ako anak ni papa, ayaw kong maniwala noong una pero narinig ko kayo noong kaaway mo ang mommy ni Amanda."

Naiyak s'ya bigla. "Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo ko kinausap...? Anak..."

"Kasi ayaw kong mas ma-stress ka pa po mama, ramdam kong nasaktan ka ni uncle, halata naman kasi gagalit ka sa kan'ya lagi."

"Pero dapat kinausap mo ako..."

"Mama naman, tahan na." Alo nito sa kan'ya. "Hindi naman mahalaga sa akin kung sino ang tunay o hindi, minahal at inalagaan ako ni papa na parang totoo n'ya kong anak samantalang si uncle naman ramdam kong pinipilit n'yang makabawi sa akin kahit papano at hindi ko naman po kailangang mamili sa kanilang dalawa."

Hindi s'ya umimik at niyakap ng mahigpit ang anak, niyakap din s'ya nito ng mahigpit. "Love kita always mama, kaya 'wag mo na pong problemahin pa ang tungkol do'n. Ayos lang sakin, ang swerte ko nga po kasi dalawa ang papa ko e tapos parehas nila kong mahal."

"I love you more baby," humiwalay s'ya. "Pakiramdam ko ang bilis mong tumatanda, parang kailan lang nasa loob ka pa ng tyan ko tapos ngayon nagawa mo ng magdesisyon ng mag-isa..."

"Mama talaga, ang drama mo lagi." Natatawang sabi ni Acks.

"Alam na ba n'ya?"

"Ni uncle?" Ngumiti si Acks. "Opo naman mama, actually napag-usapan naming itago muna hangga't hindi ka pa po handa na sabihin."

Pinisil n'ya ng madiin ang pisngi ng anak. "Natututo ka ng maglihim sa akin! Hindi nakakatuwa!" Inis na sabi n'ya.

"Aray mama, sorry na."

Nakasimangot na sinuotan n'ya ng damit si Acks na naglalambing sa kan'ya. "Anong meron?" Tanong ni Vladimir ng magising at maabutan sila ng ganoon, agad n'yang tiningnan ng masama ang lalake.

"Alam na pala n'ya hindi mo sinabi sa akin!" Inis na sabi n'ya.

"Huh?"

"Alam na pala n'ya!"

Tiningnan ni Vladimir si Acks at bumalik ito sa pagkakahiga. "Tulog na lang ulit ako." Pag-iwas nito pero hinampas n'ya ng malakas ang lalake.

"Vladimir!" Sigaw n'ya.

"Si mama, galit na naman!" Natatawang sabi ni Acks.

"Paano'y parehas kayo ng ugali! Parehas kayong malihim!"

Sabay na tumawa ang dalawa, bumangon si Vladimir. "Faye, may mga bagay na hindi namin sinasabi dahil ayaw na naming madagdagan ang alalahanin mo."

"Pero mas lalo akong nag-aalala," tiningnan n'ya ng masama ang dalawa. "Huwag n'yo ng uulitin 'to, simula ngayon hindi na kayo maglilihim sa akin. Maliwanag?"

"Mama-"

"-pero faye-"

"-mangangako kayo o pagbubuhulin ko kayo?" Banta n'ya na ikinatikom ng bibig ng dalawa, 'di makapaniwala si Faye sa ginawa ng dalawa. "Seryoso?"

"We love you, mama." Naglalambing na sabi ni Acks saka niyakap s'ya na ikinakunot ng noo n'ya.

"Anong 'we' ka d'yan, kelan ka pa dumami?"

"Mama, dada loves you."

"And now you're talking about love."

"Achooo!" Bahing ni Vladimir.

"Hindi ka kasi nagdala ng pamalit mo!" Paninisi n'ya.

Sumimangot si Vladimir. "Hindi mo ko dinalhan."

"Obligasyon ko pa ba 'yon? Antanda mo na, vladimir." Hindi ito umimik at ng humiwalay sa kan'ya si Acks ay binitbit nito ang anak saka naglakad palayo. "Hoy!" Sigaw n'ya dahil iniwanan s'ya ng dalawa.

Naiinis na tumayo s'ya saka nagligpit para sumunod kanila Vladimir, along the way namitas na rin s'ya ng santol sa nadaanan n'yang puno para ilahok iyon sa hapunan nila. Pakiramdam n'ya tuloy, bumalik s'ya sa dating s'ya, iyong Fatima Faye na simple lang ang buhay kahit mahirap hindi katulad ngayon na marangya nga pero napakakumplekado naman.

Pagdating n'ya sa tree house nakabihis na ang dalawa at naglalaro sa mesa. "Naligo kayo?" Bungad na tanong n'ya.

"Opo mama!" Sagot ni Acks.

"Mukha kang scarecrow sa suot mo." Puna n'ya, mukhang wala kasing nahanap na damit si Vladimir para kay Acks dahil mismong damit na nito ang suot ng batang makulit.

Dumiretso s'ya sa kusina para maghanda ng magluto, agap naman na tumulong sa kan'ya sila Vladimir na nagpaapoy ng kalan at ng okay na ay bumalik na sa paglalaro ang dalawa, inabala na lang n'ya ang sarili sa pagluluto.

"Hindi ba kayo napapagod?" Tanong n'ya makalipas ang ilang oras at naghahain na s'ya pero aliw na aliw pa rin ang dalawa sa ginagawa. "Halina kayo, kakain na tayo." Aya n'ya saka lang lumapit ang dalawa na agad nakiusyoso sa mga inilagay n'ya sa mesa.

"Matagal-tagal din akong hindi nakatikim ng luto mo, faye." Sabi ni Vladimir ng kumakain na sila.

"May store ako, pumunta ka do'n."

"Pagbabayarin mo talaga ako?" Nakasimangot na tanong ni Vladimir sa kan'ya.

"Wala ng libre sa mundo Vladimir, isa pa may anak akong binubuhay."

"Mama hindi naman po ako patay!" Agad na angal ni Acks kaya tinaasan n'ya ng kilay ang anak.

"Pilosopo?" Inis na tanong n'ya.

Umiling ang bata. "Hehe, hindi po mama."

Patapos na sila kumain ng tumayo s'ya saka pumunta sa kusina, inilabas n'ya sa steamer 'yong ginawa n'yang no bake cake saka inilipat sa flat na plato. Tinusukan n'ya iyon ng isang kandila saka sinindihan at maingat na binitbit palapit kanila Acks na nagkukulitan.

"Vladimir." Tawag n'ya at nanlaki ang mga mata ng lalake ng makita ang bitbit n'ya, inilapit n'ya iyon kaya napatayo na si Vladimir.

"Faye...." saglit na nagtakip ito ng mata animo'y pinipigilang maiyak kaya natawa s'ya.

"Happy birthday?" Nakangiting bati n'ya.

"Thank..." agad nitong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata nito habang nakatingin na sa kan'ya. "...thank you faye..."

"Dada blow mo na!" Excited na sabi ni Acks saka paulit-ulit na kumanta ng happy birthday para kay Vladimir.

Akmang hihipan na ni Vladimir ng pigilan n'ya. "Hindi ka pa nagwi-wish." Paalala n'ya pero umiling si Vladimir na emosyonal na.

"Hindi ko na kailangang humiling faye...nandito na kayo."

Umirap s'ya saka bahagyang inilayo ang hawak. "Walang blow kapag walang wish." Pilit n'ya kaya natawa na lang si Vladimir.

"Okay." Pagbibigay nito kaya ibinalik na n'ya, pumikit si Vladimir saka natahimik bago nagmulat ng mga mata at inihipan ang kandila.

"So anong wish mo?" Tanong n'ya pero umiling si Vladimir.

"Sikreto 'yon faye-" hinawakan ni Acks si Vladimir at bago pa s'ya mahawakan ng lalake ay tumalon na sa likod nito ang anak n'ya na ikinatawa n'ya pero ikinailing ni Vladimir. "-ang hirap talaga kapag may anak na."

"Ginusto mo 'yan," paninisi n'ya saka maingat n'yang inilapag sa mesa ang hawak n'ya pagbaling n'ya sa dalawa ay napailing na lang s'ya ng pagbigyan ni Vladimir ang trip ni Acks.

"Yes airplane!" Tuwang-tuwang sigaw ni Acks. "Dada superman!"

Hinayaan na lang n'ya ang dalawa at nagligpit ng pinagkainan, tinakpan n'ya muna 'yong cake para umakyat sa itaas saka kumuha ng damit. Tapos na s'yang pumili ng susuotin at nasa balikat na n'ya ang twalya ng maramdaman n'yang may humawak sa bewang n'ya kaya agad s'yang napalingon, nakita n'ya si Vladimir na agad ngumiti sa kan'ya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong n'ya saka inayos ang pagkakasampay ng twalya sa balikat n'ya.

Umiling si Vladimir. "Wala naman,"

"Ano nga?" Nagdududang tanong n'ya.

Nginitian s'ya ni Vladimir. "Thank you Faye..."

Napataas ang sulok ng labi n'ya saka pinunasan ang gilid ng mata ni Vladimir. "Ang iyakin mo naman, gan'yan ba kapag matanda na talaga?" Biro n'ya.

"Emotional lang, tagal na din kasi e."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean this, us being this way."

Nakaramdam s'ya ng pag-aalala at agad na humiwalay. "I'm sorry, huwag mong isiping-"

"-faye-"

"-may asawa na ko, vladimir."

"Ganoon din naman ako."

Agad s'yang humiwalay. "Hindi," umiling si Faye. "Maghihiwalay na kayo pero kami hindi, vladimir magkaiba 'yon."

Napabuntonghininga si Vladimir. "I'm sorry."

"I didn't mean to give you false hope, I did'nt mean to give you wrong signs." Tiningnan n'ya si Vladimir. "What I want is to atleast be okay with you since we have Acks but that....what we have before...I'm sorry I c-can't..."

"You love him," kumbinsidong sabi ni Vladimir kaya hindi alam ni Faye kung tatango o kung ano bang dapat gawin lalo na't may lungkot na sa mga mata ng kaharap.

"I don't wanna hurt you...."

"Sabi mo, gusto mong kahit papaano maging okay tayo dahil kay Acks..." tiningnan na rin s'ya ni Vladimir. "Faye...that does mean you are not mad on me now?"

"I....I honestly don't know...wala akong maramdaman, simula pa kaninang umaga...hindi ko alam...sorry."

Umiling si Vladimir. "No, it's okay. I should be thankful, for atleast nandito kayo ngayon ni Acks."

Nagbaba s'ya ng tingin. "But I ruined it..."

"Hey," pukaw ni Vladimir sa atensyon n'ya saka hinawakan ang balikat n'ya kaya napaangat s'ya ng tingin at sumalubong sa kan'ya ang ngiti ni Vladimir kahit pa taliwas ang sinasabi ng mga mata nito. "You completed it..."

"And I also ruined it."

"Stop it, you didn't." Tinapik nito ang balikat n'ya. "Now, go take a bath. Ipinag-init na kita ng pampaligo, baka lumamig na 'yon."

Pinilit n'yang ngumiti. "Thank you," tumango si Vladimir bilang sagot saka umatras ng isang hakbang para hayaan s'ya. Humakbang na s'ya palabas dahil baka hindi na n'ya kayanin, ramdam n'yang unti-unti na s'yang nagiging emosyonal.

"Ah faye..." rinig n'yang tawag nito na ikinahinto n'ya. "Can I ask a favor, one last time?"

Ikinuyom n'ya ang  kamay para pigilang maiyak dahil ng humarap s'ya kay Vladimir nahuli n'yang mabilis na nagpunas ito ng luha habang nakatingin sa kan'ya. "Sure," sagot n'ya.

"Can I...." huminga ng malalim si Vladimir. "....can I hug you?" Mahinang tanong nito pero sapat para marinig n'ya.

Hindi s'ya umimik, ilang saglit s'yang nakatingin lang kay Vladimir bago mabilis na lumakad pabalik sa dating minamahal, hindi s'ya nagsalita at pagkalapit n'ya ay yumakap. Agad s'ya nitong tinanggap at niyakap din ng mahigpit na para bang napanatag ito, 'di nagtagal ay narinig n'ya ang mahinang hikbi ni Vladimir kaya ipinikit na lang n'ya ang mga mata.

Sobrang tagal na ng huli, noong huli n'yang maramdaman ang yakap nito. Ang nag-iisang yakap na nakakapagparamdam sa kan'ya na ligtas s'ya, ang nag-iisang yakap kung saan kumportable s'ya. Marahil sadyang sobrang bilis lang talaga ng paglipas ng mga araw, maaaring ngayon naroon ka sa masayang bahagi ng kwento hanggang sa magigising ka na lang na para bang isang magandang panaginip ang lahat at kailangan mong magpatuloy, panindigan ang mga piniling desisyon dahil hindi ka na maaaring bumitaw o tumalikod sa napili mong landas.

"Faye...." mahinang sambit ni Vladimir. "I-I will always...always love you...you'll always be my woman. I-I won't tell you to run on me when time comes na masasaktan ka n'ya dahil alam kong hindi mo gagawin." Bahagyang humiwalay sa kan'ya si Vladimir saka marahang hinawakan ang magkabila n'yang pisngi. "Ngunit kahit ganoon, please always keep in mind that I'm always here for you. I know I can't rewrite everything that has been done but you still have me, that won't change." Umangat si Vladimir at napapikit s'ya ng halikam nito ang noo n'ya. "If there's really an another life. I hope by there, you'll let me be your man and let me have you again madam."

"V-vladimir, y-you also ruined it." Sambit n'ya na ang tinutukoy ay ang kaarawan nito na dapat ay masaya ngunit heto sila, parehas emotional at umiiyak.

"Hayaan mo na, ngayon lang naman ako iiyak ng ganito." Bumitaw na si Vladimir sa kan'ya. "Malamig na talaga 'yong pampaligo mo, faye." Biro nito saka tumawa kahit pa basag ang boses dahil umiiyak pa rin.

Lumapit s'ya saka hinalikan ang pisngi nito na ikinagulat ni Vladimir. "If there's really an another life, I promise I'll wait for you and let you fight for us." Ngumiti si Faye. "Thank you, vladimir." Malambot na sabi n'ya katulad kung paano n'ya sambitin noon ang pangalan nito bago nagsimula ng humakbang palabas at wala ng lingon-likod na tinungo ang banyo.

Naligo s'ya kahit pa nahihirapan na s'yang huminga kaiiyak, alam n'yang pwede s'yang magkasakit dahil do'n pero ayaw n'yang sayangin ang effort ni Vladimir kaya naman tinapos n'ya ng maayos ang paliligo at ng makapagbihis ay inaya na n'ya si Acks na umalis na doon, saglit n'yang tiningnan ang tree house at sarado na ang pinto no'n animo'y sinadyang isara para hindi s'ya mapigilan dahil kung bukas iyon at makikita s'ya ni Vladimir na umalis ay paniguradong baka magbago ang isip nito at pigilan s'ya.

Mabibigat man ang hakbang ay nagawa n'yang makaalis kahit pa pakiramdam n'ya pinipilipit ang puso n'ya sa sakit na nadarama, naiuwi n'ya ng ligtas ang anak sa unit makalipas ang dalawang oras na pagmamaneho habang tumutulo ang mga luha n'ya. Wala mang sapat na lakas ay nagawa n'yang masigurong okay ito bago s'ya pumasok sa kwarto, inilock iyon at tuluyang umiyak ni hindi na n'ya nagawang makalapit sa kama at napaupo na lang s'ya sa lapag habang walang humpay ang iyak n'ya.

Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman n'ya, akala n'ya tapos na s'yang masaktan, akala n'ya pagod na s'yang umiyak pero heto s'ya halos mahirapang huminga habang patuloy na umaagos ang mga luha n'ya, sobrang labo na ng paningin n'ya dahil sa luha at hindi na n'ya magawang makapag-isip ng matino dahil walang ibang tumatakbo sa isip n'ya kundi ang lahat ng alaala nila ni Vladimir, para bang nakarehistro sa isip n'ya ang itsura nito lalo na ang pag-iyak nito kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro