CHAPTER ONE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

BLACK SPORT CAR

Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Dahan dahan naman akong bumangon unang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon sa shop. Mas lalong lang nangingibabaw ang galit ko lalaking yon tuwing naalala ko ang mga pagtagpo na iyon.

"Anak Leor papasuk kaba ngayon?" tanong ni mama mula sa labas ng aking kwarto."Good morning ma, h-hindi muna siguro mabigat kasi ang pakiramdam ko ngayon." pagtapat ko dito gamit ang  nanghihinang boses.

Feeling ko lalagnatin ako ngayong araw, dahil sa sakit ng ulo ko ngayon na parang mabibiyak.

"Diyos kong bata ka, kaya pala ang putla mo napaka init mo." Gulat na wika ni mama ng mahawakan nito ang noo ko."Mas mabuti pa nga na wag ka munang pumasok. Mukhang kaylangan mo rin magpahinga namamayat kana," dugtong pa niya at bakas sa mukha nito ang pag-alala.

Siguro tama si mama, hindi ko lang napansin ang pagbabago ng katawan ko dahil na rin sa subrang pagkaabala sa school at sa trabaho.

"Btw ma saan pala si Thati?" tanong ko dito nang hindi ko ito makita.

"Maagang umalis sumama na sa papa mo may project daw silang dapat tapusin ng kaklae niya."

Tumango naman ako dito bilang sagot. Si Thati ang bunso kong kapatid nasa grade 8 ito. Ako maman grade 12, 9th month before graduating sa senior high.

"Lalabas muna ako ma, may tatawagan lang ako isa sa mga kasahaman ko sa shop." Paalam ko dito.

"Sige anak, pagkatapos mo diyan mag almusal kana lang. May naluto na ako dito  pupunta lang ako don sa kakilala ko na magpapalabandera." bilin nito bago ako lumabas ng bahay para maghanap ng signal.

Isa din ito sa dahilan ko kaya pumasok ako bilang saleslady sa coffee shop na yon para narin makutulong sa gastusin namin dito at sa pag-aaral namin ni Thati. Saka balak ko rin mag aral ng college pag makatapos ako ng senior high kaya pumasok ako bilang saleslady para makapag ipon na rin ng pera.

About naman sa trabaho ko hindi naman ako nahihirapan. Every Saturday and Sunday lang yung duty ko don then monday to Friday papasok ako sa school. Pagdating  naman sa sahod maliit lang yung sa akin kumpara sa kanila ni ate Trina regular kasi sila don. Pero mas ok na yon sakin ang mahalaga may matatanggap akong sahod maliit man o malaki.

"Hello ate Tri."

"Oh, Leor bat ka napatawag?"

"Hihingi sana ako ng favor ate. . .pwede ba ipapaalam mo muna ako sa manager natin na hindi muna ako makapasok. . .masama kasi ang pakiramdam ko ngayon." wika ko dito saka sinabayan ko na rin nang isang pekeng  pag-ubo para ma convince ito.

Alam kong hindi talaga ito maniwala pag walang prove.

"Sakit ba talaga o ayaw mo lang pumasok dahil sa ng yari kahapon." usisa nito na parang hindi pa rin convince."Promise ate. . .hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon," dugtong ko pa sa sinabi nito.

Agad ko namang narinig mula sa kabilang linya ang pagsinghap nito na parang suko na talaga.

"Sige, magpahinga kana lang diyan ako na bahala mag paliwanag sa manager natin."

Napangiti naman ako sa sinagot nito."Thank you ate Tri, babawi na lang ako pag gumaling na ako mula sa pagkalagnat."

"Sabi mo yan huh, sige ibaba kuna ito marami na ring customers, bye."

"Bye ate Tri." paalam ko dito bago nag end ang call.

Agad na akong bumalik sa loob ng bahay para kumain ng almusal saka makainom na din ng gamot. Nang makarating sa loob ng kusina agad ko namang binuksan ang pang takip ng ulam. Nag luto pala si mama ng turtang talong saka sinabawang bangos. Dahil nakaramdam narin ako ng gutom agad ko namang nilantakan ito.

Pagkatapos kong kumain hinugasan kona rin ang pinagkainan ko saka bumalik sa sala. Hindi naman ganon kalaki yung bahay namin, merong sariling cr na hindi pa natapos merong dalawang kwarto. Yung isang kwarto kaming dalawa ni Thati sa kabila naman si mama at papa.

Pagdating naman sa gamit meron din kaming sariling  refrigerator na mas matanda pa kay Thati. Yes ganon ka ingat sila ni mama at papa pagdating sa mga gamit mapa maliit man o malaki hanggat magamit pa ito hindi nila ito agad tinatapon.

Dahil sa ugali nila nakuha ko rin ito. Pag dating kasi sa mga gamit ko na sa tingin ko magagamit pa hindi ko ito pinapakawalan lalo na kong nasanay na ako dito.

Dahil dinalaw ako ng kaboringan lumabas muna ako ng bahay saka kumuha ng tubig para mag dilig ng halaman, since maaga pa din naman ngayon. Habang nagpapatuloy ako sa pag dilig ng halaman ramdam kong parang humupa yung init ko dahil na rin siguro sa mga pawis na lumalabas sa katawan ko ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ng mga bulaklak nang maramdaman kong merong tao sa likod ko ngayon.

"Hi Mae, magandang umaga." rinig kong bati ng kong sino nasa likod ko ngayon.

Agad naman akong napatayo ng matuwid nang marinig ko ang boses nito. Alam kona kong sinong nagmamay-ari ng boses na yun kahit hindi ko lingunin ito kilalang kilala ko na ito. Kaya dahandahan naman akong  humarap.

"Uy, B-Bogart ikaw pala yan. Magandang umaga din sayo, na padalaw ka?" Lintya ko dito ng harapin ko ito na may pekeng ngiti.

Feeling ko bumalik ang  lagnat ko ngayon dahil Kay Bogart. Pano kasi bumungad sakin ang mukha nito habang nakangiti tas lumalabas pa ang bungal bungal na ngipin na parang si drakulang kulang ang ngipin. Tas idagdag pa natin ang makulot na buhok nito na pwedeng itlogan ng manok saka ang payat na pangangatawan.

Pero kahit ganitong klaseng tao si Bogart takot ang mga siga dito sa baranggay namin sa kaniya. Pati yung mga nagbabalak na manligaw sa'kin binabakuran niya din ito. Iwan ko ba sa mga yun kung bakit takot sila dito, kung tutuusin isa lang din naman itong payat.

"Napadaan lang ako dito pupunta din kasi ako diyan sa kapihan ni mang Samuel." sagot naman nito habang nakangiti pa rin."Pero baka gustong mong sumama para may ka kwentuhan din naman ako habang nagkakape," pag-aanyaya nito sa akin.

'Patay na mas lalong lalala ang sakit ng ulo ko pag tumagal pa ang kwentuhan na yun.'

"Hala, bawal kasi ako ngayon marami din akong gagawin dito sa bahay mag paplansa pa ako ng mga uniform namin ni Thati may pasok na kasi kami bukas." palusot ko dito.

Tutuo naman kasing mag plansa ako ng mga uniform na gagamitin namin since bukas monday na naman.

"Ganon ba, sige sa susunod na lang mauna na ako bye Mae." Paalam nito gamit ang matamlay na boses.

"Sige, ingat sa daan baka kagatin ka ng mga aso diyan kamukha mo pa naman sila." wika ko dito at saka yung huling sinabi ko naman mahina lang din tamang tama lang na hindi nito marinig.

Nang maka talikod na si Bogart napabuntong hinga naman ako. Ang tutuo nakaramdam din ako ng konsenya sa pinakita kong ugali kay Bogart. Pero yun lang kasi ang paraan ko para hindi ako mapalapit sa kaniya saka ayaw kong paaasahin ito.

Imbes na magpahinga agad naman ako nagtungo sa loob ng bahay saka dumeretso sa kwarto.

Ang pahingang balak ko ay hindi natuloy dahil agad naman akong nagpunta sa closet namin ni Thati para kunin ang mga uniform na gagamitin namin bukas.

Inuna kong plansahin yung tatlong skirt isa sakin dalawa kay Thati saka sinunod ko naman yung dalawang school uniform pants ko. Pagkatapos yung blouse naman at saka yung necktie.

Bandang alas nuwube na ako nakatapos sa pag plansa since hindi din naman dikorenteng plansa kundi yung gawa sa aluminium na nilalagyan ng uling. Basta yung kadalasang ginagamit sa mga taga probinsya. Meron din naman kaming sariling plansa na kaylangan mong isasak sa kuryente, pero mas pinili ko talaga ito dahil nababanguhan ako sa usok ng uling. Wierd pag dating sa iba pero para sakin ang bango ng dating nito.

Pagpatak ng alas diyes agad na akong pumunta sa kusina para mag luto ng ulam, since ako lang din naman ang mag-isa ngayon dito sa bahay di narin ako nag atubiling mag saing pa may natira pa namang kanin. Alam kong mamayang hapon pa ang uwi ni mama mula sa paglalabendera si papa ganon din saka si Thati naman diko alam kong anong oras makauwi yun. Nagluto lang din ako ng pancit canton at isang pirasong  piniritong itlog, Kumuha din ako sa ref ng juice.

Pagkatapos kong kumain uminom muna ako ng gamot saka hinugasan yung pinagkainan. Bandang alauna ako pumasok sa kwarto para magpahinga since tapos na din naman yung mga gawain sa bahay.

Agad naman akong pabagsak na humiga sa kama. Saka ko naramdaman ang pananakit ng buo kong  katawan na parang pinalo ng tabla, dahil sa kapaguran mabilis lang din ako nilamon ng kaantukan.

"Ate Leor, gumising kana sabi ni mama maghahaponan na daw  tayo." Dinig kong pagpukaw ni Thati sakin.

"Uhm...mamaya na...inaantok pa ako," sagot ko naman dito habang naka dapa parin sa kama.

"Ano kaba ate, mag-aalas otso na ng gabi," pag pupumilit nito, agad naman ako napabalikwas sa kama nang mag sink-in ang huling sinabi nito. "A-anong oras naba?" Tanong ko dito habang naka upo pa rin sa kama na pang Indian set.

"Hayss, mag 8 p.m na ate mamaya kana matulog pag makapag haponan na tayo. Naka handa na rin ang pagkain sa lamesa." Lintya nito at saka ngumuso.

'Ano ba yan, napasarap ata tulog ko dahil hindi ko man lang naramadaman ang pagdating nila mama at papa. Si mama pa tuloy ang nag handa ng hapunan imbes na ako ang gumawa non." Agad naman akong napahilamos sa sarili kong mukha at saka lumabas ng kwarto.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Tanong ni mama sa kalagitnaan ng haponan namin.

"Ok na ma, hindi na rin masakit ang ulo ko nakainom na rin kasi ako ng gamot kaninang almusal at tanghalian," sagot ko naman dito.

Agad naman tumingin si papa sa pwesto ko at bakas ang pag-alala nito, kaya agad naman akong  ngumiti ng tipid dito para sabihin na ok na ako.

"Loer anak, di mo naman kaylangan pumasok sa pagiging saleslady sa shop na yun kaya naman namin ng mama mo na  pagaralin kayo  ng kapatid mo." Panimula ni papa.

Agad naman ako napatigil sa pagkain dahil sa mga sinabi ni papa.

"Wag mo sana mamasamain anak. Pero tama  ang papa mo. Kaya pa naman namin magtrabaho para sa gastosin natin dito sa bahay at sa pag-aaral niyong dalawa ni Thati." Dugtong naman ni mama na bakas din ang pag-alala sa mukha.

"Ma, pa sana maintindihan niyo rin kong bakit ako pumasok sa trabaho na yun. Alam ko naman po na kaya niyo kaming suportahan sa pag-aaral namin, pero gusto ko lang po tumulong sa inyo since malapit na din ako magkokolehiyo." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

Saka hindi lang yun ang dahilan kaya ko tinanggap ang trabahong yun. Una malapit na ako magkolehiyo alam kong maraming gastosin don, pangalawa hindi naman sa lahat ng oras na malaki ang kita ni papa sa pagiging jeepny driver ganon din si mama sa pagiging labandera.

Agad naman nagpakawala ng malaking buntong hininga si papa ganon din si  mama.

"Sige kung yan ang gusto mo dika namin pipigilan, basta ipangako mo na pag di muna kaya ang mga gawain sa shop na yun tumigil kana don." Paalala ni papa sakin.

"Pangako po, pag hindi kona kaya yung gawain don aalis na ako." Sagot ko naman dito habang naka taas ang isang kamay na parang nanunumpa.

'Sorry papa pero kahit anong hiram po ang danasin ko basta para sa inyo kakayanin ko wag lang kayo maghiram ni mama para sa pag-aaral namin ni Thati. Gagawin ko ang lahat para maahon ko ang pamilyang ito sa kahirapan.'

"Ano ba yan Loer, napaka simple mo naman tingnan mo nga yang mukha mo hindi ka man lang nag lagay ng liptint sa labi mo subrang putla mo girl!" Reklamo ni Afrit ang bakla kong kaibigan nang makarating ako dito sa room namin.

Siguro sa lahat ng tao si Afrit lang ang palaging na momobrelema pag dating sa mukha ko.

"Hayss, tumigil ka diyan Art, wala akong oras sa mga ganyan." Lintya ko naman sa kaniya.

"Correction Rita ang pangalan ko ang pangit pakinggan ng Art parang aso, saka ang sabihin mo wala ka lang talagang pambili!" Mataray na sagot ni sakin.

"Kahit may pera akong pambili ng mga  yun, hindi ko parin naman yun uunahin mas gustohin ko pang ibili ng pagkain." Giit ko naman sa kaniya.

"Iwan ko sayo. Sabagay kahit hindi ka naman maglagay ng kung ano ano sa mukha mo marami din naman nagkakagusto sayo sa Baranggay natin" nakangusong lintya nito."ultimo si Bogart nga nagkakandarapa sayo," dugtong pa niya dahilan ng ikinangiwi ko.

'Ano namang nakain ng baklang to bat nasali pa  bigla si Bogart sa usapan namin. Baka nag-aalmusal pa yun tas biglang mabilaukan.'

"Basta mamayang uwian dadaan muna tayo diyan sa labas ng campus bibili ako ng bagong shade ng liptint libre kita."

Iba talaga pag nag-iisang anak tas yung magulang nasa ibang bansa lahat talaga nabibili. Si Arfrit kasi nag iisang anak ito ni aling Megan. Si aling Megan ay isang single mom dahil iniwan ito ng kaniyang naka relasyon na isang indiano ang bunga non si Arfrit.

Kaya nakuha ni Arftrit ang lahi ng kaniyang papa dahil sa matangos na ilong nito at morenong balat dumagdag din ang makapal na kilay saka ang mahabang pilik mata nito, pagdating naman sa height hindi din ito nagpapatalo matangkad din si Arfrit kaso payat nga lang.

Kung tunay na lalaki lang ito marami na ang nagkagusto sa kaniya kaso lalaki nga ang panlabas nagkaroon naman ng pusong babae. Pag magkasama nga kami mukhang ako pa ata ang lalaki saming dalawa dahil sa mahilig itong maglagay ng kung ano ano sa mukha.

Sa unang subject namin na USCP nag discuss lang yung adviser Teacher namin na si ma'am Analyn Santos. Sa sunod naman na teacher namin nag bigay ito ng individual activity. Nang mag bell nagpapahiwatig na recess time na.

"Continue your activity for those na naka tapos pwede na kayong mag recess." Pag-aanunsiyo ng sir namin na si mr. Tyrant.

Since tapos na din naman ako agad na akong lumabas sa room sumunod naman si Arfrit. Nang dumating sa canteen agad naman kaming bumili ni Arfrit yung sakin isang kwek kwek na tig 15 pesos at isang buko juice na tig sampo.

Kay Arfrit naman isang sandwich na sa tingin ko ay naghahalagang 20 pesos at isang C2 at bumili pa ito ng dalawang paittos. Isa din ito sa ugali ni Arfrit ang pagiging matakaw pag dating sa pagkain pero ang pinagtataka ko hindi naman tumataba.

Bumalik agad kami sa room para don na lang kumain since puno na din naman yung canteen.

Buong maghapon na nag discuss lang sa dalawang subject yung iang subject naman nag bigay ito ng activity sa last is vacant namin dahil meron daw pinuntahan yung teacher namin sa creative writing.

"Ate magkano po yung isa nito?" Tanong ni Arfrit sa hawak nitong liptint.

"60 pesos toy, pero if dalawa kukunin mo bigay ko na lang sayo 80 pesos." Sagot naman ng ali.

"Sige ate dalawa kukunin ko," aniya saka pumili ng shade."Pumili kana rin sayo or gusto mo ako na lang pipili sayo?"

"Ikaw na lang since marami kang alam pagdating sa mga ganyan." Bored kong sagot dito.

Pagkatapos namin mamili ni Arfrit agad na kaming umuwi dahil dumilim bigla ang kalangitan na mukhang uulan pa. Hindi nga ako nagkamali dahil mayat maya pa bigla na lang bumuhos ang napaka lakas na ulan, kaya patakbo naman kami ni Arfrit para sumilong sa isang tindahan nasarado dito sa gilid ng kalsada.

"Ano ba yan, mukhang gagabihin pa ata tayo dito." Dinig kong reklamo nito."Inuna mo pa kasi yon ayan tuloy naabutan pa tayo," Dugtong ko naman sa sinabi nito.

"Mag text na lang ako kay papa para magpasundo tayo dito."

Tamang tama lang ng ma send ko yung message ko kay pala nang bigla na lang ako napaigtad dahil sa pagkabigla.

"Holy shit!" Pagmumura ni Arfrit.

Ako naman natulala habang tinatanaw ang kulay black na sport car. Akala ko Lalabas ang nagmamay-ari nito at humingi ng pasensya dahil huminto ito sa di kalayuan sa pwesto namin matagal itong huminto, pero ganon na lang ang galit na naramdaman ko nang pinaharurut nito ng takbo.

"Buwisit na driver na yun napaka walang mudo! Hindi man lang humingi ng pasensya!" Pagsasalita ko dahil sa subrang inis.

"Tingnan mo tuloy basa na tayo dahil sa kagagawan ng  baliw na yun! Kung magpatakbo kala mo pagmamay-ari ang buong kalye!" Maarteng wika pa ni Arfrit habang pinupunasan ang mukha nito.

"Pano naman yung cellphone ko ngayon mukhang sira na ata dahil sa walang mudo na driver na yun!" Mangiyakngiyak kong turan habang pinipilit buksan ang sarili kong cellphone.

Ok lang sana kong ako lang yung nabasa pero pati ba naman yung cellphone ko ang mas masakit pa andito lahat ang mga handnotes ko sa ibang subject namin sa school.

"Arghh...pagnakita ko lang ulit ang sasakyan na yun maghanda siya dahil  sisiguraduhin ko na babayagin ko talaga kung sino man ang driver na yun!" Turan ko habang pinupunasan ang sariling mukha dahil sa tubig na tumalsik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#romance