Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2

Celine's Point of View

Sinabi ko kina mommy na hindi muna ako papasok sa SSU (San Sevito University). Tinanong nila ako kung bakit ako aabsent ngayon, ang sinagot ko naman ay masama ang pakiramdam ko kahit ang totoo ay hindi naman.

Um-absent ako kasi ayokong makita ang mukha nung kyle na yun. Anlakas ng loob niyang sabihin na ilusyonada ako. Na hindi niya ako hinalikan at guni-guni ko lang raw yon. Naiinis ako sa kanya grabe, feeling ko tataas na ang blood preassure ko dahil sa pagka inis ko sa kanya. 

Kinuha ko ang cellphone at earphone ko. Nakinig nalang ako ng music, since wala naman akong magawa dito sa loob ng kwarto ko. 

Di ko talaga makalimutan yung sinabi niya kahapon, sa tuwing naalala ko yun gusto ko siyang sampalin ng paulit ulit hanggang sa dumugo ang pisngi niya. 

Bakit ba masyado akong apektado sa sinabi niya sa'kin kahapon? Di naman ako ganito dati ah, siguro dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong grabeng inis.

Narinig kong may kumatok sa pinto. "bukas yan" sabi ko.

Bumukas ang pintuan at niluwa no'n si Nanay Meling—personal yaya ko. Sa kanya ko lang sinasabi lahat ng nangyayari sa'kin. Siya ang nag alaga sakin simula 6 years old ako. Parang nanay ko na rin siya.  Si Nanay Melting kasi yung nag aalaga sa'kin kapag wala ang mga magulang namin ni kuya.

May dala siyang tray na may lamang mangkok at isang basong gatas. Nilapag niya iyon sa mini table ko rito sa kwarto. Bumangon ako saka umupo sa edge ng kama, lumapit siya sakin at tiningnan kung may lagnat ako "may sinat ka, ano bang ginawa mo kahapon? At nagkaroon ka ng sinat ngayon" tanong niya sa'kin.

Umiling ako "wala po"  saka tumayo at umupo sa upuan.

"celine, hija, alam kong may nangyari sayo kahapon. Hindi pwedeng wala dahil alam ko kapag di moko pinapansin" sabi niya.

Talagang kilalang kilala ako ni Nanay Meling, kaya kahit magsinungaling man ako sa kanya ngayon ay no use din dahil masasabi ko rin sa kanya.

Humarap ako sa kanya "Nay, may tanong ako" sabi ko sa kanya, umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko. 

"Ano naman yun?" tanong niya saka inayos ang mga kakainin sa mini table ko.

Umayos ako ng upo "Natural lang po ba na mainis ang isang tao dahil sa hinalikan siya ng isang lalaking di nya kilala?" tanong ko. Iyan muna, ayokong sabihin sa kanya na hinalikan na ako ng isang impakto.

"hmm. Siguro. Dipende naman yun sa magiging reaksyon ng tao" sagot niya. tumango tango nalang ako "bakit? may humalik naba sayo?" may halong malisyang tanong niya sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko "w-wala po hehe.. tinatanong ko lang" medyo awkward na sabi ko. 

Mukhang naniwala naman sya dahil ngumiti ito "Buti naman, masyado ka pang bata para sa mga ganyan. Kahit sabihin mong ilang buwan nalang para matapos mo ang secondary level mo ay di kapa pwede sa ganyan. Saka na kapag nakapagtapos ka na." litanya niya.

Tumango nalang ako. Parang nanay ko na talaga siya haha 

Inabot niya sa'kin ang kutsara. Saka ako nagsimulang kumain ng agahan ko, atleast kahit papaano ay nakakuha rin ako ng payo sa nakakatanda sa'kin. 

Tumayo siya "sige lalabas na'ko" paalam niya sakin "Nga pala, sa makalawa dito muna mag-stay si Zen. Mahirap kapag iniiwan ko siya dun sa kapatid ko, kaya dito na muna siya." 

Si Zen? dito na ulit sya?

Nakangiting tumango nalang ako "sige po, i'll wait her nalang" masayang sabi ko

Dito na pala titira ulit si Ate Zen, buti naman. Wala kasing kwenta yung kuya ko, kakausapin lang ako kapag gusto niya pssh. Para siyang ewan, di naman bagay sa kanya ang pagiging tahimik.

Naalala ko noon, kapag dito nagpapasko si Ate Zen ay lagi siyang sinusungitan lalo ni kuya. Ewan ko ba, siguro may crush si kuya kay ate Zen kasi lagi niya itong pinag-iinitan. I wonder kung ano na kaya ang itsura ni ate Zen ngayon, humaba na kaya ang dating maiksi niyang buhok? tumaba kaya siya?

Tinapos ko ang pagkain ko at niligpit iyon, haler! Kahit naman medyo angat kami ay marunong parin ako sa mga gawaing bahay.

Lumabas ako ng kwarto daladala ang pinagkainan ko. Saka dumiretso sa kusina para hugasan iyon. Pagkatapos no'n ay bumalik ulit ako sa kwarto ko.

Chineck ko ang cp ko, nakita kong may message dun. Pinindot ko yun at lumabas ang message sakin ni Amira.

from:Amira

hoy babae, ba't ka umabsent? may gagawin tayo sa Math ngayon, bahala ka wala kang activity 

Napahawak ako sa bibig ko.

Ayy!! oo nga pala! may activity kami sa Math!

Tiningnan ko kung anong oras na, 9:30! eh 10am ang oras ng math namin! 

Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako at ginawa ang mga ginagawa ko kapag papasok.

Tumingin ulit ako sa orasan. 10 minutes nalang bago mag 10. Medyo may kalayuan ang SSU sa amin. Plus nauna pa si kuya sa pagpasok, siya lang ang may dala ng kotse. Paglabas ko ay kinuha ko yung mountain bike ni kuya. Bahala na! No choice ako kahit di ko masyadong abot ang pedalan no'n, kesa naman ma late ako sa klase ni Mr. Pablo, sabi nila terror daw iyon.

Sumakay ako sa bike saka nagpedal. Hindi pa ako nakaka lagpas sa dalawang bahay ay na out of balance ako saka natumba sa kalsada. Iaangat ko na sana ang bike nang mayron ng nauna sakin. Tiningnan ko ang tuhod ko kung nagka gasgas.

Napatingin ako sa taong ngayon ay naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko yun saka tumayo. Pinagpag ko ang suot ko saka humarap sa lalaki.

"salamat" sabi ko sa kanya.

Masyadong madilim ang dating niya, mukhang silent type. Napansin ko na may dala siyang bag. kita ko rin na nakatingin siya sa tuhod ko "Ihahatid na kita" malamig na tonong sabi niya. 

Tumingin ako sa tuhod ko, may gasgas na at unti unti ng nadugo. Nakita ko na sumakay siya sa bike, saka nya ti-nap yung nasa harap ng upuan ng bike--yung bakal.

"dito ka na sumakay, ako na maghahatid sayo" ulit na sabi niya.

Tahimik na umupo nalang ako sa harap, bale pa side yung upo ko. Siya na ang nagmaneho ng bike "Sa SSU ka ba?" tanong niya.

"Oo" tipid na sagot ko.

Tumango lang siya saka na nagsimulang magpedal.

____

@San Sevito University 

"Thank you sa paghatid sa'kin" pasasalamat ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa room ko.

"Ayos lang" sabi niya.

Hindi siya suplado pero ang lamig ng dating niya. Napansin ko na maraming babae ang nakatingin sa'min. Siguro isa siya sa hinahangaan ng mga babae dito. 

Tumigil na ako ng nasa tapat na kami ng classroom ko, tumingin ako sa kanya "Dito na'ko" sabi ko sa kanya. 

Ngumiti siya "So classmate pala kita, tara pasok na sa loob. Baka pagalitan tayo ni sir" sabi niya saka nauna ng pumasok sa loob.

Napatulala lang ako.

Classmate ko pala siya. Di ko naman siya nakita kahapon eh. Siguro ay absent siya. Tama absent siya kahapon kasi sa sinabi niya kanina 'so classmate pala kita' di niya rin siguro inaasahan na classmate ko rin siya.

Pumasok ako sa loob ng classroom, wala pa si sir. Nakita ko namang sinenyasan ako ni Amira na umupo sa tabi upuan kasunod niya, kaya pumunta ako dun at umupo sa tabi niya 

"wala pa si sir?" tanong ko sa kanya nang maka upo ako.

Ngumiti sya saka umiling "wala, may meeting sila eh" sabi niya saka binalik ang tingin sa cellphone.

Wala Si Sir? "pero sabi mo--" 

"joke lang yun, wala kasi akong kasama eh kaya tinext kita, pero di ko expect na papasok ka kaya natuwa ako" putol niya sa'kin saka tumawa. 

Naningkit ang mga mata ko "Akala ko totoo yun, binilisan ko pa naman" inis na sabi ko sa kanya "Tingnan mo tong tuhod ko" pinakita ko sa kanya ang tuhod ko "Di mo ba alam na sumemplang pa ako sa bike para lang pumasok. Nakaka inis ka sobra" inis na sabi ko pa rin sa kanya. 

Nag peace sign siya sa'kin "sorry naman. malay ko bangmaniniwala ka" sabi nya saka napatingin doon sa lalaki na naghatid sa'kin kanina "Kasabay mo yun?" pag iiba niya ng topic.

Kumango ako "Oo bakit?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya ng kaunti sakin saka bumulong "Siya yung isa sa mga member ng bandang 'Black Knights'. Kasama niya si Jake dun, siya yung bokalista nila kung marinig mo ang boses nyan. Naku swabeng swabe" bulong niya "Pero suplado yan, bilang lang ang pinapansin niyan" dagdag niya.

Napatingin nalang ako dun sa lalaki. Di naman siya suplado eh, ang gentleman niya nga eh, di katulad nong kuya kong bugnutin tsaka nung kyle na feeling-ero.

Teka, ba't naalala ko na naman yung pesteng yun?

"Di naman siya suplado eh" sabi ko sa kanya 

Nanlalaking mata siyang tumingin sakin "weh? hala ka gurl! baka may gusto yan sayo" sabi niya

Nagsalubong ang kilay ko "Huwag ka ngang ganyan" 

"seryoso beh, ang pinapansin lang niyan ay mga kaibigan niya saka mga babaeng nagugustuhan niya" sabi niya 

Tiningnan ko ulit yung lakaki, parang ang hirap paniwalaan ang sinasabi ni Ami. Kahit sandali ko lang nakasama yung lalaking yon, para sakin gentleman siya at mabait.

Napatingin ako bigla sa pintuan, nanlaki ang mata ko ng pumasok sa loob ng room namin yung pesteng Kyle na yun. Nabigla ako ng lumapit siya sakin saka hinatak Ako sa braso palapit sa kanya. 

"t-teka a-an-anong gagawin mo" nagkanda utal-utal na tanong ko sa kanya. 

Di ko maipaliwanag kung ano ang ekspresyon niya ngayon. Ang tanging alam ko kang ay hawak niya ang braso ko ng mahigpit. Hinila niya ako palabas ng room. 

Muntik na akong matisod dahil kinaladkad niya ako. Di ko alam ang parte ng university na to. Puro puno ang nakikita ko. Nanlaki ang mata ko ng buhatin niya ako na parang sako 

"aaaaaahhhh!!!!! ibaba mo kong demonyito ka!!" sigaw ko saka pinagpapalo ang likod niya

Grabe nahihilo na'ko dahil sa kanya. napatakip nalang ako ako ng bibig. Di ko na kaya, parang gusto ko ng sumuka. Di pa rin siya tumitigil sa paglakad. Nahihilo ako lalo dahil sa kanya napapikit nalang ako bigla and all went black

--------------------------------

First Published

Date: December 08, 2019

Time: 6:27 pm

___

Edited 

Date: November 03, 2023

Time: 12:18 pm



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro