Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 4

Celine's Point of View

"You're allowed to choose only one component in MAPEH. For Music, syempre, kaylangan dun ang mga instrument kasama na rin dun ang pagkanta. For arts, its divided into two, the Visual and Performing arts. Visual Arts paintings, sculptures and etc. Perfoming Arts Dancing, Acting, Singing and other things that have to perform. P.E sports only, and for Health, ofcourse all related about health. So you can choose one and magpalista na kayo sa gusto nyong component " mahabang sabi ni Ms. Delie.

Tumayo ako saka isinukbit ang bag ko. I choose Performing arts kasi ang favorite ko lang naman ay sumayaw at kumanta.

"Uyy celine! Anong pinili mo?" tanong sa'kin ni Amira.

"Performing Arts" tipid na sagot ko.

"Ahh" sabi niya nalang.

It's been a week mula noong guluhin ako ni Kyle. Katulad ng sinabi niya, I tried my best para lang di magtagpo ang landas naming dalawa. Well, nagagawa ko naman yung sinabi niya. Pero mas mahirap yun para sa'kin kasi kasama siya ni Amira tuwing breaktime. Kaylangan kong layuan si Amira dahil sa kanya, he's such a jerk. Baka magtampo sakin si Amira kasi di ko na sya masyadong pinapansin. Pati rin si Dustn-yung cold guy, tapos di ko na rin sinasabayan si kuya pag pumapasok. Mas pinipili ko na lang na maglakad tuwing papasok at uuwi. Nawe weirduhan na siguro sila sa'kin kasi nilalayuan ko sila.

Lumabas na'ko ng room at pumunta dun sa lugar kung saan magpapalista. Para makasali ako dun sa Performing Arts. Sana hindi ko makasama dun si Kyle para di na niya ako guluhin. Nakakainis yung lalaking yun, akala mo sya yung may ari ng school pero di naman. tss

"Miss, sa Performing Arts ka?" tanong sa'kin nung isang babae.

Tumango ako "Yes, why?"

Umiling siya "Nothing, may hinahanap kasi ako. Celine Franco ang pangalan" sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman kaya ako ne'to hinahanap?

"Bakit mo naman siya hinahanap?"tanong ko dun sa babae.

"May pinapabigay kasi sa kanya."

Pinapabigay? Ano naman kaya yun?

Pinakita ko sa kanya ang ID ko. Kita ko naman ang panlalaki ng mata niya.

"ikaw pala yung Celine Franco? Bakit di mo sinabi sakin?" gulat na tanong niya.

Ngumiti ako "Wala lang, umiiwas lang ako sa mga taong gustong manakit sakin." Sagot ko. "At isa pa, hindi kita kilala kaya di muna ako nagpakilala sayo. Di ko naman alam kung anong kaylangan mo sa'kin kaya pagpasensyahan mo na kung ganoon ang naging kilos ko" sabi ko sa kanya.

"I understand" nakangiting ani niya saka may inabot saking pink na box. "May nagpapabigay. Peace offering niya daw yan sayo"

Nangunot naman agad ang noo ko. Sino naman kaya ang nagpapabigay nito? Masyado siyang maeffort. I don't think kung ibabalik ko ba to o hindi "Kanino galing to" tanong ko dun sa babae.

"Sorry pero di ko pwedeng sabihin sayo. Masyadong confidential, baka magalit sa'kin yun" sabi niya.

Napatango tango nalang ako. Binuksan ko yung box isang pink na bracelet lang naman ang laman no'n. May nakalagay ring pangalan ko roon. Kanino naman kaya galing to?

Humarap ako dun sa babae "Di pa pala ako nakakapag pakilala ng maayos. I'm Celine Franco, and you are?"

Naglahad sya ng kamay "I'm Dale Gamboa, it was nice to meet you" nakangiting pagpapakilala niya sa'kin. Nakipag shake hands ako sa kanya "Nice to meet you too Dale" nakangiti ring pagpapakilala ko sa kanya

"Diba sabi mo sa Performing Arts ka? Ako yung may hawak ng listahan ng mga sasali sa Performing Arts, ano? Magpapalista ka ba?" tanong niya sa'kin

Tumango ako "Yeah, sasali ako" sabi ko sa kanya

Sinamahan niya ako sa loob ng isang room.  Tapos may binigay siya sa'king papel, ilagay ko raw dun yung pangalan ko at kung saang section ako. I just fill it up and pass it to her. Then she gave me a paper badge that has a number. Number 23 ang nakalagay dun kaya napakunot ang noo ko "Para saan to?" tanong ko sa kanya

"Ah yan ba, line up yan. Iisa isahin kasi kayong magperform para malaman kung suited nga ba talaga sa inyo yun pinili nyong component sa MAPEH. Talagang nakagawian nang magkaroon ng ganyan dito. Mga 4th year ang merong ganitong concept kaya mas maeenjoy na'tin ang last year na'tin bilang high school" paliwanag niya habang binibigyan yung isang babae ng badge na katulad ng binigay niya sa'kin.

Napatango tango nalang ako, maganda naman pala dito sa SSU, mukhang maeenjoy ko nga ang pag aaral ko rito.

Kyle's Point of View


From: Dale Gamboa

Nabigay ko na ang pinapabigay mo, ikaw ah umayos ka. Isusumbong kita kay tito kasi may binully ka na naman, humanda ka sa'kin kapag nagkita tayong mokong ka.

Napailing ako ng mabasa ko ang message ni Dale sakin. Buti naman at nabigay niya ang pinapabigay ko sa kapatid ni Toffer

This is my first time na magbigay ng peace offering sa taong inaway ko. Well, di ko naman siya totally-ng inaway. I just want to see her na naiinis sa'kin, that's why I'm doing bad things to her.

Nilapag ang phone sa table ko. I was about to open my laptop ng biglang pumasok si Amira na nakabusangot ang mukha. I just ignore her and binuksan ko ang laptop ko. Narinig ko naman siyang tinanong ni Jake.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"rinig kong tanong ni Jake kay Amira.

"Tanungin mo yang magaling nating President, sobrang ganda ng ugali eh, sarap ipasagasa sa riles ng tren, buset!" Inis na sagot ni Amira.

Ano nanaman kayang problema nito at ako nanaman ang pinagbubuntunan ng inis niya. Tumingin ako sa kanya "ano na namang problema mo ha?" inis na tanong ko sa kanya.

Nakakainis kasi, ako nanaman kitang nananahimik na nga ako rito.

"Ikaw kase, kung hindi mo ginawa yung ginawa mo kay Celine siguro magkasama kami kanina. Siya na nga lang ang itinuturing kong kaibigan sa room tapos ginanun mo pa! Yan tuloy iniiwasan niya na rin ako!" inis na sambit niya.

"Eh bakit ako sinisisi mo? Nag bigay na nga ako ng peace offer---shit!" nadulas pa ako, lintik na yun, aasarin ako ng babaeng yan eh.

Nanlaki naman ang mata niya "Nagbigay ka ng peace offering kay Celine? Weh? nalipat na ba ang pagtingin mo kay Celine?" tanong niya na may kasama pang pag taas baba ng kilay.

Sabi na nga ba eh, Mang aasar nanaman sya eh.

"Tumigil ka nga Ami, di ako natutuwa sayo" sineryoso ko ang boses ko para tigilan na nya ako.

"oo na" sabi niya na lang.

Lumapit siya sakin saka hinila ako "Jake tulungan mo kong dalhin tong lalaking to dun sa gym dali!" utos ni Amira kay Jake.

Tumayo ako saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko " no need" sabi ko "ano namang gagawin natin doon ha?"

"May gusto lang akong panoorin, kaya sumama kayong dalawa sa'kin" sabi ni Amira saka hinila kaming dalawa ni Jake palabas ng SSG room.

Ganito ba talaga ang mga babae? May moodswing, yung kaninang inis na inis sa'kin bigla nalang nagyayang pumunta sa gym. Napa iling nalang ako, mga babae talaga.

Nang makarating kami sa gym ay maraming mga students ang nanduon, nagulat kami ng biglang tumuro si Amira. Napatingin naman kami ni Jake sa unahan. May babaeng nagpe-perform roon.

What the-

"Ganda ng boses at ang galing sumayaw ah" rinig kong komento ni Jake.

"GO CELINE!!" sigaw ni Amira. Dahilan para mapatingin ulit ako sa unahan.

Si Celine yan?

--------------------

a/n: gulat ka kyle no? hahahaha

First Published
Date: December 10, 2019
___
Edited 
Date: November 03, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro