Chapter Eighteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Eighteen

JASPER.


"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

Irita kong pinress ang end call at napakamot ako sa ulo ko. Nasaan ba kasi si Nica?!

Kahapon, tinanong ko si Timi kung may pasok ba ngayon si Nica sa kanila. Sabi niya wala. Nung pumunta ako sa bar, sinabi nung manager nila na suspended si Nica sa work dahil sa nangyari.

At gusto kong sapakin yung manager. Hindi naman si Nica ang nakipagsuntukan? Bakit siya ang sinuspend?

Kailangan na talagang mag resign ni Nica sa lugar na yun.

Pero yun nga, wala siyang pasok ngayon. Bake na ang cake. Nagluto rin si mama ng lasagna. Isusurprise ko sana si Nica kaso ako ang na-surprise.

Wala siya sa bahay niya.

Ang hirap talagang bumawi sa babaeng yun.

Matapos yung gulo sa bar, hindi ko na nakausap si Nica. I sent her a text message saying how sorry I am, kaso wala, hindi siya nag rereply. Tinawagan ko, hindi niya sinasagot ang call ko. Para bang iniiwasan niya ako?

O galit siya sa akin?

Kung sabagay, sino ba namang hindi magagalit sa akin. Pinagtakpan niya ang ginawa ko para lang hindi ako mapahamak. But in the end, siya ang napahamak. Na suspend pa siya sa trabaho eh alam kong kailangang-kailangan niya yun.

Pero ngayong babawi na ako, nagtatago pa ata siya.

"Hi hijo."

Napalingon ako sa nag salita at sa likod ko, may nakita akong isang matandang babae na siguro nasa early or mid-60's ang edad. Maikli ako buhok, bilugan ang mata, at ngiting ngiti siya sa akin.

"H-hi po."

"Anong ginagawa ng isang makisig na lalaking tulad mo sa harap ng bahay ng aking kaibigan?" nakangiti niyang tanong.

"K-kaibigan? Wait, ikaw po si Mamita?!"

"Ay! Kilala ako ng napakagwapong lalaking 'to! Ako nga si Mamita!" masigla niyang sabi sabay dikit ng palad niya sa pisngi ko.

"K-kamusta po mamita! Jasper nga po pala," inilahad ko ang kamay ko at nakipagshake-hands naman si Mamita sa akin.

"Ay lalaking lalaki naman ang yong kamay iho!" she told me while giggling.

Kung anong ibig niyang sabihin, I don't have any idea.

"Manliligaw ka ba ni Nica? Yung batang yun talaga hindi na nagkukwento sa akin!"

"Ah h-hindi po. Hindi po. Kaibigan po ako ni Nica."

"Kaibigan? Ni Nica? Sigurado ka? Eh anti-social ang batang 'yon. Parang allergic sa tao!"

Napatawa ako sa sinabi ni Mamita. Hindi lang pala ako ang nakakapansin na allergic si Nica sa tao.

"Kaibigan po talaga ako ni Nica. Sobrang close namin sa isa't-isa. Alam niyo na, hindi yun nakawala sa charms ko. Katulad kung paanong hindi siya nakawala sa charms mo," sabi ko sabay kindat.

Napatawa si Mamita.

"Bolerong bata ito! Katulad ka ni Ricardo ko!" at hinampas niya ako ng mahina habang tatawa-tawa siya.

"Tara sa loob. May binili lang si Nica. Parating na rin yun mamaya-maya!"

Binuksan niya ang pinto ng bahay ni Nica at pumasok kaming dalawa sa loob.

~*~

NICA.

Hindi ako makapaniwala sa nadatnan ko sa bahay ko pag-uwi ko. Lumabas lang ako saglit para magbayad ng electric bills at pag-uwi ko, nakita ko na si Mamita at si Jasper Yu na masayang nagkukwentuhan sa kusina habang iniinom ang kape ko.

Anong nangyayari?!

Agad kong isinuot ang shades ko para hindi makita ni Jasper ang pasa sa ilalim ng mata ko na hanggang ngayon ay hindi pa nag f-fade. Shit naman Jasper Yu. Anong ginagawa mo rito?

"Oh Nica nakauwi ka na!" masiglang sabi ni Mamita at nilapitan ako sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Mamita, anong nangyayari?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako kay Jasper Yu na parang sira-ulong ngiting-ngiti sa akin.

"Nandito ang crush mo! Dinadalaw ka!" sabi ni Mamita.

"Crush?"

"Oo. Yung binatang gwapo?" sabi niya sabay turo kay Jasper. Kinindatan ako ni Jasper. Gusto ko siyang pandilatan ng mata kung hindi lang ako naka shades!

"Mamita, hindi ko po siya crush," mariin kong sabi.

"Told you Mamita. Itatanggi niya ang nararamdaman niya para sa akin."

Tinignan ko siya ng masama. Bwiset! Pasalamat siya at naka shades ako!

Ano ba ang mga sinasabi nitong lalaking 'to kay Mamita?!

"Ba't ka ba nandito?"

Tumayo siya at nilapitan ako.

"Ba't 'di ka sumasagot sa text ko? Sa tawag ko? Ba't naka-off ang phone mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin na kala mo eh boyfriend ko.

ERASE! SHUT UP NICA. ANONG BOYFRIEND. HINDI. MAY IBA SIYANG MAHAL GAGA.

Napaiwas ako ng tingin, "iba na number ko."

"Ba't 'di mo ako ininform?"

Dahil iniiwasan kita.

"Dahil ayokong may nagt-text sa akin na jejemon."

"Mamita! Sinasaktan ako ni Nica! Ang sakit niya magsalita!" sigaw ni Jasper Yu na parang nagsusumbong na bata.

Kinurot naman ako sa tagiliran ni Mamita.

"Aww!"

"Ikaw bata ka! Ba't mo naman siya sinabihan na jejemon?" kunot noo niyang tanong sa akin. Tapos bumulong siya. "Eh ano ba ibig sabihin ng jejemon?"

Napatawa ako ng mahina.

"Isang bad word na ginamit ni Nica para insultuhin ang poging kagaya ko," seryosong sabi naman ni Jasper.

"Iha! Mag sorry ka sa kanya!"

"B-bakit?!"

Tinignan ko ng masama si Jasper.

Kakakilala pa lang sa kanya ni Mamita, kinakampihan na siya nito! Anong gayuma ginamit niya?!

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Sasama ka sa akin."

Umiling ako.

"Ayoko."

Napabuntong hininga si Jasper sa akin habang iiling-iling.

"Palaging 'yan ang sagot mo sa tanong ko. Pero ngayon wala ka talagang choice, Nica. Sasama ka."

"Jasper naman kasi---"

"Sumama ka na!" singit ni Mamita sabay kurot ulit sa tagiliran ko.

"Mamita! Hindi pwede," bulong ko sa kanya.

"Ikaw bata ka, minsan ka lang makalabas ng kasama ang isang gwapong binata. Sige na. Go na."

"P-pero kasi--!"

Itinulak niya ako paakyat.

"Mag bihis ka na!"

"Oo nga Nica, mag bihis ka na. Pag di ka kumilos, ako ang magbibihis sa'yo sige ka," nakangising pagbabanta ni Jasper Yu.

Bwisit talaga.

Padabog akong umakyat sa kwarto ko at binuksan ko ang cabinet ko. Kinuha ko ang pinaka matino kong t-shirt na may naka-print na "I'M A PROUD BIBLIOPHILE" sa harap. Humatak na rin ako ng pantalon atsaka ako nag palit.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang plain ko tignan. Pinaka matino ang itsura ko kada naka-suot ako ng uniform namin sa restaurant ni chef Timi. Ang classy kasi ng uniform doon. Pero kada nasa bar ako, mukha akong prosti. Pag wala naman akong trabaho, mukha akong basahan.

Unlike Aiscelle...

Napailing ako. Ano ba. Ayaw talaga akong patahimikin ng thoughts ko. Nakakainis.

Dati, gustong gustong gusto ko na nadadala ako ng thoughts ko kung saan saan. Pag off ako, minsan pumupunta ako sa park tas nakaupo lang ako doon. May dalang notebook at nagiisip ng malalim. Hinahayaan kong maglakbay kung saan saan ang thoughts ko.

But now, ayokong nagiisip kasi laging sa ganito napupunta ang iniisip ko. Laging kay Jasper at Aiscelle. Laging kung paano ko i-kumpara ang sarili ko kay Aiscelle. At kahit anong pag pa-fantasize ko, Aiscelle is always better than me. Kahit saang anggulo tignan.

At ewan, hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako.

Ilang araw akong hindi nagpaparamdam kay Jasper. Hindi ko sinasagot ang text at tawag niya. Kahit yung nag s-sorry siya, hindi ko masagot. Kada pumupunta siya sa restaurant, nagtatago ako.

Ayokong magpakita sa kanya. Hindi ako galit sa kanya.

Pero na co-concious ako.

Sabi ko wala akong social media account. Sabi ko sanay na ako sa mga panghuhusga. Pero nung nag check ako sa Facebook, nung tinignan ko ang mga katakot-takot na panlalait na sinabi sa akin ng mga tao dahil sa viral photo na nakuhanan doon sa bar nung nakipag-suntukan si Jasper, ilang beses akong umiyak.

Nakakapanliit pala ng sarili? Yung masabihan kang malandi, mukhang prosti, bayaran, makati kahit hindi ka naman nila kilala. Tapos yung kukwestyunin nila kung bakit ang isang kagaya ni Jasper Yu ay sumasama sa isang kagaya ko. Sasabihin pa nila na deserve ko ang pambabastos sa akin dahil malandi ako.

Ang sarap hanapin isa-isa ng mga taong yun at i-murder.

At oo, sa sobrang depress ko nakapag-isip ako ng thriller na concept. About sa babaeng isa-isang pinatay ang mga bashers niya.

Pero yun nga, nakakaliit ng sarili. Parang gusto ko na lang magtago sa bahay at wag lumabas. Yung nakaka paranoid na kada lalabas ako, iniisip ko baka may makakilala sa akin.

And then, iniisip ko, baka nabasa rin ni Jasper ang mga comments. Baka iniisip niya na rin bakit ba siya sumasama sa isang kagaya ko? Na kahit pinagtakpan ko siya, hindi pa rin siya dapat sumama sa akin kasi baka masira ang pangalan niya.

At bwiset. Yung thought na lalayuan niya ako, nakakalungkot. Nakakainis. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Kaya ayokong papasukin siya sa buhay ko eh. Sabi na ganito ang mangyayari.

"Nica iha sabi ni Jasper wag ka na raw masyadong magpaganda!" rinig kong sigaw ni Mamita habang paakyat siya.

"Nica----" natigilan si Mamita nang makita niya ang mukha ko. "May pasa ka na naman."

Yumuko ako.

"Nica, isumbong na natin sa pulis."

"Mamita, alam mo naman pong hindi pwede yun. Marami siyang tauhan dito sa lugar na 'to na hindi ko kilala. Pag sinumbong ko siya sa pulis, sigurado yun, mayayari ako nung mga tauhan niya."

"Edi doon ka tumira sa akin!"

"Lalong hindi pwede. Madadamay kayo. Ayoko nun."

"Pero Nica—"

"Mamita, okay lang po ako. Hindi ako gagalawin nun. Kaya hindi rin ako kinakanti ng mga tao dito ay dahil sa kanya. Kaya okay lang po. Onti na lang naman, makakaalis na ako rito eh. Onti na lang."

Naupo si Mamita sa tabi ko at inilagay niya ang kamay sa pisngi ko.

"Mag enjoy ka ngayon."

"Mamita talaga. Kayo, porket gwapo si Jasper Yu pinagtulakan niyo na ako doon."

Napatawa ng mahina si Mamita, "naalala ko ang Ricardo ko sa kanya. Naku, parehong sweet talker!"

Napakunot ako.

"Ricardo? Di ba Manuel yung pangalan ng ex mo?"

"Ay si Ricardo ayun yung ka-fling ko nung college ako!"

Natawa ako sa kanya. Si Mamita ang daming lovelife nung kabataan niya. May boyfriend, may ex, may ka-fling pa!

"Hala sige't maglagay ka ng make-up dali!" sabi ni Mamita.

"Make-up?! Wag na po!"

"Hindi pwede! Mag ayos ka!"

Napayuko ako, "s-si Jasper lang naman kasama ko. H-hindi ko naman kailangan magayos para sa kanya."

"Sinong nagsabing magaayos ka para sa kanya? Magaayos ka para sa sarili mo. Ang mga babae, dapat maganda palagi hindi dahil may sasamahan silang pogi kundi dahil gusto nilang maging maganda para sa sarili nila."

Napangiti ako kay Mamita.

Minsan kahit gaanong kamalas ang buhay ko, hindi pa rin maalis sa akin na kahit papaano ang swerte ko. At si Mamita ang isa sa swerteng dumating sa akin.

Minsan ang old fashioned niya mag advice. Minsan naman parang teenager kung magbigay ng payo. Para ko siyang lola, mama at best friend. Complete package na.

Nag make-up ako pero yung light lang. Simpleng pink lipstick lang at blush-on. Hindi tulad ng make-up na nilalagay ko sa akin kapag nagtatrabaho ako sa bar.

Nauna nang bumaba si Mamita at nagpaalam. Dumaan lang talaga siya para kamustahin ako. Kailangan pa raw niyang dumiretso sa Quiapo at magsisimba siya.

Nang bumaba naman ako, suot-suot ko pa rin ang shades. I'm hoping na sana buong araw hindi pansinin ni Jasper nan aka shades ako magdamag.

"Let's go!" nakangiting sabi ni Jasper.

"Saan ba tayo pupunta."

"Basta!"

Isinara ko ang bahay at sumakay na kami sa kotse niya. May kasama siya ngayong driver dahil naka-sling pa rin ang braso niya. Habang nasa byahe, na stuck pa kami sa traffic. Walang nagsasalita. Ewan. Bakit ba nawala ang kadaldalan ng isang 'to ngayon? Na-a-awkward-an ako.

I cleared my throat.

"So.. uhmm.. kamusta paguusap niyo ni Aiscelle?" tanong ko sa kanya at nagulat ako sa sarili ko kung paano ko nagawang tanungin siya ng casual lang.

Samantalang nilalamon na ako ng curiosity ko kung ano ang pinagusapan nila doon sa ospital.

"Wala. Wala ulit nangyari. Hindi niya maintindihan na kailangan ko ng time. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya."

Hindi ako umimik.

"Tas alam mo ba nag lasing siya?"

"Ha? Si Aiscelle?"

"Yep. Ako sumundo sa kanya. Nagulat din ako kasi naglasing siya. Hirap na hirap ako nung dinala ko siya! Hindi ko alam kung ba't ako ang tinawagan! Alam na bali ang isa kong braso!" pag r-rant niya.

Napatawa ako ng mahina kaya tumingin siya sa akin.

"What's funny?!"

"Maka-rant ka kasi diyan parang perwisyong perwisyo ka."

"Ganun naman talaga!"

"Pero pinuntahan mo pa rin."

Natahimik siya.

"E-eh kasi—hindi pwede si Ice nun."

"So? Pwede mo naman i-contact ang ibang EndMira."

Hindi siya nagdahilan at natahimik lang siya.

Boom. Sapul eh.

At bakit parang na-sapul din ako?

"Nag c-care ka pa rin kasi kahit ano pang tago mo," sabi ko. "Nung nag usap kayo, pinagpaliwanag mo na ba siya?"

"Na ano? Para saan pa? Anong ipapaliwanag niya sa akin?"

"Yung nangyari sa relasyon niyo noon."

"Malinaw na sa akin ang nangyari. Hindi ko na kailangan marinig ang paliwanag niya."

Napabuntong hininga ako. Ayoko nang magsalita. Ayoko na siyang bigyan ng advice.

Pero hindi iyon yung tamang gawin eh.

"Kailangan mo pa rin pakinggan siya, Jasper. Kausapin mo pa rin siya. Alamin mo ang side niya. Hindi mo makikita ang kabuuan ng litrato kung sa isang side ka lang nakatingin."

"A-am I being harsh to Aiscelle?"

Gusto kong sabihin kay Jasper na tama lang kay Aiscelle ang ginagawa mo sa kanya. Deserve niya yun after ng sakit na binigay niya kay Jasper?

Pero sa itsura ni Jasper halatang sobrang affected pa rin siya eh. Nasasaktan siya eh.

At nakakabigat ng loob kung bibitawan ko ang mga salitang yun.

Umiwas ako ng tingin.

"Try mo lang kausapin siya ng hindi ka na b-beastmode at walang pag w-walk-out na magaganap. Tingin ko, deserve pa rin niyang mapakinggan ang side niya."

Hindi nagsalita si Jasper instead naramdaman ko ang pag buntong hininga niya. Nagulat ako nang biglang ipinatong ni Jasper ang kamay niya sa ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Minsan iniisip ko si Aiscelle talaga ang kaibigan mo," nakangiting sabi ni Jasper.

Tinabing ko ang kamay niya at napailing na lang ako habang tatawa-tawa.

Hindi ko maimagine na magiging magkaibigan kaming dalawa. As in hindi.

"So kakausapin mo na siya?"

Tumango si Jasper.

"Siguro nga kailangan na namin magusap ng maayos. Kailangan ko na rin maintindihan ang side niya."

Tumingin ako sa bintana. Walang view. Puro mga hile-hilerang sasakyan. Pero mas okay na 'to kesa siya ang tingnan ko.

"G-good. Ayun ang tamang gawin."

"Ang galing mo talagang mag advice."

Hindi ako sumagot.

Minsan iniisip ko sana hindi na lang ako magaling mag advice.

Halos 30 minutes kaming bumyahe dahil sa traffic. Maya maya lang, pumapasok na kami sa isang village at doon ko lang din nalaman na papunta kami sa bahay nila.

"Anong gagawin natin sa bahay niyo?! Bakit mo ako dinadala doon! Tas nandoon pa ang family mo! Hoy Jasper pababain mo na ako!"

"Wala ka nang takas, friend," ngiting-ngiti niyang sabi.

Jusko. Juskoday! Ano ba! Bakit ba ganito?! Kaya ayoko ng surprise eh!

"We're here!"

Huminto kami sa isang malaking bahay. At hindi na ako nagulat na malaki ang bahay nila kasi---Jasper Yu, isang sikat na celebrity. Ano pa bang ie-expect mo?

Hatak-hatak ako ni Jasper nang bumaba kami sa kotse. Talagang hinawakan na niya ang braso ko para hindi ako makatakas. Bwiset na Yu ito.

Nag doorbell siya at inintay naming may magbukas ng pinto.

"Ba't ka pala naka shades? Alisin mo 'yan," sabi niya at bago pa ako makapag react, hinila niya ang shades sa mata ko.

"Teka---!"

Nawala ang ngiti sa labi ni Jasper.

"Nica..."

Napayuko ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Ba't may pasa ka? Sino gumawa niyan sa'yo?!"

"Jasper kasi---"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang lalaking kahawig na kahawig ni Jasper....

...at seryoso itong nakatingin sa akin.

To be continued...


Very important AN:

Hi guys! Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng Sana. Thank you. Sorry medyo natagalan ang update <3

Sa mga nag co-comment naman po na parang ayaw na nilang ituloy ang pagbabasa kasi pinangungunahan na ako sa ending, wala ako magagawa. Ayoko naman mamilit ng readers. Pero request ko lang na pag hihinto na kayo sa pagbabasa, wag niyo nang i-comment. Hindi niyo na po kailangan pang ipaalam sa akin. Respeto na lang din po sa time and effort na ibinubuhos ko para mapaganda ang storyang 'to. Kahit wala akong kinikita rito, pinaghihirapan ko pa rin ito. Siguro deserve ko naman po ang kahit katiting na respect?

Ayun lang. If you choose to stop reading Sana, maraming salamat pa rin po sa pagbabasa kahit hindi mo natapos hanggang dulo :)

- Ate A.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro