Chapter Eleven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Eleven

NICA.

Si Mamita talaga ang hulog ng langit sa akin. Siguro magtitiis ako ng walang kuryente ngayon kung hindi niya ako pinahiram ng pera.

Ilang taon ko na ring best friend si Mamita. Nakilala ko siya dati sa university na pinapasukan ko kasi madalas yun mag tinda ng mga make-up sa amin. Hindi ko nga inakala na magiging best friend ko siya eh. Yes ang weird ng friendship namin. She's 61 and I'm 22. Ang layo ng age gap. Pero katulad nga ng sinabi ko dati, kung sa love nga age doesn't matter, sa friendship pa kaya?

Mag-isa na lang din sa buhay si Mamita. Byuda na siya at hindi naman din sila nagka-anak ng asawa niya. Siguro kaya nag click din kami kasi pareho kaming nakaka-relate sa isa't-isa.

Anak ako sa labas. Hindi ko kilala kung sino ang tunay kong ama. Ang nanay ko namatay sa panganganak sa akin. Yung tunay niyang asawa, yung tatay-tatayan ko, eh patapon ang buhay.

Nung bata pa ako, madalas niya akong iwan sa nanay niya na wala namang ibang ginawa kundi pagalitan at murahin ako. Nung namatay ang matandang 'yon nung third year highschool ako, mag-isa na lang ako palagi.

Dito ako sa bahay na 'to. Wala kasing bayad sa renta dahil amin talaga 'to.

Ilang beses na akong niyaya ni Mamita na tumira kasama niya. Para malayo na rin ako sa tatay-tatayan kong madalas akong hithitan ng pera.

Gustong gusto ko, ang problema ko lang, alam ni tatay yung pinagtatrabahuhan ko. For sure yun pag nag layas ako rito, susugod yon sa restaurant ni Chef Timi o sa bar at mang gugulo. Ginawa niya na dati yun eh sa restaurant ni Chef Timi at nakakahiya talaga. Akala ko that time, tatanggalin ako ni chef sa trabaho. Pero buti na lang talaga at sadyang mabuti ang loob ng employer ko.

Ayoko nang maulit ang insidenteng yun. Hindi naman ako pwedeng mag resign sa trabaho dahil kailangan ko ang pera. Isa pa maayos-ayos na ang sinasahod ko sa bar at sa restaurant.

Ang plano ko talaga, magiipon ako para may pang bayad na ako sa school. Isang taon na lang naman ang bubuuin ko eh. Tapos maghahanap ako ng trabaho sa mga production companies.

At tuluyan ko nang lalayasan ang lecheng buhay na 'to.

Buti na lang talaga at hindi alam ng hayop kong tatay-tatayan ang iniipon kong pera. Kung nagkataon, talagang magkakamatayan kami bago niya makuha 'yun.

Tumingin ako sa salamin at tinignan yung mukha ko. Buti na lang hindi nag-pasa yung sinampal niya. At buti hanggang doon lang ang inabot ko kagabi. Last time tumama pa ang ulo ko sa dulo ng lamesa eh. Pumasok tuloy ako sa trabaho nun na may bandage sa may kilay.

Mabilis akong nag-ayos para sa shift ko sa bar. Naka-off ako ngayon sa restaurant kaya naman inubos ko ang oras ko sa pagbabasa.

Paalis na ako ng bahay nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nag text. Unknown number.

"He0w poEsxsshhh. jEjej3jEj3."

Tangina.

Hindi ko pinansin yung nag text at dire-diretso na ako lumabas. Kinandado ko ang pinto ng bahay ko at naglakad palabas ng eskinita. Tumunog ulit ang phone ko. Doon na naman sa unknown number.

"iK4w L4Ng zxh4p4t n4h < 3 "

Sa inis ko, nireplayan ko yung nag t-text sa akin.

"Gago ka! Tantanan mo ako! Kilala kita! Pag hindi ka pa tumigil diyan ipapapatay kita! Serial killer ang tatay ko! Hayop kang leche ka!"

Whew. At talagang pinatulan ko ang jejemon na yun. Kabwiset eh.

Nagulat ako ng mag ring ang phone ko. Tinatawagan ako nung jejemon! HAYOP NA YAN!

Sinagot ko nang mamura ko sa telepono.

"Gago!" pambungad ko.

"Ano? Gwapo? I know." rinig ko mula sa kabilang linya.

Napa-facepalm ako.

Ayun pa lang ang sinasabi niya, mukhang kilala ko na kung sino 'to.

"Jasper Yu, saan mo nakuha ang number ko?"

"Wow! Nahulaan mo kung sino ako! Ang galing mo. Manghuhula ka ba?"

"Jasper Yu!"

Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya, "anong meron at gustong-gusto niyong binabanggit ng buo ang pangalan ko?"

Napahinga ako ng malalim.

"Bababaan na kita."

"Waaaag! Nooo! Don't leave meeeeee!"

"Gago ka talaga."

"Gwapo talaga ako. I know."

"Sasapakin na kita eh! Ano bang kailangan mo?"

"Kasama ko ngayon ang Benedict mo."

Bigla akong napahinto sa paglalakad.

"H-ha?! Talaga? Totoo ba yan?!"

"Oo. Kung gusto mo pa siyang makita ng buhay, magdala ka ng pizza ngayon sa lugar na babanggitin ko."

"Sasapakin talaga kita pag nagkita tayo! Humanda yang mukha mo na pinagmamalaki mo!"

"Oy grabe ka! Hindi malaki mukha ko! Ibang parte yung malaki sa akin."

Napa-ngiwi ako, "ang bastos mo!"

Tumawa ulit siya, "ikaw ang bastos! Puso ko ang tinutukoy ko na malaki! Ikaw ha..."

Jusko. Ang sakit sa ulo kausap ng isang 'to. Ganyan ba siya palagi? Parang sabog na ewan? Nag d-drugs ba ang isang 'to?

"Seryoso nga Jasper Yu, ba't ka tumawag ha?"

"Tara gala tayo! May alam akong coffee shop. Overlooking the city lights! Tara!"

"Ayoko."

"Eh, KJ mo 'no? Dali na!"

"May duty ako ngayon. Papasok na ako."

Narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Alone na naman ako. Kawawang Jasper Yu."

"Wala ka bang ibang kaibigan? Yayain mo mga ka-banda mo o si Chef Timi!"

"Hay naku busy si Timi kay Ice. Si Geo naman busy hanapin si Rika. Si William may pinupuntahan na hindi ko alam. Ayokong yayain si Ayen, magpapalibre pa yun ng maraming pagkain eh. Kaya ikaw na lang. Kaso may trabaho ka. Alone ako."

"Edi yayain mo si Aiscelle."

"Heh! Tumigil ka! Sige na nga b-bye na."

Napatawa ako.

"Pikon ka na niyan?"

"Hindi! Sige na! Sanay naman akong mag-isa. Bye!"

"Bye Jasper Yu."

In-end ko na ang tawag.

Ka-bitter-an talaga ng isang yun. Pero hindi ako magtataka kung talagang yayayain niya si Aiscelle. Halata namang mahal pa niya eh. Kailangan lang talaga ng matinding push ng isang 'yon nang hindi na siya matakot.

Pumara na ako ng jeep at dumiretso sa bar. Medyo marami-raming tao ngayon. Biyernes eh tas sahod pa. Ang w-wild na naman ng mga tao. Wala pa si Benedict ko. Kung sabagay hindi siya makakapagbasa ngayon. Patay ang ilaw ng bar at tanging ilaw lang galing sa disco ball ang naka-bukas. May live band pa ngayon. At ang iingay ng mga customer.

Sa may gitnang table, may apat na lalaking foreigner ang nandoon. Pare-parehong may katabi na mga babae na nakapulupot ang braso sa kanila. Pag pang party ang song, sumasampa sa table yung mga babae at doon sumasayaw. Yung isa nakita ko naka-kandong na sa lap ng foreigner.

Napapaisip tuloy ako bigla. Yung apat na babaeng yun, nakangiti sila habang gumigiling-giling sa harap ng mga foreigners. Sila pa ang pumupulupot sa braso nila sa mga lalaking yun. Okay lang na inaakbayan sila o hinahawakan ang legs nila. Ngiting-ngiti pa nga sila eh.

Pero ano kaya talaga ang nasa isip nila? O yung nararamdaman nila? Gusto ba talaga nila yan o napipilitan?

Lahat ng tao may mask. At itong bar na 'to, ang daming taong naka-maskara. Pero pagka nakainom na ng alak at nalasing, biglang natatanggal ang mga maskara nila at nakikita ang tunay na sila.

Kaya ayun, dalawa sa mga screenplays na naisulat ko, inspired sa dalawang costumer dito.

Halos 30 minutes lang ang naging break ko dahil sa sobrang dami ng tao. Ang sakit sa katawan. Tapos yung kikitain ko rito, baka makuha na naman ng hayop kong ama. Dapat talagang mas maging maingat ako ngayon. Kalahati pa lang ng tuition fee ang naiipon ko. Syempre kailangan ko pa ng extra money.

Mga bandang 11 nang bumalik ako sa duty galing break, napatingin ako sa may bar counter at nakita ko si Benedict.

Parang nawala ang sakit ng katawan ko.

Shet ang asawa ko! Ang pogi pogi niya ngayon!

Hindi niya suot ang eyeglass niya ngayon kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Hindi rin siya nagbabasa ng libro pero may nakapatong na libro sa harapan niya.

Nang inilapag ng bartender namin na si Jet yung drink niya. Nakita kong tinanguan niya ito at ngumiti siya ng bahagya sabay nagpasalamat then balik ulit ng tingin sa phone niya.

Parang lumundag ang puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Kahit slight na slight lang. Kahit normal gesture lang yun.

Shete naman! Para namang fictional character ito sa isang romance novel! Yung dating niya jusko naman oh!

Ang sarap talaga ng feeling nang may crush.

Pero mas okay nang mag stay na lang yun hanggang sa crush lang. Iba na pag nainlove ka na eh. Sa umpisa lang yun masaya. Then habang tumatagal nasasaktan ka na.

"Nica!"

Napalingon ako kay Jet na sinesenyasan ako na lumapit. Agad naman akong pumunta doon sa bar area. Sakto pang halos nasa tapat ni Benedict si Jet kaya naman nang lumapit ako, literal na nasa tabi ko na si Benedict.

Hutaena kinikilig ako! Shit naman!

"Yes?" tanong ko kay Jet habang ngiting-ngiti.

Nakita kong napataas ng bahagya ang kilay ni Jet. Mukhang nagtataka kung ano ang ngingiti-ngiti ko. Wag siyang ano! Minsan lang akong kiligin!

"Nica, dito ka muna sa bar. Mag b-break lang ako. Marunong ka na naman mag mix ng drinks 'di ba?"

Tumango ako.

"O-oo! Ako na ang bahala."

Agad akong pumasok sa bar area. Lahat ng cocktail drinks, dito directly ginagawa. Buti na lang at walang masyadong umo-order ng cocktail drinks ngayon kaya mas chill dito at natititigan ko pa ng malapitan ang boyfriend ko.

Dahil wala pa ngang umoorder ng cocktail, nag punas-punas muna ako ng baso doon. Medyo nakatalikod ako kay Benedict. Feeling ko kasi matutunaw na siya sa kakatitig ko eh. Sayang naman kung mag evaporate siya diyang bigla.

"Excuse me miss."

Holy shit.

Tinatawag niya ako! Tinatawag ako ni Benedict! Hindi ako prepared! Wait! Ngingiti ba ako? Paanong ngiti? Hindi ba creepy ang ngiti ko?!

"Miss excuse me! Miss bartender!"

Nilingon ko siya at nginitian. Nanginginig-nginig pa ang lower lip ko. Hayop!

"Y-yes sir?"

Medyo nakakunot ang noo niya. Siguro dahil ang tagal ko lumingon. Sorry naman, kinilig lang!

"Can I have another order of mudslide?"

"S-sure!"

Agad kong ginawa ang drink niya. Natataranta pa ako. Muntikan ko pang makalimutan ang pag gawa ng mudslide. Kinailangan ko pang i-double check sa recipe card ni Jet kung gaano karaming Kahlua at Bailey's Irish Cream ang dapat kong ilagay.

Nang matapos ko na ang sobrang standard at perfect na perfect niyang drink, ngiting-ngiti ko itong iniabot sa kanya.

Katulad ng gesture niya kay Jet kanina, nginitian din niya ako ng bahagya at nagpasalamat then balik na agad ng tingin sa phone niya.

Napatingin ako sa libro na nasa harap niya.

For One More Day ni Mitch Albom.

"Wow, nagbabasa ka ng Mitch Albom."

Napa-angat ang tingin niya sa akin at nagulat ako dahil naka-ngiti na siya ng maganda.

"You too?" tanong niya.

Tumango ako, "oo! Favorite author ko 'yan eh! Lahat ng libro niya iniiyakan ko!"

"I know how you feel!" ngiting-ngiti niyang sagot. "Sobrang iba ang dating ng mga libro niya 'di ba?"

"Sobra! Anong favorite mo?"

Itinaas niya ang book na nasa table, "this one. I'm re-reading it for like five times already. Grabe kasi ang epekto nito sa akin. Close kasi ako sa mother ko. Ikaw?"

"Five People You Meet in Heaven ang favorite ko. Grabe lang, ang amazing nun!"

"That's my second favorite! Ang ganda 'no? Gusto ko yung part nung sa Blue Man."

"Ako rin! Grabe 'yon! Medyo masakit sa puso!"

Nagkatinginan kami at parehong napatawa.

"Sabi na basta bookworm masayang kausap," sabi niya. "What's your name?"

"Nica," ngiting-ngiti kong sagot. Yung ngiting maka-punit bunganga.

KASI NAMAN EEEEEEH. Kinikilg ako hayop na yan!

"I'm Benedict," pakilala niya sabay lahad ng kamay.

Ako naman nakipagkamay agad. Wag nang magpa-keme. Minsan lang 'to aba.

At tama nga yung description sa mga librong nababasa ko. Pag nagdikit ang mga balat niyo, mararamdaman mo na parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan mo. At ganun ang feeling ko ngayon.

"So Nica, bukod kay Mitch Albom, sino pa ang favorite mong author?"

"J.K Rowling!"

Napatawa siya ng mahina, "cliché. Halos lahat ng bookworms na kilala ko, si J.K Rowling ang favorite."

"Bakit? Ayaw mo sa kanya?"

"I love her. She's the reason why I became a bookworm."

"Cliché. Karamihan ng nasa era ni Harry Potter, siya ang dahilan ba't naging bookworm."

Napatawa kami pareho.

Shet. Bukod sa kinikilig ako, ang sarap ng ganitong usapan. Alam mo yung feeling na wala kang makausap about sa mga libro? Wala kang ka-fangirl? Tapos it turns out na yung crush mo pa ang makakasundo mo about dito?

I'm in heaven!

"Bukod kay J.K Rowling, sino pa ang favorite mong author? Sa YA genre naman," tanong niya.

"Rainbow Rowell!"

"Isa pa lang ang nababasa kong libro niya at masyado pa akong nasaktan sa naging ending nun."

Tumawa ako, "parang alam ko na kung anong libro ang nabasa mo. Eh ikaw? Sino ang favorite author mo?"

"Victoria Schwab! Ang galing nun!" sagot naman niya.

"Isang libro pa lang din niya ang nababasa ko. Yung Vicious. Ang twisted ng mga characters doon."

"Sobra! Ayun ata yung librong walang hero. Lahat sila villian. Try mo ang A Darker Shade of Magic niya. Pati The Archived. Ang ganda pareho nun."

"Sige! Naku pagiipunan ko na 'yan!"

"Ay wait!"

Binuksan niya ang backpack niya at inilabas ang wallet niya. Doon sa wallet, may kinuha siyang papel at iniabot sa akin.

Coupon.

"Yung friend ko nagbukas ng bookstore-coffee shop. Malapit lang yun dito sa bar na 'to. Use that coupon, may 50% off ka sa drinks at books na i-p-purchase mo."

"A-akin na 'to?"

"Yep!"

"Thanks Benedict! Grabe ang laking tulong nito! Alam mo naman kung gaano ka-mahal ang mga libro!"

"I know! Minsan nauubos ang salary ko doon! Ay wait, gusto mo mag swap tayo ng books?"

"Sure! Okay 'yan!"

"Okay, can I get your number? Para ite-text ko sa'yo yung titles na meron ako. Then text mo sa akin yung meron ka?"

"Sure!" ngiting-ngiti kong sabi.

Eto yung moment na hindi ko na kailangan gumawa ng moves para kunin ang number ni crush kasi siya na mismo ang kumuha.

Jusko ngayon pa lang nagpapasalamat na ako kay JK Rowling. Kung hindi ko nabasa ang Harry Potter, hindi ako magiging book lover. At kung hindi ako book lover, malamang nganga ako ngayon. Hindi ko makukuha ang number ni Benedict.

Inilabas ni Benedict ang phone niya.

"What's your number?"

"Ah, 091----"

"GAGO KA!"

Pareho kaming napalingon ni Benedict sa sumigaw. Doon sa kabilang side ng bar, may nagsusuntukan.

Shit.

Si Jasper Yu ba 'yon?!

SHIT SHIT!!

Buti na lang at ang lapit ko sa kanila kaya agad ang dali kong nakalapit at pumagitna. Buti na lang at hindi pa sila masyadong nakakaagaw ng atensyon.

"Hoy ba't mo 'ko sinuntok ha?! Porket artista ka! Gago!" sigaw nung isang lalaki.

"Tama na!"

Pumunta ako sa harap ni Jasper Yu at pinipigilan siya na sugurin yung isa. Amoy alak siya. Lasing na naman ang isang 'to. Kanina lang sa phone ang saya saya niya. Nagyayaya pa pumunta sa coffee shop na overlooking the city lights. Tas ngayon lasing na siya? Ano na namang nangyari?!

"You're a shit!" sigaw niya doon sa lalaki.

"Jasper! Ano ba!"

"Miss hayaan mo yan! Suntukan ang hanap eh!" sabi nung kaaway ni Jasper.

Tangina nasaan ba ang bouncer namin?!

"Sasapakin talaga kita!" sigaw ni Jasper at akma na naman niyang susugurin yung lalaki.

"Jasper ano ba! Umayos ka!"

"Miss tabi!"

Hinawakan ako sa balikat nung lalaki at tinulak palayo kay Jasper.

"Gago ka! Ba't mo tinulak si Nica ha?!"

At tuluyan nang nagsuntukan ang dalawa. Dahil doon, napatingin na rin ang mga tao sa paligid nila. Ang daming naglabas ng phone at vinideohan ang nangyayari.

Nakaka-putangina lang. May nag aaway sa harap nila, wala manlang umaawat. Unang naisip talaga nila eh videohan ang pangyayari?

Leche!

"Nica! Okay ka lang?" tanong ni Benedict habang inaalalayan niya ako.

Tumango ako at kahit gusto ko mang kiligin ngayon, hindi ko magawa dahil nakikipagsuntukan sa harap ko si Jasper Yu.

Lecheng Jasper Yu!

Nakita kong napalakas ang suntok ng lalaki kay Jasper kaya naman tumumba si Jasper sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ni Jasper ay napasigaw siya habang hawak hawak ang braso niya.

Shit! Shit talaga!

"Jasper!"

Lumapit ako sa kanya. Istura pa lang ng braso niya, alam kong dislocated ang buto nito.

Tangina!

"Ano yan?!" sabi nung bouncer na sa wakas eh dumating na rin. Sa likod niya ay ang manager namin.

"Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya! Kailangan ni Jasper pumunta sa ospital!" sabi ko.

Agad na tumawag ng ambulansya ang manager namin. Yung bouncer naman, kinaladkad palabas yung lalaking naka-suntukan ni Jasper. Wala halos galos ang mokong. Palibhasa si Jasper lasing kaya hindi ata tumatama mga suntok. Gago eh. Makikipagsapakan ng lasing. Ayan, dislocated ang buto.

Ang sakit sa bangs!

Habang wala pa ang ambulansya ay inalalayan si Jasper papunta doon sa back office. Ang daming nakasunod na camera. Mga leche. Puro chismis ang inaatupag samantalang wala ni isa ang umaawat sa kanila. Nakakaleche talaga.

Nang makarating na ang ambulansya, nagulat ako na pati mga reporters nasa labas na rin ng bar. Gaano ba kabilis kumalat ang balita?!

Hinarangan ng mga bouncers si Jasper para hindi siya malapitan ng media.

"Totoo ba na kaya ka nakipag suntukan ay dahil lasing ka?" tanong nung isang lalaki.

"Anong naging dahilan ng alitan?"

"Ganyan ba talaga ang isang Jasper Yu pag nalalasing?"

"Bakit ka nagpupunta sa ganitong klaseng bar?"

Napahinto ako. Ewan ba't nakaramdam ako ng kaba para sa taong 'to?

Shit naman. Minsan nakakalimutan kong sikat na sikat si Jasper. Nakakalimutang kong 50% ng fans niya eh mga bagets.

Napahinga ako ng malalim. Nakasakay na si Jasper sa ambulansya. Pinapasama nila ako doon dahil kaibigan ko siya. Pero bago pa ako sumampa, hinarap ko ang mga reporters.

"P-please wag kayong magalit kay Jasper. Hindi niya kasalanan. Kaya niya sinuntok yung lalaki kasi pinagtatanggol niya ako. Nababastos kasi ako," sabi ko sa kanila.

Halos masilaw ako sa flash ng camera sa mukha ko. Sunod sunod ang tanong nila. Hindi ko na maintindihan.

Pero alam ko ang mangyayari sa akin pagkatapos nito.

Mahuhusgahan na naman ako. Pero this time, bunong media ang huhusga sa akin.

To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro