Chapter Fifty Four

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Fifty Four

NICA.

"Bakit tayo nandito sa HQ niyo, Jasper Yu?" taas kilay kong tanong sa kanya habang nag p-park siya sa garahe nila.

Nung sinabi niyang kakain kami ng lunch, iniisip ko sa restaurant, o fastfood, o karinderya. Pero ngayon, nandito kami sa headquarters ng EndMira at hindi ko maintindihan kung bakit kabado ako.

Hindi naman ako nagbabasa ng mga erotica pero bakit yung utak ko lumilipad papuntang...kwarto, at banyo, at kitchen table.

Dahil ba puro one night stand ang naririnig kong kwento?

O dahil alam kong manyak si Jasper Yu?

O baka dahil nagiging manyak na rin ako?

Punyeta.

"Eh kasi sikat ang kasama mo. Pag kumain tayo sa labas, madadawit ka sa issue," sagot niya sa tanong ko sabay ngisi. "Gusto mo ba yun?"

"Ohhh.. iniiwasan mong magka-issue sa isang kagaya ko. I understand."

Nawala ang ngiti sa labi ni Jasper Yu at kita ko ang gulat sa mata niyo.

"N-no, I-I didn't m-mean it that way! I-it meant as a joke. Hindi dahil sa a-ayokong ma issue sa'yo. Ayoko kasing madawit ka. Ayun ang ibig kong sabihin. W-well you know, private ang buhay mo. Pero kung gusto mong ma-issue tayong dalawa sobrang okay lang sa akin."

Napakunot ang noo ko sa kanya.

Anong problema nang isang 'to?

"Ewan ko sa'yo, Jasper Yu. Hindi naman pala tayo makakakain, ba't mo pa 'ko niyaya."

"May pagkain sa loob!" masigla niyang sabi tapos bumalik ulit ang ngiti sa labi niya. This time, mas malawak na. "Plus, walang tao. Tayo lang."

Napalunok ako.

Sabi na talaga dapat hindi ako sumama sa kanya. Bakit ba ako pumayag?

Sasakalin talaga kita, Benedict!

~*~

"So Nica, anong pinagkakaabalahan mo nung mga panahong nawala ka bigla na parang bula nang wala man lang pasabi?" tanong ni Jasper Yu habang kumakain kami ng inorder niyang fried chicken, pizza, fries and bacon bits. Calories party.

Interrogation na naman. Kaya ayokong sumama, eh.

I shrugged.

"Wala lang. Trip ko lang magpaka layo layo. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin kaya na-mundok ako. Need maghanap ng bagong inspirasyon para sa mga sinusulat ko."

Yumuko si Jasper at tinusok tusok niya ang manok sa harapan niya.

"Bakit? Wala ka na bang mahanap na inspiration dito?"

Heart ache, marami. "Wala. Wala na akong mahanap."

Inangat ni Jasper ang tingin niya sa akin. Agad naman akong napayuko at itinuon ko ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Eh sa Baguio, may nahanap ka ba?" tanong niya.

Napaiwas ako nang tingin.

"Muntik na."

"Muntik na? What do you mean na muntik na?"

Muntik na kasi may nanligaw, mabait na lalaki, maalaga, gentleman, pero pinakawalan ko dahil ikaw pa rin hayop ka.

"Wala! Kumain ka na nga!" sabi ko at nag lagay pa ako ng manok sa plato ni Jasper Yu.

"Pinapataba mo ako, eh. Paano na lang kung mawala ang abs ko? Maraming babae ang iiyak."

Umiling ako.

"Ewan ko sa'yo, Jasper Yu. Eh, never mo namang pinabayaan ang abs mo. Maya't maya ka nagppost na nasa gym ka---" natigilan ako. Lumawak ang ngiti sa labi ni Jasper. Iniwas ko ang tingin ko at sumubo ng pizza.

Shit ka Nica. Minsan talaga ang bunganga mo!

"Akala ko wala kang mga social media accounts?" tanong niya. "Pero wow, updated ka sa mga posts ko, ah?"

Gusto kong depensahan ang sarili ko. Gusto ko siyang barahin. Pero pucha na yan, oh. Ano, writer's block? Walang maisip na linya? Pucha talaga.

"Pahiram cellphone."

"B-bakit?"

"Dali na. Wag kang madaya. Naka-stalk ka sa Facebook ko tapos ikaw hindi nagpapa-add? Wag ganun."

"Naki-Facebook lang ako kay Benedict!"

"At naisipan mong bisitahin ang account ko? Kasi hindi naman kami friends ni Benedict sa Facebook and I doubt na naka follow siya sa page ko pati sa Instagram account ko."

"A-ako, naka-follow sa'yo kaya nakita ko! Hindi kita ini-stalk."

"Meaning may Facebook ka nga."

Shit. Plot hole.

Sinimangutan ko siya.

"Ito na nga, i-a-add na kita!"

"Yun oh!"

Inilabas niya ang phone niya at ngiting ngiti siya nang send-an ko siya ng friend request.

"Kaya pala 'di kita mahanap, iba ang name mo, Nix Bri," nakangisi niyang sabi.

"Leche ka."

Nag notif sa akin na in-accept na niya ang friend request ko. Si gago ngiting ngiti naman na nakatingin sa phone niya. Bigla ulit may nag notif. Nag comment siya sa profile pic ko na kuha pa nung college ako, yung napasama ako sa isang play namin.

Tinignan ko kung ano ang comment niya.

Jasper Yu: "Uwi ka na babe, di na ako galit < 3"

Tinignan ko nang masama si Jasper Yu na ngiting ngiti pa rin na parang sira.

"Mamaya makita ni Leigh ang comment mo edi nag selos sa akin yun. Tapos ano? Aawayin niya ako sa set?"

"Huh? Ba't naman magseselos si Leigh?"

Nag kibit balikat ako, "ewan? Kasi akala niya siya gusto mo?"

Lumapit sa akin si Jasper at pinitik niya ang noo ko.

"Imagination mo kung saan saan na nakakarating."

Sinimangutan ko siya.

"Kaibigan ko si Leigh," pagpapaliwanag niya. "Ka love team, oo. Pero hanggang doon na lang yun."

"Sus. Love team, love team. Dyan nagsisimula, yan. Mamaya mag announce na rin kayo na in a relationship na kayo."

Napangiti si Jasper Yu.

"Bago ka pa lang sa mundo nang showbiz at hindi mo pa talaga alam ang kalakaran dito, Nica. Pero ako, marami na akong na witness. Di bale, mare-realize mo rin yun."

"Na ano?"

"Na hindi lahat ng sweet on cam ay sweet din off cam. Maraming nagpapanggap for the sake of money and fame."

"So...friends kayo ni Leigh."

"Friends lang kami ni Leigh."

Yumuko ako at ipinako ko ang tingin ko sa kinakain ko.

"O-okay."

Bwiset Nica, wag kang ngigiti, sasampalin kita. Tama na yan. Itigil ang kagagahan.

"At kami ni Aiscelle.." pagpapatuloy ni Jasper.

Napaangat ulit ang tingin ko sa kanya.

"A-ano kayo ni Aiscelle?"

"O-okay na kami ni Aiscelle. I already talked to her, nung bago ka umalis. Ayun... I told her I don't love her anymore."

Natigilan ako.

Alam kong sinabi na ni Aiscelle sa akin ang bagay na yun pero mahirap pa rin paniwalaan. Pero ngayon na nanggaling na sa bibig mismo ni Jasper...

"Sigurado ka ba sa desisyon mo? Sa nararamdaman mo? Baka naguguluhan ka lang? Mamaya mahal mo pa, pero pinakawalan mo. Malay mo confuse ka lang. Baka pagod ka lang. Baka mamaya siya pa rin talaga. Baka magsisi ka na hindi mo siya binalikan. Baka mamaya niyan---"

"Nica," he said, cutting me off. "Siguradong sigurado ako at hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko."

Tinignan ko siya. He's looking at me seriously. His voice is full of conviction nung sinabi niya sa aking sigurado siya.

As if he is assuring me...

Leche, wag kang mag assume.

"Ah...okay. A-at least di ba ayos na?"

"Eh ikaw? Musta lovelife?" tanong niya. "Sino yung tinutukoy mo na muntik mo nang maging inspirasyon?"

"Ah yun.. wala lang yun. Pinsan ni Benedict. Pinopormahan ako pero wala naman yun."

"Di mo type? Panget ba?" tanong niya habang ngiting ngiti.

"Loko hindi! May itsura rin yung si Arthur, 'no. Medyo geeky, mahilig sa pelikula, walang bisyo, mabait, gentleman, maalaga, sweet..."

"Pero mas gusto mo bad boy?" pangaasar niya.

"Hindi. Ayoko lang ng love life."

Biglang napaayos si Jasper nang upo.

"B-bakit naman?"

Napa-hinga ako nang malalim. "N-naala mo dati yung kinuwento ko sa'yo dati? About doon sa ex ko na nakabuntis nang iba?"

Tumango si Jasper, "oo yung gago mong ex. Bakit? Mahal mo pa rin ba yung hayop na yun?"

"Hindi. Hindi ko na siya mahal at mas lalong hindi ko na siya iniisip. Pero kasi Jasper, alam mo, medyo may pagka sabik ako sa pagmamahal. Hayok sa atensyon. Aminado ako doon. Kasi lumaki ako nang hindi naramdaman ang mga bagay na yan. Kaya nung minahal niya ako at nahulog ang loob ko sa kanya, alam mo yun? Sa kanya na umikot ang buong mundo ko. May pagka ganun kasi ako. Yung pag na-in love, nagiging tanga na. Para akong nilalamon ng sistema. Naka-sentro na ang atensyon ko doon sa taong mahal ko.

Alam mo nung naging kami, ang dami kong napabayaan. Grades ko, pangarap ko. Kaya nga nawala ang scholarship ko at kinailangan kong mag drop dahil hindi ko kayang bayaran ang tuition ko. Kaya ayun, nauwi ako sa pag d-double job. Nagkanda leche leche ang buhay ko. Pero yung thinking ko nun, okay lang kasi andyan naman siya. Pero anong nangyari? Ayun, iniwan ako. Nakabuntis nang iba. At ang gaga ko pa kasi alam mo ba, muntikan na ako bumigay nun. Muntikan na akong pumayag na makipag sex sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal ko. Buti na lang hindi ko ginawa.

Kaya ngayon, iwas na iwas na ako dyan. Wag na muna. Iisipin ko na lang muna ang pangarap ko. Mamaya niyan it's either makalimutan ko na naman ang goal ko o baka mamaya magawa ko ang nagawa dati ni Aiscelle. Hindi ko mabigyan ng importansya ang magiging boyfriend ko. Kaya wag na lang, di ba? Alam mo naman kung gaano kasakit yun?"

Jasper gave me a sad smile.

"Oo. Alam na alam ko."

~*~

AISCELLE.

"Okay, let's see. I'm free this Thursday. Siguro doon na lang natin i-preview ang episode one. Okay ka ba doon?" tanong ko kay Stan.

"Y-yes. A-ayos lang naman. Ah Aiscelle—"

"Good!" pagputol ko sa sinasabi niya. "How's the rashes? Okay ba mga shots?"

"Yes. Magaganda ang mga shots ni direk. Aiscelle—"

"That's good to know. So Thursday mga anong time?"

"Any time. Aiscelle I need to—"

"Mga around 5pm, is that okay with you?"

Napa-hinga nang malalim si Stan. Alam kong kanina pa siya naiinis dahil pinuputol ko ang mga sinasabi niya.

He's here in my office at nagulat ako nang bigla siyang pumasok para sabihing mag uusap kami.

At ako naman, ano pa bang iba namin paguusapan bukod sa project na 'to? Wala naman 'di ba?

Wala.

"Are you free today?" tanong niya.

"No, I'm busy."

"I asked your secretary. She said you don't have any appointments today. Please Aiscelle, pumunta ako rito hindi para pagusapan ang project natin but to talk to you. Please, sumama ka sa akin. Mag dinner tayo. Ha? Please? Just like the old times?"

Napatawa ako nang mahina.

"Wow. Just like the old times. After mo akong iwasan at hindi pansinin ng tatlong buwan. Hindi ko alam ang nagawa ko sa'yo. Alam mo yun, Stan? Ang hirap. Alam mong ikaw lang ang nasasabihan ko nang problema, sa'yo lang ako komportable, ikaw palagi kong kasama at karamay sa mga bagay bagay, pero bigla kang nawala. Alam mo yun? Nung time na sobrang down na down ako dahil kay Jasper, doon mo ako iniwan sa ere. Sana noon pa lang sinabi mo na na ayaw mo akong maging kaibigan."

"That's not true, Aiscelle."

"Then what?! What did I do? Why are you avoiding me? Ha? Dahil na iistress ka na kakasabi ko sa 'yo nang problema? O nililigawan mo na si Leigh at ayaw mo siyang magselos sa atin? O dahil nakuha mo na yung project na pinapangarap mo? O dahil sa—"

"I'm in love with you."

Bigla akong natigilan.

Hindi ako makapag salita.

Tumayo si Stan and nag lean siya sa table na nasa pagitan naming dalawa. Tinitigan niya nang seryoso ang mga mata ko.

"I'm in love with you, Aiscelle at nung gabing may nangyari sa ating dalawa, alam mo ba kung sino ang pangalan na tinatawag mo?"

Napalunok ako. Ayokong marinig.

"Si Jasper. Paulit ulit, pangalan niya ang tinatawag mo."

Napaiwas ako bigla nang tingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Feeling ko naputol ang dila ko. Ang sikip ng dibdib ko.

"I love you so much at nasasaktan ako na makita kang nahihirapan. I'm sorry kung iniwasan kita sa panahong kailangan mo ako. Sorry kung hindi ko sinabi agad sa'yo ang totoo. Sorry, Aiscelle. Pero alam mo rin kung paano ako sinira nang pagmamahal dati at ayoko nang maranasan yun. That's why pinili ko nang mag move on."

I blinked. A tear fell from my eyes.

"Pero alam ko na hindi ko magagawang mag move on kung hindi ako aamin sa'yo. Don't worry, hindi naman ako umaasa, eh. Mahal kita, pero alam ko kung saan ang limitations ko that's why, bago pa tayo magkasakitan nang husto, sinasabi ko na sa'yo, pipilitin ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. Para bumalik na tayo sa dati. Para maging magkaibigan na ulit tayo."

Tinapik ako ni Stan sa braso and after that, dire-diretso na siyang lumabas sa office ko.

The moment na nagsara ang pinto, bigla na lang din akong napahagulgol nang iyak.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro