Chapter Twenty Two

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Twenty-two

AISCELLE.

I woke up with a swollen eyes.

Siguro halos ilang minuto rin ako sa harap ng salamin sa banyo ng kwarto ko at naka-titig lang. Maga talaga ang mata ko. Nanliliit. Hindi naman ako singkit pero ngayon nag mistulan akong singkit.

Iniisip ko kung gaano kaya katagal bago bumalik sa normal ang hugis ng mata ko? Sana after breakfast dahil may meeting pa ako mamaya at ayokong pumasok ng may namamagang mata.

Ang tagal kong umiyak kagabi pagka uwi ko after namin magusap ni Jasper. Iyak ako nang iyak ng walang tigil. Mixed emotions. Masaya, malungkot, nasasaktan. Ewan. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang iniiyak ko kagabi. Hindi ko na alam ang pinaka dahilan.

Pero nakakatuwa dahil kahit namamaga ang mata ko, gumising ako ng parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Oo malungkot ako dahil hindi na sigurado si Jasper sa feelings niya sa akin. Malungkot ako dahil maaring katiting na lang yung pagmamahal niya na natitira para sa akin.

But at the same time, masaya ako kasi wala na yung guilt na dala dala ko sa mahabang panahon. Simula nang umamin ako sa kanya, simula ng makahingi ako sa kanya ng tawad sa tamang paraan, naging okay na rin ako.

Alam kong pwede na akong makapag start over.

Matapos akong makaligo at makapag bihis (hindi pa rin bumabalik sa normal ang mata ko), bumaba na ako para mag breakfast. At nakita ko ang isang eksena na madalang ko lang makita.

Si mommy ang nag hahain. At mukhang siya rin ang nagluto ng breakfast.

You see, my mom is a career woman. Madalang ko lang siyang makitang magluto. Laging mga maids. Siguro ang daming bagay ang hindi niya nagawa para sa amin bilang isang magulang.

But still, siya ang tinuturing kong idol.

Yes she's strict. Yes, ang hirap niyang i-please. Pero isang bagay na hinahangaan ko sa kanya, lagi niyang alam kung ano ang gusto niyang gawin. Lagi siyang may goal. At lagi siyang naka-stick sa goal na yun.

Samantalang ako?

Madalas hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari.

"Hi mom," bati ko.

Napaangat ang tingin niya sa akin.

"I prepared breakfast," nakangiti niyang sabi.

Naupo ako at tinignan siya.

"Wala po si Yaya Mela?"

"Biglaang leave. Her daughter's sick kaya pinayagan ko na. Eh I though dito rin mag b-breakfast si Ice kaya naparami ang luto ko. Kaso ang aga umalis."

Tumango ako, "how about Erin?"

"She's with her mom."

Hindi na ako nag react.

Nandito pala ang mom ni Erin sa Manila ngayon. May himala.

Mom and Erin's relationship is neutral. Hindi sila close. Halos hindi sila nagpapansinan. Kung sabagay, paano mo nga ba mapapansin ang anak ng kabit ng asawa mo?

Pero okay na sila unlike before. Hindi rin naman sila madalas nagkikita dahil nakabukod kaming tatlong magkakapatid sa kanila. Yun lang minsan nag o-overnight dito si mommy para dumalaw.

Si daddy? Nasa Cebu na siya kasama ang mama ni Erin.

Oo. Hiwalay na ang parents ko. Oo, mas pinili na ni daddy ang mama ni Erin. Kaya lang nandito si Erin ay dahil sa sakit niya. Mas kontrolado siya kapag nandito siya.

At oo ang weird kasi hindi niya kasama ang mama niya.

Ewan. Galit ako sa mama ni Erin kasi iniwan lang siya rito sa amin. No, hindi dahil pabigat ang tingin ko sa kanya kundi I think Erin needs her mom.

At galit ako kay daddy kasi wala siyang kwenta.

"May meeting ka ngayon?" tanong ni mommy habang kumakain kami.

"Yes mom. Mr. Hidalgo will present the new watch designs that we are going to launch next month."

"Oh I see. How about yung couples' necklace?"

"Okay na po yun. Faye already set a meeting doon sa production company na gagawa ng mini series para sa promotion natin. I'll meet them on Wednesday."

Tumango lang si mommy. Awkward silence.

Madalas ganito kaming dalawa kapag sabay kumakain. Puro about business ang pinaguusapan.

Kaya siguro pag andito si mommy, hindi sumasabay si Ice ng kain sa amin.

After namin kumain, nag paalam na ako kay mommy na aalis na ako.

Pasakay na ako ng kotse ng biglang mag beep ang phone ko. Chineck ko kung sino ang nag text...

...at halos panlambutan ako ng tuhod.

Jasper Yu: Thank you kagabi, Aiscelle. Take care. :)

Oh. My. Gosh.

Shit shit! Holy shit! FUCK!

Okay! Ano ba! Okay!

Nag thank you lang siya pero nanginginig na ang buong katawan ko. Bakit ganito? Ano ba! I'm having butterflies in my stomach like I'm a freakin highschooler!

Anong irereply ko? 'Thanks din' ? Hindi ba ang cold naman masyado ng dating nun? Ano? Ano ba dapat? Wala akong maisip. Na m-mind blank ako. At never pa akong na mind blank sa mga exam. Pero sa text ni Jasper hindi ko alam ang irereply ko.

What the hell, Aiscelle?

Naisipan kong itext si Ed Sheeran. Oo alam ko ang kapal na masyado ng pagmumukha ko pagdating kay Ed Sheeran pero bakit ba? Itodo na ang kakapalan ng mukha. Sana nga lang ay hindi siya busy.

'Ed!! Ed ed ed!! He texted me! He said thank you kagabi at take care! What to do? Anong magandang i-reply?! I know ang stupid ng tanong ko but, oh my god! I'm freaking out!!!'

I hit the send button at nanlaki ang mata ko nang makita ko kung kanino nag s-send 'to.

SHIT!!!!

KAY JASPER!

WAG KANG MAG SEND! SHIT! WAG WAG!!! WAG---

Message sent.

I turned off my phone. Pumasok ako sa kotse ko at hinagis ang cellphone ko sa back seat.

Ayoko nang hawakan ang phone na yan. Hindi ko i-o-open yan. Hindi. Shit talaga. Hindi.

Pupunta na ako sa ibang bansa. Magtatago na ako. Magpapalit na ako ng identity.

Naiumpog ko ang ulo ko sa manibela ng kotse ko.

Shit nakakahiya ka Aiscelle!!!

~*~

NICA.

"Last day mo na talaga ngayon sa work?" tanong sa akin ni Benedict. "Ang sad naman."

Nginitian ko siya, "sus. Puntahan mo na lang ako doon sa coffee shop na pagtatrabahuhan ko."

Ngumiti rin siya, "oo naman! Talagang dadalawin kita at doon ako tatambay!"

Nandito ako ngayon sa bar. Last shift ko na kasi tonight dahil naipasa ko na ang resignation letter ko sa manager namin. Naintindihan naman niya at pinayagan na niya akong umalis.

Though hindi ko mamimiss ang trabaho ko rito lalo na ang uniform namin, mamimiss ko naman ang mga taong nakilala ko.

Habang hindi pa naguumpisa ang shift ko, tumabi muna ako kay Benedict dito sa bar counter at nakikain sa nachos niya.

Medyo naging close na rin kami kasi madalas kaming magusap about sa libro. At tuloy pa rin ang pag s-swap namin ng mga books.

Kaya lang hanggang ngayon nahihiya pa rin akong tanungin siya kung bakit madalas siya rito sa bar nagbabasa ng libro.

"Pero ang saya ng trabaho mo ah? Napapaligiran ka ng kape at libro."

"Oo nga eh! Tapos ang cute pa ng uniform."

Lumapit sa amin si Jet, yung bartender at inilapag sa harap ni Benedict yung mudslide cocktail drink na in-order niya.

"Here," nakangiting sabi ni Jet at umalis na.

Inangat ni Benedict yung drink at uminom siya.

"Ah.. talaga. Anong itsura ng uniform niyo?" tanong niya sa akin pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sinusundan niya ng tingin si Jet.

Okay parang alam ko na...

Mukhang tama ata ng hinala si Jasper Yu. Nakakainis.

Napangiti na lang ako.

Nilingon ako ni Benedict.

"Oh, ba't ngiting-ngiti ka?"

"Crush mo si Jet, 'no?" diretsahan kong tanong.

Napatigil sa pag inom si Benedict at dahan dahan niyang ibinaba ang baso na hawak. Nagulat ako ng bigla niyang takpan ang mukha niya.

"Shit. Masyado na ba akong obvious, Nica?"

Halos mapahagalpak ako ng tawa nang makita kong pulang pula ang mukha niya.

"Hindi ano ka ba! Magaling lang akong mag observe. Though hindi ko talaga inakala na pareho tayo ng type. Crush pa naman kita."

Napangiti si Benedict.

"Talaga? Crush mo 'ko?" natatawa-tawa niyang sabi.

"Ay pinagtawanan ako. Sasapakin kita. Broken hearted na nga ako dahil sa'yo eh."

"Sorry na. Akala ko naman nung una na-notice mo na!" natatawa-tawa pa rin siya.

"Masyado akong na attract sa'yo kaya nalinlang din ako!"

Pareho kaming napatawa.

"Sorry love!" sabi niya sabay kurot sa ilong ko. "I didn't mean to break your heart."

I grinned, "apology accepted."

"Whew. Friends pa rin tayo?"

"Naman! Madalang lang may makasundo ang isang kagaya ko, pagtatabuyan ko pa!"

Napangiti si Benedict.

"So... si Jet ang dahilan kaya madalas kang nandito?"

Tumango siya at biglang nalungkot ang mukha niya.

"Actually hindi ko nga alam kung dapat pa ba akong pumunta rito eh. Alam ko naman kasing umaasa ako sa wala. May nililigawan siya---babae. Anong laban ko doon 'di ba?"

Hindi ako umimik. Hinawakan ko lang ang kamay ni Benedict.

Ramdam ko siya.

"Kaso hindi ko mapigilan eh. Pumupunta pa rin ako rito. Nagpapakatanga. Inisip ko, sana hindi ko na lang siya minahal."

"Pero ganoon naman talaga 'di ba, Benedict? Hindi natin napipili ang taong mamahalin natin."

Napayuko ako. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko nagiinit na naman ang mata ko.

Tama na please? Akala ko ba naubos na ang luha ko kagabi. Kainis naman.

Nilingon ako ni Benedict.

"Oh no. You're in love," sabi niya.

Tumango ako.

"You want to talk about it?"

Pakiramdam ko maiiyak na naman ako.

Umiling ako.

"Tsaka na pag wala akong duty. Ayokong umiyak."

Ngumiti si Benedict.

"Let's set a date. Magiinuman tayong dalawa."

Napatawa ako ng mahina.

"Baka nagiging straight ka pag lasing?"

He grinned.

"Gaga!"

Napatawa na lang ako at nagpaalam na rin kay Benedict na magaayos na ako para sa shift ko.

Pero diretso ako sa restroom.

Nag hilamos ako nang naghilamos nang naghilamos hanggang sa hindi na pansin yung luhang bumagsak sa mata ko.

Kagabi, hindi ko in-on ang phone ko. Pumunta si Jasper Yu sa bahay pero sinabi ko kay mamita na sabihing wala ako, nasa probinsya.

Oo, iniiwasan ko si Jasper. Kasi ngayon pa lang gusto ko nang patayin itong nararamdaman ko para sa kanya.

Kasi sino ba naman ako para magustuhan niya 'di ba?

Araw araw napapalibutan siya ng magagandang babae—mga kasama niya sa trabaho.

Yung ex niya, ang ganda ganda rin. Ang classy ng dating. Mukhang manika. Kung kumilos at mag salita, ang smart.

Oo. Unang tingin pa lang makikita na kung bakit siya napansin ni Jasper noon. Dahil kung ako isang lalaki, mapapansin ko rin si Aiscelle.

Pero wala. Babae ako. Kaya kada nakikita ko siya, insecurities ang bumabalot sa akin.

Yung parang isinampal sa mukha ko na ang kalaban ko ay isang dyosa samantalang ako ay isang hamak na hampaslupa lang.

Nakaka frustrate. Hindi naman ako ganito dati. Wala akong pakielam sa mayayaman. Wala akong pakielam sa tingin nila.

Pero ngayon, nakaka insecure. Parang nahihiya ako para sa sarili ko.

Bwiset naman kasi Nica.

Ang gaga mo talaga.

Maiinlove ka na nga lang, doon pa sa taong hindi mo abot.

To be continued...


Aly's Note:


Hi guys! Sorry kung medyo natagalan ang update. Sobrang busy lang last week. Work related. Hindi ko po maipapangako na mabilis na ang mga susunod na update pero I'll do my best po. Maraming salamat sa pag intindi!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro