Kabanata IV: The Slap

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

"Watch it shorty. 'Di mo alam kung sino ang kinakalaban mo." sinabi niya sa akin, iritang-irita dahil sinagot ko siya sa harapan ng mga kaibigan niya. Kitang-kita ko yung pagtaas at pagbaba nung kanyang balikat sa galit habang ako naman, nakatayo ako sa harapan niya, tinatarayan siyang pabalik.

"Bakit? Dahil higante ka, dapat matakot ako sa'yo? Sino ka nga ba?" tanong ko sabay tinaasan siya ng kilay. Nilapitan naman kaagad niya ako sabay lumapit sa may tenga ko bago bumulong.

"I'm your worst nightmare." sagot niya sa akin habang napatawa ako nang konti sa sagot niya.

"Sino ka? Si Batman?" tanong ko, kitang kita ko si Dominic na natawa sa background. Si Lawrence naman na kakabalik lang kasama ni kuya, nakatingin lang sa amin - interesado kung anong mangyayari.

Bigla naman hinila ni Kuya Ace si Adrian palayo sa akin habang si Lance naman, nilapitan ako. Nakita ko sa likod ni Lance na tina-try ni Adrian na makawala sa hawak ni Kuya Ace at ni Lawrence habang inaalis niya yung kamay nilang dalawa sa braso niya.

"May death wish ka talaga, 'no? Awayin mo ba naman si Adrain Xavier. Not to mention, one of the members of the L.A.D. Ano bang naisip mo at inaway mo siya?" tanong niya sa akin sabay binigay sa akin ni Kuya Ace yung hamburger na binili nilang dalawa ni Lawrence.

"L.A.D?" tanong ko sabay kumagat ng malaki sa hamburger ko. Tumango naman siya sa akin bago ipinaliwanag.

"Leaders at Democracy. In other words, mga lalaking hindi takot na makipaglaban. L.A.D also stands for their name. Lawrence, Adrian at Dominic." sinabi ni Lance sa akin habang kumagat ulit ako sa hamburger ko.

L.A.D

Sounds like a band name. Parang ang mysterious naman. Ano kayang natripan nila at nagpangalan pa sila ng gano'n?

Nagulat naman ako nung umupong bigla si Adrian sa harapan ko habang nasa magkabilang dulo sina Lawrence at Dominic. Si Kuya Ace naman, tumabi sa akin — naka-death glare kay Adrian.

"Do not even try to be overprotective over her. 'Di mo rin naman siya maproprotektahan. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo Ace," sinabi ni Adrian habang nakatingin si Dominic at Lawrence sa kanya.

Hindi naman nagpatalo si Kuya sa kanya. "Sino nga ba?" tanong ni kuya habang tinataasan si Adrian ng kilay.

Bago pa makasuntok si Adrian, may binulong si Dominic sa kanya na siya namang naging reason kung bakit umupo ulit si Adrian.

Napa-scoff kaagad si kuya. "Tch. Hindi mo ako maaway, ano?"

"Hintayin mo lang," sinabi ni Adrian sabay ngumiti ng sinister sa akin. Parang ayaw ko nang malaman kung ano yung binulong ni Dominic.

Pagkatapos sinabi ni Adrian 'yon, biglang nanahimik lahat nung nasa table namin. Lahat kami nakatingin lang sa isa't isa - hindi sure kung ano yung pag-uusapan namin.

"So, anyways, anong gusto mo sa babae Domino?" biglang tanong ni kuya Ace sa kanya habang tinaasan siya ng kilay ni Dominic. Way to go kuya, ang ganda naman nung conversation starter mo.

"Dominic, hindi Domino. Ayusin mo naman yung pagkakasabi ng pangalan ko, pare. Hindi ako stack ng blocks." sagot ni Dominic habang hinihintay ni kuya Ace yung sagot niya. Kami naman ni Lance, nakatingin lang sa isa't isa sabay tingin sa kanila - Out of place sa usapan.

"Para sa akin, gusto ko sa babae yung tipong mabait. Yung hindi mabunganga o magiging dominant sa isang relationship." tumango naman si Kuya Ace sa kanyang sagot.

"Boring," sagot ni Adrian habang kitang kita ko siyang humikab at sabay nag-smirk kay Dominic. Kinunutan naman siya ng noo ni Dominic habang nagce-cellphone lang si Lawrence sa isang sulok ng table — siguro may kausap o sadyang ayaw lang makinig.

"Anong sabi mo?" tanong ni Dominic habang napakibit balikat lang si Adrian sa kanya.

"What I'm trying to say is that there's no action. Boring yung mga masyadong mababait. Well, para sa aking opinion 'yon. Kung ako ang tatanungin ninyo, mas gusto ko yung mala-bad girl yung attitude." sabay tingin niya sa akin. Nang makita niya akong sinasamaan siya ng tingin, binigyan lamang niya ako ng isang smirk.

"Sarcastic, maganda at maldita. Not to mention, gusto ko ng maliliit na babae. Hindi yung pandak pero yung mas maliit sa akin. Yung tipong babae na katulad ni - Aray!" biglang sigaw niya sabay tumingin sa akin nang pagalit.

Narinig ko yung pagka-echo nung lagitik ng kamay ko sa pisngi niya habang sinimpat naman kami ng tingin ni Lawrence — biglang inalis yung kanyang tingin sa kanyang cellphone.

Biglang nagsi-tahimik ang lahat ng nasa cafeteria, lahat ay tumingin bigla kay Adrian bago tumingin sa akin. Gulat na gulat yung mga ekspresyon nila noong biglang tumayo si Adrian at nilapit niya yung mukha niya sa akin.

"Did you just slap me?" tanong niya nang pagalit sa akin, yung noo niya'y nakakunot. Nagsitinginan lahat sa akin, ramdam na ramdam ko yung tension sa paligid ko.

"Oo," sagot ko sabay tinaasan siya ng kilay. Yung tipong mambabara pa.

"May problema ba kung sinampal kita, Mr. Xavier?" tinanong ko habang narinig kong nag-uusap usap na yung mga tao sa paligid ko.

Ngayon naman, sadyang inalis na talaga ni Lawrence yung tingin niya doon sa phone at naka-full attention na siya sa amin. Hindi ko napansin na sumenyas na si Lawrence sa kanyang kapatid. Nalaman ko lang 'yon noong biglang kinuha ni Lance yung kamay ko at hinila ako palabas ng cafeteria.

Noong nando'n na kami sa labas, bigla niya akong tiningnan at kinunutan ng noo.

"Ano 'yon? What the hell Abby! Meron ka ba talaga ng death wish? Bakit mo sinampal si Adrian Xavier? Not to mention, yung so-called troublemaker ng grupo?" malakas na tanong niya sa akin kaya nagulat ako.

"Anong naiisip mo at siya pa yung sinampal mo, ha?" tanong ulit niya sa akin habang kitang kita ko yung pag-aalala niya sa kanyang mga mata. Kahit suplado siya, hindi siya ganoong kalamig.

"Anong problema do'n? Gusto ko kasing tingnan kung manipis or either makapal yung mukha niya. Tama naman yung akala ko. Makapal yung mukha niya and not to mention, just like his ego yung pisngi." napatawa naman kaagad ako pagkasabi ko noon.

"That's not a valid reason. At saka, saan ka naman nakakita ng taong may manipis na mukha?" sinabi ni Lance sa akin.

"Shush. May kakilala akong manipis ang pisngi. Don't me. May gano'n." sabay dinuro duro ko siya. Napakunot lang yung noo niya sa akin bago siya huminga nang malalim.

"Also, ba't parang iwas na iwas ka sa lalaking 'yon? He doesn't seems to be that bad," sagot ko habang umiling kaagad siya. Kitang kita ko na ninerbyos siyang bigla noong tinanong ko ito.

"Based on the rumors I heard, he almost killed a guy from choking. Hindi daw makahinga yung lalaki pagkatapos bitawan siya ni Adrian. Take note of this too, napapunta pa yung lalaki sa clinic. The nurse said that if he wasn't brought up to the infirmary after that choke, he won't be able to talk permanently. Or worse, he'd be dead." napalunok naman kaagad ako sa sinabi niya. Alright, he's that bad. Akala ko pa naman na isa lang siyang bad boy na nababasa ko sa mga libro.

"Ayaw ko lang talagang makita ng mga tao na isang araw ay nasa isa na akong kabaong tapos nakalagay doon sa cause of death ay dahil kay Adrian Xavier. Hell no." sabay iwas niya ng tingin sa akin.

"I'd rather die old, thank you very much," patuloy niya sabay binalik ang tingin sa akin.

Napatawa lang ulit ako sa reply niya. "Troublemaker his face. Hindi naman mukhang bad boy. Mukha lang ewan."

Pagkatapos kong sabihin iyon, narinig ko kaagad yung bukas ng pinto ng cafeteria. Rinig na rinig ko yung lakas ng pagkakahataw nito kaya lumingon akong pabalik.

Nakita ko ang isang galit na galit na Adrian Xavier na hawak hawak ni Dominic at ni Kuya Ace habang mabilis lumakad papalapit sa amin si Lawrence at sabay hinila kami palayo kay Adrian.

"Kuya? Kuya, ba't parang nagmamadali ka?" tanong ni Lance habang hinawakan kaagad ni Lawrence yung kamay ko. Nagulat ako nang maramdaman ko yung malamig na kamay niya sa akin. Just like him.

"We need to get Abby away from Adrian. Right now," sagot ni Lawrence sabay tumingin pabalik kina Dominic at kuya Ace.

Tumango naman kaagad si Lance, nasa kanan siya ng kanyang kapatid.

"Okay kuya, anong gagawin natin? Ngayon ko lang nakita si Adrian na galit na galit," bulaslas ni Lance habang hinila kaagad ako ni Lawrence at binilisan ang lakad. Lumiko siyang bigla at hindi naman nawala yung bilis ng kanyang paglalakad. Halos kaladkarin niya ako dahil sa bagal ko.

"Try to distract him a little bit. We need some extra time. Sure ako na hindi natin siya matatakasan and sigurado din ako na hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha si Abby." napatigil kaagad si Lance sa sinabi ni Lawrence. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata na parang gulat na gulat.

"Time? Time para saan? Kuya, I really need you to fill me in with the details. Hindi kita maintindihan sa pinagsasasabi mo," sagot niya habang tumigil at lumingon lang si Lawrence sa kanya bago sumagot. Kitang kita ko yung pagka-seryoso niya at sure ako na hindi siya yung tipong lalaking nagloloko.

"Time to hide from Xavier. Sigurado ako na hindi namin siya matatakasan pero a little game of hide and seek will surely help. Kailangan namin ng konting oras para hindi niya makita si Abby. You need to try to help Dominic and Ace, okay?" sabi ni Lawrence habang tumango si Lance at tumakbo pabalik papunta kina Dominic. Kaso, rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Adrian na palapit nang palapit.

Tiningnan ko naman kaagad si Lawrence. For the first time ko siyang narinig na ganitong ka-seryoso. I guess he wasn't fooling around. Nagulat naman ako nung tinanong niya ako bigla bigla.

"How good are you at running?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro