Kabanata LIX: Familiar Faces

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

IT WAS A GOOD THING THAT KUYA ACE AGREED.

Right now, we were in a department store. Inisip ni Adrian na bumili kami ng baby clothes para magkasya kay Pochi. Naghahanap si Adrian ng mga damit habang tumitingin naman ako ng mga laruan para sa kanya.

I know that Sean had some toys for Pochi but I want to at least buy him one that I chose for him.

"Sa tingin mo, mas bagay kaya kay Pochi ang black?" Agad na tanong niya sa akin habang tiningnan ko itong mabuti. Napansin ko na hindi siguro maganda kung black ang ibibigay namin sa kanya.

Nang makita ko iyong isang maliit pang hoodie, itinuro ko kaagad ito kay Adrian. "Try mo iyong blue."

He quickly noticed it once he turned around. Kinuha niya ito at agad na ikinumpara sa pinili niya. "Pwede na rin."

"Para po sa baby ninyo?" Nagulat naman ako nang may lumapit sa amin na sales lady. Natawa naman si Adrian noong makita akong pulang pula sa hiya. Grabe naman si ate. Hindi pa naman kami gano'ng katandang tingnan.

"Para sa aso," malokong saad ni Adrian habang napanganga na lang ang sales lady na kumausap sa amin. Mga ilang minuto ang lumipas ay umalis siya kaya lalong humagalpak si Adrian.

"Did you see the look on her face? Priceless." Napangiti na lang ako at agad na napansin ang isang matandang babae at isang bata sa labas na tuwang tuwa na naglalakad. I then imagined that Adrian would've been like that in the past if his mom didn't left him.

"Adrian," I called him out as he then stopped laughing, his hands stopping on his waist with his eyebrows raised at me.

Halatang nagtaka siya noong hindi ako nakatingin sa kanya at nakapokus pa rin sa dalawang mag-ina sa labas. Though, I heard him humming a response. "Hmm?"

"Sana hindi ka magalit sa tanong ko..." I trailed off as he just nodded at me like it was nothing.

"Hey, don't worry. Okay lang ako."

"It's just..."

"Kung makikita mo ulit ang mommy mo, anong magiging reaksyon mo?" tanong ko sa kanya habang nanahimik naman siya roon. Nasa kamay pa rin niya iyong damit pero tinitigan na niya ito nang matagal.

"Hindi ko rin alam." And this caught me off guard.

"Siguro...magagalit?" Nakataas ang kilay niya noong sinabi iyon. "O matutuwa?"

"Imposible kasi siyang mangyari kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko," he replied as he then coughed. I knew well that he was trying to hide the fact that the question was a bit sensitive for him.

Agad naman ako humingi ng tawad pero nginitian lang niya ako at binago ang usapan. "Anyway, I'll buy this for Pochi."

"Kung may gusto ka man na libro," sinabi niya sa akin bago nagpatuloy. "Kumuha ka na. Bibilhin ko."

"Pero Adrian---" I really wanted to tell him that it was okay and that I was fine but he had beaten me to it and told me to still go.

"It's the least that I could do," aniya bago ipinakita ang 500 peso bill sa akin na para sa libro. "Tinutulungan mo ako palagi."

"So...consider it as a gift from me."

Kahit gusto ko man tumanggi, alam ko na hindi siya papayag. Alam kong makikipagtalo pa rin siya hanggang sa ako na iyong sumuko.

The only thing I could do now was to thank him. So, I did it by giving a smile at him. "Thank you, Adrian."

"Puntahan na lang kita do'n sa National Bookstore. Babayaran ko lang ito." Pumunta kaagad siya sa cashier habang pumayag na lang ako at lumabas ng department store.

Malapit lang naman ang National sa Department Store rito kaya hindi na ako nag-abala na pumasok at maghanap ng mga pupwedeng basahin. There was a lot. I could see a lot of Greek Mythology books, Science Fiction and Romance ones.

But one just caught my eye.

Makapal na libro siya na nakasingit sa ilalim kaya agad ko itong kinuha at binasa ang title. Pero noong tatayo na ako at maglalakad sa aking kanan, nagulat na lang ako nang may makabangga ako.

"My apologies." Isang babae na naka-puting blouse ang kaharap ko. Naka-slacks at itim na boots din kaya mas mataas siya 'di hamak sa akin. She had her hair tied into a messy bun and she wore round glasses when she had stared at me and apologized.

"Hindi lang kita nakita diyan."

Napahiya naman ako dahil mukhang college na siya kaya tumungo akong bigla. "Okay lang po."

Napatingin naman siya sa librong hawak hawak ko. "A Mother's Cry? Maganda iyan."

"Really?" Napataas ulit ang tingin ko habang nginitian naman niya ako at tumango. She then showed me the back of the book and told me to read it.

Habang binabasa ko naman ito, narinig ko ulit ang komento niya. "I've read it before. And don't worry, I'm also not a fan of spoilers. I'm not going to spoil you."

"Kailangan mo lang ng mga unan para diyan. Sure akong mapapaluha ka niyan."

Nagpasalamat naman ako sa kanya. At least I know that it's a good book. "Okay, ate. Ito na lang iyong kukunin ko. Thanks."

"You're welcome."

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako at tinanong. "You seem familiar though. Have we met?"

"Anong pangalan mo?" she even added up as I answered.

"Abby. Abby Guevarra."

"Oh, I must have mistaken you for someone else." Napaiwas naman siya ng tingin noong sinabi niya iyon. Siguro akala niya na kilala niya ako. "Sorry about that."

"Not to bother you much but I haven't really caught your name," wika ko naman. Dahil nakuha niya iyong pangalan ko, mas mabuti siguro kung makilala ko na rin siya.

"I'm Avaliana. Avaliana Xa---"

A woman's voice was then heard from afar, calling out her name. "Ava, pili ka na ng mga libro. Uuwi na tayo maya maya."

"Opo, mama," sagot niya pabalik bago nagpaalam kaagad sa akin. "Well, I have to go."

"See you next time if we ever meet again."

Noong naglalakad na siya palayo, nakita kong umikot ulit siya para ngitian ako at binigyan ng isang thumbs up. "Enjoy the book."

"Abby, are you ready to go?" Saktong sakto pagkaalis niya ay agad na dumating si Adrian na dala dala ang itim na bag niya. Siguro kaya niya dinala 'to para may paglalagyan ng mga pinamili. I'm not going to judge him.

Nakangiti sa kanya, tumango ako at ipinakita sa kanya ang librong nasa kanang kamay ko. "Oo, nakapili na ako ng libro."

"A Mother's Cry? Seems really familiar."

"Maganda raw kaya kinuha ko."

"Okay. Bayaran na natin 'yan para makakain na rin tayo."

Nagulat naman akong bigla sa sinabi niya. Napataas na rin ang kilay ko. "Kakain tayo?"

"Bakit? Ayaw mo?" Halata sa mukha niya na nagtataka siya kaya umiling na lang ako. I have to be considerate. Baka gutom din siya kaya kailangan ko rin sumama.

"H-Hindi naman," I stuttered as he then pinched my cheeks playfully.

"Don't worry. It's not somewhere fancy."

"I think you'll like it," dagdag pa niya. "Just snacks actually. Not really a full time meal."

Naglakad naman kami palabas ng National Bookstore at dumiretso sa Mcdonald's. It was a good thing that there weren't many people inside so Adrian quickly went inside to order.

"Anong bibilhin natin?" Tumigil kami para mag-isip kung ano ang pupwedeng bilhin. Kaso, naisip ko lang na bilhin ay iyong fries kaya sinabi ko sa kanya ito. Nag-isip isip naman nang ilang segundo si Adrian bago ulit ako tinanong.

"Gusto mo ba ng sundae, fries, at nuggets?"

"That sounds good."

"At saka isang coke float," sinabi niya bago pumunta na sa counter para mag-order. Noong sinabi na sa amin ang presyo, kukunin ko na sana ang wallet ko kaso pinigilan niya ako at siya na ang nagbayad.

"Hindi. Ako na."

"Ang dami mo nang binili para sa akin. Hati tayo sa gastos," tumanggi ako. Masyadong nakakahiya na siya na lang palagi ang magbabayad.

"No thanks. Ako ang nag-aya, ako ang taya."

"Hindi naman dapat gano'n iyon."

"Nakakahiya tuloy," dagdag ko pa. Narinig ko naman iyong mismong crew na nagtanong sa amin kung kakainin ba namin sa loob o iuuwi na lang namin.

Adrian then looked at me to get an answer."Dine in o take out?"

"Take out na lang natin para mayroon din iyong tatlo at si Pochi," sagot ko habang napanganga pala siya. He probably forgot about the other three.

"Oo nga pala. Sige, mag-oorder din ako para sa kanila." Noong babayaran na sana niya ito, pinilit ko talaga na ako na ang magbayad para makabawi. Kaso, sinabi niya na hati na lang kami roon at nagbayad pa rin sa akin.

"I'm still not letting you pay that." Nakangisi na siya noong sinimangutan ko siya noong sinabi niya ito. "Huwag ka nang sumimangot diyan. Tara na."

Nilagay ni Adrian ang ibang pagkain sa loob ng kanyang bag at hinawak niya iyong coke float at fries niya. To be honest, hindi na nilagyan ni Adrian ng drinks iyong tatlo kasi mayroon naman daw sa penthouse.

Habang naglalakad kami at handa nang umuwi, isang malakas na sigaw ang narinig ko sa loob ng mall. Halos lahat ng tao, narinig ito at nagsitinginan.

"Anak!" Umalingaw ngaw ang salitang ito sa loob kaya inisip ko na baka may nangyaring masama.

Napatingin din naman ako sa taas at nakita ang isang matandang babae na sumisigaw --- nakatingin sa amin dalawa ni Adrian. Isa siyang payat na babae na abot balikat ang buhok --- kulot at kulay tsokolate. She wore a red T-shirt, a long black skirt, and some brown japanese slippers.

Nakita ko rin si Ava sa tabi niya na tila gulat na gulat nang tumakbo iyong babae paalis. Gustuhin ko man tawagin si Adrian para sabihin ang tungkol dito, napansin ko na hindi pa rin siya naabala at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang parking.

He wasn't even thinking of looking back. Kalmado lang siyang umiinom ng coke float at diretso lang ang tingin. Pero narinig pa rin niya ang sigaw at nagbigay pa ng komento.

"Siguro nawawala ang anak no'n."

I had a bad feeling already.

Bakit nakatingin sa akin ang babaeng 'yon? At bakit parang pamilyar siya sa akin?

Tumingin ulit ako para hanapin siya kaso hindi ko na siya makita at pababa na rin kami sa parking lot ng mall. When we both entered the elevator, I tensed up. Pinindot na ni Adrian ang button kaya unti unting sumara ang pinto ng elevator.

And when it was almost closed, I heard the lady again. "Anak! Sandali lang!"

Finally, it became inaudible.

Tiningnan ko ulit si Adrian at nakita ko siyang nakakunot ang noo. He was confused. His hands trembled as he held his coke float and paper bag with fries on his hands. I know that he had something going on his mind. But I don't want to force him about it.

All I could do was to give him a pat on the back as he genuinely smiled at me.

Noong bumukas ulit ang pinto ng elevator, nagulat ako nang mabilis naglakad si Adrian sa unahan ko. Nilagay niya ang kanyang fries sa bag at pinahawakan sa akin ang coke float niya. Nasa bag naman ang iba naming pagkain kaya okay lang na magmotor siya.

Sumakay naman ako sa likod niya pero inubos ko na iyong sundae ko para makakapit ako nang maayos sa kanya. He then started the engine, the sounds echoed throughout the parking lot.

Nilagay ko na rin iyong helmet ko at hinigpitan ito. It's better to be safe than sorry.

Nagulat na lang ako nang pinatakbo ito ni Adrian at malapit na kami sa mismong exit, saka lumabas ang babaeng nakita ko kanina na tila gusto kaming patigilin.

"Anak!" sigaw nito habang bumagal lahat ng nasa paligid ko. I didn't know why. Probably because I was too shocked to see her there.

Kitang kita ko ang malungkot niyang ekspresyon nang sinubukan niya kaming habulin kaso mabilis magpatakbo si Adrian kaya napaluhod na lang siya.

Her face seems familiar though.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro