Kabanata VI: Xavier's Trap

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Pumasok ako sa classroom namin, yung mga classmates ko'y tumingin sa pagbukas ng pinto sabay binaling ang atensyon sa akin. Well, this is awkward. I did not expect them to stare at me.

Kitang kita ko sila na tumigil sa tsismisan at pagawa nila ng mga notes nila at tumingin pa sa akin. Nanahimik lang sila sa akin habang yung iba naman, nagsibalikan sa kanilang ginagawa.

Tiningnan kong maigi yung room, hinahanap ang isang bestfriend kong lalaki. Nakita ko kaagad si Lance na nagsusulat ng notes at sabay napangiti.

There he is.

Isinara ko kaagad yung pinto sabay lumakad sa upuan ko na katabi ni Lance at biglang umupo. Sa oras na iyon, hindi na sila nakatingin sa akin kundi bumalik na sa ginagawa nila. Yung dating tahimik, biglang maingay na ulit. Napataas naman kaagad ang ulo niya sabay tumingin sa akin, yung noo niya'y nakakunot.

"Bakit parang napatagal ka yata? Nahuli ka ba ni Adrian?" tanong niya sa akin, yung linya sa kanyang bibig ay nakadiretso lamang. Hindi ko makitaan na parang ni-isang ngiti or simangot sa kanyang mukha. Isa lamang diretsong linya.

Umiling kaagad ako saka sumagot, "Hindi. Sadyang nahirapan lang magtago."

Tumango naman siya habang dumiretso ulit siya sa pagsusulat. Hindi ko naman siya dinistorbo. Right now, nag-aalala ako sa sitwasyon ko.

Hindi ko alam kung pagkatapos ng araw na ito ay mayroon pang susunod. Napailing na lang ako sa thought ko na hahabulin niya ako pagkatapos ng class ko. Yung tipong wala na sina Lawrence, Dominic at Kuya Ace sa tabi ko.

Bago ako makapag-isip ng pu-pwedeng mangyari sa akin, biglang bumukas ang pinto at lumakad sa unahan ang aming teacher. Tumingin siya sa amin saka inayos yung gamit niya sa table. Wait, bakit parang iba yung teacher?

"Good afternoon class, I'm Mr. Jake and I'll be your substitute teacher for today since Ms. Jade is sick." biglang nagtsismisan ang mga classmate ko dahil bata bata pa yung teacher namin. Hindi siya yung terror teacher na pagagalitan ka. Para siyang mapagpasensya sa mga estudyante. Not to mention, malumanay siyang magsalita.

"Settle down class," sinabi niya habang nagsitahimikan ang mga classmate ko. Kinuha ko kaagad yung notebook ko at iniopen ito. Well, I just hope that hindi siya masyadong mabilis magsalita.

— ♠ — ♥ — ♦ — ♣ —

"God, akala ko madali lang yung topic natin. Turns out, ang hirap! Grabe yung teacher na 'yon." narinig kong sinabi nung isa sa mga lalaking classmates ko na patuloy inuuntog ang ulo niya sa upuan. Napa-roll yung eyes kong bigla at nag-continue sa pagsusulat.

Kung nakikinig siya, madali lang sa kanya yung topic. Ito naman si gago, hindi nakinig. Actually, hindi naman talaga gano'n kahirap. Types of verbals lang naman yung diniscuss. Gerund, Infinitive at Participle lang naman.

Noong nilagay ko yung notebook ko sa bag, bigla akong nakarinig ng boses sa likuran ko na tinatawag yung pangalan ko.

"Abby! Abby, do you want me to go with you? Baka kasi nandiyan na naman si Adrian. Alam mo na naman kung anong mangyayari kapag nakita ka niya." napalingon ako at napatingin kay Lance na nag-aayos ng kanyang mga gamit sa bag. Nginitian ko na lang siya sabay umiling.

"No thanks, Lance. Hindi naman siguro ako mahuhuli no'n. Sa laki at lawak ba naman ng school, hindi no'n ako mahuhuli agad agad." kitang kita ko yung worry sa mata ni Lance na parang nagdadalawang isip siya kung sasamahan ako o hindi. Isinarado ko yung bag ko at isinakbit ito sa balikat ko sabay nag-wave ng goodbye kay Lance at lumabas ng classroom.

Pumunta kaagad ako sa library dahil kailangan ko pang gawin yung essay ko. Of course, next next week pa yung deadline. Gusto ko lang talaga na wala na akong gagawin ngayong week at sa susunod na week.

Pagkabukas ko ng pinto, wala akong nakita ni-isang tao. Now, don't get me wrong pero I really hate being alone. Naglakad ako papunta sa mga shelves sabay hinanap yung History book na makakatulong sa aking essay. Hindi ko ginamit yung book ko since wala naman doon yung history ng mga Romans.

Nakita ko bigla yung isang History book na malaki at kasing kapal ng encyclopedia. Tiningnan ko yung title nung libro at biglang napangiti.

Bingo.

Bago ko pa makuha yung libro, bigla akong nakaramdam ng isang lalaking nasa likod ko. Nakalagay yung kanang kamay niya sa shelf, tina-trap ako doon sa mismong space.

"Huli ka." narinig ko yung lalaki na nagsalita habang napahinga ako nang malalim. Shit, si Adrian. Napatingin akong bigla sa taas ko, kitang kita ko si Adrian na nakatinging baba sa akin.

"Since wala ka nang kawala, pwede na kitang tanungin." sinabi niya habang tinary kong maghanap ng masusuotan. Unfortunately, wala akong nakitang lusot.

Hinawakan niya yung kanang braso ko sabay inikot ako at nilagay ang dalawang kamay niya sa shelf. Okay, mas lalo tuloy akong nahirapan.

"Bakit mo ako sinampal?" inilapit niyang bigla sa akin yung mukha niya noong tinanong niya ako.

Dahan dahan niya itong sinabi habang umikot ako para makita siyang mabuti. Iritang irita yung mukha niya at parang kitang kita ko na yung apoy sa kanyang mga mata.

Bago pa ako makasagot, nakarinig ako ng malaking ingay na parang may ibinagsak na makapal na book sa table. Tumingin ako sa kanan ko at bigla kong nakita si Lawrence, yung mga kamay niya'y nasa parehas na bulsa ng kanyang pantalon. Nakatingin siyang maigi kay Adrian na parang makakapatay siya nang ilang segundo.

"Let her go." inalis bigla ni Adrian ang dalawang kamay niya doon sa shelf at nilapitan si Lawrence. Tumayo lang si Lawrence nang tuwid habang nag-eye to eye contact silang dalawa, galit na galit.

"Bakit? Sa'yo ba siya? Pagmamay-ari mo? Girlfriend mo? Hindi naman, 'di ba?" tanong ni Adrian habang sinenyasan ako ni Lawrence na umalis kaagad.

Naglakad ako papunta sa kanila kaso pinigilan ako ni Adrian na makalagpas. Inilagay niya yung kamay niya sa shelf at tiningnan ako nang masama. Ano na naman? Ano bang problema nang mga ito?

Iritang irita naman sumagot si Lawrence kay Adrian. "Baka nakakalimutan mo na ang contract natin nina Dominic. Kung nakalimutan mo, huwag kang mag-alala. Dahil ipaaalala ko sa'yo."

"Based on the G.A #2172 sa contract nating tatlo, the leader shall decide what course of action should be followed." sambit ni Lawrence habang inalis yung kamay ni Adrian sa daanan ko. "Kaya umalis ka na and get the hell away from her."

Tinaasan naman siya ng kilay ni Adrian saka sumagot nang pagalit. "E sino ba yung leader? Ako, hindi ba? Kaya wala kang karapatan na utus-utusan mo ako diyan. Ako ang susundin ninyo."

Napa-scoff naman kaagad si Lawrence. "Ako ang official leader, hindi ikaw. Ginawa ka lang temporary leader dahil nawala na si - "

"Huwag mong sabihin ang pangalan niya! Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya," pagalit na sambit ni Adrian habang nanahimik si Lawrence, yung noo niya nakakunot sa galit.

Sa galit ni Adrian kay Lawrence, nahawakan niya akong bigla at itinulak kay Lawrence. Since ready na kaagad si Lawrence, nasalo niya akong bigla habang iritang irita tumingin sa amin si Adrian.

"Oh, ayan. Sa'yong sa'yo na siya. Hayop ka Lawrence." sabay lumakad palayo sa amin si Adrian, iniwan kaming dalawa sa library.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro