Kabanata X: Can I Have Your Number?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Mumukat mukat akong gumising habang kitang kita ko yung ilaw na nakatutok sa mata ko. Wait, what? Noong binuksan kong mabuti yung mata ko, kitang kita ko si Kuya na may hawak hawak na flashlight tapos ini-off ito. Seryoso ba siya? Ginising niya ako nang may flashlight na nakatutok sa mata ko.

"Tara na, male-late na tayo." bumangon akong bigla at umupo. Uminat naman kaagad ako sabay tiningnan yung orasan ko. Halos mapanganga na ako sa gulat sa oras na nakalagay at sabay tiningnan si kuya. What the hell kuya?

4:30 am

Nakangiti lang tumingin sa akin si kuya habang tiningnan ko siya nang masama sabay umikot sa kama ko, yung unan yakap yakap ko. God, mamaya pang 7 yung aming start ng klase. Bakit naman 'to nanggigising nang maaga? Ano, trip lang?

"Tara na Abby. Bumangon ka na diyan!" bulalas niya habang iritang irita kong inalis yung kamay niya sa kamay ko.

"Mamaya na! Maaga pa kuya!" sigaw ko pabalik habang rinig na rinig ko siyang nagmumura sabay binuhat ako paalis nang kama ko. Nagulat akong bigla noong naramdaman ko na wala na yung kama ko sa likod ko at napalitan ito ng kamay ni kuya.

"K-Kuya! Bitawan mo ako! Ayaw ko pang umalis nang maaga!" iritang irita kong sinabi habang naggagagalaw ako sa kamay ni kuya. Kung hindi niyo pa rin maimagine, hindi ako nasa balikat ni kuya. Buhat buhat niya ako nang pa-bridal style.

Iritang irita naman niya akong ibinaba sa upuan kaharap ng pagkain habang umupo na siya sa kanyang upuan. Sinamaan ko siya nang tingin bago kinain yung breakfast ko. Of course, I won't say no to food. Masyado kong mahal ang pagkain.

"Pasalamat ka kuya na mahilig ako sa pagkain." napatawa naman kaagad siya bago niya ini-roll yung eyes niya. Bigla naman niya ako inalok ng juice habang tumango naman ako at ibinigay yung baso ko.

"Palagi mo naman gusto ang pagkain," sambit niya habang nagsasalin siya ng juice sa aking baso. Napangiti na lang ako bigla sabay kinuha ulit yung baso ko pagkatapos niya iabot.

Makalipas ng ilang minuto, nakatapos na kami. Nilagay namin parehas yung plato namin sa lababo sabay nag-ready na para sa school.

— ♠ — ♥ — ♦ — ♣ —

Tumingin ako sa loob ng school, may konting takot pa rin sa aking mga mata. Walang ni-isang tao doon sa loob kundi parang ghost hallway yung dadaanan ko. Of course, may ilaw naman pero hindi lahat nakabukas.

"Tara," aya ni kuya habang nauna siyang maglakad. Nasa bulsa ng hoodie niya yung kamay niya at may headset pang nakalagay sa parehas na tainga niya. Kuya, don't leave me here.

Since alam ko naman na hindi na titingin pabalik si kuya, dahan dahan akong naglakad sa hallway. God, bakit ang laki ng school na 'to? Bago pa ako makatingin kung may tao, may biglang sumulpot na lalaki sa isa sa mga salamin sa pinto ng classroom. Bigla naman akong napasigaw sabay inilagay yung kamay ko sa may dibdib ko, gulat na gulat.

"Hahaha! You should've seen your face!" sinabi nung lalaki habang hawak hawak niya yung kanyang tiyan. Guess who? Of course, si Dominic lang naman yung nanggulat.

"Hindi nakakatawa," sinabi ko habang ini-cross yung arms ko. Bigla namang lumaki yung ngiti niya sa kanyang mukha sabay pinisil yung pisngi ko, tuwang-tuwa.

Inalis ko naman kaagad yung kamay niya sa pisngi ko at tinary na habulin si kuya. Kitang kita ko siyang umakyat sa hagdan kaya mag-isa na akong nandito sa hallway. Oh wait, kasama ko pala si Dominic.

Tiningnan ko siyang bigla sabay tinaasan ng kilay. "Nasaan na sina Adrian? Yung mga ka-tropa mo?"

Napatawa naman kaagad siya bago sumagot, "Bakit mo hahanapin sila kung nandito naman ako? Why have them when you can have me?"

Napailing naman kaagad ako sabay lakad palayo, siya sinusundan ako. Lumingon naman ako pabalik habang tinarayan siya.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko habang nagshrug lang siya. Okay, trip lang talaga niya akong sundan. Napa-roll naman yung eyes ko sabay hinanap yung first class ko sa mga rooms.

Since hindi ko na kinaya na sinusundan ako ni Dominic, kinuha ko yung kamay niya sabay itinaas ito.

"Look, tama na. Okay? Just stop following me, Dom — " bigla naman akong napatigil noong nakita ko yung wristband niya. Magkaparehas sila ng wristband ni Lawrence. Parehas na design kaso nasa kaliwa yung kay Lawrence. Sa kanya, nasa kanan. Bakit gano'n?

Noong nalaman naman ni Dominic na tinititigan ko yung kanyang wristband, bigla niyang inalis yung kamay ko sabay inalayo yung tingin niya — hindi niya ako tinitingnan.

"So, um, I was wondering..." nag-trail off siyang bigla habang nakatingin ako sa kanya, hinihintay na tapusin niya yung sasabihin niya.

"Can I get your number?" tanong niya sa akin habang napatulala ako. Okay, anong sinabi niya? Yung number ko? He's asking for my number?

Napatulala lang ako sabay ini-snap niya yung fingers niya sa mukha ko. Makailang snap siya, bigla akong bumalik at sabay tumango. Actually, I have a plan.

Kinuha ko naman yung phone ko sabay inilabas ito. Great. Tiningnan niya yung phone case ko sabay ngumiti.

"I never knew na mahilig ka din sa games. Out of all the games you could choose, Dota pa talaga ha?" ngumiti naman ako sabay tumango. Actually, nakita ko si Kuyang naglalaro nito kaya nakipanood din ako. Tiningnan ko kaagad yung contacts ko sabay sinabi yung number mg phone ko.

"0929******* yung number ko," tuwang tuwa kong sinabi habang ini-save niya yung number. Bigla naman siyang nagpaalam at pumasok naman ako sa classroom ko.

Little did he knew na hindi talaga 'yon ang phone number ko.

Yung phone case ko kasi ay waffle design. Also, hindi siya Iphone kagaya nung kay kuya. Mas pinili ko kasing magkaroon ng Samsung Galaxy S4.

Napangiti ako noong nakita kong tuwang tuwa si Dominic na nakuha niya yung fake phone number ko. Let's just see what his reaction would be kapag nalaman niya na hindi sa akin 'yon.

"Abby, bakit phone mo yung nasa hoodie ko? Kinuha mo ba yung akin?" tanong ni kuya Ace pagkatapos niyang buksan yung classroom door namin.

Actually, ako lang yung tao dito sa classroom. And since nakita ko na si Dominic, I'm pretty sure na pupunta na dito yung dalawa. Of course, hindi naman sila yung hinihintay ko. Si Lance lang naman.

"Heto kuya oh. Nakuha mo kasi kanina yung akin since nagmamadali ka kanina." binigay ko kaagad yung phone niya sa kanya habang ibinigay niya yung phone ko sa akin.

"Thanks. Kaya pala iba yung playlist na pinatutugtog ko. Nasa iyo pala yung phone ko," sagot niya.

"Bakit? May problema ba sa playlist ko?" tanong ko sabay tinaasan siya ng kilay. Ngumiti naman bigla si kuya bago umiling. Ano naman talaga yung problema sa mga music ko?

"Puro Fall Out Boy na music kasi yung naririnig ko kanina pa. Naka-loop din," sambit niya habang nakita kong lumakad paloob si Lance at sabay tumigil sa may pintuan, nakatingin sa aming dalawa ni kuya. Oh, there he is.

"Anong tinitingin tingin mo diyan? May problema ka?" tanong ni kuya habang umiling kaagad si Lance at pumunta sa kanyang upuan. Ayan na naman si kuya, nagtataray. Napatawa na lang ako sa poker face ni Lance habang nagpaalam na si kuya at pumunta sa class niya.

God, I can't wait to see his reaction kapag tinawag or tinext ni Dominic yung number niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro