Kabanata XL: Back to Normal?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

PAGKATAPOS NG MOVIE MARATHON, NAGPAALAM NA KAAGAD KAMI.

Sean actually had a car just like Lawrence. But it wasn't a Ferrari. Instead, it was just a Track-oriented Dodge Viper ACR. Napansin ko kaagad ito at naalala dahil ganito ang nakita ko dati sa mga model na pinipili lagi ni Kuya Ace sa mga racing games niya — Gran Turismo, I think.

Nang maglakad sa aking harapan si Sean, hindi ko napilitan ang sarili kong pagmasdan siya nang maigi. Sean wasn't like Lawrence and I can prove that.

Pansin ko kasi na mahilig si Lawrence sa mga damit na mahahaba ang manggas at matitingkad na kulay. Mas marami ang mga damit niya na kulay asul at palaging walang disenyo ang mga ito kapag sinusuot niya.

Halos ganito ang suot niya sa unibersidad at sa loob mismo ng penthouse. Hilig rin niyang hilahin ang dulo ng kanyang manggas kapag hindi siya komportable sa sitwasyon.

I thought that maybe he was just wearing blue for that day then another color for tomorrow. O 'di kaya, marami siyang binibiling magkakatulad na damit.

But, I was shocked to see him still wearing a blue long sleeve but this time, it had a minimalistic design on his left side, a letter ‘C’ imprinted on it.

Pero si Sean, puro T-shirt lamang na plain ang kanyang sinusuot. Minsan puti, minsan naman itim. But right now, I could see him wearing a plain white T-shirt while his blue jacket hangs over his shoulder.

“Abby, kanina ka pang nakatingin sa 'kin,” tawag niya habang napakurap akong bigla. He then smirked at me as I nervously walked up to him and apologize.

“Sorry, may iniisip lang.” He then raised his eyebrow, crossed his arms, and asked me.

“And what were you thinking? Were you thinking of me?” Hindi ko naman napigilang mamula nang marinig ko 'yon.

Sa kanilang apat, hindi ko inaasahan na sa kanya ko 'yon maririnig. Pupwede ko pa ito marinig kina Adrian at Dominic.

But when I heard this from him, I was really quite surprised at the moment.

“H-Hindi ano!” nauutal kong sagot habang napatawa na lamang siya.

His eyes was filled with interest as I gradually looked away, embarrassed at the situation at hand.

Damnit, bakit ko pa nga ba siya tinitigan?

“You do know that girls don't stare for too long at a guy if they don't like them,” sambit niya sa akin.

“Ha? Hindi naman gano'n 'yon. That's a lie,” pagtutol ko sa kanya. Hindi naman nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Sumandal naman kaagad siya sa kanyang sasakyan at tila naghintay pa ng aking sagot.

“Really? Prove it.”

Aba, talagang may tinatago rin palang kalokohan ang lalaking ito. Gustong gusto talaga niya akong asarin, ah.

Hindi ko naman inalis ang tingin sa kanya. His stare was almost mocking me, almost saying that I couldn't turn his words around — that it was clear that I liked him more than friends.

“Abby, I'm waiting,” malokong sinabi niya sa akin at halata sa tono na tuwang tuwa siya na hindi ako makasagot pabalik.

Sa puntong 'to, agad akong nakaisip ng sagot na tila magpapatahimik sa kanya.

“Actually, hindi ako nakatitig sa iyo dahil nagwagwapuhan ako,” wika ko sa kanya.

“Girls sometimes look if the guy has a sense of fashion,” dagdag ko pa habang nawala na ang kanyang ngiti at tila napakurap.

O, ano ngayon? Nganga ka, 'no?

Agad naman siyang tumalikod sa akin at hinarap ang kanyang sarili sa kanyang salamin ng kotse habang binuksan ko na ang kabilang pinto ng sasakyan para pumasok.

Pero bago pa ako makapunta sa loob, agad niya akong binalikan ng tingin at kinunutan ng noo.

“I don't see anything wrong with my fashion,” nagtatakang sagot niya sa akin habang napatawa na lamang ako at umiling iling.

Agad akong pumasok sa kanyang kotse kaya sumunod na rin siya.

But, he still didn't stop there.

“No, seriously? What's wrong with my fashion?” tanong pa niya habang tiningnan ako sa salamin ng kanyang sasakyan.

Natawa na lamang ako nang nilingon pa niya ako.

I then waved him off by saying, “Kuya Ace is waiting. Baka ma-late tayo sa promise mo, sige ka. Magalit 'yon sa'yo.”

“No, I really want to hear it.”

“Seryoso ako, Sean. We're going to be late.” Sinubukan kong ibalewala ang paksang 'yon kaso mukhang hindi niya ito palalampasin.

Agad niyang tinanggal ang susi ng kanyang sasakyan sa pagkakasaksak at inilagay ito sa katabing upuan. Ipinatong niya ang kanyang braso sa upuan at binigyan ako ng tingin.

And no, it wasn't a glare or a stare that would suggest that he's mad.

It was the look that almost made me melt right on the spot. Like, I couldn't even move and he had me trapped and encaged.

I had mixed emotions, my heart thumping right at the very second.

And still, he did not even budge.

“Gusto kong malaman kung anong gusto mo sa isang lalaki,” bungad niya sa akin. Kahit subukan kong ibahin ang usapan, hindi pa rin niya ako tinitigilan.

“H-Hindi mo na naman kailangang tanungin 'yan, Sean — ” agad niya akong pinatigil sa pagsasalita.

“Look, if you don't like my fashion, then I'll change.” Nagulat na rin ako nang hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

“Gagawin ko naman ang lahat para lang magustuhan mo ulit ako. Just like seven years ago.”

Hindi na ako nakagalaw noon. Pinagmasdan ko siyang mabuti at napakurap. Ano bang ibig sabihin niya?

I could feel his hand carressing mine as I remained speechless on my seat. I couldn't remember Sean from my childhood past. Ang natatandaan ko lang ay kaming dalawa ni Kuya Ace ang magkabonding.

Seven years ago? What did he mean by that?

“Hoy, anong ginagawa ninyo diyan?” Isang sigaw naman ay narinig ko sa labas kaya napasigaw na rin ako nang bumungad ang mukha ni Adrian sa amin, malapit at halos idikit na niya ang kanyang sarili sa bintana ng sasakyan.

Nabitiwan din ni Sean ang kamay ko habang patuloy si Adrian sa paghila sa pinto ng sasakyan. Halos sirain na nga niya ito.

I guess he wasn't expecting us to  be here. Akala siguro niya na nakaalis na kami.

Ibinaba ko ng kaunti ang bintana ngunit hindi naman sumunod si Sean at hinayaang nakasarado nang maigi ang kanya.

Nakailang katok at hila na si Adrian sa pinto ni Sean kaya agad itong sumigaw nang malakas — nakuha rin ang atensyon nina Lawrence at Dominic na nasa loob lamang ng penthouse.

“Laws, Dom! Lumabas kayo diyan!” Hindi naman mawala ang naiiritang ekspresyon sa mukha ni Dom nang lumabas siya. Si Lawrence, seryoso lang nakatingin sa'min.

Naka-yellow pa na shorts at puting T-shirt si Dominic at halatang nagmamadali dahil hindi pa siya nakasuot ng tsinelas nang lumabas.

Si Laws naman, naka-itim na T-shirt at asul naman na pajama. Ang kaibahan nga lang nilang dalawa, naka-tsinelas si Laws at may dala dala pang cellphone sa kaliwang kamay.

Nang malapit na silang dalawa, hindi napigilan ni Dominic na mairita sa kanya.

“Ano na naman ba gusto mong sabihin, X?” tanong ni Dominic habang naniningkit ang mata nito.

“Plano kong matulog ngayon, eh." Itinuro naman ni Adrian kaming dalawa ni Sean at halos ipahiya kami sa dalawa.

“Kaya pala 'di ko marinig na umalis na ang dalawang 'to, e kung ano ano na ang ginagawa. Sean's trying to have his moment alone with Abby.”

“Nakita pa ng dalawa kong mata,” saad pa nito habang nagsabay pa ang tingin ni Dominic at Lawrence sa amin — tila nanlaki ang mga mata nang marinig 'yon.

“Totoo ba 'yon? Is that what you're doing, Sean?” Malakas ang tono ng pagkakasabi ni Lawrence para lamang marinig ito ni Sean.

Kahit kasi magsisigaw sila, hindi pa rin ibaba ng kanilang kaibigan ang bintana o buksan man lang ang pinto para kausapin sila.

Itinago ko na lang ang mukha ko, iniharang ang mga kamay para hindi lamang nila makita ang namumula kong mukha.

Si Sean naman, pilit na kinuha ang susi ng sasakyan at sinubukan itong simulan.

“Sige subukan mong umalis!” Kinatok ng malakas ni Adrian ang bintana ni Sean at saka binalaan siya muli.

“Humanda ka sa amin pagdating mo.”

Nagulat na lamang ako nang ngumisi si Sean at ibinaba ng kaunti ang bintana para marinig siya ni Adrian.

“Then, I'll take all the time that I need to win her over.”

Halos lahat kami nanlaki ang mata at mapasigaw nang ipinasok ni Adrian ang kanyang kamay sa loob ng sasakyan at agad na nahila si Sean sa kanyang kwelyo.

“Adrian!” gulat na sambit ni Sean habang todo hila ni Adrian hanggang sa mapadikit na ang mukha ni Sean sa bintana ng kanyang sasakyan at hindi na nakapagreklamo pa.

“Ano? Akala mo hindi kita kayang abutin? Kahit kaunti lang ang pagkakabukas mo ng bintana, kaya pa rin kitang hilahin!” galit na saad ni Adrian at halos utasin niya si Sean sa loob.

Dahil hindi talaga tinitigilan ni Adrian si Sean, agad na tumakbo ang dalawa ni Laws at Dom para hilahin si Adrian pabalik. They thought that if they would pull Adrian back, he'd probably let Sean go.

But, he didn't.

Nakita ko na lamang na mas humigpit ang kapit ni Adrian sa kanya kaya nang hilahin siya nina Laws, halos mapasama na si Sean at muntikan nang lumabas ang ulo doon sa bintana kung hindi ko lamang siya hinila pabalik.

Nanlaki rin ang mata ng dalawa nang mapansin nila na hindi pa rin binubuka ni Adrian ang kanyang kamay at tila mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kwelyo niya.

I guess he was thinking that if he won't let go of Sean's collar, Sean would be pulled with him.

“Adrian! Bitiwan mo na kasi si Sean!” sigaw ni Dominic habang umiling iling si Adrian.

“Hell no!” sigaw ni Adrian habang binitiwan na ni Lawrence ang pagkakahawak niya rito. Instead, he went towards Sean and desperately tried to remove Adrian's hand from his collar.

“Ace is waiting for Abby, X. Tama na. Hayaan mo silang umalis,” malamig na sambit ni Lawrence kaya agad nang napabitaw si Adrian.

Kumunot na ang noo ni Adrian sa kanya. “Are you really going to let this pass, Laws? Hahayaan mo na lang si Sean ng gano'n gano'n lang?”

“I have to. We have to. Galit na nga si Ace sa 'tin, gusto mo bang lumala pa 'yon?”

Hindi na nakaimik pa si Adrian doon. And finally, he lets us go.

“Fine. Pero, tatandaan mo 'to.” Agad niyang tinakot si Sean nang katukin niya nang malakas ang bintana ni Sean kaya agad na napalayo ang isa.

“Don't you dare make a wrong fvcking move, Sean. You know what will happen if you do.”

Tumango na lamang si Sean at agad na kinuha ang susi para simulan ang sasakyan. Tiningnan ako ni Adrian at ngumiti na lamang bago pumasok sa loob ng penthouse, sumunod na lang si Laws at Dominic.

♠   ♦   ♥   ♣

KUYA ACE WAS PATIENTLY WAITING AT OUR DOOR.

Nang tumingin ako sa labas ng bintana, halos atakin ako sa puso nang makita ko ang kuya ko sa labas ng aming bahay. Nakaupo siya mismo sa isang upuan sa harapan, nagcecellphone ngunit halatang may hinihintay.

Kahit malayo at hindi pa niya kami napapansin, alam ko na kaagad na nag-aalala na siya. Nakakunot kasi ang kanyang noo at segu-segundong tumitingin sa paligid.

Nakapajama siya at gulo gulo ang buhok, nakasimangot pa habang nakakaang na nakaupo.

Sean then parked right in front of our house and then removed the keys to his engine. But, he didn't open the door to his car. He just stared at our house for a long minute before looking back at the mirror.

Doon nagsalubong ang aming tingin ngunit iniwas naman kaagad niya ito at tumingin sa daan.

Agad ko siyang narinig na bumuntonghininga kaya agad akong nagtanong, “Sean, is there a problem?”

Tumingin lang ulit siya bago sumagot sa akin, ngunit nakakuyom ang kanyang mga kamay. “Iniisip ko lang kung bakit hindi ako lumaban.”

“I mean, that's just Adrian for damn sake.”

“Naging sovereign din naman ako pero bakit gano'n? Hindi ako nakaiwas. Instead, I looked like a fool in front of you,” naiirita niyang sambit sa hangin habang napakurap na lang ako.

“Fighting back isn't really the best option,” sagot ko habang tumingin kaagad siya sa'kin.

“How could you tell? Kanina nagmukha akong talunan. And I don't want that to be your first impression towards me. I'm not that kind of guy, Abby.”

“I lose my temper every once and a while. I'm much stronger than Adrian, yet he caught me unexpectedly just like that.” He then snapped his fingers right in front of me before sighing.

“Lalaki kami. We fight and we don't just let something that embarrassing happen to us, you know?” aniya habang tumango na lang ako.

“Well, maybe you should just let this one slide?” Nag-alangan naman si Sean sa sagot ko kaya nginitian ko na lang siya at hinawakan ang kamay.

“Please? Ayaw kong mawala ang samahan ninyong apat para lang do'n.”

Mukhang handa nang sumagot si Sean ngunit nakita ko si kuya Ace na agad na kumatok sa bintana ng sasakyan. Kahit si Sean, mabilis na lumingon sa kanyang kanan nang marinig niya ito.

We weren't really expecting him to know that it was us.

“P-Paano niya tayo nakilala? This is the first time I've brought this car...” Sean muttered as my brother kept on knocking.

Naghiwalay kaagad kami at lumayo sa isa't isa nang inilapit na ni kuya ang kanyang mukha at naningkit ang mga mata.

Ibinaba ko na rin ang bintana at agad niya akong tinaasan ng kilay.

“May plano ka pa bang bumaba diyan o ipaampon na kita kay Sean?”

Ito lang ang bukod tanging tanong ni kuya Ace sa 'kin kaya agad akong nahiya at binuksan na ang pinto ng sasakyan — nagpasalamat na rin kay Sean.

Ibinaba na ni Sean ang isa niyang bintana at dito naman naisipan ni kuyang magpasalamat.

“Nga pala, Sean. Thanks for bringing my sister back in one piece.” Ngumiti lang naman si Sean pabalik. I guess he was already expecting this one.

“No problem, Ace. It's always a pleasure,” sambit ni Sean hanggang sa lumingon si Ace sa aming bahay at agad na nag-alok.

“Do you want to dine with us? Snacks or something before you go?”

Nag-aya si kuya ngunit tumanggi si Sean at umiling iling. Hindi na naman ako nagtataka kung bakit siya tumanggi. Halos siya kasi iyong nakaubos ng isang bowl ng popcorn kanina sa movie marathon.

“Ah, hindi na Ace. Kumain na ako kanina pa.”

Tumango na lang si kuya Ace bago umalis at pumasok na sa loob ng bahay — iniisip na susunod na kaagad ako.

Unfortunately for him, I stood outside for a minute.

Hinihintay kong umalis si Sean pero nandoon pa rin siya, nakababa na ang bintana at tila may iniisip.

“I guess, goodbye?” Agad naman siyang napatingin sa akin at mukhang namula mula sa hiya.

“Ah, yes. Sorry kung napatagal,” sagot niya bago tumawa sa akin. Tumango na lang ako at ngumiti.

Aalis na sana ako kaso bigla niya ulit tinawag ang pangalan ko. Nilingon ko siya at nagulat nang nagmamadali siyang buksan ang pinto at naglakad papunta sa 'kin.

“I almost forgot, Abby.”

Nagulat ako nang may kinuha siya sa kanyang sasakyan at agad na inilagay ito sa akin. Wait, isang jacket?

“Malamig ngayong gabi kaya iniisip ko na makakatulong ito sa'yo. Mahilig ka pa naman tumambay sa balcony ninyo,” saad niya habang kumunot ang noo ko.

“Teka, pa'no mo naman nalaman na tumatambay ako do'n? Stalker ka ba?” tanong ko, umatras kaagad habang napatawa na lang siya sa sagot ko.

“I guess you don't really remember me, huh?”

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin at nagsalita muli, “Check the jacket I gave you. And tell me if it looks familiar.”

Agad ko naman itong tiningnan. It was a brown jacket with a letter ‘S’ on the left side.

My mind went actual blank. The jacket almost became blurred on my very eyes. I couldn't help that my hands trembled as soon as I had a hard grip on the clothing.

It can't be.

Hindi naman nawala ang ngiti ni Sean, halatang interesado siya sa naging reaksyon ko.

The glee had lingered in his eyes and the amusement was written all over his face. He just stood there, still waiting for me to answer — and I remained speechless.

“T-Teka, ito ba 'yong — ” agad naman siyang nagsalita para hindi na ako makapagpatuloy pa.

“That's the same jacket I gave you when you were still eight years old. The moment I left you and Ace, remember that?”

Doon pa lamang ay nanikip na ang dibdib ko. Kung siya iyong lalaking kasa-kasama ni kuya pagtanda, siguro siya rin ang palaging bisita namin noon na humihingi palagi ng juice at ang palaging kalaro ko nang wala ako naging mga kaibigan sa dati kong eskwelahan.

Se-Sebbie? No, it can't be you...” I then trailed off as he cheekily smiled.

“The one and only.” When he told me that it was indeed him, I couldn't find the right words. My feet remained glued to the ground, not knowing what to say and what to do.

“B-Bakit ka ba umalis dati?” nauutal na saad ko habang umiling iling kaagad siya.

“I can't answer that question for now.” Bago pa man ako makapagtanong muli, siya na iyong umuna.

“Nga pala, nasaan iyong kwintas mo? Do you still wear it?” Nawala ang pagkagulat ko nang iwinagayway rin niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko.

“Necklace? The one with the ‘one-sided heart’ pendant?” nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo ko sa kanya.

“Yes, that one,” sagot niya pabalik habang kinuha ko iyong kwintas na nakasuot sa akin ngayon.

His eyes stared at it for a long minute. The bewilderment never left his features as his hand then wandered and touched it, grasping it as if he was studying it.

“Binigay ni kuya sa akin 'yan noong bata pa kami. Sign of being siblings, perhaps?” nakangiting saad ko habang nawala ang tingin ni Sean sa kwintas ko at ngumiti ng ilang segundo.

“Correction, I gave that to your brother, told him to hand it to you, and pretend that he had the other half of the heart.”

Nawala bigla ang ngiti sa mukha ko at napalitan ito ng gulat.

“H-Ha? Bakit naman? Akala ko si kuya 'yong — ” Nanlaki bigla ang mata ko at tumigil sa pagsasalita noong kinuha naman niya ang kanyang kwintas na suot suot din niya kanina pa.

It was the same pendant. But, it was the other half.

“Sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ulit kita at ang kuya mo sa susunod na bumalik na ako rito sa Pilipinas,” paliwanag niya sa akin habang nakikinig ako sa kanya.

“That pendant served as my sign of promise that I'll come back and claim what I have left as mine and mine only.”

“Ano ba iyong naiwan mo rito sa amin ni kuya? Pera? Damit? Ibabalik namin kung iyon ang hinahanap mo,” nerbyos na sagot ko habang napatawa lang siya sa sagot ko.

“To be honest, it's not a material thing.”

“E, ano ba 'yon?” tanong ko pabalik.

“Ang tamang tanong Abby ay ‘sino?’ I mean, I did leave the both of you, didn't I?” Hindi na mawala ang ngiti sa kanyang labi habang umiwas ako ng tingin sa kanya.

Wait, so that means?

“Si kuya Ace ba ang gusto mo?”

Halata sa mukha niya ang pagkagulat at agad na iwinagayway ang kamay pabalik balik para lamang tumutol sa aking sinabi.

“Ha? Hindi! No, not him! Damn, no!” gulat na sagot niya sa akin habang lalo lamang kumunot ang noo ko.

Hindi naman pupwedeng ako ‘yon. Bata pa kami no'n kaya imposibleng ako ang tinutukoy niya.

Napahigop naman kaagad siya ng hangin bago pinilit na ngumiti. Hindi ko nga alam kung inaakit ba ako nito.

“Grabe, hanggang ngayon, manhid mo pa rin. I don't even know if you're actually clueless or just acting clueless,” aniya habang narinig ko na si kuya na tinatawag ang pangalan ko mula sa loob.

Ngunit, humingi pa ng ilang minuto si Sean kaya biglang nanahimik si kuya at hinayaan lang niya kaming mag-usap muli. Kaso nang lumingon ako pabalik sa bahay, halata ko na kaagad na nakamasid pa rin si kuya sa bintana kahit naka-kurtina pa ito.

Halos mapatawa na lang ako. Grabe si kuya, tsismoso rin pala.

Nang ibinalik ko na ang atensyon ko kay Sean, nagulat na lang ako nang may hawak hawak siyang bagong kwintas ngunit hindi na heart ang pendant nito kundi isang singsing.

“I told that girl that I'd court her when we meet again,” sinabi niya bago niya ito ibinigay sa akin. Hindi niya ito isinuot sa akin, kundi inilagay lang ito sa aking kamay at saka niya ito isinara.

“I'm not going to let you wear it. Alam ko na hindi mo gusto ang commitment, lalong lalo na hindi lang ako ang nagkakagusto sa'yo.”

“I just want to let you know that I'm one of them. Ibalik mo na lang sa akin kung hindi tayo magkapareho ng nararamdaman sa isa't isa,” paliwanag niya sa 'kin.

“But if you do feel the same, you can wear it so I can finally know that you're mine.” Hindi naman ako nakapagsalita pagkatapos noon.

Pero hindi pa rin siya tumigil dito at nagpatuloy, “No pressure, Abby. Just take your time. I can wait.”

Pagkatapos niya itong sabihin, nagpaalam na kaagad ito at pilit na ngumiti. Binuksan na rin niya ang pinto niya sa sasakyan at pumasok.

As he started the engine, I couldn't help but wonder if he was totally confident or nervous at that time. Yet, I could see the fear in his eyes earlier — as if he wasn't really ready for my answers.

And to be honest, I also felt my heart thumping so sudden and loudly that I feel like I was encaged in anxiousness when he had told me that.

Nang tumingin muli ako sa aking paligid, ngayon ko lang napansin na nakaalis na si Sean. Dahil dito, bumalik na ako at pumasok sa loob ng bahay — kung saan kanina pang naghihintay si kuya sa akin.

And I was still holding the necklace and his jacket as I went inside my room.

♠   ♦   ♥   ♣

Finally, an update. Hahahaha. Sorry guys kung napatagal. Natuwa lang ako sa Korean dramas. Hindi ko napansin na hindi ko pala natapos 'to. Anyways, another update will be published soon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro