Kabanata XLVII: Patterns

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

I COULD SEE SEAN'S UNREADABLE EXPRESSION.

Nanlaki ang mata niya nang iwanan na lang ni Pochi ang DSLR camera sa sahig para lamang makatakbo ito sa kanya. Hindi siya nakibo kahit nilapitan na siya nito. Nanatiling walang imik, napalunok na lamang nang makita niya ang tingin nina Laws.

Halos kasi silang lahat ay magtaka kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ni Pochi kay Sean - na tila may pagtalon talon pa sa kanya at may kasama pang pagpapa-cute.

"Laws, I'd replace the camera," saad ni Sean bago kinuha ang camera sa bibig ni Pochi.

Halatang kinagat na ni Pochi iyong mismong parte ng DSLR kaya hindi na siya maaaring gamitin.

Umiling iling naman si Lawrence at pinabayaan lang na gumala gala si Pochi habang nag-uusap sila.

"Hindi. Kaya ko na," tanggi naman ni Lawrence sa alok ni Sean at agad na iginiit na siya na mismo ang bibili ng bago camera niya.

Nilingon ni Lawrence si Dominic - na siya namang nakaupo na sa sofa at may iniiscroll sa tablet niya.

Noong tiningnan ko itong mabuti, nakita ko na naka-open ang Facebook account niya.

"Dominic, did you save the photos from the camera?"

Noong marinig siya ni Dominic, agad niyang tiningnan si Lawrence at umiling iling. Halata sa kanyang ekspresyon na natulala siya nang tanungin siya nito. "W-Wala ka namang sinasabi."

"Are you serious right now, Dominic?" Naningkit ang mata ni Lawrence sa kanya, lalong nairita noong nagkibit balikat lang ito sa kanya.

"Seryoso," sagot sa kanya nito. Napalunok ako noong makita ko ang reaksyon ni Lawrence.

His lips was pursed and he was looking down with his arms crossed. I guess he wasn't really expecting that Dominic did not have a back up on his tablet.

"Kahit isang litrato?" mariing tanong ni Laws habang iyon pa rin ang sagot sa kanya ni Dominic.

"Wala talaga." Lawrence then sat down on the beanbag and heaved a sigh.

His gaze went to Dominic and stared at him for almost 10 seconds before looking away. I guess he was very disappointed to know that those memorable pictures they had were long gone. And those moments were only going to remain in their mind as memories.

"What the hell," he muttered under his breath. Kitang kita ko na hindi nangiti at umimik pa si Laws. Nakakuyom ang kanyang mga kamay at mukhang malalim na ang iniisip. Magsasalita sana ako para i-comfort siya ngunit agad kong ikinagulat ang malakas na tawa na galing kay Dominic.

Hawak hawak ang tablet, agad niyang ipinakita ang gallery nito at iniabot kay Lawrence.

"Biro lang. Oo, nasa tablet ko na."

Sinamaan ni Lawrence si Dominic. Itinaas ni Dom ang kanyang mga kamay bilang pagsuko. Bago pa man mapagsabihan ni Lawrence si Dominic ay agad naman siyang pinigilan ni Sean at binago ang usapan. I noticed how Dominic sighed in relief when Sean saved his life by catching Law's attention.

Sean then gave Lawrence a raised eyebrow before raising up the broken camera on his hand. "Sure ka ba talagang ikaw na ang bibili, Laws? I could easily replace this camera of yours."

"It was my dog who broke it after all," dagdag pa ni Sean habang kumunot ang noo. Sumingit naman ako at nakisali sa kanilang usapan.

"Atsaka, paano ka bibili ng bago? Your dad currently puts your account into a hold." Nagulat na lang ako noong hindi ako pinansin ni Lawrence at si Sean lamang ang kanyang sinagot.

"Do me a favor." Tinuro naman ni Lawrence si Pochi, na ngayo'y katabi na ni Dominic sa sofa. Hindi naman siya natahol kaso nakatitig lang siya nang maigi kay Dom. Iyong isa naman, nagtataka lang ngunit may takot na tumingin kay Pochi.

"If you really want to make up for this mess, train your dog." Hindi naman nakasagot si Sean kasi inunahan ulit siya ni Lawrence.

"Susunod naman siguro 'yan sa'yo kasi ikaw iyong may-ari." Isang tango na lang ang ibinigay ni Sean saka nagsalita.

"Actually, about that..." he then trailed off as we then saw Adrian coming back from the kitchen. Teka, 'di ba kanina nandito siya? Napanganga ako nang makita ko na may hawak hawak na siyang isang maliit na cup na may laman na rocky road na ice cream.

Nakatingin lang si Adrian sa amin, nakataas ang isang kilay habang sumubo ng isang kutsara ng kanyang ice cream.

"I was thinking of letting Adrian and Dominic train him." Nang itinuloy ni Sean ang kanyang sinabi, agad na nilunok ni Adrian ang kanyang kinakain at siya na mismo ang naunang sumagot.

Noong nakita ko iyong reaksyon niya, alam ko na kaagad na tatanggi siya.

"Ha? Anong train?" tanong sa kanya ni Adrian.

"Si Pochi raw. Kayo ang magte-train sa kanya," pinaliwanag ko naman habang kumunot ang noo ni Adrian at umupo sa sofa.

"Bakit hindi na lang ikaw? Dinamay mo pa kami." Pagkatapos niyang magsalita, pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya sa ice cream at si Dominic naman ang sumang-ayon

"Oo nga, bakit kami?" saad ni Dominic kay Sean habang napakamot lang ng ulo iyong isa. Sean wasn't sure how to answer.

I could see that he was looking at Lawrence first but the other one just ignored his gaze.

Noong makita naman niya na naghihintay sina Dominic ng sagot, wala siyang nagawa kundi huminga nang malalim.

"I can't. Marami akong inaasikaso ngayon kaya halos isang linggo kong hindi maaalagaan si Pochi," pinaliwanag ni Sean sa kanila. Kung walang mag-aalaga at magtuturo kay Pochi, ako na lang mismo.

Itinaas ko ang kamay ko pagkatapos. "I'll take care of Pochi!"

"No. Your dog needs someone scary and fast enough to catch him while I'm gone." Mas lalong umigting iyong sama ng tingin ng dalawa sa kanya.

"Kaya ba kami ang pinili mo?" tinanong ni Dominic.

"Oo, mabilis kasi kayong dalawa. Kapag nakatakbo iyan, alam kong kaya ninyong hulihin ulit." Nagkatinginan sina Dominic at Adrian sa isa't isa bago binalik ang atensyon kay Sean.

"Hindi ko malaman kung ma-ooffend ako do'n sa scary na part na sinabi niya. Nakakatakot ba talaga tayo?" Nagkibit-balikat naman si Dominic kay Adrian.

"Siguro." Ngumiti na lang si Sean habang umalis naman si Laws at pumunta sa kusina - siguro nagutom o nauhaw rin. Pero iyong dalawa, nanatili lang at naghalumbaba.

"Ano, papayag ba tayo?" Nakakunot ang noo ni Dominic na tanong habang sumubo lang si Adrian ng isang kutsara ng kanyang ice cream, inubos ito bago pa sumagot.

"Bakit? May bayad ba?"

Narinig naman kaagad ito ni Sean kaya tumango siya sa dalawa. "I'll give your monthly salary to your debit cards if you take care of Pochi properly."

"Bakit ba laging pera ang tanong niyo ngayon?" Agad na sulpot muli ni Laws na may hawak hawak na baso sa kanyang kanang kamay.

"'Di ba naghihirap ka ngayon, Laws? Sa ganitong paraan, makakatulong na kami," ani ni Dominic habang tumanggi kaagad si Lawrence noong marinig niya iyon.

Hindi ko naman siya masisisi. Halata sa kanya na hindi talaga niya gustong manghingi o tumanggap ng tulong.

"Gamit ang pera ni Sean? No thanks. I can earn money in my own ways." Napasimangot at huminga na lamang nang malalim si Dominic nang marinig niya iyon mula sa bibig ni Laws.

Siguro inakala niya na tatanggapin ito ni Laws kapag ginawa iyon kaso ang nangyari, hindi na lang siya pinansin pa ni Laws at napagsabihan sa huli.

"Ikaw na nga iyong binibigyan, ikaw pa 'tong mapride. Grabe," reklamo ni Dominic bago siya napahalukipkip. Hindi naman umimik si Adrian sa away ng dalawa kundi tumayo at pumunta muli sa kusina para itapon iyong cup.

Makalipas ang ilang minuto, inisip ni Sean na sirain ang katahimikan namin.

"So, payag na kayong maging caretaker ni Pochi?" Doon nabahala si Dominic at Adrian. Kitang kita ko pa na sumilip si Adrian at agad na binigyan ng masamang mukha si Sean.

"Caretaker? Grabe naman 'yang tingin mo sa amin. Pwede mo naman 'Dog Trainers' para may dating pa rin," sagot ni Dom sa kanya. Hindi na lang ito pinansin ni Sean at nagkibit balikat.

"Okay, fine. Trainers." Noong matapos itong sabihin ni Sean, nagulat ako nang tumayo si Dominic at inilagay pa ang kanyang kamay sa dibdib.

"Ako pa, kaya ko si Pochi. Kaya nga tinawag na dog trainer, eh. Magaling 'to. Wala ka dapat alalahanin, Sean."

Magsasalita sana ako kaso isinali na rin niya ako sa usapan. "Ikaw rin, honeybabes. Don't worry, isang Dominic lang naman 'to."

Isang malakas na boses naman ni Adrian ang umalingawngaw sa kusina - na kanina pa palang nakikisawsaw sa usapan. "Kung si Natasha nga kinaya niya, si Pochi pa kaya!"

"Hoy, walang ganyanan, X. Iba na 'yan."

"Just saying."

Noong nakita ni Sean ang kalagayan ni Pochi - na hanggang ngayo'y nakaupo lang sa sofa, agad siyang nagdesisyon. Nginitian lang niya ako bago siya nagsalita.

"I'll probably stay in the penthouse for today. Dapat pupunta ako sa mom ko pero siguro kailangan pa rin ni Pochi ng tour dito."

Dumating naman si Lawrence kasama si Adrian at agad niyang sinagot si Sean. "Don't worry, Sean. We can manage. Puntahan mo muna si tita Sivel. Baka magtampo pa 'yon sa'yo."

"Are you sure? I mean, I can just call her---" Umiling iling naman sa kanya si Laws.

"Kaya na namin 'to. You can entrust Pochi to us." Hindi pa sigurado si Sean sa sinabi ni Laws pero noong tumingin siya sa akin at tumango ako, saka lang niya naisip na pumayag sa kagustuhan nito.

"If you say so," saad niya bago tumingin muli sa akin.

"Abby, bantayan mo rin si Pochi, okay?" Binigyan siya ng isang matamis na ngiti at saka umupo sa tabi ni Pochi para ipakita sa kanya na okay lang talaga na maiwan sa akin ito.

"As always, Sebbie." Nagtaka naman ako nang sabay sabay na tumingin sa akin ang tatlo bago pa umalis si Sean sa penthouse.

"Kunin ko lang ang foodbowl ni Pochi sa sasakyan," aniya habang hinahaplos ko ang ulo ni Pochi bago sumagot sa kanya.

"Okay."

Noong makalabas na siya at isinara ang pinto, agad na dinumog ako ng dalawa para tanungin ako. Kaso si Lawrence, nanatili lang walang imik sa sitwasyon at mas piniling tumingin sa labas para makita ang view.

Naunang lumapit sa akin si Adrian. His arms were crossed and was looking directly at me with a raised eyebrow.

"Sebbie? The fvck? Kailan mo naman napag-isipang tawagin siya ng gano'n?"

"Bakit? Anong gusto mong itawag ko sa kanya?" tinanong ko naman siya habang si Dominic naman ang sumagot para sa kanya.

"Pwede namang Sean - katulad ng tawag namin." I just shook my head.

No, that was unfair.

Naging kaibigan ko pala si Sean noong bata pa kami tapos hindi ko man lang siya pasisiyahin ngayon? That could break his heart. Kung tutuusin, mas matagal pala ang samahan namin.

"He's my childhood bestfriend. Kaya gusto ko lang ibalik ang dati kong tawag sa kanya." Napakamot na lang sa ulo iyong dalawa.

"Paano naman kami?" Nagkasabay naman sila sa pagtatanong kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Anong paano naman kayo?" Nagtaka akong bigla.

"Bakit siya lang? Hindi mo rin ba kami bibigyan ng nickname, honeybabes?" tanong sa akin ni Dominic.

"'Di ba tawag ko sa'yo ay Dom?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"Masyado namang simple no'n," reklamo pa niya sa'kin.

"Buti nga iyong sa'yo, pinaikli. Iyong akin buo, eh." Agad na sinamaan ni Adrian si Dominic ng tingin. Kumunot lang ang noo ni Dom sa kanya.

"Malamang. Alangang itawag niya sa iyo ay Dri," malokong sagot ni Dominic sa kanya kaya agad na gustong hilahin siya ni Adrian kaso tumakbo kaagad ito pataas.

"Alam mo, nakakailang biro biro ka na sa akin. Bumaba ka rito!" sigaw ni Adrian habang binigyan pa ng banta si Dom gamit ang kanyang kamay.

"Batukan lang kita ng isa. Iyong malakas lakas na."

Habang nag-aaway sila, hindi ko na namalayan na nakaalis na si Pochi at hindi ko na siya katabi. Tiningnan ko kung nasa kusina siya kaso walang nandoon.

"Guys, nasaan si Pochi?" Lumingon kaagad ang tatlo - kasama na rin doon si Laws - noong marinig nila ang tanong ko. Nabahala kaagad ang dalawa kaya agad na tumigil sa pag-aaway.

Makalipas ang isang segundo, sumigaw bigla si Adrian noong marinig niya na may nabasag sa taas at itinuro naman ito ni Dominic.

"Teka, iyong kwarto ko!" Parehas silang tumakbo roon kaya nag-alala ako.

Sana naman walang nasira si Pochi.

Dahil na rin sa pag-aalala, naisipan kong sumunod kaso bumaba kaagad ang dalawa. Hawak hawak sa kamay ni Adrian si Pochi - na ngayon ay may T-shirt na nakalagay sa bibig.

Kukunin sana ni Dominic ang kanyang damit ni Adrian kaso nagngitngit lamang at nairita si Pochi kaya inilayo kaagad ni Dom ang kanyang kamay.

"Pwede bang ilayo niyo ang asong 'to. Nagkalat sa kwarto ko," saad ni Adrian habang pinagalitan ko kaagad si Pochi.

Kinuha ko na rin ang damit niya - na agad ibinigay nito at inilabas ang dila nang nginitian ko ito.

"Pochi, huwag mo na ulit uulitin 'yon ha. Masama 'yon." Lubos ko namang ikinagulat noong iniharap ni Adrian si Pochi sa kanya at binigyan ng masamang titig.

"Isa pang kalokohan mo, ibibigay ulit kita sa tunay na amo mo." As if on cue, Pochi just smiled at him and urinated on his current shirt.

Napanganga kaming lahat nang inihian siya ni Pochi at nakita kong masama na rin ang reaksyon ni Adrian dito.

Halata sa mukha ni Adrian na galit na galit na siya habang binalewala lang ito ni Pochi.

Agad naming tinakpan ni Dominic ang aming ilong para hindi namin maamoy ang ihi ni Pochi.

Lumayo na rin kami kaso isang malamig na titig ang binigay sa'min ni Adrian noong makita niya ang reaksyon namin.

"Adrian---" nautal akong bigla. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Ibinaba kaagad ni Adrian si Pochi sa sahig at nandiri.

"Kukuha na lang ako ng bagong damit. Liligo na rin ulit ako. Kayo na ang bahala sa Pochi na 'yan." Pagkatapos niyang sabihin iyon, bumalik siya sa taas.

"Lintek na," naiiritang sambit niya habang naakyat sa hagdan.

Nagtinginan kaming tatlo habang walang nagawa si Dominic kundi siya na mismo ang kumausap kay Lawrence.

"Ano sa tingin mo, Laws? Bibilhan natin ng diaper?" Humigop lang si Lawrence ng kanyang inumin at agad na naghalumbaba. Halata sa kanyang ekspresyon na nag-iisip pa siya.

Nakakunot ang noo, agad naman siyang sinagot ni Laws. "Hindi naman mainam na palagi siyang nakadiaper."

"Si Adrian tinutukoy natin dito, Laws. May OCD siya. Kaya malinis 'yan sa kanyang sarili at sa paligid niya," paliwanag naman ng isa sa kanya.

"Tapos iihian lang ni Pochi," dagdag pa nito bagp tumuro sa taas kung saan nagtungo si Adrian.

"Tingnan mo, diretso sa CR kaagad."

Umiling iling lang si Lawrence at inubos kaagad ang kapeng iniinom niya. "Maybe. Pero tanungin ko na rin kay Sean ang tungkol dito."

After a few minutes, Sean opened the doors once more - holding a green food bowl on his right hand.

Tiningnan niya kaming lahat at agad na nakita ang aming mga ekspresyon. As if he already knew, he asked us.

"What did I miss?" Agad naman nagkibit balikat sa kanya si Dominic.

"Inihian lang naman ni Pochi si Adrian." Nanlaki kaagad ang mata ni Sean. Hindi naman ito dahil sa gulat kundi dahil sa pag-aalala.

Siguro alam din niya kung anong magiging epekto nito kay Adrian. Habang ako, nagtataka pa rin.

Bakit kaya gano'n kung maka-react iyon?

Nakasimagot kaagad kay Pochi, nilingon muli niya ang dalawa. "Nasaan si Adrian ngayon?"

"Nando'n sa taas, siguro naliligo ulit," ani ni Dominic.

Agad naman nilapitan ni Sean si Pochi at siya mismo ang lumuhod para kausapin niya ito.

Hindi naman naiwasan ni Pochi na tumakbo papunta sa kanya.

"Pochi, bakit mo ba ginawa iyon? I already told you to behave," pinagsabihan niya habang nagsalita naman ako para malaman nila na kung ano ang balak ko.

Mas mainam siguro kung ako na mismo ang mag-asikaso sa pangangailangan ni Pochi.

"Siguro pupwede naman akong pumunta sa supermarket para makabili ng diaper para kay pochi." Nang marinig ito ni Sean, ibinaling niya ang atensyon sa'kin.

"No, I don't want you to tire yourself for Pochi. Ako na ang bibili."

"Sean, you don't have to," tanggi ko kaagad kaso hindi talaga niya ako hinayaan.

"Promise, kaya ko na 'yan."

Narinig ko naman na tumikhim bigla si Lawrence kaya napataas ang isang kilay ni Dominic sa kanya.

His eyes were almost trying to seperate us both when he had his gaze fixed on the both of us.

"You know, I can just order online since I have---" Nasiko naman siya ni Dominic.

"Hay nako, manahimik ka na lang diyan, batas. Wala kang pera," sagot kaagad ni Dominic sa kanya habang naghalukipkip si Lawrence sa irita.

"I still have savings, Dominic."

"Hindi sapat 'yon."

Napangiti na lang si Sean sa kanila bagp tumingin sa kanyang relo. "O, siya. Una na ako. I'm going to buy Pochi's needs."

Agad naman kaming tumango sa kanya habang naglakad siya palabas at kitang kita na sumakay muli sa sasakyan.

And after that, Adrian came back wearing a red shirt with a skull design on the middle. Tinuyo tuyo rin niya ang basa niyang buhok gamit ang tuwalya at akmang sinamaan ng tingin si Pochi.

"Nakakagigil na asong 'yan," saad niya habang nairita muli si Pochi at pinakita pa ang malilit na ngipin sa galit kay Adrian. Hawak hawak ang tuwalya, ginulat niya si Pochi gamit nito kaya napalayo itong bigla.

"Don't worry, X. Bibili raw si Sean ng diaper para kay Pochi," sinabi sa kanya ni Dominic. Nag-thumbs up lang naman si Adrian bago nilagay ang kamay sa bulsa ng gray sweatpants niya.

"Dapat lang. Marami na naman akong lilinisin sa taas," kwento lang niya bago nagsalita muli.

"Walang pupunta doon ha. Maglilinis pa ako," dagdag niya habang tumango kami. Kung iyon ang gusto niya, wala rin kaming magagawa. Noong makabalik si Adrian sa taas para ayusin lahat ng ikinalat ni Pochi, agad kong tinanong si Dom.

"Nga pala, Dom. May binanggit ka tungkol sa OCD. What about it?"

Nang mapansin niya ako, sinagot naman niya ako gamit ang kaalaman niya tungkol sa kanyang kaibigan.

"Nagkaroon siya ng OCD simula noong iwan siya ng mom niya," sinimulan ni Dominic habang kumunot ang noo ko sa kanyang sagot.

Teka, anong sinasabi nito? Iniwan siya ng mom niya noong bata pa siya.

Naisip ko na may posibilidad kasi iyon ang nakita ko sa picture frame niya - nasa maliit na desk niya sa loob ng kwarto.

"It was new year when his mom left him. Wala na kaming narinig na balita tungkol sa kanya no'n pagkatapos," si Lawrence naman ngayon ang nagpatuloy sa mga sinabi ni Dom.

"Kaya nakiusap sa akin si Adrian na dito na muna siya tutuloy," sinabi sa akin ni Lawrence. Noong tumingin ako sa taas, agad kong naramdaman na naririnig kami ni Adrian.

May posibilidad naman kasi malapit lang siya. Pangalawang kwarto lang siya kaya hindi na ako magtataka kung mahuli pa niya kaming nag-uusap tungkol sa kanyang nakaraan.

Dominic then snapped his fingers to catch my attention back at him. Namula naman ang pisngi ko dahil sa hiya habang seryoso lang siyang tumingin sa akin ngayon.

"His father's an alcoholic. Babaero rin."

"Kaya minsan, hinahayaan na lang namin kung anong gusto niyang gawin," saad ni Lawrence. Siguro alam niya kung gaano nakaka-pressure kapag family problems na ang pinag-uusapan.

"Siya lang ang mahilig maglilinis ng penthouse. Kapag sasabihin namin na kaya na naming maglinis, hindi siya napayag at sinasabi niyang hindi pa gano'n kalinis," ani ni Dominic.

"At first, we thought he was insulting our cleaning skills," dagdag pa ni Lawrence pero agad naman niya ito tinawanan at binalewala.

"Pero noong kinausap namin siya, sinabi niya na doon niya lang nailalabas ang stress niya sa paglilinis," paliwanag ni Dominic.

"He even mentioned his mom. Kapag daw nalilinis niya iyong penthouse, parang nawawala ang lahat ng alaala niya noong kasama pa niya ang mom niya," wika ni Lawrence.

Hindi ko alam kung bakit pero agad akong nanghina. Masakit iyon na mawalan ka ng isang ina dahil iniwan ka.

Pero iyong tipo na hindi mo siya kakausapin at unti unti mong buburahin ang alaala niya, masakit 'yon para sa side naman ng kanyang ina - kung may balak pa siyang bumalik sa buhay ng kanyang anak.

"We wanted to actually tell him that memories can't be forgotten. At kahit itanggi naman niya na hindi na niya mahal ang mom niya, alam namin na namimiss pa rin niya," tugon pa ni Laws habang tumango lang si Dom sa kanya.

"Pero ayaw rin namin siyang masaktan. It's better not to force him to forget his mom. Gusto namin na siya na iyong unti-unting tumanggap."

Umupo na ako sa sofa at hinayaan na mag-iikot si Pochi - basta iyong nandoon siya at madaling makuha kapag naging makulit.

"That's what we know all about him. Kung gusto niyang mag-open up, siguro masasabi na niya ang lahat."

Tumango naman ako, unti unti kong naiintindihankung bakit ganoon lago ang reaksyon ni Adrian.

"His OCD...what kind?" I was curious so I couldn't prevent myself from asking. Marami kasing klase ng OCD kaya mas madali kong ikaklaro na kaagad.

"Contamination and Symmetry. Iyon lang sinabi sa amin ng kanyang doctor," sinagot naman ako ni Lawrence tungkol dito.

Pinaliwanag naman niya ang lahat. "Sa contamination, hindi siya mahilig sa dumi."

"Naalala mo pa ba noong nasa Les Cartes tayo? Humihingi siya ng wipes?" singit na sagot ni Dominic.

Lawrence even added to his reply."Or noong party ni Nadine. Noong niyakap siya."

"At ngayon. Kay Pochi naman."

Nakakunot bigla ang noo ko nang maalala ko iyong disinfectant spray na nakapatong dati sa desk ni Adrian. "Kaya rin ba siya may Lysol sa loob ng kwarto?"

Tiningnan naman ni Lawrence si Dominic habang nginitian lang ako at nagkunwaring inosente. "Birthday gift ni Dominic sa kanya noong March 13."

"Birthday gift mo?" sinigurado ko pa kaya nagulat ako nang husto noong hindi tumanggi si Dominic sa akin.

"Natuwa naman siya," giit pa niya sa akin.

Kumunot ang noo, sinunod ko na ang isa pang tanong na umikot bigla sa isipan ko. "Paano naman po sa symmetry type of OCD naman?"

"Alignment ng gamit."

Tumango tango lang ako bilang sagot."Kaya pala inaayos niya palagi iyong ayos ng gamit niya tapos halos magruler pa siya. Akala ko perfectionist lang."

"Akala mo lang iyon," nakangising saad ni Dominic sa'kin.

Nang tumingin si Lawrence sa orasan, agad siyang nagsalita. "It's almost lunch. Magluluto na ako."

"Dito ka na mag-lunch, Abby," sinabi ni Dominic habang hindi na niya ako pinasagot dahil dinagdagan niya muli ito.

"Sabi naman ng kuya mo na 7pm ka babalik. Wala naman siyang sinabi na ibalik kita ngayong lunch."

Wala na naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Pero noong tumingin ako sa paligid, agad kong naalala si Adrian. Looking at Lawrence, his gaze almost told me that he could read my thoughts. And he actually spoke what was on my mind.

"Mamaya pa 'yon matatapos."

Tiningnan si Pochi, agad kong nakita na hindi siya nakatingin sa akin. Nakalabas ang dila niya pero itinikom niya ulit ito niya nang pumunta na iyong dalawa sa kusina.

Siguro gutom na rin ito...

"Pochi, gutom ka na?" tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya noong una pero mukhang naintindihan naman niya ako.

Nang tanungin ko kasi siya, agad naman siyang tumakbo para kunin ang kanyang food bowl.

Akala ko nga na itatapon niya iyong kanyang kainan katulad ng ginawa niya kay Sean pero inabot lang niya ito sa akin.

Noong kinuha ko na ito, inilabas niya ang kanyang dila at agad na nag-iikot sa akin.

Agad naman akong napangiti noong sumunod lamang sa akin si Pochi at hindi naging makulit.

But still, I was worried that he might cause more trouble to the L.A.D. Gazing back at the two, I know what I have to do.

Instead of letting them train Pochi, I'll teach him secretly as well.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro