Kabanata XVI: The Penthouse

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

"Well, here we are," sambit ni Dominic bago niya itinigil yung sasakyan ko sa harap ng isang penthouse. Bumaba kami parehas at kinuha kong muli yung susi ko sa kanya — hindi pa rin inaalis yung tingin ko sa malaking building na nasa harapan ko.

Kung hindi niyo maintindihan kung anong nanyayari, nandito na kami sa Penthouse or the LAD's base. Well, that's what Dominic called it.

Isang mataas na building ang aking nakita sa aking harapan. Agad umuna sa akin si Dominic sa akin kaya agad na lang ako sumunod. Noong makapasok na kami, agad siyang pumunta sa isang elevator at inilabas ang card niya papunta sa penthouse.

Makalabas ng elevator, isang malaking pinto ang nakaharap ko. May mga christmas lights na nakalagay sa labas at kitang kita ko yung iba't ibang kulay na binibigay nito.

"Tara, pasok na tayo."

Unang una pa lang ay nakita ko na ang mga sides ng salamin ay kulay tsokolate at walang kurtina kundi isang remote controlled na shutter.

Ngumiti sa akin si Dominic at sinamahan ako sa loob. Nakita kaagad namin si Adrian na nagda-darts sa living room. Noong napalingon siya, gulat na gulat siyang tumingin sa akin bago niya ibinalik yung tingin niya kay Dominic.

"Dom, bakit mo siya dinala dito?" tanong ni Adrian kay Dominic, iritang irita. Yung dalawang kamay niya'y naka-cross at yung tingin niya'y nakakamatay. Tumingin siya sa aming dalawa ni Dominic, seryosong seryoso. Hawak hawak pa rin niya yung tatlong darts sa isang kamay at yung handkerchief niya sa isa pang kamay.

"Saan mo naman gusto siyang dalhin? Sa amin?" tanong ni Dominic habang nag-shrug lang si Adrian sa sinabi niya. Nakatayo lang ako doon, 'di sure kung anong pwedeng gawin ko. Tiningnan naman ako ni Dom bago siya nagsalita.

"Maglakad-lakad ka muna sa taas or kung saan man, Abby. Susunod na lang ako mamaya, 'kay?" sambit niya sabay tumango naman ako at lumakad sa taas, rinig ko pa ring nag-aaway sila sa ibaba.

Tiningnan ko yung mga paintings na nasa pader ng hallway habang naglalakad lakad ako. Ang bukod tanging nakakuha ng interest ko ay ang isang painting sa may gitna ng hallway. Lumakad ako nang ilang hakbang at tiningnan itong mabuti.

Isa itong painting ng milky way at puro bituin na nakinang. Ang napansin ko lamang na kakaiba dito ay parang basa pa ito. Yung tipong parang bagong ginawa lang. Isang signature ang nasa ibaba kaya tinitigan ko ito nang mabuti para mabasa.

Isang D.A.Y ang nakalagay dito kaya napakunot yung noo ko noong nabasa ko ito. Sino si Day? Nagulat na lang ako nang may narinig akong tao sa likuran ko. Lumingon akong bigla at nakita si Dominic na natataranta.

"Dominic, okay ka — " na-interrupt naman niya ako.

"Magtago ka doon sa isa sa mga rooms. Bilis!" tinulak naman niya ako doon sa dulo at binuksan yung pinto ng isa sa mga kwarto. Nagulat naman ako noong itinulak niya ako paloob at tumigil bago niya isara ang pinto.

"Nandiyan na si Lawrence." nagitla naman akong bigla noong isinarado niya yung pinto, rinig na rinig ko siyang tumatakbo pababa. Tumingin ako sa room at napansin na malinis at maayos yung mga gamit dito. May isa itong kamang asul at mga mapa sa pader.

Noong narinig ko yung boses ni Lawrence, gumapang bigla ako sa ilalim ng kama at nanahimik. Mga ilang segundo ang nakalipas, bumukas na yung pinto. Kitang kita ko yung sapatos ni Lawrence at isa pang sapatos na kagaya nung suot suot ni Adrian.

"Bakit parang nataranta kayo nung nakita niyo ako? May itinatago ba kayo sa akin?" malamig na tanong ni Lawrence, yung tono niya'y parang nananakot. Noong nagsalita siya, saka ko lang nalaman na hindi pala isang act yung pagkasuplado niya sa kapwa niya.

"Wala kaming tinatago, Laws. Promise," narinig kong sinabi ni Dominic habang naglakad lakad si Lawrence.

Nakita kong naglakad siya nang kaunti at tiningnan yung closet at yung ibang pang mga lugar. Nagitla akong bigla at napasigaw noong tumingin sa ilalim si Lawrence, nakatingin nang maigi sa akin.

"Abby?" tanong niya sabay kumunot ang noo sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya at nag-wave.

"Hi?" sambit ko habang napatawa si Adrian sa akin. Napailing naman si Lawrence at tinulungan akong umalis sa ilalim ng kama. Pagkaalis at pagkatayo ko sa ilalim ng kama ay pinagpagan ko kaagad yung damit ko dahil sa gabok.

Tumingin naman ako sa kanila at sabay nagtanong, "Kaninong kwarto ito?"

Tumingin naman silang tatlo sa isa't isa bago binaling yung atensyon pabalik sa akin. Kaso ngayon, parang nag-iba yung ekspresyon nila. Si Adrian ay parang umiiwas sa tanong ko, yung mata niya'y hindi nakatingin sa akin. Yung kamay naman niya'y nasa bulsa.

Si Dominic naman, nakatingin sa kanyang sapatos na parang interesado siya dito. Hindi siya natingin kung saan saan at hindi itinataas ulo niya para tumingin man sa aming tatlo. Pero kitang kita ko yung ekspresyon niyang parang namatayan.

Mas malala naman si Lawrence.

Si Lawrence, hindi siya umiimik. Yung tingin niya'y nasa sahig ay hindi umaalis. Yung kanina niyang bukas na palad ay ngayong nakatikom. Yung galit sa mga mata niya'y parang nagtatanong kung bakit ko ito pinaalala sa kanya. Yung ekspresyon niya'y malungkot na parang ipinaalala ko ang dapat nang kalimutan.

Noong nakita ko ito, bigla akong humingi ng tawad, "Lawrence, I am so sorry."

Nag-wave na lang siya na parang sinesenyasan ako na okay lang iyon. Pero deep inside, nagsisisi talaga ako kung bakit ko pa itinanong sa kanila 'yon. Pagkatapos nang ilang minuto, nagsalita na si Lawrence.

"Gutom na ba kayo?" umiling kami ni Dominic habang tumango naman si Adrian. Kitang kita ko yung tuwa sa mukha ni Adrian noong umalis si Lawrence para magluto sa baba.

Sumunod naman ako sa dalawa habang naglakad sila paalis ng kwarto. Nakita ko yung wristband nilang parehas at nagtaka. Wait, iba pala yung kulay ng wiistband nila. Bakit hindi ko kaagad ito napansin?

Pula ang wristband ni Adrian habang dilaw ang kay Dominic. Hindi naman ito halata dahil dark color ang ginawa nila dito, hindi yung light ang kulay.

"Nakakain ka na ba ng dumpling?" tanong ni Adrian sa akin habang umiling naman ako. Gulat namang tumingin sa akin si Dominic at napanganga.

"Hindi ka pa nakakakain ng dumpling?" nag-roll bigla ang eyes ni Adrian at binatukan si Dominic. Nagulat naman siya at biglang sinamaan ng tingin si Adrian. Hinawak niya yung likod ulo niya at sabay sumimangot.

"Paulit-ulit?" tanong ni Adrian habang iritang irita siyang tiningnan ni Dominic. Napatawa na lang ako at sabay bumaba ng hagdan.

And then I saw Lawrence in rolled up white sleeves, putting a long blue apron before going to the kitchen.

------

Note: If there are any scenes along with the penthouse being described as a beach/rest house, please note that I am currently fixing those chapters. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro