Kabanata XX: Domi?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Napaubo ako habang inaalis ni Dominic yung malakas na apoy gamit yung fire extinguisher. I could still hear the fire alarm going off as loud as it could and some light footsteps coming from outside. Nagulat na lang ako bigla nang makita ko si Lawrence at Adrian na gulat na gulat bago sila umakyat sa isang upuan at kinuha yung dalawang fire alarm sa dingding.

So that's why it was loud.

Iritang iritang bumaba sina Lawrence sa upuan at ini-off yung fire alarm. Tiningnan ni Lawrence si Dominic na parang makakapatay talaga siya maya maya.

Magsasalita sana si Dominic kaso wala namang lumabas na salita galing sa kanyang bibig. Itinikom na lang niya ito habang nagtatakang tumingin sa akin si Adrian - tila tinatanong sa akin kung anong nangyari.

Mga ilang segundo, nagsalita si Dominic. Yung tono niya'y parang kinakabahan na magsalita. Of course, kung ako 'yon, halos matutunaw na ako sa tingin ni Lawrence dahil sa takot. Hindi ko rin ma-explain yung ekspresyon ni Lawrence sa kanya. Halos isubsob niya si Dominic sa kinalalagyan niya.

"It was an accident, I swear." sinabi ni Dominic habang kitang kita ko yung galit na tingin ni Lawrence, yung mata niya'y naningkit bigla sa irita. Ako naman, nanahimik lang sa pwesto ko, tinatry na tumingin kung saan saan para hindi ko makabangga yung tingin ni Laws.

Nagulat naman ako sa kanyang sinagot, "Ako na ang magluluto. Maghintay na lang kayo sa labas."

Maglalakad na sana kami palayo kaso nagsalita ulit si Lawrence, "At next time Dominic, huwag kang madi-distract. I don't want you to burn this penthouse down."

Tumango naman si Dominic bago kami naglakad palabas ng kusina. Nagulat naman ako noong lumingon si Dominic sa likod, kinuha yung kamay ko at sabay kumaripas ng takbo palabas ng penthouse. I could hear Adrian yelling our names as we went outside and into my car.

I gasped as I heard Adrian banging on the trunk of my car. Dominic looked back and stared at me, muttering a sorry afterwards.

"Sorry kung hinila kitang bigla. Gusto ko kasi kumain tayo sa labas kaysa hintayin natin si Lawrence na matapos sa pagluluto," sambit ni Dominic habang iwinagayway yung susi sa kanyang kamay. Nagulat naman ako at nanlaki ang mga mata.

Paano niya nakuha yung susi ko?!

Pinaandar naman kaagad niya ito habang kitang kita ko si Adrian na lumabas, iritang iritang tumingin sa amin. Yung tipong galit na galit dahil umalis kami habang nagpre-prepare si Lawrence ng pagkain namin.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, nagiging isang blur na lamang ang mga ilaw na aming nadadaanan. Halos kalahating oras na kaming naghahanap ng pwede naming kainan hanggang sa makadating kami sa isang restaurant.

Ini-park ni Dominic ang sasakyan ko sa parking lot sa gilid ng restaurant at lumabas kami parehas, dala dala namin ang aming cellphone. Actually, pagkatingin kong mabuti, napansin ko kaagad na ito yung kinainan namin kahapon.

Tumingin kaming dalawa ni Dominic sa isa't isa bago pumasok sa loob. Amoy na amoy ko pa rin yung aroma na nakapalibot sa loob ng restaurant. Nakita ko naman si Lance na nagse-serve ng mga drinks sa mga customers.

Nang makita niya kami, ngumiti siya at nagmadaling pumunta sa amin. Umupo kaming dalawa ni Dominic sa isang table sa may sulok habang maayos na ibinigay ni Lance ang menu sa amin.

Bago pa ako makapamili, nagsalita bigla si Dominic. "My regular order would do."

Tumango naman si Lance sabay tumingin sa akin. Ako naman, since nahihiya ako na patagalin pa, sinabi ko yung last na inorder ko sa kanya. Ngumiti naman siya habang sinusulat ito at sabay umalis - iniwan na kaming dalawa ni Dominic.

Tumingin sa akin si Dominic habang naghihintay kami. Kitang kita ko yung hiya niya dahil sa nangyari kanina. Magsasalita sana ako sa kanya kaso narinig ko yung chime ng bell sa pinto ng restaurant. Bumaling yung atensyon ni Dominic dito sabay iniwas ang tingin. Nagtaka naman ako kaya tumingin ako sa customer na pumasok.

Isang babaeng naka-heels ang pumasok, yung tingin niya'y umiikot na tila sinusuri ang paligid. Rinig na rinig ko ang pag-click nito habang nasa likuran niya ang dalawang babae na tila puno ng make-up ang mukha. Pinagmasdan ko siya nang maigi at nakita na kulot ang buhok niya at may suot suot na blouse na halatang parang model ang dating.

Nagtagpo yung tingin namin habang tumungo naman si Dominic, takot na takot na mapansin siya ng babae. Hindi niya masyadong tinagalan ang tingin niya sa akin dahil pumunta kaagad ang atensyon niya kay Dominic. Ang mas malala, hindi pa siya nakuntento. Tinanong pa niya ito nang malakas.

"Domi, is that you?" tanong ng babae habang hindi kumibo si Dominic. Halatang halata sa mukha nito ang takot at gulat dahil napansin siya nang babae. Actually, hindi ko alam kung anong relasyon nila sa isa't isa at kung bakit gano'n na lamang ang takot ni Dominic sa kanya. Noong hindi ito sumagot, hindi na nagtanong ang babae at nag-order na kasama ng mga kaibigan.

Bumalik na si Lance, dala-dala ang pagkain namin sa isang tray. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Dominic bago kumunot ang noo. Lumapit siya sa amin habang nginitian ko siya at hinintay na ipatong niya ang pagkain namin sa lamesa. Nang ilagay niya ito rito, tumingin na siya sa akin bago siya nagsalita.

"Anong nangyari? Ba't nakatungo si Dominic?" tanong ni Lance habang tumingin si Dominic sa kaliwa niya bago siya tumungo ulit. Yung tipong sinenyasan kaming dalawa.

Tumingin si Lance doon sa babae bago siya tumango, naintindihan ang sinasabi ni Dominic. Noong nakita ni Lance ang nagtataka kong ekspresyon, sumagot siya.

"That's Natasha Winter. Nat, for short. Siya yung regular customer namin besides Dominic." sabay turo niya doon babaeng nag-oorder. Hindi ito nakatingin sa amin at halata naman na nagtataray siya sa isang employee kasama nung dalawang babae.

Tumingin naman pabalik si Lance, hawak hawak yung tray sa isang kamay at yung isa'y nasa likod ng kanyang batok.

"I'm not really sure if she and Dominic had a relationship or something but all I know is that Dominic hates her." nagulat naman ako nang sumingit si Dominic para sagutin yung sinabi ni Lance.

"I just don't like her, okay? Pasunod sunod siya sa akin na parang nawawalang tuta." nagpatuloy naman sa pagsagot si Dominic. Bakas sa tono ng boses niya yung irita niya doon kay Natasha.

"Isa siyang desperadang babaeng kulang sa atensyon," sambit ni Dominic bago niya kinain yung inorder niya. Hindi ko na lang ito sinagot kaya kumain na lang din ako. Umalis naman si Lance dahil may tumawag sa kanya na customer.

Nagulat na lamang ako nang mabilis kumakain si Dominic na parang nagmamadali. Binilisan ko na lang din dahil hindi ko sure kung nagmamadali kami o kailangan na namin umalis.

Nang matapos kami, sinenyasan kaagad ni Dominic si Lance para magbayad. Lumapit sa amin si Lance at ibinigay ni Dominic yung bayad sa kanyang kamay. Hindi ako sigurado kung talagang naiirita siya sa babaeng iyon o nagmamadali siya dahil nakita niya si Natasha. Nagitla naman ako nang hilahin ako ni Dominic palabas ng restaurant.

Isa namang boses ng babae ang nag-echo sa restaurant. Rinig na rinig ko yung pagtawag niya sa amin.

"Domi? Domi!" sigaw nung babae bago siya tumayo at sumunod sa amin. Binilisan naman ni Dominic ang lakad niya habang hawak hawak pa rin yung kamay ko. Actually, hindi ko nakitaan ng ganitong ugali si Dominic. I mean, sa ibang mga babae, friendly or either malandi siya.

Pero ngayon, umiiwas siya.

Nang hindi ako makasunod, nagulat ako nang buhatin niya ako bridal style bago niya binilisan ang paglalakad sa sasakyan. Nagtaka naman ako nang makita si Lawrence sa labas ng restaurant, nasa tabi ng kanyang sasakyan. Si Adrian naman, inalis yung kanyang helmet at umalis sa motor niya - halatang kakadating lang nila. Kumunot kaagad ang noo ni Adrian nang makita niyang dala dala ako ni Dominic na kaagad sumakay sa sasakyan.

Sinarado ni Dominic yung pinto at tumingin sa side mirror. Lumingon ako pabalik at kitang kita ko na iritang irita naghahanap si Natasha sa labas ng restaurant. Yung tipong hinahanap niya'y importante. Nakita niya bigla sina Lawrence at lumapit sa dalawa. Rinig ko silang nag-uusap habang nakangising tumingin si Adrian sa amin.

Nagmura ng kaunti si Dominic habang binuksan ko yung bintana para marinig ang pinag-uusapan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro