Kabanata XXIV: He's Mine

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Nang lumapit sa akin si Natasha, binigyan niya ako ng masamang tingin. What the hell? Anong problema ng babaeng ito sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nang malapit na malapit na talaga siya sa amin, kinuha niyang bigla yung kamay ni Dominic bago hinila palapit sa kanya.

Ang problema lang ay hindi naman gumalaw si Dominic at nanatili siya sa tabi ko. Kitang kita ko yung iritang tingin ni Dominic pabalik sa kanya. Nagulat naman si Natasha nang hindi niya nahila si Dom.

"Domi!" sigaw ni Natasha habang iritang iritang tumingin kay Dominic. Hindi naman ito pinansin ni Dom at nanatili sa kanyang kinatatayuan. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata nang hindi niya gusto si Natasha.

Tinitigan lang ni Dominic si Natasha bago siya nagsalita, "Bakit mo ba ako sinusundan, Natasha?"

"What do you mean, Domi? I can clearly see that your feelings towards me had changed," sinabi ni Natasha habang nilapitan niya si Dominic. Laking gulat ko na lamang nang umatras ito sa kanya. Nakalagay yung dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Dominic sa kanya habang ngumiti lang si Natasha sa kanya. Halatang nanlalandi.

"I can see the way you flirt with every girl around this campus. Pero hindi mo magawa sa akin iyon." lumapit ulit sa kanya si Natasha at umatras ulit ito. Kitang kita ko na hindi interesado si Dominic na makipag-usap.

"Kitang kita ko rin na palagi kang umiiwas kapag nakikita mo ako. Minsan itinatago mo pa yung mukha mo gamit ang cap mo." umiwas lang ng tingin si Dominic bago niya ulit ito binalik sa babae na nasa harapan niya. Hinintay naman niya itong matapos ngunit lumapit ulit ito sa kanya.

And this time, he pushed her away. In a gentle way, of course. Siguro napagod na rin siyang umatras nang umatras.

"And that clearly states that you like me, Dominic." kumunot lang yung noo ni Dominic bago siya tumawa. Hindi siya yung normal na tawa kundi yung parang nakakaloko. Nagulat lang si Natasha sa kanyang reaksyon habang patuloy lang tumawa si Dom.

"Assumera ka palang babae ka," patawang sinabi ni Dominic bago niya ulit ito sinundan.

"Since kailan ko naman ginusto ang babaeng kagaya mo?" sagot ni Dominic bago niya ito tinaasan ng kilay. Nagulat naman ako nang nawala yung ngiti ni Dom at bigla siyang nagseryoso.

Gulat na tumingin si Natasha sa kanya na parang nagtataka kung nasiraan na ito ng ulo. Of course, Dominic's expression remained. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung galit ba siya o nagloloko lamang. But, I could clearly see him being serious for the moment before looking at me with those sincere eyes.

And that did it.

Lalong nagalit si Natasha sa akin at binigyan ako ng nakakamatay na tingin na halos matunaw na ako sa kinatatayuan ko. At hindi ito maganda para sa akin. Napansin naman ito ni Adrian kaya sinubukan niyang kumawala sa hawak ng dalawang babae sa tabi niya.

"Ikaw," bulong ni Natasha habang malalim itong binanggit na may halong kamandag sa kanyang pagkakasalita. Ito lamang ang sinabi niya bago niya ako tinulak. Nagulat naman ako ngunit nahagip kaagad ako ni Dominic bago pa ako matumba.

"What the hell, Nat?" sigaw ni Lance at bigla siyang pumunta sa unahan ko para sanggahan ako. Nakita ko yung galit na tingin niya na kapantay naman sa irita ni Dominic.

Inirapan naman siya ni Natasha bago siya sumagot, "Huwag kang makisali dito, Lawrence Jr. Hindi ikaw ang kausap ko."

Pagkatapos noon, tinulak niya sa gilid si Lance at biglang binalik ang kanyang atensyon sa akin. Hindi pa rin nawawala yung galit sa kanyang mata kaya alam ko na kaagad na matindi ang galit niya sa akin. Kahit wala naman talaga akong ginagawa.

"How dare you steal my man," patuloy niya habang nagulat ako at tumingin kay Dominic. Binigyan ko siya ng tingin na agad niyang nabasa at naintindihan. Umiling naman siya bago niya hinarap si Natasha. Kinuha niya ang braso nito na ikinagulat ng lahat ng mga kaklase ko sa classroom.

Masama niya tiningnan si Natasha habang hawak hawak niya ang braso nito, "Steal your man? Hindi mo ako boyfriend, Natasha."

"I was never your man, desperadang babae ka," bungad ni Dominic bago niya ito binitawan. Bumakat sa braso ni Natasha ang mahigpit na kapit ni Dominic at biglang itong nag-iwan ng pulang marka. Kitang kita ko ang gulat ng dalawang babae kaya't binitawan nila si Adrian at agad na nilapitan ang kanilang kaibigan.

"Domi," nangiyak ngiyak na sambit ni Natasha habang lumapit si Adrian sa kanyang kaibigan. Tinapik niya ito sa balikat ngunit hindi man lang tumingin si Dominic sa lalaking katabi niya at mas lalong binigyan si Natasha ng malamig na tingin.

Halata kong nasasaktan na si Natasha kaya tinapik ko na rin yung balikat ni Dominic para makuha ang kanyang atensyon.

Tumingin ako sa kanya at nagseryoso, "Malapit nang magsimula ng klase namin. I think it's time for you guys to leave."

Tiningnan niya si Adrian bago niya ulit ako tiningnan. Tumango lang naman siya at biglang sinenyasan si Adrian na oras na nilang umalis. Yung dalawang babae naman, hinila na lang si Natasha palabas dahil nakita nila si Sir Fern sa pinto.

Nagtaka naman ito sa kanila at binigyan sila ng tingin. Naglakad naman ito papunta sa kanyang desk bago niya inilagay ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. Bago naman niya ito inayos, tumingin si Sir Fern sa amin dalawa ni Lance.

"Do you both know what happened?" tanong nito sa amin habang parehas kami ni Lance tumingin sa isa't isa bago umiling kay Sir Fern. I guess we weren't ready to explain. Hindi kasi ito yung magandang oras para sabihin kay sir ang mga nangyayari sa kanilang anim. It would only cause a lot of problems in the mere future.

After all, I'm probably the main reason why all of this happened.

Pumunta na kaagad kaming dalawa ni Lance sa aming mga upuan nang nagsipasok na ang aming mga kaklase. Tumingin lang sa kanila si Sir Fern bago siya nagsimula ng discussion.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro