Kabanata XXXII: Goodbye

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

"At gusto kong ibigay niyo na siya sa akin ng maayos," ipinagpatuloy ni Sean habang napatigil ako. Was he talking about me? I mean, I was the girl in the picture. Nagulat naman ako nang kunin ni Dominic ang suitcase niya at itinapon ito sa kanyang harapan. Si Sean, halatang nagulat sa malakas na pagkakabagsak ng suitcase niya.

"Maayos? Oh ayan. Iyan ang mga gamit mo," seryosong sinabi ni Dominic habang hinataw ko naman ang kanyang bisig. Nang nakita ko na kinukuha ni Sean ang kanyang gamit, lumuhod ako sa kanyang tabi at tinulungan siya.

Tiningnan naman niya ako ng maigi, 'yong biloy niya sa pisngi ay bigla kong nakita nang ngumiti siya sa akin. Napansin ko naman ang mga tingin sa likod ko nang patuloy kong kinukuha ang mga gamit niya at inilalagay sa loob ng suitcase niya.

"Thank you, Abby." Napansin ko naman na hindi man lang tinutulungan nina Lawrence si Sean. I guess they all had a rough past. It's better not to question it, though. Bigla ko naman naramdaman na hinila akong bigla kaya't ibinalik ko ang tingin ko. Nakita ko ang masamang tingin ni Adrian kay Sean bago siya nagsalita.

"Don't help him," sambit ni Adrian habang nagpumiglas naman ako. Pagkatapos ilagay ni Sean ang kanyang mga gamit sa suitcase niya, itinaas niya ang kanyang tingin at biglang tumayo. Nakakuyom ang kanyang mga kamay ngunit halata ko na sinusubukan pa rin niyang maging kalmado.

"Let her go, X. She was mine in the first place," tugon ni Sean habang sinusubukan akong hilahin pabalik. Panay naman ang galaw ni Adrian, hila hila ako papunta sa kanya.

Napatingin kaagad ako kay kuya na halos makakapatay na siya ng tao. Nakatayo na siya at nakakuyom ang dalawang kamay – handang handang suntukin si X kung kinakailangan. Galit na galit niyang tiningnan si Adrian habang hila hila pa rin niya ako sa beywang, hindi man lang ako hinahayaang makapumiglas.

"Wala akong pakialam kung sino man ang nauna sa atin." Sa galit ko, siniko ko siyang bigla at tumakbo kay kuya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit, sinasamaan ng tingin silang apat.

"Can you just leave my little sister alone? Para kayong mga asong nag-aagawan sa isang buto." Tiningnan ko naman si kuya at agad niyang pinaupo ako sa tabi niya. 'Yong tatlo naman, hindi na tuluyang pinaupo si Sean.

"This is also my penthouse, Laws. You can't just kick me out!" sigaw nito habang kalmadong tumayo si Lawrence at hinarap siya.

"Hindi na ngayon. Umalis ka na lamang ng walang paalam sa amin. You can't even explain why you left us so sudden, Sean." sagot ni Lawrence bago siya nagpatuloy.

"And that stubborness violated a law," malamig niyang itinuloy habang nanlaki ang mga mata ni Sean. Bakas sa kanyang mukha ang galit at gulat niya sa sinabi ni Lawrence. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinaguusapan ngunit may pakiramdam ako na hindi maganda ang idudulot nito sa akin.

"According to the-" Sean then interjected him.

"G.A 2171, someone that is willing to leave or unintentionally wants to depart should properly address his excuse to the current sovereign of the group. When the rule is disregarded, the member should be forced to leave the base and is forbidden to re-enter as soon as possible," tinapos ni Sean habang nagulat naman ako nang nalaman ko na alam niya ang mga patakaran nina Lawrence.

"I know these acts and laws of this group. At sino ba ang namumuno noon, Laws? Naaalala mo pa ba?" tanong niya habang napaupo na lamang si Lawrence, nakakuyom ang dalawang kamay at nakatingin sa sahig – nanahimik at hindi man lang sumagot. Tumayo naman kaagad si Adrian at nagsalita.

"That's not fair. Ikaw at si Lawrence ang gumawa ng patakaran. Therefore, both of you could be the assigned sovereign. At dapat sinabi mo kay Lawrence kahit ikaw ang mismong sovereign na aalis ka na sa grupo," sambit ni Adrian habang umiling naman si Sean sa kanyang sinabi. Bakas sa kanyang mukha na natatawa siya sa sinabi niya.

"That's not how the rules work, X," sinabi ni Sean.

Si Dominic naman ang sumagot sa kanya.

"And that's not how a sovereign acts towards another member, am I right? You violated the G.A 2175, Sean." Tiningnan ng masama ni Sean si Dominic habang lahat ng atensyon namin ay napapunta sa kanila.

"According to the G.A 2175, the sovereign should respect the members of his group and vice versa. Any sort of impertinence should be taken care of by the hands of the members or the current sovereign. The punishment should be kicking out the member or the sovereign who violated that law," paliwanag niya habang nakita kong ngumiti ng maayos si Sean.

"And you also violated that rule, Dominic," tugon ni Sean habang umiling naman si Dominic sa sinabi niya at sabay kinuha ang kanyang baso bago uminom. Hinintay naman ni Sean na matapos si Dominic dahil gusto niyang malaman kung ano ang isasagot nito.

"Hindi na ikaw ang sovereign, Sean," biglang isinagot ni Dominic kaya lumipad naman ang tingin ni Sean kay Lawrence. Napansin ko na hindi na nakatungo si Lawrence at nakatingin na siya kay Sean, hawak hawak ang salamin niya sa isang kamay. Hindi man lang ito nagbigay ng reaksyon. Instead, he just looked at his glasses and wiped them clean with a handkerchief.

"Lawrence is the current sovereign?" tanong ni Sean bago siya napatawa.

"Let me remind you that this current sovereign - " sabay turo niya kay Lawrence. "Had only bribed the dean to make sure that your crimes are forgotten in Cezanne High."

"Sean, 'wag sa harapan ni Abby. Huwag mong sabihin ang gusto mong iparating. Huwag dito," biglang sinabi ni Lawrence habang lumingon naman si Sean patungo sa akin. Kitang kita niya ang takot at gulat sa aking mukha nang sabihin niya ang tungkol sa mga ginagawa ni Lawrence para hindi mapahamak sina Adrian at Dominic.

"Fine," sambit niya bago tumigil sa pagsasalita.

Bago pa makaimik 'yong dalawa, biglang tumayo si kuya – hila hila akong bigla. Siyempre, tumayo na rin ako. Sinamaan niya ng tingin 'yong apat bago siya nagsalita.

"I'm done with this. I already heard enough," sambit ni kuya Ace bago lumapit sa may pinto, handa na itong buksan. Ako naman, nasa tabi lamang niya.

"Kuya-" sinubukan kong pigilan siya ngunit hindi niya ako pinansin.

"I'm taking my little sister home. Hindi ko siya ibabalik hangga't hindi niyo naayos ang mga sarili ninyo. You're scaring her, a lot."

Pagkatapos no'n, parehas kami ni kuya na lumabas habang napatingin akong pabalik sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro