Kabanata XXXVIII: Diamond's Revelation (FNC: Part II)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

NANG MAGISING AKO, Hindi ko inakala na isang lalaki kaagad ang bubungad sa'kin.

His head was hung low - sleeping so soundly as he held my hand. His hand showed a red diamond tattoo and a black one which has the number 2 on the side of it. Of course, I could see the veins in his hand which was much visible than the two.

But, I'm pretty sure that it wasn't Lawrence or Dominic. If it was him, he would have a ring on his hand.

Dominic, on the other hand, would still have a prayer beads on the other hand. Yet this one, there was only a small scar placed on his wrist - like it was sliced for a bit by a knife.

Nang iginalaw ko ang mga mata ko para pagmasdan ang kanyang kwarto, agad kong nakita ang isang malinis na silid.

Kung ikukumpara ito sa dalawa pa niyang kasama, may isang dustpan and broom sa isang gilid ng kwarto niya at isang maliit na basurahan naman para maging tapunan ng kalat.

Sa kanyang maliit na lamesa naman nakapatong ang isang disinfectant - and wait, is that Lysol?

Binalewala ko na lamang ito at tinitigan ng maigi ang picture frame na malapit rito.

Isang maliit na bulaklak ang nilagay niya sa harap nito at isang letter na may tali ang mukhang naka-ilang beses nang binasa. Halata ito dahil halos pansin na ang makalumang tupi na nito.

Sa kanyang litrato, agad kong napansin ang isang babaeng kanyang kasa-kasama sa isang amusement park.

At tila isang tuwang-tuwang bata naman sa tabi ng babae.

"Gising ka na pala." Isang boses ang narinig ko kung kaya't tiningnan ko kaagad ang lalaking nasa tabi ko.

To my surprise, it was Adrian Xavier all along - his eyes unsteadily looking up at me.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" mahinang tanong nito sa akin habang inaantok pa niya itong sinabi. His voice seems a bit groggy and hoarse - probably because he just woke up from his deep sleep.

Tumango lamang ako at sumagot sa kanya, "Para lang akong nasobrahan sa tubig. Parang nabigla lang."

"Sino bang hindi magugulat sa pangyayari? Kahit nga ako, tinakot mo," saad niya sa akin habang napangiti naman ako.

"To be honest, hindi ko masyadong natandaan iyong nangyari. The only thing I could remember was myself drowing and you saving my life," paliwanag ko bago ko siya tinitigan. The surprising thing was, he was also staring at me.

His brown eyes stared at me as if he was studying my features. Or either, hinihintay niya akong magsalita ulit. Sa hiya ko naman, inisip kong magpasalamat sa kanyang ginawa.

"Thank you nga pala. Kung 'di dahil sayo, siguro - " Bigla naman niyang itinaas ang kanyang kamay para patigil ako sa pagsasalita.

"Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo, please. Lalo na kung hindi naman maganda ang kasunod." Agad akong nanahimik at tumango. I guess that triggered something from his past. I think it's better not to push it further.

Pagkatapos nang ilang minuto, walang umimik sa aming dalawa. Nakita ko na hindi na siya nakatingin sa akin at tila nakatingin na siya sa litratong nasa lamesa niya habang tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

Sometimes, I wanted to be the conversation starter but I can't seem to find the right topic.

Magsasalita at magtatanong sana ako kung nasaan sina Lawrence ngunit narinig ko siyang bumuntonghininga at inilagay ang kanyang kamay sa kanyang noo at tumungo.

"May tanong lang ako sa'yo, Abby." Iniayos ang aking upo sa kama, tinitigan pa rin niya nang maigi ang litrato bago ito kinuha. Since naka-frame naman ito, hinawakan niya ito sa tagiliran bago nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

"Kung mahal mo ang isang tao, anong gagawin mo?" Wow, that was so sudden. Napakurap na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ito sasagutin.

Hindi ko nga alam kung tinatanong ba niya ako na personalan.

Nang mapansin kong naghihintay siya nang maigi sa aking sagot, ito na lamang ang sinabi ko.

"Kung magmamahal ako ng isang tao, siguro ibibigay ko sa kanya ang buong puso at tiwala ko sa kanya," sagot ko bago ko ito dinagdagan.

"Dahil kung mahal mo talaga siya, hindi ka na maghahanap pa ng iba. At hindi mo iisiping ipagpalit siya sa taong bigla mo lang nakilala." Tumango na lang siya dito at binago naman ang usapan.

"Pero maiba naman tayo," sambit niya.

"Normal ba sa tao na mahalin ka tapos iiwan ka na lang din bigla?" Hindi naman niya napigilang kunin ang maliit na bulaklak na nilagay niya bago ito iniikot sa kanyang kamay.

To be honest, I don't know what to say. Hindi pa naman ako nakakaranas ng ganito. The only thing that happened to me was when people leave their lives to go right up to heaven. Pero, iyong literal na iiwan, hindi pa.

He probably noticed my silence and nodded. "I guess you don't know the answer to that too. Tinanong ko rin si Lawrence pero kibit-balikat ang sagot lang niya sa akin."

"People come and go, Adrian. Hindi mo naman sila mapipigilan. That was their decision to leave." Nang sabihin ko ito, agad umigting ang panga niya at nagkuyom ang kanyang mga kamao sa galit.

But the most shocking thing was that I saw his face.

He couldn't stop his tears from dropping - one by one, it rolled down his cheeks and continuously kept going.  Once he saw me staring, he tried to wipe it off and grunted to keep his composure.

For the first time, I saw his vulnerable state.

"Kung ganoon, e bakit pa niya ako minahal?" tinanong niya bago inilagay ang kanyang kamay malapit sa mukha upang takpan ang nasasaktan niyang ekspresyon.

"Bakit pa niya ako pasisiyahin kung sa huli ay iiwan lang din lang pala niya ako?" Napalakas ang boses niya kaya agad kong ikinagulat ito.

"Bakit niya pa akong tinuring na anak kung ganito lang din ang gagawin niya sa'kin?" tanong niya - ngunit hindi ito padirekta sa akin. He was telling it as if he wanted someone to just hear and understand him.

"Bakit ako pa? Alam ko na hindi ako naging mabuting anak. Alam ko na hindi ako naging perpekto. Alam ko na marami akong pagkakamali sa buhay," sambit niya. At dahil doon, hindi na niya napigilang sirain ang bulaklak na nasa kamay niya.

"Pero kailangan ba talagang iwan niya ako at ang kapatid ko na magdudusa sa pagkakamali ng aming ama?" bulong niya bago itinapon ang bulaklak malapit sa litrato nilang dalawang mag-ina.

"Hindi niya alam kung gaano katagal ako nag-hintay. Inisip ko noong bata pa ako na babalik siya, na nagagalit lang siya pero babalik din siya kaagad kapag hating-gabi na," kwento niya sa akin.

"Pero nang may dumating na ibang babae sa bahay namin, alam ko na hindi na magiging normal ang buhay ko. " Pagkatapos niyang sabihin ito, tinuro niya kaagad ang ibang gamit sa loob ng kanyang kwarto.

"Hindi niya alam ang hirap na dinanas ko para lang mabuhay ko ang kapatid kong bunso," pagalit nitong bulong bago tila umubo - upang pagtakpan ang iba pa niyang sinabi.

Hindi siya ngumingiti pero nagpatuloy siya sa pagsasalita at agad na iniba ang usapan. "Did you know? Ako ang pinaka-matagal na member na nanirahan sa penthouse na ito."

Nagtaka, agad ko siyang sinundan ng tanong. "Teka, akala ko si Laws ang mas matagal?"

Umiling iling naman siya sa akin. Tumayo sa kanyang upuan, doon na mismo siya umupo sa aking tabi. Hinila ko naman kaagad ang kumot niya, sa takot ko pa rin.

I mean, he's still a guy.

Nang makita niya ang reaksyon ko, hindi niya napigilan ngumiti.

"Laws was the last member to relocate here. I've been living here for at least 11 years. Magiging 12 years na, to be honest." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Wait, totoo? That's a very long time.

Sa pagiging curious ko masyado, agad ko namang itinuro ang tattoo niya sa kanyang kanang kamay at nagtanong.

"Why do you have a diamond tattoo? At isang number #3 sa tabi nito?" Tiningnan kaagad niya ito at hindi nagpigil ng ngiti. Inayos pa niya ang upo niya at itinaas na rin ang paa niya sa kanyang kama para mas maging komportable siya.

"In the deck of cards, may kasabihan na ang diamonds ang pumapangatlo sa pinaka-makapangyarihan. Doon din nanggaling ang number #3. Also, I heard that Diamonds are a part of this essential group," sagot niya sa akin bago nagpatuloy.

"Pero may times na mas mataas ang value ng diamonds since it depends on how you rule a game kung paano ka maglalaro ng baraha," paliwanag pa nito sa'kin.

"Technically, we all have our own symbols. But, we're hiding it from everyone due to confidential reasons," dagdag pa niya. Agad siyang tumawa nang sabihin pa niya ang isang reason kung bakit iyon ang pinili niya sa lahat.

"Kaya ko rin naman ito pinili kasi ako lang iyong bukod tanging gwapo sa grupo. Kahit itabi mo pa ako sa dalawang loko-lokong mga kaibigan ko, ako lang napapansin ng mga babae." Sabay kindat naman niya sa akin.

"Shine bright like a diamond, nga 'di ba?"

Hindi ko rin naman napigilang tumawa kasama niya. At dahil sa sense of humor niya, nawala rin ang lungkot na kanina pang bumabalot nang ikinukwento niya ang kanyang nakaraan.

Adrian was going to continue talking, but a loud crash came from the other side of the wall.

Hindi na napigilan ni Adrian na tumayo kaagad - ang kanyang mga mata'y tila nanlaki sa gulat. Kahit nga si Lawrence, narinig ko sa labas mismo ng kwarto at ang boses ni Sean na tila nag-aalala.

"Fvck, that's Dominic."

Sa pag-aalala namin, nagkatitigan muna kami ni Adrian bago niya ako iniwan mag-isa sa kanyang kwarto. Binalaan na rin niya ako na huwag munang lalabas at sila na mismo ang makikipag-usap kay Dom. Hindi na rin siya nagsayang ng oras para pumunta sa kabilang kwarto - kung nasaan si Dominic - at agad na nakipag-usap kina Laws tungkol sa nangyari.

I, on the other hand, was very curious of what happened. At kahit pinagsabihan na ako ni Adrian, hindi ko napigilang tumayo at buksan ang pinto. Sumilip na rin ako sa kaguluhang nangyari.

But, when I did, I wished that I shouldn't have opened that door.

♠    ♦    ♥   ♣

To be honest, irerevise ko ito soon. May mga baliktad na Tagalog words. Hahaha. Alam niyo naman na si Author-chan ay hindi gaano kagaling sa tagalog kaya kakapa-kapa doon sa mga words. Terribly sorry hahahaha 😂

Pero tapusin ko lang muna ang pagpopost ng ibang chapters nito tapos edit edit na lang ng mga grammatical errors. 😄😊 See you soon sa susunod na kabanata!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro