Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Kung iniisip mo na ang buhay ko ay perpekto, let me stop you right there. Hindi ako yung tipong babae na maganda or sadyang perpekto sa tingin ng mga lalaki. Hindi ako yung tipong mabait or madaling masuyo. Ako yung tipong babaeng mataas ang standard kahit hindi kagandahan.

Isa lang akong ordinaryong bookworm na nagta-try na makibagay at mag-aral. At habang ginagawa ko iyon, may nilalayuan naman akong mga lalaki.

"Baby!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko habang kalmado akong naglalakad sa hallway, dala-dala ang mga books ko. Kung sino man yung nasigaw na lalaking 'yon, wala siyang katakot takot na mapagalitan ng principal. Siguro hinahanap yung girlfriend niya kanina pa.

Rinig na rinig ko pa rin yung pagsigaw niya habang nagsitinginan ang mga babae sa kanya na tila nagtataka. Habang ako? Well, I was just running away from someone.

"Nandiyan ka naman pala baby. Ba't hindi ka nagsasalita? Kanina pa kitang hinahanap!" nakaramdam ako ng isang lalaking nakaakbay sa akin kaya bigla akong napalingon sa kanan ko.

Isang chinito na lalaki na nakatirik ang buhok ang nakaakbay sa akin, naka-black na T-shirt at blue na jeans. Nakangiti siya sa akin habang kitang kita ko naman yung mga tao sa paligid namin na nakatingin sa amin, nagtataka kung actual couple kami. Actually, pati ako nagtataka.

"Baby? Alam ko namang gwapo ako pero 'wag mo naman ako tingnan masyado," sinabi niya sa akin, ngayon ay nakangisi na.

Kilala ko siya. Shocker, 'di ba? He's Adrian Xavier. Isa siya sa mga bad boys ng Cezanne High. Siya yung sinasabing leader of the L.A.D. In short, siya yung hari ng kaguluhan. The one they called 'fearless' amongst the group.

Tatlo ang miyembro ng L.A.D.

At isa siya sa mga 'yon.

I heard rumors na siya din yung tinatawag na 'King Heartbreaker' dahil sa kakayahan niyang mag-paasa ng ilang babae sa isang araw. Walang ni-isang babae ang hindi umibig sa kanya. Paano ko nalaman? One of them was my ex-bestfriend.

But of course, I will not be tolerated by such manners.

"Abby, hindi 'Baby' Adrian Xavier. Get your facts right. Umayos kang lalaki ka. Hindi mo ako kilala, hindi kita kilala. Period," sinabi ko sa kanya sabay lakad palayo — tinanggal ko yung kamay niya na nakaakbay sa balikat ko.

Napatingin lang siya sa akin sa gulat sabay kinuha yung aking braso at iniharap sa kanya. Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin at saka nagsalita.

"Anong sabi mo sa akin? Umayos ako?" tanong niya, nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay — kitang kita ko yung galit sa kanyang mga mata.

Nginisihan ko na lang siya pabalik.

"You heard me," sagot ko pabalik habang nakangisi sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro