SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 109: #SHLove

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 109: #SHLove

READ AT YOUR OWN RISK‼️

DISCLAIMER: This is made for entertainment purposes only. It is purely from my own imagination and I don't claim the characters as my own, but credit to the original writers. Any scenarios are just made up and it is not based on the original script of the writers.

..

>>>start reading here

I admit it, I was surprised sa ginawa ni Z kanina. I know naman na my sister is already completely healed, but I did not expect na damay din pala attitude nya. I'm glad naman that she's getting better and better. It's like I got a new sister, coz she's really different from before.

"Are you okay?" Tanong ko sa taong nakaupo habang nakabusangot sa tabi ko sa loob ng car. I offered Roxy na ihatid nalang sya sa bahay nila, baka kung mapaano pa sa daan.

Z's class finished so early kaya naihatid ko na sya kanina pa sa bahay, and then I came back to school to pick up Roxy. I'm glad that she accepted my offer. My God, she's still the same as before, still pakipot. Kahit na sobrang nakakairita sya, aside from baduy she's also noisy, but my heart always choose her. I like her, and I love her.

When we went to US, at first, I thought makakalimutan ko din sya. I thought makakamove on din ako sa feelings ko for her, but I was wrong. Instead, it made me realize na sya na talaga yong taong gusto kong makasama for the rest of my life, she and my daughter, both of them. And that gives me courage to do everything for her, just to give me a chance to show that I'm really in love with her. Hindi ko din alam kung san nanggagaling yong tapang at kapal ng mukha ko today, but I only knew one thing, I'll do everything makuha ko lang si Roxy.

"Ako nga Archie wag mo'kong pinapakitaan na concern ka, please lang? Kasi kung bumalik ka lang para makuha mo baby ko sa'ken, di ako papayag. Never kong ibibigay sa'yo si Summer."

"No, no, Roxy. Wait, you think yon ang reason kung bakit bumalik ako? Baduy!"

Hindi ko rin maintindihan yong sarili ko why I always love to tease her. I only know she looks cute when she's mad.

"Ah, ganon? Baduy? Baduy pala eh. Ibaba mo na nga lang ako!"

"Hey, Roxy!" I stopped her when she's trying to open the car door. "Magpapakamatay ka ba? Pa'no ka naman bababa when the car is running? My God, Roxy! I'm sorry, okay? I'm sorry."

Fine, di' ko na nga aasarin. Baka ma-accident pa kami sa sobrang highblood nya sa'ken. Well, I guess, nothing's wrong naman if magpakatotoo ako sa kanya once in a lifetime.

"The truth is, I came back para makasama kayong dalawa ni Summer. No matter what may karapatan pa din ako sa kanya dahil anak ko din sya, Roxy. I'm her dad. It's not that I want to steal her from you, ikaw ang mom nya, so why would I do that? Sinabi ko naman sa'yo na I will do everything just to give me a chance. If you don't really love me, then, can you just let me love you instead? You don't need to reciprocate my feelings for you. Wag mo lang ipagdamot na makilala ko din ang anak ko. PLEASE?"

I can't believe that I reached this point of my life that I needed to beg for someone. It's just I wanted her to know na everything I said is sincerely from the heart. I wanted her to know na seryoso talaga ako sa kanya, that I have a clear intention.

"Pwede ba, Archie? Tigilan mo'ko sa mga paawa effect mong 'yan? Hindi yan magwowork sa'ken. Hindi ako pinanganak na soft-hearted."

"Ano pa bang dapat kong gawin, Roxy?" I accepted my defeat. Right now, I wanna break down and cry. "Kailangan ko pa bang lumuhod sa harapan mo at magmakaawa? Ganon mo ba talaga ako ka-hate? Sinabi mo namang di mo'ko mahal, and that's fine, but please naman, wag mo naman akong kamuhian at ipagtabuyan."

And that's the first time my tears fell hard for a girl. Inihinto ko na muna yong car at the side of the road because I can't drive while crying. I guess if people will see me right now, they won't believe that I am Archimedes Aguerro, kasi lahat sila kilala ako sa pagiging mayabang at bully sa school. No one knows my weakness and soft side, that I am also a human na pwede ding umiyak at masaktan. But what Roxy did next makes me really surprised.

"Archie," she cupped my face in her both hands and looked at me with love. This is the first time she looks at me this way. "Archie, sorry. I'm sorry."

After she said sorry, she pressed a gentle kiss on my forehead and then smile at me, a soft and reassuring smile that everything will be alright. I'm so shock that I can't even utter a single word.

"Tara na, Archie. Ipapakilala pa kita kay Summer."

She said saka sya umayos ng upo. The way she said those words is so calmly, but after a seconds, her mood easily switches to being cold and grumpy again. What the hell?

"Ano? Titingin ka nalang dyan? Di pa ba tayo uuwi? Pagod na'ko Archie. Gusto ko na din magpahinga. May class pa tayo bukas, reminder lang." She says sighing deeply.

I just ignored it and snapped myself back to reality. I was so speechless earlier.

"OH MY GOD. Oh my God." Finally, nakapagsalita na din ako. "Oh my God, Roxanne Cristobal."

"Ano? Problema mo, Archie?"

"N-Nothing... F-Fine... Let's go. Sabi ko nga." Nauutal ako sa sobrang excited ko that I can finally meet my daughter. Kaya nagmadali akong patakbuhin yong car.

"ARCHIE, ANO BA? Kumalma ka nga!" Galit nanaman tuloy sya.

..

..

..

Hindi naman ito yong unang pagkakataon na yayain ako ni Poch magdate, pero ito yong masasabi kong pinaka-special. Sobra talaga akong nasurprised sa ginawa nya at sobrang saya na din. Akala ko kasi nong una just like our usual date lang, pero okay lang naman sa'ken lahat kahit anong date pa yan as long as si Poch ang kasama ko.

"Ano, nagustuhan mo ba?" Tanong ni Poch habang kumakain ka'mi.

"Oo naman. Malapit ko na ngang maubos tong nasa plato ko. Di' ba obvious?"

Natawa sya.

"Finish everything, Tim. Sayang bayad ko dyan kapag di mo inubos lahat 'to."

"Ba't ako lang? Tutulungan mo'ko syempre. Ayaw kong maging bundat bago tayo makagraduate ng College. Hindi ko bagay."

Natawa sya lalo.

"Ano ka ba, Tim? Kahit ano pa maging hitsura mo, mahal pa din kita. At hindi na magbabago yon. Nafall ka sa isang Pocholo Robles di'ba? Well, di ka na makakatakas, Tim."

"Tsh." Yabang pa din talaga ee. "Ba't naman ako tatakas, Poch? Hindi naman ako kriminal."

Napapailing nalang sya habang nakangisi.

"Well, anyway, Tim. I want to do something with you."

Kinabahan ako bigla sa 'something' na sinabi nya.

"Something na ano?" Mapapalunok ka nalang talaga.

Tumayo sya sa upuan nya saka sya lumapit saken at tumayo sa harapan ko.

"Don't worry, Tim. Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. Unless, gusto mo. Why not di'ba? I'm always ready naman at your service." As always, pinagtritripan nanaman ako ne'to.

Pero nagblush ako sa sinabi nya. Ewan, biglang nag-init pakiramdam ko habang naiimagine ko na ginagawa namin ang bagay na'yon. Muntik tuloy akong mabulunan sa kinakain ko.

"Ano ba kasi yon, Poch?"

In-offer nya kamay nya sa harap ko.

"Timothy Castro, May I dance with you?"

Buti naman dance lang. Para na kasing sasabog yong puso ko sa kaba. 

"Ha? Pa'no? Wala namang music, Poch." Pero tinanggap ko pa din offer nya.

Hinila nya ko papunta sa gitna ng garden saka nya nilagay yong dalawang kamay ko sa balikat nya, saka nya senet-up yong music sa phone nya. Pinili nya yong favorite naming song together, Be Mine ang title ng kanta. After setting up the mood and the music, nilagay nya mga kamay nya sa baywang ko saka nya ko hinila papalapit sa kanya at nag-slow dancing kami. Bumalik tuloy sa ala-ala ko yong prom night namin during Senior High. Yon ang unang pagkakataon na maisayaw namin ang isa't isa.

Habang sumasayaw kami ni Poch nakatitig kami sa isa't isa. Ewan ba, pero parang biglang bumagal ang ikot ng mundo. Inaamin ko, ang ganda ng mga mata ni Poch. Yong tipong pag nakatingin sya sayo, malulunod ka sa mga titig nya. At ganon ang nararamdaman ko ngayon. Ngumiti si Poch, saka nya ko kiniss sa noo ng matagal. Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang rinig na rinig ko ang bawat pagtibok ng aming mga puso. Kahit di magsalita si Poch at sabihin ang salitang 'i love you', ramdam na ramdam ko naman sa init ng mga labi nya na nakadampi sa noo ko.

Pagkatapos non, tumingin sya sa'ken.

"Tim, naaalala mo pa ba yong sinabi ko sayo kanina?"

"Hmm?" Napaisip ako saglit. Sa sobrang excited at tuwa ko kanina halos di na maprocess ng isip ko ang lahat ng mga nangyayari, pero buti nalang naaalala ko pa din. "Oo, Poch."

"Honestly, Tim. Yon talaga ang dahilan kung bakit kita niyayang magdate tonight. Ready ka na ba sa second surprise ko sayo?"

Heto nanaman ako, naeexcite.

"Kung ano man 'yang second surprise mo na 'yan Poch, ready na'ko. Actually, excited ako kanina pa."

"Talaga ba?" Biro 'nya.

"Oo nga. Ano ba kasi 'yon?"

Bigla nalang naging seryoso ang atmosphere between us, at parehas kaming huminto sa pagsayaw. Yong mga kamay ni Poch na kanina na nasa baywang ko, umakyat papunta sa mga pisngi ko. Ang totoo nyan, wala talaga akong ideya sa kung anong pasurprise ang gagawin nya, pero nararamdaman ko yong kaba nya. Yong mga kamay ko nakahawak pa din sa mga balikat 'nya.

"Poch..." Hinigpitan ko yong kapit ko sa balikat nya para e-comfort sya at e-cheer sya sa kung ano man ang nararamdaman nya ngayon, parang paiyak na kasi 'sya.

"Tim, mahal na mahal kita, sobra. Mahal kita, to the point na hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko. Mahal kita, to the point na hindi ko ma-imagine yong future ko na wala ka sa tabi ko. Tim.."

Nagulat ako ng bigla nalang syang lumuhod sa harap ko, at may kinuha syang maliit na box sa bulsa ng jacket nya at en-open 'yon.

"Timothy Castro, WILL YOU MARRY ME?"

Engagement ring. Engagement ring ang nasa loob ng maliit na box. Knowing na nagpropropose ang isang Pocholo Robles sa harap ko, as in right now sa harapan ko, di ko mapigilan na maiyak. Agad-agad na tumulo yong luha ko, hindi dahil sa malungkot ako, kundi tears of joy. Honestly, di ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon, mixed emotions. Pero iisa lang ang mas matimbang, mahal ko si Poch.

"Se-seryoso ka ba, Poch? Totoo ba 'to?" Hindi pa din ako makapaniwala.

"Oo, Tim. Totoo lahat. Ano? Will you marry me?"

Mas lalo tuloy akong naiiyak.

Tatlong taon na din kaming magboyfriend ni Poch at wala akong ibang hiling kundi ang makasama 'sya sa araw-araw at makasama 'sya sa bawat kabanata ng buhay ko. Gusto kong maging parte 'sya ng future at bawat tagumpay ko. Gusto kong sa bawat paggising ko sa umaga, sya ang una kong nakikita sa tabi ko. At kahit sa pagtulog, 'sya ang gusto kong huling makita bago ko ipikit ang mga mata ko.

"Oo, Poch. Oo."

"Yes?" Hindi din sya makapaniwala sa sagot ko.

"Yes, Poch. YES!" Ulit ko.

Tuwang-tuwa sya sa sagot ko, kaya agad syang tumayo para isuot yong singsing sa daliri ko. Hindi lang naman si Poch ang natutuwa at masaya ngayon, pati din ako. Pagkatapos 'nyang maisuot yong singsing sa kamay ko, kiniss 'nya 'ko ulit sa noo.

"I love you, Tim. I love you."

"I love you too, Poch. Maraming salamat." At niyakap ko naman sya ng mahigpit.

"Congratulations, Tim at Poch."

Nakakagulat naman. Naestorbo tuloy yong yakapan namin ni Poch. Pero ang mas nakakagulat nong makita ko yong mukha ng nagsalita.

"Tay?" Si Tatay.

"Congratulations, anak. Congratulations sa inyong dalawa ni Poch." Si Nanay din binati kami habang ka-video call si Tatay.

"Tay, ba't kayo nandito? Kanina pa ba kayo dyan?"

"Ayos lang 'yon, nak. Masaya kaming maging witness ng Nanay mo sa engagement proposal nyo ni Poch."

Napatingin ako kay Poch at pangiti-ngiti lang sya. Anong ganap ng mga 'to?

"Pa'no nyo naman nalaman, Tay?"

"Ba't di mo tanungin si Poch?"

Napatingin ulit ako kay Poch.

"Pasekreto ko silang in-invite, Tim. Nagpaalam ako sa kanila."

"Ba't di ko alam? Seryoso ba?"

"Kapag sinabi namin sayo nak, ede hindi na'yon surprise. Kinausap na kami ni Poch, kaming dalawa ng Nanay mo kaya wala kang dapat ipag-alala. Pumayag ako, pumayag din ang Nanay mo, kaya bakit hindi? Naka-support lang kami ng Nanay mo sa'yo, nak. Lagi mong tatandaan 'yan." Paliwanag ni Tatay.

Parang gusto ko ulit umiyak. Napaka-swerte ko na sila ang naging magulang ko, lalo na si Tatay. Simula noon, sya ang palaging nandyan para suportahan ako. Kahit nong mga panahon na gulong-gulo pa ako sa pagkatao ko, si Tatay ang nakaalalay sa'ken at tagapagtanggol ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sinabi 'nya nong umamin ako sa kanya. Pero thankful din ako kay Nanay, kasi binigyan 'nya kami ng chance ni Poch at sa pagtanggap din sa amin.

"Thank you, Tay." Kaya dapat lang na pasalamatan ko sya.

"Mahal na mahal din kita, nak. Basta palagi kayong mag-iingat dyan." Sabi naman ni Nanay.

"Opo, Nay. Salamat po."

"Poch, ikaw na bahala kay Tim. Ingatan mo ang anak ko, nag-iisa lang 'yan."

Natawa si Poch sa habilin ni Nanay.

"Opo, Tita. Don't worry po. Kayo din po, lagi po kayong mag-iingat dyan sa Canada."

"Salamat, Poch. O pa'no? Bye na muna sa inyo at may trabaho pa ako. Ingat kayong lahat dyan. Salamat, Elmo."

"Salamat din, Edith. Paalam."

Pagkatapos non, niyakap ko ng mahigpit si Tatay. Sobrang saya ko.

..

..

..

Oo na. Marupok na kung marupok, ewan ko ba, hindi ko rin kayang tiisin tong si Archimedes Aguerro. At some point, tama naman talaga 'sya. Kahit isang pagkakamali lang yong nangyari sa'ming dalawa, may karapatan pa din syang makilala at makita ang baby namin, 'sya ang ama. Hindi ko lang sure if totoo lahat yong mga sinabi nya kanina, at akalain mo yon, marunong pala 'syang umiyak? Well, syempre tao pa din naman 'sya. Pero never kong en-expect na marunong din pala 'syang magmakaawa at magmukhang kawawa. Puro kasi kayabangan at pangbubully ang alam nong mga Senior High pa lang kami, malay ko ba. Infairness, may character development.

At dahil sa paawa at paiyak effect nya sa'ken kanina, ayun, nabudol nanaman ang Roxy 'nyo. I changed my mind. Alam ko namang dadating at dadating din ako sa point na'to. Kaya I realized, hindi ko pwedeng takbuhan at iwasan nalang si Archie habang buhay. Hindi ko pwedeng itago at ipagdamot nalang forever ang baby ko sa kanya. Oo, madaldal at maingay ako, pero hindi ako pinanganak na masamang tao.

"O, Roxy-" Nagulat si Ate Ria pagbukas 'nya ng pinto at nakita ang ama ng baby ko na kasama ko. "Bakit 'yan nandito?"

"H-Hi. Good evening." Bati ni Archie kay Ate, ramdam ko yong kaba 'nya.

Gusto ko naman talagang mag-explain pero wag ngayon. Wala pa akong time para mag-isip ng mga sasabihin. Isa pa, pagod ako galing school.

"Ate, pag-usapan nalang na'ten siguro to mamaya. For now, hayaan na muna na'ten 'syang makita si Summer kahit saglit lang."

"S-Sige."

Alam kong naguguluhan si Ate sa pagbabago bigla ng isip ko, pero kahit na ganon, palagi pa din syang nakasuporta sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Never nya kong iniwan at pinabayaan kahit na nakagawa ako ng mga bagay na di tama at maganda.

"Salamat, Ate." Kaya dapat lang na pasalamatan ko sya.

After that, tumingin ako kay Archie na nananahimik lang sa likuran ko.

"Pasok na, Archie." Sabi ko sa kanya, saka ko sya pinauna na pumasok sa loob. Sunod naman agad ang maligno.

"Pasensya na sa bahay namin, maliit lang at medyo magulo. Maupo ka na muna dyan. Tatawagin ko lang si Summer sa room nya."

"What? She's just alone there? Is she safe?"

OA naman ne'tong si Aguerro. Pakialam ba nya?

"Ay, alangan. Ba't sa tingin mo ba hahayaan ko na mapahamak yong baby ko? Anong tingin mo sa'ken, pabayang ina?"

"Bakit hindi ba? I saw all your posts sa Instagram, you're letting her to stand up on the table and chair by herself. What if she fall?"

Nagulat ako sa mga sinabi nya.

"Stalker ka ba?"

"NO? I'm not a stalker. Duhh. Is it my fault na mapunta yong mga post mo sa timeline ko?"

"Ah, talaga ba, Archie?" Obvious namang nagdedeny sya. "Gusto mo bang makita si Summer o hindi?"

"Gusto, syempre. What kind of question is that?"

"Ede manahimik ka dyan. Ang dami mong sinasabi. Ikaw nga wala manlang ambag sa anak mo."

"Ehem!" Awat ni Ate kaya napahinto naman kaming dalawa ni Archie. Nakalimutan naming nandyan pa pala sya. "Umm, Roxy, sunod nalang kayo sa kitchen if nagugutom kayo. Magpreprepare lang ako ng dinner."

Ate Ria excused herself saka sya pumunta sa kusina. Nakakahiya tuloy. Kasalanan ne'tong si Archimedes Aguerro eh.

"Mommy! Mommy!"

Hindi pa ako nakakagalaw pero nakalabas na agad si Summer sa room nya. Tumakbo sya ng makita nya ako para salubungin ako ng kiss at mahigpit na yakap.

"Hello, baby ko. How are you today, ha? How are you?"

"Am fayn, mommy."

"Oooh, that's great Summer! Mommy is happy to see you, anak."

"Miss tsuu."

"Miss you too, baby ko." Tinadtad ko sya ng kiss sa mukha. Ganito talaga ako manggigil sa kanya kase ang cute eh.

"Mommy, who's daat?" Tanong nya sa'ken ng makita nya si Archie na nakaupo sa sofa at pinapanuod kami.

Tumingin ako kay Archie at napansin kong nangingilid na ang kanyang luha. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman nya ngayon, dahil ito ang unang pagkakataon na makita nya ang anak nya ng face to face since the day na umalis sya papuntang US.

"Summer, baby, mommy will tell you something, okay? Come here." Hindi ko alam kung maiintindihan ni Summer ang sitwasyon dahil bata pa sya but I will try my best na ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Hinawakan ko sya sa kamay saka ko sya inilapit kay Archie na nagmukha ng statwa sa nakaupo sa sofa. Sinusundan lang kami ni Summer ng tingin.

..

..

..

AT UNKNOWN BIG MANSION

It's been 3 years na tinago ko ang sarili ko sa mundo. I shut myself at pinili ko nalang manahimik. But this time, hindi na ako makapaghintay pa. Mga hayop sila. Babalikan ko sila isa-isa. Hindi ako makakapayag na sila lang ang masaya habang ako patuloy pa rin nagdurusa...

Lalo ka na Sky Love Cruz.

Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagtulak sa'ken sa building. Isusunod kita gaya ng nangyari sa Ate Luna mo. Maghintay ka, malapit na.

(TO BE CONTINUED)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro