Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Napag desisyunan na namin na pumasok at hanapin ang classroom namin. I texted Nadelienne na papunta na ako sa mga classrooms ng STEM para hanapin kung saan ang room namin.

Since nasa B naman kami, baka iyong pangalawang room ang sa amin. Agad naman kaming nakarating ni Hayes sa fourg floor dahil sa rooftop lang naman kami galing.

There were a bunch of students walking in the hallway to go to their respective assigned rooms. I look at Hayes who was at my back.

“Alam mo ba saan ang room natin?” Nagbabaka sakaling tanong ko sa kanya.

Madaldal naman ito, eh, baka may kaibigan na ito sa block namin.

Ngumisi lamang ito sa ‘kin.

Hindi ko alam pero sa palagay ko ay malapit nang magsalubong ang dalawa kong kilay. Seryoso, iyon ang isasagot niya sa tanong ko? I heard him cough to get my attention.

“Hindi ka ata nagbabasa nang gc, eh, nasa pinned messages kaya iyon,” sagot nito.

Shit.

Nakakahiya iyon ah.

My phone beep and it is a message from Nads.

Nadelienne:
Nasa classroom na ako, saan ka na?

Me:
Fourth floor na
Saan ang room natin?

Nadelienne:
Pangalawa, may nakasulat na B

Me:
Okay coming na

“I lead the way,” Hayes suddenly speak and started walking.

Tumango lamang ako at nanatili sa likuran niya. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mapatingala para matignan siya. Ang layo kasi nang height difference naming dalawa.

I am back to my senses when I saw how far he is from me already. I started running. Ang bilis niya namang maglakad hindi makahabol ang mga maliliit kong paa sa kanya.

“Hintayin mo ako!” Mahinang sigaw ko kay Hayes.

Hindi ko alam kung narinig niya ako dahil hindi naman siya tumigil sa paglalakad. Hayaan na nga lang, basta hindi siya mawala sa paningin ko ayos na. Siya kasi itong may mas alam kung saan ang room namin. Tinignan ko iyong 3D map na sinend nila sa group chat pero hindi ko naman masyadong na gets kung saan talaga.

Naabutan ko siyang nakatayo sa may pintuan ng classroom namin, habang nakangising nakatutok sa akin at dala-dala pa rin ang backpack niya.

“Tagal mo namang maglakad,” sabi niya.

“Kung binagalan mo sanang maglakad, alam mo naman na ang liliit ng mga paa ko,’’ reklamo ko sa kanya.

He just laughed at me and went to the classroom afterwards. Sunod akong pumasok at nakita ko si Nadelienne na nakaupo sa third row. I wave my hand at her and it's a good thing that she notices me immediately.

Tinuro niya ang katabing upuan. Naglakad ako papunta roon at nakita kong sumunod sa ‘kin si Hayes. So I immediately faced him.

“Baka nakalimutan mong seatmate tayo.” May mapang-asar itong ngiti  sa kanyang habang nakatingin sa ‘kin.

“Desisyon ka ba?” Tanong ko.

Tumango lang ito sa tinanong ko.

He really loves making my blood boil. Kinakalabit ako ni Nads at tumingin sa lalaking kasama ko.

She is giving me that “who is he?” look.

“Classmate natin,” sagot ko nalang sa mukha niyang puno nang katanungan.

“May pagka tarantado ka rin na sumagot, eh, ‘no?” Hindi makapaniwalang sabi niya.

Totoo naman kasi. Kaklase naman talaga namin ang lalaking ito. Hindi ko lang alam bakit sa ‘kin ito gustong tumabi, eh halata naman na marami siyang kakilala.

Ngayon nga ay nasa kabilang row na siya, nakikipag-usap sa kahit sino. Napailing nalang ako.

***

My class in the morning ended on the usual first day of class where there was an introduction of the names of your professor in different subjects, calling the names of your classmates one by one, and an activity prepared by your teacher.

Just like that.

Wala naman talagang masyadong special na ganap ngayong araw. First day of class is just the usual first day.

“Canteen ba tayo kakain o lalabas?” Tanong ni Nadelienne.

“Kahit saan, ayos lang naman sa ‘kin,” sagot ko sa kanya.

Hindi rin naman ako mapili.

“Walang lugar na kahit daan, Dawn Felisha.” May riing sambit niya sa pangalan ko.

My forehead creased upon what she called me.

“Dawn will do, Nadelienne Faith.” Nakita ko ang pag ngiwi niya dahil sa aking sinabi.

“Canteen na nga lang tayo.”

I just nod. Surely masyadong crowded sa canteen ngunit bahala na. Sa court nalang kami kakain kung puno na roon.

Ngunit habang naglalakad kami may narinig akong tumawag sa akin.

“Dawn,” someone called me.

Napalingon ako sa likuran dahil doon nanggaling ang boses. I saw Hayes casually walking towards our direction.

While he was walking, sunbeams danced on his face and highlighted the softness of his mouth. He smiled easily; it was as if this action alone could heat up the entire world.

His grin grew bigger and wider as he moved forward—I can’t describe how many butterflies started flapping inside me at that moment, without a sound, singing in happiness seeing his shining smile.

Shutang happy crush na ito, bakit ang ganda kasi nang ngiti niya?

“Saan kayo kakain?” Agad na tanong niya no'ng makarating siya sa kinatatayuan namin ni Nads.

“Canteen,” agad na sagot ko.

“Sabay na tayo, ayos lang ba?” He asked.

I look at Nads, she's giving me a teasing smile.

“Sige, wala namang problema,” sagot ko.

Sabay kaming naglakad na tatlo papunta sa canteen. We're too quiet until Nadelienne break the silence that envelops us.

“Musician ka ‘di ba?” Biglang tanong ni Nads kay Hayes.

Hayes looked stunned upon my cousin's question.

“How did you—I mean, nakita mo na ba akong nag perform?” Kuryusong tanong ni Hayes

Nads just nod.

“Yee, one time. Sumali ka sa battle of the band, right? Correct me if I'm wrong. It was last summer,’’ Nadelienne answered.

“Oh, nandoon ka rin? Bakit hindi kayo magkasama ni Dawn no'n?” Nagtatakang tanong niya.

Oh, hindi ko naman kasi nasabi sa kanya na may kasama akong nanood no'n. Tsaka tinulungan lang naman niya ako no'ng panahon na iyon, eh. We're not acquaintances or friends at that time.

“I was there—” Nadelienne pause then look at me. “Wait, doon kayo nagkakilala?” Hindi makapaniwalang tanong ni Nadelienne.

Tumango si Hayes at pagkatapos ay tumingin sa ‘kin.

“You didn't tell me,” narinig kong bulong ni Nads sa ‘kin.

“Nakalimutan ko alam mo namang nagmamadali akong umalis no'n dahil ang dami nang missed calls nina Mama at Papa,” paliwanag ko.

“Oh right, sorry . . .” She paused upon remembering that situation.

I was grounded for what I did. No phones, no social life, I just stayed in my room with my books.

Alam mo iyong tipong parang kinukulong ka sa sarili mong pamamahay? Iyon ang naramdaman ko no'ng mga panahon na iyon.

Kaya nga ang laki nang pasasalamat ko na nakaalis na ako roon at pinayagan nila akong mag dorm kasama si Nads.

“Hayes nga pala, wala nang mahabang intro, mukhang gutom na tayo, eh.” I beamed upon what he said.

This man.

He really knows how to twist a mood.


Parallel Pulsations
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro