Online Pasukan: Ang Unang Araw

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kumusta, mamser!

Alam kong pareho tayong baguhan,
Pilit na nakikibagay sa ating sitwasyon ngayon,
Panahon ng pag-usbong ng isang pandemya dala ang salitang 'pagbabago',
Sa isang iglap lang nalagay tayo sa ganitong estado,
'New normal' ang tawag na tila nagkaro'n ng pagdadalawang-isip kung tayo ba ay pwede sa bawat isa.

Ang edukasyon sa atin ay walang kawala mga bata,
Nagkaro'n ng mga paraan na pabor sa lahat at may kwenta?
Ngayo'y online na ang uso,
Basa at pagkakabisado muna ang gawin n'yo,
Ako'y magpapakatotoo,
Sa files at PDF na binasa hindi kayo bobobo.

Sa unang araw ng pasukan,
"Teka lang?!" Lahat kami natigilan,
'Distance learning' na hindi bagay sa atin,
Sa malalayo di kinaya ang distansya,
Hindi namin wari malaman kung ga'no na ba kalawak ang natutunan o kung lalalawak pa ba ang mga nalalaman.

Ano na lamang ang sinabi nga mga gastusin?
Na nagmamahal na kaya ang sarap murahin;
"Laban lang printer!" Alam kong kakayanin mo dahil isa kang teacher,
Idagdag natin ang video conferencing ay paputol-putol tayo,
Nagtaka ka pa! Nung una palang hindi na naging stable ang koneksyon natin!

Oo, walang dapat sisihin ngunit ito ang dapat isipin at mapansin,
Sabay-sabay tayong sinusubukan ng pagbabagong ito,
Lahat tayo ay mayroong papel sa krisis ngayon,
Magtuturo kayo, mag-aaral kami,
Magpasalmat na lamang sa alternatibong hindi naman siguro tayo nito gugulo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro