Kabanata 12: The Past and The Kiss

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 12—The Past and The Kiss


"HINDI KA ba masaya na nakausap mo na ang mama mo at nakahingi ka na ng tawad sa kanya?"

Nandito pa kami sa loob ng sasakyan at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami naandar. Tapos parang ang bigat pa ng atmosphere na nakapalibot sa amin ngayon.

"Masaya."

"E, bakit ganyan ang itsura mo?"

"Ano bang itsura ko?"

"Nakasimangot."

"Nakasimangot? Hindi kaya ako nakasimangot."

"Sus. Hindi nakasimangot pero halos malukot na 'yang pagmumukha mo."

Hindi na ko sumagot pa at itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana. Muli lang ako napatingin sa kanya nang tanungin niya ko kung sino na ang susunod sa listahan ko.

"Si Papa, bakit?"

"Tutal, wala naman akong pupuntahan ngayon at mukhang tatambay na lang naman tayo sa unit, gusto mo ba puntahan na natin ang Papa mo?"

"Hmm? Puwede rin! Para mas mapabilis tayo."

"Ayos! So, saan tayo?"

"Sa pagkakaalam ko kasi, minsan na lang pumunta si Papa sa Cortezian Scent dahil nandoon naman na si ate kaya baka ro'n siya sa isa naming kumpanya."

"Sa Cortez Bloom Perfume?"

"Paano mo nalaman?"

"Cortez. Hindi naman siguro masyadong obvious, 'no?"

Inirapan ko na lang siya dahil sa pagiging sarkastiko niya.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang muli na namang pumasok sa isipan ko yung mga narinig ko kay Blue kahapon. 'Yong tungkol sa kinikimkim niya. 'Yong tungkol sa past niya. Kaya naman walang anu-ano na napatingin ako sa kanya. At hindi ko naman inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin.

"Yes?"

"Blue..."

Hindi ko talaga maintindihan kung paano niya pa nagagawang ngumiti ng ganyan kung sobrang wasak na wasak naman ang puso niya dahil sa kanyang nakaraan.

"C-Creamy? May problema ba?"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"It's time to let her go, B-Blue..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Mag-move on ka na. Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa personal life mo at wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero kasi... I can see in your eyes that you're also in pain."

Nagulat ako sa biglaang paghinto niya. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako.

"Creamy, what are you talking about?"

"Blue,ang pagmu-move on ay nagsisimula sa acceptance." Halata sa mukha niya angpagtataka at pagkagulat. Ayaw ko naman kasi talagang makialam pero hindi ko nakasi kaya na nakikita kong pinipilit na lang niya ang sarili niya na magingmasaya. "Hangga't hindi mo tinatanggap ang masakit na katotohanan, you can'tmove forward. Magiging cycle lang ang pagtakas at pagbalik mo sa sitwasyon." 

"Creamy, stop it..."

"She's gone, Blue. Let her go. Let Andrea go..."

"Creamy, I said stop—"

"Show the world that you're in pain and then let it go, Blue! By that, unti-unti mo ring matatanggap sa sarili mo na wala na si Andrea­—"

"Baba!"

"Pero Blue—"

"Sinabing baba!"

Nanlaki ang mga mata ko nang napakalakas na sigaw na ang ginawa niya. Halatang galit na galit na siya. Alam kong wrong move talaga ang ginawa ko pero kasi... hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na makialam.

Bago pa ko tumagos, narinig ko siyang nagsalita pang muli. "Hindi ko alam kung paano mo nalaman yung tungkol kay Andrea pero please lang, 'wag mo nang subukang pasukin ang buhay ko. Kung gusto mo pang tulungan kita, itikom mo na lang 'yang bibig mo."

Hindi pa man din ako nakakalabas nang tuluyan, agad na niyang pinaharurot yung sasakyan. Nadapa tuloy ako sa kalsada.


ISANG MAINGAT na teleportation ang ginawa ko mula sa labas ng unit ni Blue papunta sa kuwarto ko. Baka kasi nasa loob lang siya at hinihintay niya ko na dumating—para batuhin ng kung anu-ano. Alam niyo na, galit ang mokong sa akin. Itong bibig ko rin kasing 'to, e. Hindi nagpaawat! 'Yan tuloy, kung anu-ano na ang naiisip ko na maaari niyang gawin sa 'kin kapag nagkita kami.

Kanina pa ko palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko. Hindi kasi ako mapakali, e. Kanina ko pa rin kasing gustong humingi ng sorry sa kanya. Ngayon ko lang kasi talaga na-realize na sobrang mali ang panghihimasok na ginawa ko sa personal life niya.

"Nandito na kaya siya? Nasa kuwarto niya? Pero... bakit parang wala naman ata akong naririnig na kahit na anong ingay? Baka naman tulog na siya?"

Mukha na akong tanga sa ginagawa kong pagkausap sa sarili ko. Tinignan ko yung oras mula sa orasan na nakasabit sa dingding. 11:46PM na. Kaunting minuto na lang at maga-alas dose na. Dapat na ba akong kabahan kung hanggang ngayon ay wala pa rin siya dito kung saka-sakali?

"Okay. Hindi talaga puwede na hindi kami magka-ayos bago sumapit ang twelve midnight. Dahil baka hindi na niya ko tulungan sa misyon ko."

Pagkasabi ko niyon, wala na kong inaksaya pang oras at dali-dali na kong tumagos sa pintuan. Agad namang kumunot ang noo ko nang sobrang dilim ang bumungad sa akin. Mukhang wala pa nga siya. Bubuksan ko naman na sana yung ilaw nang saktong bumukas ang pintuan ng unit niya.

Dahil sa dilim na bumabalot sa unit, hindi ko masyadong maaninag kung sino yung dahan-dahang pumapasok. Hanggang sa...

"Creamy..."

Nagmamadali kong inalalayan si Blue na mukhang lasing. Halos pagapang na kasi siyang pumunta sa gawi ko.

"B-Blue? Nag-inom ka ba?"

Malamang, Creamy. Obvious naman, 'di ba?

"Sandali lang. Dito ka muna sa sofa at ikukuha kita ng maligamgam na tubig." sabi ko habang inalalayan siyang humiga sa sofa.

Sa kusina na ko dumiretso para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig para naman mahimasmasan siya kahit papaano.

"Ito Blue, o. Inumin mo muna 'to." sabi ko at marahang iniabot sa kanya ang isang basong tubig.

Pagkatapos sinimulan ko ng pinunasan ang buong katawan niya. "Blue, saglit lang ah. Kailangan ko kasing hubarin 'tong t-shirt mo, e. Promise, hindi naman ako pervert na multo."

Muntikan ko ng mabatukan ang sarili ko dahil sa kung anu-ano pang pinagsasabi ko. Ilang saglit pa, dahan-dahan ko ng itinaas ang t-shirt niya. At palihim akong napamura nang sumilay sa akin ang hubad niyang katawan. Bakit naman ang perfect ng abs nito? Shit. Baka magkasala na naman ako nito.

"Andrea..."

Napatigil ako sa pagpupunas sa pandesal—este abs niya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng ex-girlfriend niyang namatay. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na malaman ang tungkol sa past niya, e. Three years ago kasi nang maaksidente sina Blue at Andrea. Car accident. At kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on si Blue dahil sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa pagkamatay nito.

"Kailangan na ba talaga kitang i-let go katulad n'ong sinabi ni Creamy?"

Pagkasabi niya n'on napatingin ako sa kanya at laking gulat ko na lang nang makita kong may luha ng unti-unting bumabagsak sa pisngi niya. Talaga namang sobra siyang apektado at nasasaktan sa nangyari kay Andrea.

Hindi ko alam pero hindi ko kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan. Hindi kaya ng puso ko. Shit. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinila yung isa kong kamay. Nawala tuloy ako sa balanse kaya napahiga ako sa ibabaw niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil do'n. Lalo't na nung dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. "Creamy..."

Pero mas nagulat ako nung lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Oo, nakayakap na siya sa akin at ilang inches na lang talaga ang pagitan ng mga mukha namin. T-teka... hindi puwede 'tong iniisip ko. Hindi puwede! May boyfriend ako at—

At bigla na lang akong na-istatwa sa sunod na nangyari...

He kissed me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro