Kabanata 29: Remembering Him

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 29—Remembering Him


"BESTIE, TUMAYO ka na kasi diyan at magbihis!" muling pangungulit sa akin ni Orange.

Kanina pa kasi niya ko kinukulit na sumama sa grand opening ng resto-bar ni Red. No'ng isang linggo pa niya ako kinukulit simula nang magbigay ng invitation si Red. Pati nga si ate Peach sumali na rin sa pangungulit sa akin na pumunta ro'n sa gaganaping grand opening mamaya.

"Bestie naman! Halos tatlong linggo ka ng nagkukulong dito sa kuwarto, o. Maawa ka naman sa sarili mo."

Sinamaan ko agad siya ng tingin dahil sa huli niyang sinabi. Oo, halos tatlong linggo na nga akong nagkukulong dito sa kuwarto ko. Paano, halos tatlong linggo na rin kasi nakakalipas simula ng huli naming pag-uusap ni Blue. Pagkatapos kasi n'on, mukhang tinotoo niya nga ang sinabi niya sa akin na hindi na niya ako muling guguluhin. Wala na kasi siyang paramdam. Sinubukan ko naman siyang kontakin pero mukhang parati ng nakapatay ang cellphone. Sinubukan ko rin siyang puntahan sa kumpanya niya pero nabigo lang ako dahil ayon sa secretary niya, biglaan daw itong nag-file ng leave of absence. Pagkatapos n'on, tumigil na rin ako. Paano ko nga ba kasi mahahanap ang taong ayaw namang magpahanap in the first place, 'di ba?

Hanggang ngayon din kasi, ni isa, ay wala pa rin akong maalala tungkol sa sinasabi niyang mga alaala no'ng naging isang kaluluwa ako. Naniniwala naman na ako na naging isang kaluluwa nga ako no'n pero wala naman yung sense dahil wala pa rin akong maalala hanggang ngayon. Kaya naiintindihan ko kung mas pinili na muna niyang lumayo sa akin kaysa kulitin ako ng kulitin. Pero bakit gano'n? Masyado ko ng hinahanap-hanap ang presensya niya. I really missed him.

"Uy, bestie!"

"Orange, puwede ba! Sinabi ko na ngang ayoko, tigilan mo na ako. Saka isa pa, maaga pa lang nagsabi na ako kay Red na hindi ako makakapunta dahil..."

"Dahil ano?"

"Wala. Nevermind."

"Dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung nasaan siya."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Kahit naman malaman ko kung nasaan siya, hindi pa rin magbabago ang desisyon ko, 'no. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon."

"Bakit ba kasi ang complicated ng love life mo?!"

"Wala akong love life!"

"'Kay, fine. If you say so."

"Umalis ka na nga dito at pumunta ka na ro'n sa pupuntahan mo. Sige ka, baka makahanap na si Brown ng iba kapag hindi ka pa umalis." natatawang pananakot ko sa kanya.

"Bakit naman siya maghahanap, aber? E, nasa akin naman na ang lahat—"

At bago pa niya matapos ang sasabihin niya, marahan ko na siyang itinulak palabas. Hindi ko kasi nakukuha ang gusto kong katahimikan dahil sa kaingayan ng bunganga ng best friend ko.

Pag-upo ko sa kama ko, napadako ang tingin ko sa side table kung saan nakalagay yung maliit na box na ibinigay sa akin ni Blue no'ng huling pag-uusap namin. Gabi-gabi, binubuksan ko iyon. Nagba-baka sakali na baka sa gano'ng paraan ay may alaala akong maalala kahit papaano. Pero bigo lang ako. Wala pa rin kasi talaga, e. Kahit yung mga panaginip ko, blurred pa rin hanggang ngayon. Bakit ba kasi kailangang mabura ng alaala ko? Bakit kailangan kasamang mabura si Blue sa mga alaalang 'yon?

Buntong-hininga. Muli kong kinuha yung maliit na kahon at binuksan ito. Unang bumungad sa akin ay yung blue sticky note. Kukuhanin ko na sana 'to nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Orange is calling...

"Ano na naman kaya ang problema nito? Wala pang limang minuto nang umalis siya, ah." bulong ko sa aking sarili.

"Orange, kung—"

"Hey, my dearest bestie!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Bago ka magsalita diyan, pakinggan mo muna ako, okay? Alam ko namang hindi talaga kita mapipilit na pumunta ngayon sa grand opening ng resto-bar ni Red kaya..."

"Holy shit ka, Orange! Ano na namang binabalak mo?!"

"Wala naman. Pinapunta ko lang naman diyan sa bahay niyo si Cyrus para—"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at pinaulanan ko na agad siya ng sandamakmak na mura bago ko in-end ang tawag. Buwisit talaga na babaeng 'yon! Dinamay pa talaga si Cyrus, argh!

Dahil do'n, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na kong dumiretso sa CR dala-dala yung iniwang damit ni Orange kanina. Mukhang pinlano na talaga niya 'to, una pa lang. Alam niya naman kasing ayaw na ayaw kong makita si Cyrus—yung lalaking aksidente kong napagkamalang si Blue no'ng nakaraan—dahil sa nagawa ko sa kanya. Dahil kasi sa pagkasabik ko kay Blue, napagkamalan kong si Cyrus siya, magkapareho kasi sila ng built ng katawan kaya naman no'ng makita ko siyang nakatalikod sa tapat ng bahay namin walang anu-anong niyakap ko na lang siya agad. Hindi ko naman kasi alam na pinsan pala siya ni Orange kaya kahit anong gustong pakikipagkita niya ay hindi ako pumapayag. Nag-sorry naman na ako kaya sapat na 'yon. At ang buwisit kong best friend, nagawa pa kong i-blackmail sa kanya. Yari talaga siya sa akin mamaya kapag nagkita kami.


"WELCOME TO the grand opening of Del Valle Resto-Bar." pagbasa ko sa nakapaskil na tarpaulin sa harapan ng bagong bukas na resto-bar ni Red.

Nag-buntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Pag-abot ko sa guard n'ong invitation ko ay agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin sina Orange. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil nakita ko sila agad malapit sa may stage. Nai-kuwento kasi ni Orange sa akin na may mga banda raw na inimbetahan si Red para mag-perform ngayong gabi.

"Mabuti naman at nakarating ka na, bestie." pang-aasar sa akin ni Orange nang makaupo na ako sa tabi ni ate Peach. Inirapan ko naman siya bilang tugon.

"O, akala ko ayaw mong pumunta?" bulong naman sa akin ni ate Peach.

"Napilit, e." maiksing sagot ko.

Ang saya ng atmosphere at ambiance pero hindi ko magawang makasabay dito. Pati yung banda na inimbita ni Red ay masasaya rin ang mga kinakanta pero hindi ko rin ito maramdaman. Dahil ba sa nangyari sa amin ni Blue kaya ako naging manhid? Mapakla akong natawa sa naisip ko. Si Blue na naman. Wala na talagang segundo, minuto, at oras ang dumaan na hindi ko siya naiisip. Para ngang siya na ata ang parating laman ng isipan ko, e. Mukhang malala na ata ako.

"O, bakit ang tahimik mo naman ata? Hindi ka ba nage-enjoy?" bulong sa akin ni ate nang mapansin niya siguro na hindi ko nakikisabay sa katuwaan nila.

"Hindi ko lang ma-feel yung mga kanta." pagsisinungaling ko.

"Ano ba kasing mga kanta ang gusto mo? Yung mga mala-Ed Sheeran, gano'n?" natatawang tanong ni ate.

"Ate, gusto ka ng umuwi." biglang sabi ko. Tinignan muna ako ni ate at parang binabasa ang nasa isip ko. Pagkatapos binigyan niya ko ng isang malungkot na ngiti.

"Gusto mo ipahatid kita kay Red?"

"Hindi na, ate. Magta-taxi na lang ako."

"Sigurado ka?"

"O-Opo."

Tatayo na sana ako nang bigla kong marinig magsalita ang panibagong banda na tutugtog. Panandalian tuloy akong napatigil at napunta ang atensyon ko sa may stage.

"This song is dedicated to all Ed Sheeran fans out there." pagsasalita n'ong bokalista ng banda. "I hope you'll like our new rendition for Ed Sheeran's Perfect."

"Mukhang mayamaya ka pa ata makakauwi, ah." pabirong bulong ulit ni ate.

Dahan-dahan akong umupo nang magsimula ng mag-strum yung gitarista nila. Ngayon ko na lang ulit narinig ang kanta ni ES na Perfect. At tila parang may kung anong kumikislot sa puso ko at gumagalaw sa tiyan ko. Bakit parang kakaiba ngayon ang epekto ng kantang 'to sa akin?

Nakatuon lang ang atensyon ko sa stage hanggang sa matapos na ang kanta. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil parang pakiramdam ko ay pansamantala akong na-istatwa. Dali-dali na kong tumayo nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Pagtayo ko, bigla namang sumakit ng bahagya ang aking ulo at sa muling pagkakataon ay may lumabas na namang isang senaryo sa isipan ko.

"Wala akong pakialam kung hindi mo pa kayang suklian ngayon ang pagmamahal ko sa 'yo. I'm willing to wait, Creamy. Hihintayin kita hanggang sa kaya mo na rin akong mahalin. Kahit gaano pa 'yan katagal. Kahit abutin pa 'yan ng buwan o taon. Maghihintay ako. Pangako."

'Yan ang paulit-ulit na mga salita sa aking isipan na siyang mas lalong nagpasakit sa ulo ko. Hindi ko na lang pinahalata kila ate na may nararamdaman akong kakaiba at dumiretso na lang ako palabas. Nasa may pintuan na ako at bubuksan ko na sana ito nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa stage.

"Um... Hi po! Una sa lahat, pasensya na po at ako ngayon ang nakikita niyo rito sa stage. Masyado kasing makulit 'tong kaibigan ko, e. Alam naman niyang may stage fright ako tapos nagpupumilit pa rin siya. Kaya para po hindi kayo ma-disappoint, dito na lang po ako sa ibaba kakanta dahil wala naman po akong floor fright." isang malakas na tawanan ang narinig ko matapos bitawan ni Blue ang banat na 'yon.

Oo, si Blue ngayon ang nakikita ko sa may stage—ay hindi, nasa may ibaba na pala siya ng stage. Hindi ko alam kung ano na ngayon ang dapat kong maramdaman dahil yung taong hinahanap-hanap ko ay nasa malapit ko na ngayon. Kinapa ko ang aking dibdib at naramdaman ang malakas na pag-pintig nito. O, kalma ka lang. Baka nagha-hallucinate ka lang. Baka kamukha lang naman 'yan ni Blue.

"—at itong kantang kakantahin ko ngayon ay iniaalay ko sa nag-iisa ng babaeng laman nitong puso ko. This song is for you, Creamy. Sana magustuhan mo."

Pagkasabi niya n'on, napatingin ako sa table nila ate at lahat sila ay nakangiting nakatingin sa akin. Don't tell me, pati 'to ay planado rin? Naku talaga!

"Where there's a will, will there's a way, kinda beautiful. And every night has its day, so magical. And if there's love in this life, there's no obstacle." pagsisimula niya. Hindi ko alam yung kanta at bago lang ito sa pandinig ko. Pero kahit gano'n, nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya. "That can't be defeated. For every tyrant a tear of the vulnerable. In every lost soul the bones of a miracle. For every dreamer a dream we're unstoppable. With something to believe in." hindi katulad kanina na masayang nakikisabay ang mga tao sa paligid, tahimik naman sila ngayon at tutok na tutok rin ang atensyon nila kay Blue.

"Monday left me broken, Tuesday I was through with hopin', Wednesday my empty arms were open, Thursday waiting for love, waiting for love. Thank the star it's Friday, I'm burning like a fire gone wild on Saturday. Guess I won't be coming to church on Sunday. I'll be waiting for love, waiting for love to come around."

Pagkatapos niya bigkasin ang mga linyang 'yon, sa wakas, ay napatingin na rin siya sa gawi ko at nagtama na rin ang aming mga mata. Isang kakaibang ngiti ang ibinigay niya sa akin habang nanatiling poker face naman ang mukha ko. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin madaling basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Kahit kasi naka-ngiti siya sa akin ngayon, hindi ko maramdaman kung masaya ba talaga siya. Pero hindi ko naman masabi na malungkot siya.

Dahil sa malalim kong pag-iisip, 'di ko na napansin na papalapit na pala siya sa gawi ko. Hindi ko na tuloy nagawang tumakas o tumakbo man lang dahil halos lahat sila ay nakatingin na sa gawi ko.

"We are one of a kind, irreplaceable. How did I get so blind and so cynical? If there's love in this life we're unstoppable. No, we can't be defeated."

"Blue..." ang tanging nasabi ko nang kaunting distansya na lang ang mayroon sa pagitan namin. Napansin ko ring itinurn-off na niya ang microphone na hawak niya at diretso akong tinitigan sa mga mata.

"I love you, Creamy."

Apat na salita. Apat na salita lang ang lumabas sa bibig niya pero matindi na ang naging epekto nito sa sistema ko lalong-lalo na sa puso kong kanina pa hindi mapakali.

"Kahit papaano ba, may naalala ka na tungkol sa ating dalawa?" malungkot na tanong niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kinakabahan ako. Gusto kong sabihing 'oo' kahit wala pa naman talaga akong maalala, para lang sa ikakasaya niya. Pero alam kong sarili ko lang din ang lolokohin ko. Kaya ginawa ko na lang ang naisip kong pinakamadaling gawin sa mga oras na 'to.

"I'm sorry, Blue..." pagkasabi ko n'on, dali-dali na kong tumakbo palabas.

Yes, I ran away. Not only from him. But I ran away to everyone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro