Kabanata 6: The First Encounter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 6—The First Encounter


DAHAN-DAHAN kong minulat ang aking mga mata. Pagkamulat, agad kong nilibot ang aking mga mata sa paligid. At nagtataka ako nang puro blue ang nakita ko—mula sa wallpaper ng dingding, sa mga paintings na nakasabit, pati na sa mga kulay ng unan at bedsheet, lahat kulay blue. In fairness, hindi naman masakit sa mata ang pagkaka-blue nung kulay. Medyo light lang kasi ito.

Pag-upo ko, doon ko lang napagtanto kung nasaan pala ako ngayon. Nandito ata ako ngayon sa lalaking makakatulong sa misyon ko.

Dahan-dahan na kong tumayo pagkatapos tumagos sa may pintuan. Katulad ng kuwartong pinanggalingan ko kanina, halos kulay asul din ang makikitang kulay sa may sala niya. So, hindi naman halata na fan siya ng color blue, 'no?

"Nasaan na kaya yung lalaking 'yon?" tanong ko sa sarili.

Napansin kong may kalakihan din ang condo unit niya. Malaki ang espasyo sa sala. Naglakad naman ako papunta sa parang kusina niya at natuwa ako na malaki rin ito at sobrang linis. Actually, hindi mo talaga aakalaing lalaki ang nakatira dito dahil sa sobrang linis at organized. Baka naman kasi hindi talaga siya lalaki?

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa kusina at inalala ko ang itsura niya. Naalala ko kasi kagabi bago ako mahimatay (na hindi ko naman alam kung bakit) ay nagkatitigan pa kami. Pero ngayon, hindi ko masyadong maalala ang itsura niya.

Habang iniisip ko ang itsura niya, napatingin ako sa kuwartong pinanggalingan ko kanina at saka ko lang napansin na may isa pa yatang kuwarto sa tapat nito. May pintuan pa kasi. Dahil sa curiosity ko, tumayo ako at pinuntahan ang pintuang 'yon.

"Wala naman sigurong masama kung papasok ako, 'di ba?" habang sinasabi ko 'yon dahan-dahan na kong tumagos. "Argh!" sigaw ko. Sa 'di kasi malamang dahilan, unang beses na hindi ako lubusang nakatagos. Parang may kung ano na pumupigil sa akin. Nakaramdam din ako ng kaunting sakit sa katawan.

"Gising ka na pala?"

Dali-dali kong tinapunan ng tingin yung nagsalita mula sa likuran ko. Sobrang cold ng boses niya at walang ka-emo-emosyon.

"Um... hi?" awkward na sabi ko sabay tayo.

"Mukhang ayos ka naman na kaya makakaalis ka na."

Literal akong napanganga dahil sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Hindi mo ba narinig? O hindi mo naintindihan?"

"Teka lang naman. Bakit ba ang sungit mo?"

"Wala akong panahon na makipagbiruan sa 'yo. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok dito pero oras na para umalis ka."

Tsk. Itong lalaking 'to, namumuro na sa akin, ah. Pasalamat siya at may kailangan ako sa kanya kundi kanina ko pa sinipa ang family jewel niya. Kaasar, e!

"Puwede bang pakinggan mo muna ako kung bakit—"

"Hindi puwede."

"Bakit naman?"

"Ayaw ko, e."

"Ano, gano'n lang 'yon?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, tinalukaran niya lang ako. Aba't ang bastos talaga ng lalaking 'to, ah!

"Uy, ano ba! Pakinggan mo muna yung sasabihin ko, o." sabi ko habang sinusundan siya.

"Hindi mo ba maintindihan na ayaw ko nga. Saka ano bang makukuha ko kapag pinakinggan ko 'yang sasabihin mo, ha?"

"Ano...um..."

"See? Wala. So, why do I need to waste my precious time just to listen to you?"

"Dahil ikaw lang ang makakatulong sa akin," mahinang sabi ko. "Ikaw lang ang natatanging makakatulong sa akin."

"You... ghost—"

"May pangalan ako. Creamy."

"I don't care. Basta ikaw, 'wag mo kong paandaran ng pagda-drama mo dahil hindi 'yan bebenta sa akin. Kung ayaw mong masaktan, umalis ka na lang dito."

Nagulat ako sa huli niyang sinabi. "OMG! Nananakit ka ng multo?!"

"You're crazy."

"Pero seryoso, ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin."

"Sinabi nang—"

"Puwede bang pakinggan mo muna ako, huh?!" dahil sa sobrang inis, napasigaw na ako. "'Yon lang ang hinihiling ko ngayon. Pakinggan mo lang ako. After mong marinig ang kailangan ko saka ka mag-decide kung tutulungan mo ba ko o hindi."

"Okay, fine. Let's have a deal."

"Deal? Ano namang deal?"

"After mong sabihin ang mga sasabihin mo, aalis ka na agad dito. Deal?"

"Wait—'di ba sabi ko saka ka lang mag-decide kapag narinig mo na yung sasabihin ko? Bakit nakapag-decide ka na agad?"

"Bakit, ayaw mo? Madali naman ako kausap, e. Makakaalis ka—"

"O, sige na. Deal."

"Okay. Bibigyan lang kita ng ten minutes."

"What? Ten minutes lang?!

"And your time starts now."

"Grabe, ang unfair mo naman!"

"Kung ako sa 'yo, sisimulan ko nang magsalita. Ikaw rin, umaandar ang oras mo."

Bwisit talaga 'tong lalaking 'to, e!

"Ano? Tititigan mo lang ba—"

"As you can see, isa nga akong multo—ay mali, lost soul. 'Yon ang sabi ni Goddess M sa akin, isa akong ligaw na kaluluwa. Two weeks ago, naaksidente ako—car accident—at 'yon ang dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyong 'to. Alam kong mahirap nang paniwalaan ang mga susunod kong sabihin dahil kahit ako nahirapan din akong maniwala no'ng una pero sana... sana maniwala ka..."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, sinimulan ko ng i-detalye ang misyon ko na kakailanganin ko ang tulong niya. Lahat-lahat sinabi ko, wala labis at walang kulang.

"W-wait. Totoo bang ako lang ang nakakakita at nakakahawak sa 'yo?"

"Hindi ko alam. Pero sabi ni Goddess M, ikaw nga lang daw."

"Imposible."

"So, ano... matutulungan mo na ba ako? Kaunting oras na lang ang mayroon ako, kaya sana matulungan mo ako."

"Miss—"

"Creamy nga pangalan ko."

"Whatever." maarte niyang sabi. "Creamy, sa tingin ko hindi kita matutulungan. Baka nagkakamali ka lang. Baka hindi pala ako yung lalaking sinasabi nung Goddess M."

"Paano ako magkakamali, e, ang linaw ng instructions niya sa akin? Using this bracelet and the blue string, malalaman ko kung sino ang lalaking 'yon. At sigurado akong ikaw na yung tinutukoy niya."

Akala ko pa naman magiging madali na lang sa akin kapag nahanap ko na yung lalaking makakatulong sa akin. Hindi naman pala.

"I'm sorry, Creamy, pero hindi ko alam kung paano kita matutulungan."

"Pero..."

"Puwede ka ng umalis."

"Pero..."

"Please! Baka nakakalimutan mong nakipag-deal ka sa akin. Kaya, umalis ka na lang. Hindi kita matutulungan."

"Puwede ko bang malaman kung bakit?"

Kaunti na lang, maiiyak na ako. Bwisit naman kasi 'tong lalaking 'to, e.

"Hindi."

"Bak—"

"Ano ba, Creamy?! Umalis ka na!"

Aba't sumusobra na talaga 'tong lalaking 'to, ah. Sigawan ba man daw ako?

"Hoy, mister! Kanina ka pa namumuro sa akin, ah. Bakit ka ba nasigaw?!"

"Ang kulit mo kasi, e."

"Buhay ko nga kasi yung nakasalalay dito."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagulat ako nang bigla na lang niya kong dahan-dahang tinulak palabas.

"Sorry talaga, Creamy. Maghanap ka na lang ng iba diyan."

"Paano nga ko maghahanap kung ikaw nga—"

"Sige na, bye!"

Nang mapalabas niya ako sa unit niya, dali-dali niyang isinara ang pinto.

"Hoy, mister! Papasukin mo ko ulit—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may ma-realize akong isang bagay. Bakit hindi na ako makatagos sa pinto?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro