Chapter 1: Reality's Adversities

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"WHAT do you mean it's all my fault? You were the one who told me to..."

Hindi na nagawa pang tapusin ni Ian ang sasabihin niya nang marinig ang mabibigat na hakbang ng kanyang daddy sa labas ng kwarto niya. Sa taranta nga niya'y kaagad na niyang pinatay ang tawag at mabilis na itinago ang hawak na cellphone sa kanyang likuran. At kasabay niyon ay ang tuluyang pagbukas ng kanyang pinto.

"What on earth is wrong with you?!" Iyon agad ang bungad sa kanya ng amang si Richard. Nakakunot ang noo nito at halos mamula na ang mukha sa hindi maipaliwanag na inis.

"Richard, what's wrong?" awat naman ng kanyang ina na si Clarissa na noo'y nakasunod sa likod ng kanyang daddy.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at saka mariing napapikit. Nagsimula na rin humigpit ang kapit niya sa cellphone sa kanyang likuran. Well, he knew that everything that happened that day would come to light. He just didn't expect it to be that sooner.

"You just transferred to that school two weeks ago, Ian!"

Halos umalingawngaw na sa buong bahay nila ang malagom na tinig nito ngunit nanatili pa rin siyang tikom. Nasisiguro naman kasi niyang alam na ng daddy niya ang nagawa niyang kalokohan sa school pero talagang nag-effort pa itong pagalitan siya sa mga oras na iyon.

"Calm down, mahal. Ano ba kasi talagang nangyari?" muling tanong ng mommy niya.

"Your son's art teacher got into an accident because of his unruly behavior!" Ramdam niya ang matalim na tingin sa kanya ng daddy niya kaya hindi na siya nag-abala pang tumingala rito. "And now, the school wants to suspend him for what he—"

"It wasn't entirely my fault, dad!" pagputol niya sa mga sinasabi nito na dahilan din ng paglingon ng mga ito sa kanya. "I-it was my friend... Billy. He's the one who told me to—"

"And you followed him? My god, Christian! What are you, a freaking five-year old?" Bakas ang mapanghusgang tono sa kanyang daddy. Nakita pa nga niya kung paano nito hinilot ang sentido nito na animo'y wala na siyang ibang naibigay sa mga magulang kundi sakit ng ulo.

But can they blame him for acting that way? Samantalang sila nga itong wala na halos oras sa kanya dahil kapwa abala ang dalawa sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Oo, alam naman niyang mahirap makipagsapalaran sa Estados Unidos lalo pa't kahit baligtarin man ang mundo, hindi na maiaalis ng kanilang permanent residency ang katotohanan na salta lang sila sa bansang iyon.

"We only asked one favor from you, Ian. Is it that hard to act like a decent young man? Ano pa ba ang hindi namin naibigay namin sa 'yo for you to behave like tha—"

"Wasn't it your idea, dad?" At mula roo'y dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa kanyang daddy. "It was you who told me to stop being an introvert, right? You told me to socialize more and gain friends!"

"Christian!" Maging ang mommy niya mismo'y nagawa na rin tumaas ang boses matapos ng kanyang pabalang na sagot. "We are still your parents so have some respect."

"I respect you both that's why I listened to what you told me. I've gained friends and as I said, what happened earlier wasn't entirely my fault—"

"Richard!"

Nanlalaki ang mga mata ni Ian matapos padapuin ng kanyang ama ang palad nito sa kanyang pisngi. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at kung hindi pa siya nagawang lapitan ng mommy niya'y hindi pa siya makababalik sa kanyang ulirat. Puno ng poot niyang binalingan ng tingin ang kanyang ama at mababakas sa mukha nito ang pagkabigla sa nagawa.

"I never demanded anything from you both," panimula niya. "But how come everytime I try to be a better son, you only see the worst in me?"

"Ian..."

Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon ang kanyang mga magulang na magpaliwanag. Kaagad niyang tinabig ang kamay ng kanyang mommy at saka mabilis na tumakbo paalis ng sariling kwarto. Makailang ulit pa nga niyang narinig ang pagtawag ng mga ito sa pangalan niya pero hindi na siya nag-abala pang lingunin ang mga ito.

Totoong sa dayuhang bansa na siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng halos seventeen years niya sa bansang iyon, sadyang hindi pa rin naging madali sa kanya ang mag-adjust. Katunayan nga'y tampulan siya ng tukso noon dahil sa pagiging mailap niya sa ibang kaklase. Ngunit nagbago ang lahat mula nang makilala niya ang dalagang si Candace.

"They're all the same. They'll leave you hanging after they're done using you," bulong niya sa sarili.

Sakay ang bisikleta niya'y tinahak niya ang daan patungo kung saan. Basta ang mahalaga lamang sa kanya sa mga oras na iyo'y makalayo muna sa kanilang bahay.

===●○●===


"HOY, Venus! Gising!"

Ilang magkakasunod na katok ang gumising kay Venus mula sa mahimbing niyang tulog. Kaagad niyang pinadulas ang isang kamay sa ilalim ng kanyang unan upang abutin ang cellphone roon. Ang nakakasilaw na liwanag mula roon ang tumambad sa kanya gayon na rin ang oras na pasado ala sais ng umaga.

"Anak ng—Venus! Lalabas ka ba riyan o hindi?!" muling sigaw ng isang babae sa labas ng kwarto niya.

Maagap na siyang bumangon habang humihikab-hikab pa. Hindi na niya nagawa pang itali ang maiksi niyang buhok dahil wala na rin naman oras. Sa lakas kasi ng katok ng kung sino mang nasa labas ay animo'y wawasakin na nito ang pinto. Ni hindi na nga rin niya nagawang ayusin man lang ang kanyang higaan dahil kaagad na niyang tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"A-Aling Doris..."

Ang nakabusangot na pagmumukha agad ng babaeng nasa mahigit kuwarenta na ang edad ang siyang bumungad sa kanya. Nakasuot ito ng kulay itim na daster habang tadtad ng kulay dilaw na hair rollers ang ulo nito. Sa hilatsa pa lamang ng pagmumukha nito'y mukhang alam na niya ang pakay nito.

"Ano'ng petsa na, Venus?" pag-uumpisa nito ng litanya. "Hindi ba't nangako ka noong isang linggo na magbabayad ka na sa tatlong buwang utang mo sa renta? Nasaan na?"

Kaagad siyang napakamot sa ulo nang maalala niya ang deadline na ibinigay sa kanya ni Aling Doris. Gusto nga niyang batukan ang sarili dahil doon. Ngunit sa halip ay isang malawak na ngiti na lamang ang iginanti niya sa mataray na landlord.

"E... kasi ho... Aling Doris, ganito ho kasi iya—"

"—ay wala akong panahong makinig na naman sa palusot mo!" marahas na pagputol nito sa sinasabi niya. "Husto na ang tatlong buwan na pinagbigyan kita. Kung hindi mo maibibigay ang hulog mo ngayong araw, magbalot-balot ka na kung ayaw mong tumawag pa ako ng tanod para mapaalis ka!"

Bago pa man siya makapagbigay ng karagdagang paliwanag ay kaagad na siyang tinalikuran nito at naglakad paalis doon. Napabuga na lamang siya ng hangin lalo nang mapansin niya ang kumpulan ng iilang tenants sa compound na iyon.

Puno ng panlulumo niyang isinara ang pinto at saka mabilis na nagtungo sa kanyang kwarto. Una niyang sinipat ang aparador na gawa sa kahoy at mula roo'y hinablot niya ang backpack para kunin ang wallet niya. Ngunit mas dumoble ang panlulumong kanyang naramdaman nang malaglag ang dalawang limang piso, pati na rin ang wallet size na litrato nila ng kanyang Nanay Marissa.

Nagsimula niyang maramdaman ang pangingilid ng kanyang mga luha. Ngunit sa halip na maiyak sa sitwasyon niya'y pinili na lamang niyang ngumiti — dahil ganoon siya pinalaki ng kanyang ina. Na kahit gaano man kabigat ang bawat hagupit ng pagkakataon, kailangan ay patuloy lang siyang lumaban.

"Pa'no ba 'yan, 'nay? Mukhang ma-e-evict na naman ako sa lugar na 'to."

Hindi naging madali ang kinagisnan niyang buhay lalo pa nang sa murang edad na apat ay nagawa na silang iwan ng kanyang ama. Kaya naman mag-isa na lang siyang itinaguyod ng kanyang butihing ina kahit pa ang kapalit niyo'y ang maaga nitong pagkawala.

"Pero chill lang kayo d'yan sa heaven, 'nay. Kayang-kaya ko po ito."

Isang halik ang iginawad niya sa larawan bago nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Matapos niya kasing masipa sa trabaho sa isang canteen dahil sa pagbibigay ng tirang pagkain sa mga batang palaboy, hindi na niya alam kung saang lupalop siya makakahanap ng trabaho muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro