Chapter 10: The Raketerang Beauty of Laguna

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI na mabilang ni Venus kung ilang lugar na ang kanyang napuntahan at trabahong napasukan. Magmula sa pagiging roomkeeper ng mga local motels hanggang sa pagiging dishwasher at kahera sa isang maliit na canteen. Lahat na yata halos ng trabaho'y napasok na niya, alang-alang sa pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.

"Why aren't you eating?"

Napukaw ang kanyang atensyon nang magsalita ang binatilyong si Ian. Awtomatiko siyang napatingin dito, magmula ulo hanggang paa. At kumpara kagabi ay nakasuot naman ito ng kulay blue na tshirt at khaki pants. Tanging sapatos lamang ang hindi nag-iba sa suot nito, marahil ay dahil iisang pares lang ang nabitbit nito buhat nang maglayas. Medyo magulo rin ang pagkakaayos ng buhok nito pero nakakatawang isipin na bumagay iyon sa porma nito ngayon.

Gaya niya ay maaga rin itong nagising dahil daw hirap pa rin itong mag-adjust sa oras dito sa Pinas. Kapansin-pansin naman talaga ang American accent nito subalit batid niyang wala itong dugong banyaga. At ngayo'y sabay silang nag-aagahan sa isang café na malapit lang sa INN, kung saan sila nagpalipas ng madamag.

"Ah, wala! May bigla lang akong naisip." At saka siya nagsimulang kumain. "Salamat nga pala kagabi. Kahit papaano, may maayos akong natuluyan."

Nagkibit-balikat lamang ito sa kanya na para bang sinasabi na maliit na bagay lang ang nagawa nito para sa kanya. She wants to ask him questions but everytime she tries to open her mouth, she would hesitate instantly. Base na rin kasi sa hitsura at way ng pananamit nito'y nagmula ito sa mayamang pamilya. Nabanggit na rin nito na isa siya sa mga nakatira sa matandang bahay na hinahangaan niya.

Kaya bakit nito napiling lumayas?

"Saan nga pala ang punta mo after natin kumain?" wala sa wisyo niyang tanong dito. Pero sa halip na sumagot ay bumuntonghininga lamang ito sa harapan niya. "Uhm, kung hindi naman nakakahiyang magtanong... pero half ano ka?"

Sa wakas ay nag-angat din ng tingin ito sa kanya. Pero kasabay ng pagtatagpo ng kanilang mga tingin ay ang bahagyang pagkunot ng noo nito.

"What do you mean, half?"

"Half ano... kung pure Pinoy ka ba o may lahi ka, ganern!"

Bahagya itong napanganga sa kanya bago tumangu-tango. Alam niyang hindi sila ganoong ka-close ni Ian. Pero dahil na rin sa awkwardness sa pagitan nila'y handa siyang magtanong, kahit na ang pinakawalang kwentang bagay na maisip niya. Aba, mahirap na. Baka sa sobrang tahimik nila'y mapanis na lang ang kanilang mga laway.

"I'm pure Filipino but I was raised in America," diretsong sagot nito sa kanya. "Although, I'm pretty sure my mom has foreign blood."

"Ah! Kaya pala nakakaintindi ka ng Tagalog. Galing!" At saka niya pinilit na matawa kahit pa wala naman talagang sense ang pagtawa niya. "Uhm, ito ha? Hindi naman sa pagiging marites, pero bakit ka-"

"-who's Marites?"

Now, it's her time to pull her eyebrows together in a frown. "Seryoso ka sa tanong mo? Nasa twenty-first century na tayo pero hindi mo alam 'yon?"

"Is it a requirement for me to know that person?"

Napailing siya sa reaksyon na ipinapakita ng binatilyo. Nakapagtataka na sa kabila ng magara nitong gadget ay literal itong walang alam sa paligid.

"Pambihira ka naman! Marites lang, hindi mo alam? Nasa Facebook 'yon! Tiktok at iba pa."

Umiling-iling din ito sa kanya at saka muling itinuon ang tingin sa pagkain. "I don't do social media like the ones you've mentioned. It's just me, myself and my games."

Literal siyang napakamot sa kanyang ulo. Aware naman siyang may mga lalaki talagang hindi masyadong active sa social media. Pero sa sitwasyon ng binatilyong nasa kanyang harapan, hindi kapani-paniwalang wala itong kahit Facebook man lang. May nag-e-exists ba talagang gano'n?

Sa huli ay hindi na siya nag-usisa pa. Halata rin naman ang kawalan ng interes ng binatilyo sa kanya kaya mas mabuting manahimik na lang siya. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay kung paano makakahanap ng trabaho upang tustusan ang kanyang pag-aaral at pangangailangan.

===●○●===

"I GUESS, this is where we part ways?"

Inilahad ng binatilyo ang kamay nito sa kanya para makipagkamay. Sandali siyang napatitig doon, tila naglalaban ang kanyang kalooban sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kasalukuyan silang nasa plaza ng Pagsanjan kung saan sa tabi niyo'y makikita ang sakayan ng jeep pabalik ng Lumban o pa-diretso ng Sta. Cruz.

Maraming tao sa mga oras na iyon at sa eksena nila ngayo'y nasisiguro niyang may mga nakakapansin na no'n. Sino bang hindi? Eh mukha silang mag-jowa na akala mo'y kasalukuyang nasa proseso ng break-up.

"Vee, are you okay?"

Napakagat siya sa kanyang labi lalo nang unti-unting napawi ang malawak na ngiti sa mukha ni Ian. Tila napahiya yata ito dahil sa hindi niya pagtanggap sa kamay nito.

"You take care of yourself." Huling turan nito sa kanya bago siya tinalikuran. Nagsimula na itong maglakad palayo sa kinatatayuan niya nang bigla na lamang siya makaramdam ng mabilis na kabog sa kanyang dibdib.

"Ian, sandali!"

Nakita niyang natigilan ito sa paglalakad at saka siya nilingon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Mabilis na niyang tinakbo ang kaonting distansya nilang dalawa na lubos na ikinabigla ng binatilyo. Nang maabutan ito'y siyang paghabol niya sa kanyang paghinga.

"W-what's the problem?" Inalalayan siya nitong makatayo nang tuwid. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay saka pa lamang siya napangiti.

"Saan ang punta mo?"

"And why are you asking?" Nagsimula na naman kumunot ang noo nito sa kanya kaya naman mas lumawak pa ang ngiti niya rito. Kalauna'y napahugot na lamang ito ng malalim na hininga, bago siya muling tiningnan. "I'm going to fulfill my late grandma's bucket list."

Mula sa backpack ay hinugot nito ang isang nakatiklop na papel. Pagkuwa'y ipinakita nito iyon sa kanya at halos mawindang siya sa nilalaman niyon. Paano't may kalaliman ang pagkaka-Tagalog ng mga nakasulat sa naturang bucket list. Matapos pasadahan ng basa ay muli na niyang ibinalik sa binatilyo ang papel.


"Gagawin mo ang mga nakasulat d'yan?" May halong pagdududa ang kanyang tono. Hindi dahil nais niyang maging judgmental kundi dahil alam niyang mahihirapan si Ian na intindihin ang nilalaman niyon.

Ian just shrugged. "It's worth a try. I mean, I would rather get lost somewhere than stay in a house filled with..."

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Ramdam niyang may mabigat na dahilan ang paglayas nito sa kanilang bahay. Pero kung ano pa man iyo'y hindi 'yun ang main concern niya. Ang punto niya'y paano nga kung maligaw ito?

"Alright, Vee. I really need to get going-"

"Teka!" Naitaas niya ang isang kamay sa mukha nito dahil sa ideyang kanyang naisip. Alam niyang tila kabaliwan ang susunod na lalabas sa kanyang bibig pero gaya ng sinabi ni Ian ay walang masama kung susubukan. "Since inilibre mo 'ko ng pagkain at matutuluyan kagabi kaya ako naman ang tutulong sa 'yo ngayon."

Tumaas ang isang kilay nito sa kanya. "How?"

"Hi! I'm Vee, also known as the raketerang beauty of Laguna... and I'll be your tour guide." Sa pagkakataong iyo'y siya naman ang naglahad ng kamay sa binatilyo habang ang malawak na ngiti ay hindi na naalis sa kanyang mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro