Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 12: The Impact

We were ordered to go back to our respective shelters. It's frightening how I could hear the silence when that happened. The silent cry of Behemoth Clan is haunting me.

One of the leaders has been decapitated.

Kailangan bang humantong sa ganito ang lahat?

"Astra..." Suminghap si Blessy saka niya uli niyakap ang mga braso ko. "Tinakot kasi ako ni Lady Grenda na sasaktan ka pa niya kapag sinabi kong siya ang nanakit sa 'yo. Sorry."

Lumipat ang tingin ko kay Lola na nakaupo lang sa kanyang kama habang malalim din ang iniisip. Sa aming narito, sa tingin ko ay siya ang mas maraming alam sa mga maaaring maganap.

"Hindi ko inakalang ganito kalalim ang digmaan na mangyayari," ani Lola bago bumuntonghininga. "Isa sa mga pinuno ng mataas na pangkat ang nasawi."

"Patay na rin si Lady Feera," ani Blessy na nagpupunas ng mga luha. "N-natatakot na talaga ako, Lola. Paano... paano kung ikaw na pala ang susunod?"

Umangat ang tingin ni Lola. "Manahimik ka nga, Blessy. Hindi ka nakakatulong."

"Salamat nga pala, Lola," banggit ko. "You stood up for me, too. Isa ka sa mga naglakas nang loob para patunayan na isa rin akong biktima sa marumi nilang laro."

"Wala naman 'yon. Mas binigyan diin ko lang ang mga sinabi ni Lady Vienzara."

Pinakawalan ako ni Blessy para lumapit kay Lola. She wrapped her arms around her and said, "The best ka rin pala, Lola. Dati akala ko ay multo ka lang."

Mabigat man ang didbib ko dahil sa mga nangyayari ay nagawa akong patawanin ni Blessy. Though I still have lots of questions. Alam kong mabigat ang nangyaring pagkamatay ni Lord Behemoth. Hindi ko lang alam kung gaano kabigat. Ano na ang gagawin ngayon ni Lord Oscar? At para saan ang Unus?

The door suddenly opened and Erikson got in. May mga dala itong pagkain.

"You haven't eaten anything yet," he said as he put the tray on my bed. Saka siya umupo at bumuntonghininga. "Please, eat, Astra. Pagkatapos ay magpahinga ka na rin."

"What's happening outside?" I couldn't help but to ask.

He shook his head. "Wala. Pakiusap naman, Astra. Pagpahingahin mo naman ang utak at katawan mo. So far... nothing is happening yet. Wala kang dapat na ipangamba."

"What's the Unus for?"

Erikson gave me the warning look.

"Fine." Kinuha ko ang tray at sinimulan nang kumain. Lumapit din sa akin si Blessy at nakisalo. Inalok ko rin si Lola pero ang sagot nito ay wala siyang gana.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang magsalita si Lola. "Hindi lang tayo ang kinakalaban ni Brixton. Dahil sa ginawa niya ay nagsimula rin siya ng digmaan sa mga nakakataas."

Hindi umimik si Erikson.

"Ano ang ibig mong sabihin, Lola?" tanong ko.

"Baka may mas matangkad pa na kalaban si Brixton. Kakampi rin ba natin sila, Lola?" tanong ni Blessy na puno pa ang bibig.

Hinintay kong sumagot si Lola pero humiga lang ito sa kama at tumalikod sa amin. Mukha rin namang walang balak na sagutin ni Erikson ang tanong ko kaya tinikom ko muna ang bibig ko.

Lumipas ang ilang araw nang sobrang tahimik. Mahigpit ang seguridad pero wala na akong narinig na balita sa mga kilos nila. Hindi na rin kami naghahatid ng pagkain sa mga pinuno.

The silence is disturbing because it doesn't mean stillness. It means... preparation. I think the war has already been started. This is part of the process.

"Really? Better than me?" nagdududang tanong ni Erikson.

I smirked as I took a bite of my apple. "I can't tell, Mr. Nadija. We haven't fought yet."

Narito kami ngayon sa kakahuyan. Pinaunlakan ako ni Lady Lena nang ilang araw na pahinga matapos ng nangyari sa akin. Madalas ngayon ay magkasama kami ni Erikson.

Umayos nang pagkakasandal sa puno si Erikson bago pinagpagan ang mga kamay. He looked up at me as a smirk shaped on his lips.

"Yeah, right. Can I try then?" he asked.

Muli akong kumagat sa mansanas. Nakaakyat ako sa puno habang siya ay nasa baba lang. Nginuya ko muna at nilunok ang kinakain bago binato sa kanya ang mansanas. Mabilis na nasalo niya ito.

"Hinahamon mo ba ako?" tanong ko sa mapaglarong tinig.

He threw the apple back at me and I avoided it. Mas lalong lumaki ang ngisi sa kanyang labi. I could tell that he really wants to try my ability. Good thing, nababagot na rin ako na walang ginagawa.

"Prepare your arrows," he dared.

I jumped off the tree. "I prefer close combat, Mr. Nadija."

An astonished expression crossed his face. "You sure? I won't hesitate to physically hurt you. Sana lang ay maintindihan ni Brix na ginagawa ko lang ito para makita kung hanggang saan na ang kaya mo."

"You talk too much."

"Aw. My friend is bitter. Ayaw mo bang binabanggit ko ang pangalan niya?"

Naningkit ang mga mata ko.

Tumawa ito kaya mas lalong nagpantig ang mga tainga ko. "Damn. Kung may dapat palang matakot dito ay si Brix 'yon."

I just rolled my eyes. "Let's have a deal. Kapag napaluhod kita sa lupa ay sasagutin mo kung ano man ang tanong ko."

"Uh oh..."

"Aren't you confident enough, Mr. Nadija?"

Bumali ang leeg nito. "I just don't trust you."

"Deal or be a coward?"

He let out a heavy sigh. "Mas binigyan mo ako ng dahilan para hindi mapaluhod. If that's what you want then, deal, Lady Astralla Martin. If you win, I will answer one of your questions."

"Shall we start then?"

"Ang unfair mo!" singhal niya. "Paano naman kapag ako ang nanalo? Wala ka bang parusa?"

"Tell me."

Humakbang ito nang dalawang beses palapit sa akin. Biglang naglaho ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.

"After this..." He gulped first. "I can no longer promise to stay beside you all the time. Surely, I will always be your friend. Pero... mas lalayo ako nang kaunti."

"W-where are you going?"

"Live my life." A spark of smile ignited on his lips. "After the war has been settled, I want to live my life, too. Siguro ay matatagalan ang pagkikita natin."

Hindi ako nakasagot. Iniisip ko pa lang na aalis din siya ay nasasaktan na ako, pero alam kong tama siya. Halos ako lagi ang inaalala niya. Kailangan niya ring bigyan ng panahon ang sarili.

"Hey. Mukhang matagal-tagal pa rin naman ang pagsasamahan natin. Sinabi ko lang ngayon. Napagtanto ko rin kasi ito habang nakakulong sa kwarto ko nang ilang buwan." Tumawa siya. "But I don't think you still need me, Astra. I can see that you are stronger now."

"You are making me sad."

He chuckled. "Brixton can ease it."

"Why do you keep mentioning his name?"

"Does it bother you?"

I took the chance to hit him on his stomach and ran away. Imbes na umangal ay nagawa pa nitong humalakhak. Alam niya kasing nagawa niya akong i-distract. Bakit kailangan niyang sabihin ito ngayong may laban kami?

"Not gonna lie. That hurts," nanunuya niyang sambit. "Mas lalo tuloy akong naaawa kay Brixton—"

"Type mo si Ms. Werewolf 'no?" tanong ko rin.

Mabilis na nabura ang ngiti sa kanyang labi.

"Who?" patay-malisyang tanong nito.

Mapang-asar na ngumiti ako. I knew he still thinks about her. His reaction says it all. I want to push it more. Siya lagi ang nang-aasar, gusto ko rin siyang asarin ngayon.

"Kunwari ka pang ayaw mong ibalik sa kanya ang locket. It's just an albini." I crossed my arms on my chest. "Gusto mo lang na may panghawakan para magkita kayo uli, hindi ba?"

Tumaas-baba ang adam's apple nito. "Stop. I did it for you!"

"Really?"

"Y-yeah. You are delusional if you think that she's my type. A werewolf?"

"Whatever you say, Mr. Vampire."

"Hindi ka titigil?"

Humalakhak ako nang mamula ang pisngi niya. Damn it. Kung may papalit man sa akin, parang mas gusto ka yatang si Ms. Werewolf na lang 'yon.

"Ano nga uli 'yung sinabi mo, Erikson?" pagpapatuloy ko.

"Astra..."

"As long as you have her heart, you are her Alpha. Damn? Yeah, right. Damn."

Naging alerto ako nang biglang mawala sa paningin ko si Erikson. May mga kaluskos sa paligid. Pinaiikutan niya ako at naghihintay ng tamang pagkakataon na umatake. Mukhang napikon ko na nga.

I didn't let my guard down. He won't attack me from here. Mabilis akong tumingala at umiwas nang pabagsak na si Erikson. I knew it. He would attack me from above.

Napasobra ang pag-atras ko kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nakasandal ako sa puno. I am not really good at close combat. Tapos si Erikson pa ang kalaban ko.

"Is that all?" I teased, hiding the fact that he almost got me in one hit.

Nanatiling nakayuko lang si Erikson.

"Mr. Nadija? Are you crying?"

That's when he looked up at me. His eyes turned bloody red. I was taken aback for a moment. I think this is the first time I've seen his eyes changed their colors. He really is desperate to defeat me.

He will use force now and I think I should, too. I clasped my fists and my senses broadened. I could feel my eyes burning and the things peeking from my lips.

He was the first one to attack. I didn't try to avert it this time. I stopped his attempt to push me by pushing him back. Our hands now are collided, trying to overpower one another. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang mga nakakuyom na kamao. Dumudulas ang mga paa ko dahil sa mga tuyong dahon.

I glanced at the trunk behind me. An idea popped in my mind. Mas nilakasan ko ang pagtulak sa kanya kaya mas diniinan niya rin ito. Nung naramdaman kong matutumba na ako ay bumitiw ako at umupo. Napalunok ako nang lumusot ang mga kamao niya sa katawan ng puno. Umugong 'yon at naghulugan ang ibang mga dahon.

Damn. Is it really that serious?

While his fists were stuck inside the trunk, I tried to kick the back of his knees but he rapidly jumped and extracted his fists. Umakyat ito ngayon sa puno habang diretso ang tingin sa akin.

The view won't be fair for both so I jumped on one of the trees, too. Pero nung nakaakyat na ako ay wala na sa tinatayuan niya si Erikson. Naging alerto ako lalo na't hindi ko siya maramdaman.

I gasped when I felt the attack from behind. Sa kagustuhan kong makaiwas ay sumobra ang pwersa ko kaya nabali ang sanga na tinatayuan ko. Nagawa kong makatayo pagbagsak sa lupa pero nasa tabi ko na rin pala si Erikson. Dinulas niya ang kanyang mga binti sa paa ko at bago pa man ako mapaluhod ay tinukod ko ang mga kamay ko.

Shit. He was faster than I thought.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hawakan ang binti niya saka ko hinila pero tumalon lang ito at umikot sa ere para alisin ang pagkakahawak ko. He landed a few meters away from me.

We were just silent for a moment. I won't initiate the attack. He's faster than me so making the first move would be crucial. Hihintayin ko na lang siyang makalapit sa akin.

After a minute, he still didn't move.

"How do you feel about this, Astra?" he suddenly asked.

His eyes turned back to normal. Pumayapa na rin ang kanyang presensya. Dapat ay gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil hindi na niya ako aatakihin pero mas sumikip lang ang dibdib ko.

"Kung hindi si Brix, isa pa ring Severus ang umatake at pumatay kay Pinunong Behemoth," aniya pa saka nagpakawala ng mabigat na hininga. "How do you feel about that?"

"I-I can't speak for my master—"

"Alam niya ang pakiramdam ng takot dahil buong buhay niya ay ito ang nararamdaman niya," Erikson cut me off. Humakbang pa siya nang ilang beses palapit sa akin. "He has been through a lot. I understand his aim to avenge the things they did to him but..."

"You are against this."

"I just want him to be finally at peace with himself," bumaba ang tinig ni Erikson. "Gusto kong maging payapa na rin siya. He has been fighting all his life. Is it too much to ask for him to stop now? He has a good clan now. Hindi na niya kailangan ipagsiksikan ang sarili sa lugar na hindi kakampi ang turing sa kanya."

Tila tinakasan ako ng mga salita ngayon. I get his point. Gusto lang niyang maging payapa na si Brix sa kanyang sarili. Ano pa nga ba ang pinaglalaban ni Brix?

"Saka habang ang tingin nila sa kanya ay isang kalaban, ikaw rin ang isa sa mga nahihirapan. Ilang beses ka nang napahamak dahil sa kanya? I'm afraid for you, Astra."

Nanuyo ang lalamunan ko pero nagawa kong makapagsalita. "Whatever happens, I will stand with Brix. He is the reason why I am still here. I swore to serve him as long as I live."

Naningkit ang mga mata ni Erikson. "W-what?"

I nodded. "We already did it."

"You did the ritual?"

"Y-yeah. We swore to be with each other until the end."

Sinarado na nang tuluyan ni Erikson ang distansya sa pagitan namin. May makinang na ngiti sa labi nito. This is the most genuine smile I've ever seen on him.

"Tell me the details."

Napaiwas ako ng tingin. "B-baliw ka ba?"

"No. Not that. I mean... before that." Tumawa ito.

Biglang bumalik sa isipan ko lahat ng nangyari nung gabing 'yon. Kumabog ang dibdib ko. Sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari. Parang kahapon lang.

"Come on, Astra."

"Inside the thick fog, we shared our blood."

"Fuck!" Erikson's ecstatic laugh reverberated in silence. Pabiro pa niya akong tinulak. "I knew he would do it! Congratulations, Lady Astralla Martin."

"Pinagsasabi mo diyan?"

Umakbay siya sa akin. "That ritual is not for slaves."

Umangat ang tingin ko sa kanya.

"You are no longer a slave, Astra. Brixton took that curse from you that night. You see. Mababa ang tingin nila sa mga alipin dito. Ayaw ni Brix na gano'n ka lang. You can finally brag about being Brixton's girlfriend now, not slave!"

Napanganga ako. Sa dami ng sinabi niya ay isa lang ang kailangan kong maintindihan. Brix freed me that night. I've read about this, when a slave is freed, she/he has now a full right to everything. He/she can rule a clan, be a Lady/Lord.

"G-gago..." bulong ko.

Humalakhak si Erikson.

"You are officially the Lady of Brixton Wenz Cardinal."

Hindi ako agad pinatulog ng mga sinabi ni Erikson. Buong magdamag nga yata akong nakatulala sa itaas ng kama ni Blessy. Minsan ay nahuhuli kong nakangiti ang sarili.

"Nasaan ang ibang mga sangkap?" dinig kong tanong ni Lady Lena sa isa sa mga kasamahan ko. "Lady Rhim? Hindi ba ikaw ang inutusan kong kumuha?"

Humikab ako habang naghihiwa. Pinigil ko ang ulo ko sa direksyon nila Lady Lena.

"Hanggang ngayon kasi ay hindi pa dumadating ang mga bagong sangkap, Lady Lena," nakayukong sambit ni Lady Rhim. "Maging ang mga alternatibong sangkap ay nagkukulang na tayo."

"Wala pa?" takang-tanong ni Lady Lena.

Napatingin ako sa bagong pasok na si Lady Celeste. Gaya ng mga nagdaang araw ay matamlay ang mukha nito. Tuwing tinatanong ko siya ay iling lang ang isinasagot niya.

"Lady Celeste..." Lumapit si Lady Lena sa kanya.

"Hindi niyo na aasahan ang pagdating ng mga sangkap," ani Lady Celeste bago bumuntonghininga. "Tumiwalag na sa atin si Queen B ng Taurus Clan. Sila ang nagsus-supply sa atin ng mga sangkap."

Natigilan ako. What? Gusto kong isipin na ang dahilan ay ang pagtatalo nila ni Lord Behemoth pero nag-supply pa rin naman sila pagkatapos no'n. Bakit sila tumigil ngayon?

"Wala tayong aasahan ngayon kung hindi ang ating mga pananim," ani Lady Celeste pa. "Saka bumili na rin tayo sa kabilang bayan. Darating din ito pagkalipas nang ilang araw."

Hindi nangyari ang sinabi ni Lady Celeste. Isang araw ay binalita niyang hinarang ang mga sangkap kaya hindi nakarating sa amin. That's when I knew someone's sabotaging our supplies.

Lumipas ang dalawang linggo nang wala rin kaming narinig mula kay Lord Oscar. Tumigil na rin kami sa paghatid ng mga pagkain sa mga pinuno.

"What's happening?" tanong ko kay Lady Celeste nung makasalubong ko siya habang nagtatapon ako ng mga basura. "Iniiwasan mo rin ba ako, Lady Celeste?"

She shook her head. "Sorry. I'm just bothered."

"Tell me."

"I haven't seen Lord Oscar yet," aniya sa malumbay na boses. "Hindi ito lumalabas ng Main. Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi pa siya gano'n katagal sa pamamahala. Natatakot akong baka masyado niyang dinibdib ang pagkamatay ni Lord Behemoth."

Natikom ang bibig ko. She's right. Malamang na sinisisi ni Lord Oscar ang sarili dahil nangyari ang insidente sa loob ng pangkat na pinamumunuan niya.

"Lady Grenda is making things harder for him." Napatingin kami sa kararating lang na si Erikson. Bumuntonghininga pa ito. "Si Lord Oscar ang nagdudusa sa tuwing may ginagawa siyang kapabayaan."

Not suprising. Minsan na niya akong tinakot na si Lord Oscar ang ituturo niya kapag may nakaalam sa ginawa niya sa akin. Her nasty scar is messing her head.

"The Unus..." Lady Celeste mentioned. "If my hunch is right, Severus Clan is inviting us for The Unus."

"Inviting?" Umiling si Erikson. "It was not an invitation, Lady Celeste. It's a threat. It's a mandatory. Kung magmamatigas pa rin ang Nightfall na sumali, I'm afraid things will be tougher for us."

"Sila rin ang sumasabotahe sa mga sangkap, hindi ba?" pagsali ko sa usapan. "Hinaharang nila ang mga sangkap bago pa man ito makararating sa atin."

"Maybe..." Erikson shrugged his shoulders. "The only way to solve this is to join The Unus."

"Lord Oscar is not a fool to get in their territory," madiin na sambit ni Lady Celeste. "Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa Severus Clan. What if it's a trap?"

If so, why did he call it The Unus? The Unus is a celebration to unify different clans. Kung ang pakay nila ay bitagin ang mga clan kapag nasa teritoryo na nila, bakit pa Unus ang tinawag nila rito?

"Hindi gano'n lumaban si Brix," ani Erikson. "What for? He easily beheaded one of the leaders without luring into a trap and it happened in front of us. Malamang na ito rin ang iniisip ng mga pinuno. What's Brixton planning?"

"Posible kayang..." Lumunok ako. "Makikipag-ayos na siya?"

"There's only one way to find out, join them," makahulugang banggit ni Erikson.

It didn't take long and a piece of news spread like a wildfire across the whole land of Nightfalls. Finally, a decision has been made. Nightfall and all the other clans involved will join The Unus.

I've seen this one coming but I still got chills.

It brought fear to everyone. Kahit na ang mga babaeng tagapagsilbi ay nangangatog sa takot. Tumigil ang lahat sa pagtatrabaho kaya nagmadali akong lumabas ng kusina.

The impact has been felt around. Naririnig ko pa ang mga kawal na nagbubulungan. They think this is a silly move from their leaders. Attending The Unus inside the territory of their enemies is really not a good idea.

"Lady Astra!" Napatingin ako kay Nigel. Todo ang ngiti nito. Siya lang yata ang nakakagawang ngumiti sa kabila ng mga nangyayari. "Have you heard the news? We will attend The Unus!"

"Bakit natutuwa ka pa?" naiiling kong tanong. Sinubukan kong hagilapin si Erikson pero nakaharang sa harapan ko si Nigel.

"Makikita ko na si idol Brix!" excited niyang sambit.

"Yeah. Whatever. Have you see, Mr. Nadija?" I asked.

"Who?"

"Wala. Sige. Mauna na ako." Saka ko na rin siya nilagpasan.

Nag-umpisa na naman akong manghagilap. Imbes na si Erikson ang makita ko ay si Callum ang aking nakasalubong. Mukhang ako rin ang sadya niya dahil nilapitan niya rin ako.

"May problema ba?" tanong niya.

Umiling naman ako. "Wala. Hinahanap ko lang si Erikson."

"Ah. Kasama niya si Randolf. Bakit?"

"Bakit din?" tanong ko pabalik. "May kailangan ka ba, Callum?"

"Actually. Pwede ka bang sumama sa akin?"

I didn't ask why. Sumama na lang ako sa kanya. Nung pumasok kami sa Main ay napagtanto ko agad kung sino ang nagpapatawag sa akin. Umakyat kami sa paikad na hagdan at pumasok sa isang silid.

Sinarado ni Callum ang pinto at lumabas. Naiwan akong nakatayo sa likod ni Lord Oscar. Nakatalikod din ito sa akin at nakaharap sa labas ng balkonahe.

I gulped as I grasped for words. "How have you been, Lord Oscar?"

"The Unus..." he mentioned as he chortled. Humarap siya sa akin. "What do you think about the decision, Lady Astra?" Hinalo niya ang yelo sa kanyang alak.

"W-why did you agree?"

"Despite of months of preparations and all these huge clans as allies..." Humigpit ang pagkakahawak niya sa babasagin na baso. "He still managed to shake our shields."

Tumitig lang ako sa kanya. I could sense the frustration. Lady Celeste is right. The death of Lord Behemoth has been bothering him. Kung madaling napasok ni Brix ang lugar na ito, para saan pa ang lahat ng paghahanda nila?

He gulped his wine. "When he comes back, brace for impact. Funny because it felt like he never left and the impact has always been there. Is it fine for a leader to salute another leader because heck yeah... that's Brixton Wenz Cardinal."

"Bakit mo ako pinatawag?"

Ngumiti ito. Alam kong tinamaan na rin siya ng alak.

"What do you think?" tanong niya pabalik.

Umiling ako. "I don't know..."

"Don't you want to see him again after a long time?"

Umawang ang mga labi ko.

Nagawa akong lapitan ni Lord Oscar. Inangat niya ang mukha ko at hinaplos ang aking pisngi.

"Prepare, Lady Astra. Severus Clan is waiting for us."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro