Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 19: Leave or else

Brixton freed me so he could put me in a higher position without any hindrance. No. Not just some position. He wanted me to take the crown of the queen and sit beside him on the throne.

Did I get it right?

It's been minutes since Brix disappeared into thin air but I am still glued on the same spot where he left me. I am still in the process of absorbing what he just stated.

He did it before. He once left me dumbfounded.

May mga pumasok na babaeng tagapagsilbi para linisin ang mga pinagkainan. Nakaharang lang ako sa daan kaya minabuti ko na ring lumabas. Nakasalubong ko si Erikson na pabalik sana.

"Astra..." Kumamot ito sa kanyang batok.

I just rolled my eyes and passed him.

"Hey!" Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero mabilis kong iniwas. Narinig ko pa ang mahinang pagmura nito. "I'm sorry, okay? Para namang may magagawa ako kung gusto ka nilang paupuin sa harapan."

Hindi pa rin ako kumikibo.

"Gusto mo bang magwala ako roon at bantaan ang mga leader na kapag hindi ka nila inupo sa likod ay papasabugin ko ang lugar na ito? Are you expecting me to pull a Brixtonish way of getting things?"

I stopped walking and faced him. "You are fucking ridiculous, Mr. Nadija."

"Sorry na nga...

"You didn't seem so bothered about that, Mr. Nadija. Ang sarap pa nga ng kain mo!"

"No. Nawalan nga ako ng ganang kumain kasi—"

"Kaya pala nakaapat na dagdag ka?" Nag-angat ako ng kilay.

"Grabe ka naman. Tatlo lang!"

Nagpatuloy na ako uli sa paglalakad. Gusto ko pa sanang gumala sa loob ng kastilyo subalit minabuti ko na lang na ipagpaliban ito, baka makasalubong ko pa ang iniiwasan ko.

I am not safe here. My mind isn't safe.

"Astra!" I heard Nigel yelled my name somewhere.

"Ayan na naman si Hezuera," bulong ni Erikson. "Nakakasar siya 'no, Astra? Sobrang kulit!"

"Don't talk to me, Erikson. Hindi pa rin kita napapatawad."

"Damn."

Tumigil sa harapan namin si Nigel na malawak ang ngiti. Sa likod niya ay si Randolf na humihikab pa. Mukhang hindi nga ito nakatulog nang mabuti gaya ko.

"Good morning!" Nigel greeted us. "Sayang hindi ako imbitado sa breakfast niyo. Ang gara nga e. Nightfall members lang..."

"What breakfast?" Randolf yawned again.

"You don't need breakfast, Mr. Wenson. Mukhang busog ka naman," pabalang na sambit ni Erikson.

Tumagos ang tingin ko sa mga kawal na nagja-jog. Wala silang mga damit pang itaas kaya kitang-kita sa ang pinagpagurang hulma ng kanilang mga matitikas na katawan.

Napakurap ako nang pumitik sa harapan ko si Nigel.

"Tsk." I hissed.

He shook his head, as if disappointed.

"Mas malaki naman siguro katawan ni idol sa mga kawal na 'yon, hindi ba?" pang-aasar nito.

"Ha! Uuwi kang walang autograph, Mr. Hezuera," pananakot ko.

"Hays. Nakakaakit talaga ang katawan ng mga nakahubad na kawal. Hindi lang naman ikaw ang napatingin e. Pati ibang mga tagapagsilbing babae sa paligid," pagbawi nito. Tinapik pa niya ang aking balikat.

"Fuck you! Ano'ng babaeng pinagsasabi mo, Mr. Nadija? Stop accusing me!"

Naagaw nina Erikson at Randolf ang atensyon namin. Tumabi pa sa akin si Nigel at tinapik uli ang balikat ko na parang pinapatahan ako. Mahina ko siyang tinulak palayo.

I can't believe I am hanging out with these men. They are so annoying.

"Ulol! Deny pa more!"

"Gago ka ba? Hindi ako agad nakatulog kagabi, oo. Pero babae? Gago ka talaga!"

"Sus. Dinig na dinig sa kwarto ko ang langitngit ng kama mo!"

"Tarantado ka pala e. Paano ka nakasigurong kama ko 'yon? Kilala mo ang tunog ng kama ko?"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung ano ang pinagtatalunan nila. Randolf looked so annoyed with the allegation. I could tell he's telling the truth. If that's the case then... the creaking was... damn.

Kumunot ang noo ni Erikson. "Ewan sa 'yo. Ayaw pang aminin."

"Tangina. Halika sa kwarto ko!" Hinawakan ni Randolf ang braso ni Erikson at sinubukang hilahin. "Mag-wrestling tayo sa kama ko at tingnan mo kung katunog 'to ng narinig mo kagabi."

"Bitiwan mo nga ako!" Hinablot uli ni Erikson ang braso niya. Padabog na inayos niya ang damit. "Sino pa ba ang gagawa no'n? Kayo lang naman ni Astra ang katabi ng kwarto ko!"

Nanuyo ang lalamunan ko nang sabay-sabay na napatingin sa akin ang tatlong lalaking kasama ko. Umawang ang mga labi ni Ranfolf pero mabilis na tinikom. Si Erikson naman ay nangunot ang noo.

"Oh. Oh. Stop. Si Astra na naman ang pag-iinitan niyo?" Hunarang sa harapan ko si Nigel. "Ano? Aakusahan niyo rin siyang nagdala ng babae sa kwarto kagabi?"

"Tangina kasi ni Erikson. Ano ba big deal doon?" Mahinang sinapak ni Randolf ang balikat nito. "Saka fucking session lang ba ang dahilan ng paglangitngit ng kama?"

"True..." I agreed.

Erikson furrowed his brows at me.

I cleared my throat. "Mamayang lunch pa ang event kaya may time pa raw tayong magliwaliw. But I am not sure if kasama tayo sa discussion nila. So... what?"

Randolf stretched his hands. "Susunod na lang ako. Kakain muna ako..."

"Ikaw ang leader namin, Lady Astra," biglang sambit ni Nigel na todo ngiti pa rin sa akin. "Sasama na lang kami kahit saan ka pumunta. Kahit na kay idol pa, okay lang."

Muli kong tinulak palayo si Nigel nang aakbayan niya sana ako.

"Oo nga pala, Astra." Naagaw uli ni Randolf ang atensyon namin. "Kinatok ko kayo sa pinto kanina para i-check kung nandoon pa kayo. Sira pala ang door knob ng kwarto mo? Paayos mo na muna 'yon."

I bit my bottom lip. I could feel the heat rushing in my head. I'm blushing... guilty.

"Hala. Ako na ang magpapaayos mamaya niyan!" prisinta ni Nigel. "Kailangan safe si Astra 'pag natutulog. Sa tingin niyo ba marunong si S mag-ayos no'n? Siya ang tatawagin ko sana."

"Gago. Lakas ng loob mo ah!" Humalakhak si Randolf.

Iwas na iwas ang tingin ko kay Erikson na kanina pa nakatitig sa akin. I am dead. Alam kong ako na ngayon ang iniisip niya.

"Bahala na nga kayo riyan." Saka na umalis si Randolf.

"Tara na—"

"I think someone's waiting for you, Mr. Hezuera," Erikson cut Nigel off.

Bumaling kami sa likod. Nadatnan namin sa hindi kalayuan si Lord Hezuera. Nakatingin ito sa direksyon namin. Malamang na gustong makausap ang anak niyang pasaway.

Kumaripas ng takbo si Nigel papunta kay Lord Hezuera.

"Takot din pala sa Papa niya..." Tumawa ako.

Hindi tumawa si Erikson.

Tumikhim ako at naglakas-loob tumingin sa kanya.

"Where do you want to go?" I asked him.

He shrugged his shoulders. "Ikaw bahala..."

"Let's just walk around," I suggested.

"Okay. Hintayin lang natin si Nigel."

Pumayag ako. Mali. Sobrang awkward ang katahimikan namin. Unusual. Malamang na bumubwelo lang ito para magtanong at hindi ko alam kung ano ang irarason ko.

I heard him faked a cough.

Shit.

He's starting.

"So... Astra—"

"He wants me to be the queen of Severus Clan." Iyon ang lumabas sa bibig ko. "Pinaiwan niya ako kanina para sabihin sa akin 'yon."

Damn. I needed to say that. At least... it's not my fault that he wants me to be the queen. It's not like I already accepted it. Unlike that one. I can't deny that I didn't try to stop it.

Natigilan naman si Erikson. Nakahinga ako nang maayos sa reaksyon niya.

That's right, Mr. Nadija. Mawala na sana sa isipan niya ang nangyari kagabi.

I let out a heavy sigh. "I haven't decided yet. I still want to be a Nightfall."

"Ano naman ang nakakagulat doon?" Pagbasag niya sa pananahimik. Mahina pa siyang natawa habang umiiling. "Don't tell me that idea didn't cross your mind?"

My lips slightly parted.

No. It didn't. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko natingnan ang bagay na ito sa may malawak na pang-unawa. I already told this one to Lord Oscar. Does that mean he somehow knew this one coming?

I wanted Erikson to get lost in this topic but I was the one who got caught.

"What's wrong?" Erikson questioned my sudden silence.

I stared at him for a moment before shaking my head.

Bumalik din agad si Nigel. Nakasimangot ito. Mukhang nasermonan ni Lord Hezuera.

"Sorry, guys. I can't hang out with you right now," Nigel announced while scratching the back of his neck. "Sabi ni Papa ay makihalubilo muna ako sa mga kasamahan namin o kung hindi ay ibibigay na lang niya ako sa Nightfall."

Erikson laughed. "What's wrong with that? Mukha namang ayaw mo sa clan niyo."

"Shut up, Mr. Nadija."

"Aw. Poor lad."

Mas lalong humaba ang nguso ni Nigel.

"Buti sana kung Severus..." bulong nito.

I playfully smacked him on his head. "Go ahead. Magkikita naman tayo mamaya! Don't be overdramatic."

Ngumiti naman ito agad. "Syempre naman, Lady Astra. Sana kasama na natin si idol."

"Let's see..." I just smiled.

Lalapit sana sa akin si Nigel para yumakap pero mabilis na humarang si Erikson at siya ang tumanggap ng yakap. Kumawala si Nigel pero mas hinigpitan nito ang yakap.

"Magkikita pa naman tayo mamaya, bakit ka nangyayakap?" pabulong na tanong ni Erikson.

"Hindi naman ikaw ang yayakapin ko—" Nigel tried to push him away but Erikson just tighten the hug again. "Bitiwan mo ako, Mr. Nadija! I am still the freaking heir of Hezueras Clan you fool!"

Pinakawalan din siya ni Erikson. "Sige na. Off you go, Young Prince."

"Fuck you, Mr. Nadija!" He showed him his middle finger. Nung sa akin naman siya tumingin ay parang anghel na ngumiti. "Mamaya na lang ah, Lady Astra? Ipapaayos ko na rin ang door knob ng kwarto mo!"

I cursed under my breathe. He really opened that topic!

Patakbong umalis si Nigel.

"What a nuisance kid..." Erikson whispered before turning his head to me. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Forget about that. Ako na lang ang mag-aayos ng door knob mong nasira."

"It's fine," agap ko.

"Akala ko pa naman mahigpit ang seguridad dito. Nasira ba naman agad ang door knob mo?" Umiling-iling pa si Erikson. "Paano pa kaya ang main gate nila? Baka isang tulak lang sira na agad."

I could smell mockery of his words.

Yumuko na lang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin.

I can't just admit it. Fuck.

"Best friend..." Umakbay sa akin si Erikson. Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako sa nakangiti niyang mukha. "Alam mo naman ang gusto ko ay sumaya ka. Whatever happens, I want you to be happy, Astra..."

Umawang ang mga labi ko pero walang lumabas na salita.

"May malapit na bukal dito," aniya pa. "Gusto mo bang puntahan natin?"

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako. Habang hila-hila ay napagtanto kong mukhang alam na niya. He maybe doesn't want me to feel bad about it.

But then I feel bad for lying to him.

"Stop." He halted our movements. Humarap siya sa akin at mukhang may naiisip na naman. Tinuro niya ang bungad ng kagubatan. "Dire-diretso lang dito ang bukal."

"Okay?"

Tumikhim ito. "Let's have a deal. Unahan tayong makarating doon. Ang huling makarating ang siyang talo. Ang nanalo ay mananalo ng isang katanungan na kailangang sagutin ng natalo," diretsong niyang saad.

I smirked. "You won't really let it pass huh?"

"Pass what?"

"Deal." I shrugged my shoulders.

There's no hell he would leave me alone.

"In the count of three..." Pumantay siya sa akin at pareho kaming nakaharap ngayon sa bukana ng kakahuyan. "With all honesty huh? Astra? Kailangan tapat ang sagot natin..."

"One..." I started the count.

"Ready," he mumbled.

"Three!" I ran first.

"Shit. Madaya!"

Fortunately, I was wearing sandals. Running through the woods and stepping on the dry leaves wasn't that slippery. I was leading the race, passing through the trees like a blow of wind and never looking back to check on the opponent.

"Cheater!"

I looked up at Erikson who was jumping from branch to branch. He grinned before passing on me. That's also when I decided to copy his method. With our current speed, we could be perceived by humans like a lightning traversing on each branch and leaving falling leaves as our marks.

In just a matter of seconds, Erikson achieved to make a huge distance between us. Doon ko na rin napagpasyahan na bagalan ang pagtakbo dahil alam kong wala na akong laban.

I knew I would lose though.

At least I tried.

Tila napawi ang pagod ko nang makalabas sa masukal. Bumungad sa akin ang malinaw na tubig ng bukal. The clear blue water looked like sparkling under the sunlight.

I let out a heavy sigh. Still... I lost.

Where's Erikson?

Napatingin ako sa ilalim ng tubig dahil may lumalangoy roon. Umahon si Erikson at umupo sa batuhan. Naka-grey shorts na lang ito. Niyakap niya ang mga tuhod habang nakangiting nakaharap sa akin.

I frowned. "What?"

"Hindi malamig ang tubig." Napapikit ako nang wisikan niya ako.

Lumayo ako nang bahagya.

Sa isang bato, malayo sa naabutan ng tubig ay nakapatong ang kanyang pantalon at damit. That's rude. Pinamukha niya talaga sa akin na masyado akong mabagal.

Umupo ako sa bato. Kumuha ako ng maliit na bato tinapon sa tubig. Tumalbog ito nang dalawang beses bago lumubog sa tubig. Sa kabilang banda ay nakatingin sa akin si Erikson.

"You are fast," he complimented.

"Thanks." A sarcastic response.

"So..." Tumikhim ito. "Ano ang sagot mo kay Brix?"

Tumingin ako sa kanya. "Is that your real question?"

He grinned.

I rolled my eyes.

"Asshole. He could have just knocked..." I mumbled.

"Damn. You would really let him in huh?"

"Duh?" Umikot na naman ang mga mata ko. "It would be disrespectful to ignore S."

Humalakhak si Erikson. Kumuha ako ng maliit na bato at imbes na sa tubig ay sa kanya ko 'yon pinatama. Tumama 'yon sa dibdib niya. Nag-iwan ng buhangin pinasadahan niya ng tubig.

"Rounds?" he asked.

"Shut up!" Namula ang mukha ko.

"Four?"

"Three..."

"Holy shit!"

Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa kesa marinig ang nang-aasar na hagalpak niya. Sa halip na sumagot ay lumapit na lang din ako sa tubig at binabad ang aking mga binti.

He's right. The water is warm.

"After the door knob in comfort room, now your personal room. What's next?"

"Ah!" I screamed in so much humiliation. Tumayo ako at lumapit kay Erikson. Yumuko ako at hinampas siya sa balikat. "I hate you, Mr. Nadija. Sana mahirapan ka kay Ms. Werewolf."

"Damn. Siya na naman?"

I pushed him on the water. Wrong move, natalsikan ako ng tubig. Kalahati na ng damit ko ang basa. Habang ako ay asar na asar, siya naman ay tawa nang tawa.

I gritted my teeth while staring at him viciously.

Napapikit ako nang may lumusong sa tubig. Sumisid ito sa pinakailalim. Sobrang tagal nito bago umahon. Sandali akong natigilan para alalahanin siya.

"Mr. Nadija!" Humalakhak ang babae.

"Huwag kang lalapit sa akin!" babala ni Erikson.

She bit her lower lip. Bumaba sa katawan ni Erikson ang kanyang tingin. Umismid ito bago bumaling sa akin.

"Hey, Astra..."

"Huwag ka ring lalapit sa kanya!" babala uli ni Erikson.

"Albina..." I mumbled.

Her angelic face smiled at me. "We can be friends now, right?"

"No."

"Shut up, Mr. Nadija!" Umahon sa tubig si Albina at umupo sa batuhan. Naka-kulay puting pang-ibaba ito at walang ano man sa pang-itaas. She proudly stood up and walked towards me.

I gulped. What the hell?

"Don't touch her!" Erikson yelled.

Napasinghap ako nang yakapin niya ako. Her boobs squeezed against my chest. Alam kong sinadya niya 'yon. Hindi naman ako nakakilos dahil sa sobrang gulat.

"Maligo ka na rin!" Sinubukan niya akong hilahin sa tubig pero umiling ako.

Umahon sa tubig si Erikson at lumapit sa amin. Hinila niya ako palayo kay Albina.

"Leave her alone—"

My eyes widened when Albina hugged Erikson.

"I miss my biggest enemy..." she giggled. Pinakawalan niya si Erikson at pinisil ang pisngi. Pumula ang pisngi ni Erikson at bago pa man ito maka-react uli ay niyakap siya ni Albina. "Kahit na laging mo akong inaasar, na-miss kitang ulupong ka!"

"Stop!" Erikson pushed her away. Pulang-pula ang mukha nito. "Y-you are showing your fucking boobs. Magdamit ka na!"

"Fine!" Bumuga ng hangin si Albina.

Lumapit ito sa may puno kung saan nakasabit ang kanyang mga damit. Hindi man lang ito nag-abalang tumalikod sa amin habang nagbibihis. Si Erikson na lang ang tumalikod.

"Wait. How come you knew each other?" tanong ko.

"What?!" Padabog na lumapit sa amin si Albina. Malakas na hinampas niya ang braso ni Erikson. "Ni minsan hindi mo man lang ako nabanggit kay Astra?!"

"What for?" tamad na banggit ni Erikson.

"Damn you!" Albina faced me. Tumikhim ito. "If that's the case then... I need to formally introduce myself and explain why I somehow know about the freaking Nadija, the bitch of Cardinals, the good son and now leader and more."

Okay. I just listened.

"I am Albina Montereal."

"She was once a Nightfall..."

"Shut up, Mr. Nadija! Ako ang magsasabi!"

"Okay..." Lumapit na lang si Erikson sa mga damit niya. "Just don't touch her again.'

"Whoa. Nightfall ka rin pala dati..." manghang banggit ko.

"Okay." Huminga siya nang malalim. "'Yun nga. I was once a Nightfall. I mean... hindi ako napatalsik ah? Mas pinili na lang ng pamilya namin na umanib sa Luminous."

"She didn't ask—"

"I was also part of Socrates led by now Lord Oscar," she cut Erikson off. "The best leader next to... you know? S. Of course, my least favorite Cardinal which was also a member of us, Nathalia."

That had me shocked.

I didn't know that.

Kaya pala malapit din siya kay Nathalia.

"Come on, Astra. Balik na tayo."

"Wait. Hindi pa ako tapos!"

"Sandali lang, Erikson," sabi ko.

I am interested to whatever she is about to say.

Napangiti naman si Albina.

"So... what?" tanong ko.

"Ako ang first kiss ni S."

"What a brag..." Erikson mumbled.

Tumango naman ako.

Naglaho ang ngiti sa labi ni Albina. "What? I said I am his first kiss, Astra..."

"Not a flex, Miss Montereal. The real flex here is two door knobs in one day."

Tinitigan ko nang masama si Erikson.

"What?" Albina asked, confused.

I shook my head. "So... it's nice to see you again, Albina. We need to get back now."

"Sama na ako!"

Sumama na sa amin si Albina pabalik. Pumagitna sa amin si Erikson. Kumapit naman agad sa braso niya si Albina. Napapailing na lang ako sa harutan ng dalawa.

Nagdesisyon muna kaming bumalik sa mga kwarto para makapagpalit ng damit. Maayos na uli ang door knob ko. Naligo ako sandali, nagpatuyo ng buhok at nag-ayos ng sarili.

Nasakalagitnaan ako ng pag-aayos nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan ito. Gumulat sa akin si Lady Grenda. Bago pa man ako maka-react ay nagawa na niyang pumasok.

Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pinto.

"W-what do you want?" tanong ko.

Nakangiting humarap ito sa akin. "Wala naman. Your room is kind of small. Gusto mo ba nang mas malaki at maganda?"

Mabilis na umiling ako.

"Tragic. Anyway..." I knew she's up to something. "I've heard you visited the other world."

Those words jolted my system. Gulantang man ay nagawa kong makaisip ng mabilis na sagot.

I forced a smile, even though my lips were trembling.

"You are not wrong," I nodded. Sinarado ko uli ang pinto bago humarap sa kanya. "What about it, Milady?"

"I don't know. Maybe... I am here for an answer. Why?"

"Oh!" I shook my head. "Don't worry. It's not about you."

"What do you mean?"

"Actually, we were there for a visit. Kaibigan ko ang anak ng pinuno ng Esparago Clan. Ang pinunong manggagamot ng Esparago Clan ay bumisita roon, sinama niya ang anak ng pinuno, at sinama naman ako ng anak ng pinuno."

"That's impossible. They don't let vampires pass there easily."

"Oh. Not that I have a bad history to them..." My smile broadened when her forehead creased in confusion. "Pinapasok kami sa tulong ng manggagamot din na kasama namin. And..."

"And?"

"I've learned something..." My smile turned into a smirk. "Matanong ko lang, Lady Grenda. Galit ba sa 'yo ang mga kapwa mo manggagamot? I mean... kung hindi naman, bakit ka sa akin kukuha ng sagot kung pwede naman diretso sa kanila, hindi ba?"

"Who told you about that?"

"Oh." Napatakip ako sa bibig. "Sorry. Narinig ko lang kasi..."

"Stop lying!"

Napasinghap ako nang bigla siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa leeg at sinandal sa pinto. Her peaceful eyes turned into bloody red, something that didn't last when her eyes went down my neck.

Napaatras ito. "Y-your necklace..."

"Get out now," I said.

"Who gave you that necklace—"

"Leave or else Lord Oscar will know about what you just did."

"You can't threaten me—"

"Leave or else Brix will know it's you who did this scar on my neck."

Doon siya natahimik. Madiin niya akong tinitigan.

She stormed out of my room.

I closed the door and locked it.

Napasandal ako sa likod ng pinto.

My knees were still shaking.

She almost got me.

***

Thank you for reading!

Official Hashtag: #ShatteredSoulsWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro