Chapter 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 36: Almost There

Brix has been fighting for others all his life. Nilaan niya lahat ng oras para patunayan ang sarili, para matanggap, para umangat sa kabila ng samu't saring kwentong nilapat sa kanyang pangalan.

It has to end now.

Sa pagkakataong ito ay gusto kong siya na naman ang ipaglaban.

"I see..." Lord Morales, or should I say, Lady Grenda smiled. Nagawa pa nitong tumawa bago unti-unting nagpakita ng totoong anyo. "Magaling ka talaga pagdating sa ganito. Impressive just like your father."

"N-nagbalik na ang kakayahan niyo?" tanong ni Lady Nath. "I-I thought..."

"Sandali..." Humakbang sa harapan si Lord Hezuera. "Hindi ko maunawaan. Bakit kailangan mong magpanggap bilang si Lord Morales?"

I arched my brows as I anticipated for her reason. Ano na namang kasinungalingan kaya ang sasabihin niya para pagtakpan ang sarili? Paano niya lulusutan ito?

"Are you one of them now?" asked by Lord Barbarian.

Bumuntonghininga si Lady Grenda. "Kinailangan kong magpanggap na iba para mas matingnan ang mga pangyayari. Para matukoy ang tunay na kalaban. I'm sorry, Milords."

"The Cloaks, right?" ani Randolf. "Sila lang naman ang tunay nating kalaban."

Nalungkot ang mukha ni Lady Grenda. "Tama pero... hindi ba kayo nagtataka kung bakit maging tayo ay kinakalaban ng mga manggagamot?"

I bit my bottom lip. I could see where this one was heading to.

"What do you mean, Mom?" Lord Oscar questioned.

Bumaling si Lady Grenda sa mga kapwa niya manggagamot na wala pa ring malay. "I am still one of the witches, kahit na kaunting kakayahan na lang ang natira sa akin. Naiintindihan ko pa rin sila, ang pinaglalaban nila."

"Ano ba talaga ang pakay ng mga manggagamot?" tanong naman ni Lord Sentero. "Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw nilang naidadawit sa mga bampira."

"Katarungan..." bulong ni Lady Grenda.

"Katarungan? Para saan?" tanong ko.

She let out a heavy sigh. "Witches wanted to keep this as secret as possible. Wala rin naman silang magagawa kung sakaling malaman ng lahat. Katulad ng nangyari ngayon..."

"What are you really talking about, Mom?" Lady Nath sounded annoyed.

"Lingid sa kaalaman ng lahat..." Mas lalong bumaba ang kanyang boses. "Minsang ginambala ang katahimikan ng mga manggagamot. Pinaslang ang halakati sa kanila nang walang kalaban-laban."

"S-Sino?" kabadong tanong ni Lord Oscar.

"No." Lady Grenda shook her head. "Hindi niyo na kailangang malaman. Talo na rin naman ang mga manggagamot. Hayaan na lang natin 'to."

"No. Tell us!" giit ni Lord Hezuera. "Isang bampira ba ang gumawa no'n sa kanila?"

"Lord Hezuera, mas mabuting—"

"Tell us, Milady..." Lord Barbarian nodded. "We deserved to know what happened to the witches and why they hated us like this!"

I tightened the grip on my bow. I never liked watching movies but this one kept me going. It felt like I've seen this film before and even though I didn't like it, I was still willing to watch it over and over again.

It was satisfying.

"Please, tell us, Mom. Kailangan naming malinawagan kung bakit nagkakaganito ang mga manggagamot," pagsusumamo ni Lord Oscar.

Tumango si Lady Grenda. "I-I'm sorry but they need to know the truth." Nangilid ang luha sa kanyang mata. "Ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na 'yon ay narito rin sa tabi natin. That someone is here with us right now."

She didn't need to mention the name. Lahat ay sa iisang direksyong tumingin.

My chest felt so heavy.

"That's right." Tumulo ang luha sa mga mata ni Lady Grenda. "It was Brixton. Siya ang pumaslang sa mga kauri ko. H-hindi ko man lang sila naipagtanggol..." Humagulgol ito.

Lumunok ako. Namuo na rin ang mga luha sa mata ko.

"I-Is that true, Brix?" Lord Oscar asked, muddled.

Brix didn't respond.

Lumapit si Lady Nathalia kay Brixton. "Tell us the truth, Brixton. Ikaw ba ang gumawa no'n sa mga manggagamot? Totoo ba ang mga sinabi niya?"

"What do you think?" Brix smirked.

"N-Nath... stop." Hinawakan ni Lady Grenda ang braso ni Lady Nathalia. "W-wala na tayong oras sa ganito. Nangyari naman na 'yon. May mas kailangan pa tayong intindihin."

I stood still, containing every lie of the story.

"Doon mo ba nakuha ang kakayahan mo, Brix?" tanong ni Lord Barbarian. "Sinugod mo ang mga nananahimik na manggagamot at sapilitang kinuha?"

Tumamad lang ang tingin ni Brix at hindi sumagot. Parang hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pang-aakusa. Tila kahit na itanggi niya ito ay walang maniniwala.

"Enough now!" sigaw ni Lady Grenda. "It already happened!"

Napasinghap ako nang lapitan ni Oscar si Brix at tinutukan ng ispada sa leeg. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata... nangangalaiti sa galit.

"W-why?" tanong ni Oscar. "Why did you do that?!"

"Do you think you can win this war without me?" Tumawa si Brixton. Humakbang siya pasulong kaya nadiin sa kanyang leeg ang patalim. "Kill me then..."

Nanginig ang mga kamay ni Oscar. Ramdam kong hindi ito makapaniwala sa narinig... hindi niya matanggap na nagawa 'yon ng kanyang kapatid.

"Brixton..."

"Stop now!" Napaupo si lupa si Lady Grenda at humagulgol. "Please, stop. I don't want to think about that anymore. Masakit pa rin sa akin na wala ako habang unti-unting nawawala ang mga kasamahan ko. Pakiusap, tama na!"

Pumatak na ang mga luha sa mata ko.

"N-no..." Nigel looked confused. "H-hindi ako naniniwalang magagawa niya 'yon." Bumaling siya sa akin. "Narinig mo ba 'yon, Astra? Sa tingin mo ba ay magagawa ni Brix ang gano'n?"

"Nigel..." Hinawakan ni Lord Hezuera ang balikat ng anak.

"Hindi." Lumunok si Nigel at umiling. "Hindi ako naniniwala." Bumigat ang paghinga nito. "H-hindi pa naman umamin si Brixton. Hindi niya pa ito inaamin pero bakit naniniwala na kayo?"

Slowly, I walked towards Lady Grenda. Gamit ang mga mata niyang puno ng luha ay tumingala ito sa akin. Maging ang kanyang labi ay nanginig dahil sa labis na pag-iyak.

"I-I'm sorry, Astra. Hindi ko nailigtas ang iyong ama."

I offered a hand for her. "N-naiintindihan ko, Lady Grenda."

Tinanggap niya ang aking kamay. Ramdam ko ang sobra niyang panginginig. Muntik pa itong mapaupo uli kaya inalalayan ko siya. Patuloy pa rin ito sa paghagulgol.

I faced Brix. He was staring at me, too.

"H-huwag kang magalit sa kanya, Astra," ani Lady Grenda. "Malamang na sinakop lang ng kadiliman ang kanyang isipan kaya niya nagawa 'yon."

I nodded. "But that was unacceptable..."

"Please don't be mad at him!"

I swallowed. "Because of you, I've never had the chance to meet my father. Because of you... everyone suffered. Because of you... this all happened."

Nilipat ko sa kaliwang kamay ang palaso at gamit ang kanang kamay ay sinampal ko si Lady Grenda. Sa sobrang lakas no'n ay napaatras siya at dumugo ang kanyang ilong.

"H-how dare you..." Bumigat ang paghinga ko.

Natulala ito sa akin. Ang kaninang nakakaawang mukha niya ay napalitan ng galit.

Lumapit ako sa kanya at hinampas sa kanyang mukha ang aking palaso. Gumawa 'yon ng malaking hiwa. Nagsisigaw ito at agad na lumapit kay Lord Oscar.

"A-Astra..." ani Lord Oscar.

I shook my head. Hindi ako makakalma. "Hindi pa umaamin si Brixton. It doesn't matter because I believe in him. He didn't do it. Brix could never do such thing."

"Yes!" Tumabi sa akin si Nigel. "Naniniwala rin akong hindi 'yon magagawa ni Brixton."

"I see. Mukhang nalason na rin ni Brixton ang iyong isipan." Pinunasan ni Lady Grenda ang dugo sa kanyang mukha. "Naiintindihan ko. Nakakalungkot lang..."

"How did you lose your ability as a witch, Lady Grenda?" I asked.

"Dahil hindi ko nagawang tulungan ang mga kasamahan kong manggagamot nung mga panahong isa-isa silang pinapaslang ni Brixton!"

"Who can prove that?" I smirked. "That story came from you which could be labeled as biased. Anyone here know about it, too?" Tinaas ko ang kamay ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. "May isa ba rito ang magpapatunay na totoo ang sinabi ni Lady Grenda?"

"Stop this nonsense, Astra!" giit ni Lady Grenda.

"Okay." Pumirmi uli ang tingin ko sa kanya. "Let's just say you are telling the truth. But don't you think that reason is too shallow? Dahil lang hindi mo sila natulungan?"

"You know nothing about us!"

"Pero may naiisip akong isang rason, sapat na rason para bawiin nila ang iyong kakayahan bilang manggagamot..." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin 'yon.

She looked anxious. "You still know nothing—"

"Paano kung ang dahilan kaya binawi ang kakayahan mo ay ginamit mo ito sa maling paraan?" Natikom ang bibig nito. "What if our ancestors took your ability after you used it in a wrongdoing?"

Hindi na ito nakasagot.

"What I mean about wrongdoings is..." I stepped forward. "You used your ability to manipulate someone's identity and tainted it into someone he's not. You copied Brix's physical appearance. Ikaw ang lumusob sa mga manggagamot. Ikaw ang pumaslang sa kanila. Ikaw ang dahilan kung bakit sila nangangalaiti sa galit. Ikaw ang nagsimula ng digmaan sa pagitan ng mga manggagamot at mga bampira. Ikaw... ang nagsimula ng lahat."

Humalakhak ito. "Nahihibang ka na!"

"Ikaw ang pumaslang kay Papa..." madiin kong sambit.

"Nagsisinungaling siya!" sigaw nito.

"I remembered the first time I've heard about Brixton Wenz Cardinal." Naagaw ni Lord Hezuera ang atensyon ng lahat. "It was when I've caught one of the insurgents. He kept telling us that Brixton would come to save him from us. That he was one of his members. That he cared for him. Nakakahanga kung paano niya kilalanin si Brixton. Parang ama na gagawin ang lahat para mapalaya siya sa amin."

"I remember that..." Ngumiti si Nigel.

"He did. Brixton saved him from us." Tumango si Lord Hezuera. "Until a news exploded, about an uprising group of insurgents. I couldn't believe that it was possible. I couldn't believe that someone could lead an army of different individuals who came from different clans and unite them all. Only one man could do such. Only Brixton Wenz Cardinal."

"I am such a coward but I have to admit something..." Lumunok si Nigel. "Minsan na akong nakasagupa ng mga rebelde. I put a fight but I was still a newbie. Right. Brixton saved me. Hindi ko alam kung naalala niya 'yon pero ako... hindi kahit kailanman naalis 'yon sa isipan ko. I will never forget how he saved a stranger like me."

Tumango si Lord Hezuera. "I believe in Brixton Wenz Cardinal. I am with him... whatever it takes."

"M-Mom..."

"O-Oscar..."

"I-I couldn't think of a reason why Brix needed the fog ability because he was already so powerful himself but I could give a million reasons why you could do such thing to him."

"Whatever happens, my loyalty belongs to Nightfall. Kung sino ang panigan ni Lord Oscar ay siya ring papanigan ko," ani Lord Barbarian. "I'm sorry, Lady Grenda."

My tears kept streaming down my face. No one would understand how I was feeling.

Everyone was trusting Brixton. Tangina sa wakas ay hindi niya na kailangang ipagtanggol ang sarili dahil sa wakas lahat ay naniniwala na sa kanya.

"I knew it!" Tumawa si Erikson. "Damn. Kaya mahirap paniwalaan. Nice try, Lady Grenda. I trust our leader more than I could ever give to you."

"Simula pa lang ay ikaw na ang tutol sa pamumuno ni Brixton. Hindi na nakapagtatakang magawa mo ito sa kanya," ani Randolf na napapailing. "You have always been the traitor here. It's not Brix. It's you, Lady Grenda."

"I-I hate you, Mom..." Nangilid ang mga luha sa mata ni Nathalia. "I hate you so much!"

Nanlumo si Lady Grenda nang maging si Lady Nathalia ay talikuran siya para tumabi sa amin. Sa wakas ay alam na niya ang pakiramdam nang talikuran ng lahat. Ganito ang ginawa niya kay Brix. Mas masahol pa rito pero kahit papaano ay alam na niya ang pakiramdam.

Lumipat kay Brix ang tingin ko. Hanggang ngayon ay tahimik lang itong nakatingin sa akin.

Sa kabila ng mga luha ko ay nginitian ko siya.

You are finally clean, Brix. I'm proud of you. You deserved this.

"Hindi ako makapaniwalang nalinlang kayo ni Brixton—"

"Stop now. You have embarrassed yourself enough," I cut her off. "Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong pandidiri sa isang nilalang. You are sickening me. Bagay na bagay sa 'yo ang peklat sa mukha mo—"

"Astra..." She gritted her teeth.

"What? Your beauty has faded a long time ago. Hindi mabibihisin ng mga mamahaling alahas at damit ang nakakasuka mong ugali. Hindi mo na kami malilinlang ngayon. Ang sugat na ginawa mo sa leeg ko ang uling alaala na maiiwan mo sa akin."

Lady Grenda tried to attack me but Brixton caught her. Mahigpit na hinawakan niya ito sa leeg.

"I have a few rules and you chose to touch Astra."

Lady Grenda smirked. "I would do it again."

Hinawakan ko ang braso ni Brix para pakalmahin ito.

"Ako na, Brix."

Tumango si Brix bago dahan-dahan na binitiwan si Lady Grenda. Humakbang ito paatras.

Ngayon ay magkaharap na kami ni Lady Grenda.

"Bakit hindi ako ang kalabanin mo?" tanong ko. "Mas may pag-asa ka pang manalo."

She was the first one to attack but I caught her arms. Binali ko sa kanyang likod ang kanyang mga braso. Nilapit ko sa kanyang tainga ang aking bibig.

"You can never touch Brixton again." I pinned her to the ground. She groaned. Nadikit sa putik ang kanyang mukha. "You will see, Lady Grenda. Ang lalaking minaliit mo ay magiging hari ng isang kaharian. Titingalain ng lahat."

Nagawa niyang makawala sa aking pagkakahawak at tumakbo palayo. Pinanuod ko lang siya.

"Tama kayo!" sigaw nito. "Ako ang gumawa no'n! Nagpanggap akong si Brixton para magalit sa kanya ang mga manggagamot. Bigo ako! Kahit mga manggagamot ay hindi siya kinaya. Hindi ko inakalang ganito ka na kalakas, Brixton."

Napasinghap ako nang sugatan niya ang kanyang braso.

"Nawala na ang kalahati sa kakayahan ko pero kaya ko pa rin itong gawin..."

Kumunot ang noo ko nang maging itim ang kanyang dugo. Dumaloy ang kanyang dugo sa lupa, tila may sariling buhay.

Kinabahan ako sa maaari niyang gawin. Siya pa rin ang maalamat na manggagamot. Kung hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kabuuan ng kanyang kapangyarihan ay mahihirapan kami.

"Kapalit ng buhay ko ay bubuhayin ko lahat ng mga napaslang ngayon!" Humalakhak ito nang malakas. "I will resurrect everyone. Mahihirapan muna kayo bago magtatagumpay!"

"Stop now!" May bilog na enerhiyang bumalot kay Lady Grenda. Hinarap ni Lady Majika si Lady Grenda. "Hindi ko inakalang magagawa mo ito sa amin."

Sumigaw si Lady Grenda ngunit walang makarinig.

"Dahil sa ginawa mo ay makakaharap mo ngayon ang galit ng ating mga ninuno!" Mas lalong lumaki ang bilog na nakapalibot kay Lady Grenda. "Hindi lang ating mga ninuno, maging ang mga kapwa mo manggagamot ay makakaharap mo. Pagsisisihan mo ang ginawa mo."

Narinig ko ang pag-iyak ni Nathalia.

May dalawa pang manggagamot ang tumabi kay Lady Majika. Lahat sila ay nakaangat ang kamay, patuloy na binubuhusan ng lakas ang enerhiyang nakapalibot kay Lady Grenda.

"Paalam, Lady Grenda."

Napapikit ako sa biglaang paglaki ng liwanag kaya nasilaw ang mga mata ko. Pagmulat ko ng mga mata ay wala na ang liwanag at iyon na rin ang huling pagkakataon na nasilayan ng lahat si Lady Grenda.

Natulala ako.

Wala na si Lady Grenda.

Humarap sa amin sina Lady Majika.

"Paumanhin sa panggugulo. Maraming salamat, Brixton Wenz Cardinal..." Yumuko ang mga ito. "Hindi namin makakalimutan ang araw na ito."

Napangiti na lang ako.

I could see the ending now.

"Pero bago ang lahat..." Muling umangat ang tingin ni Lady Majika. Nakangiti na ito. "Nais naming tumulong sa inyo. Gamit ang natitira naming lakas... ibabalik namin lahat ng mga naubos niyong lakas. Tanggapin niyo ang regalo ng mga manggagamot, bilang pasasalamat sa lahat. Lalo na sa 'yo, Haring Brixton."

Napatingala ako nang may pananggala na bumalot sa aming lahat. Sa loob nito ay unti-unting tumubo ang mga damo, sumibol ang mga bulaklak at nagtayuan ang mga puno.

Tila may niyebeng bumabagsak sa kalangitan.

Nagtayuan ang mga balahibo ko. For a moment, it felt like we have already won. Pakiramdam ko ay tapos na ang digmaan, na kailangan na naming magpaalam sa isa't isa para tahakin ang iba't ibang landas.

"Astra..."

Napalingon ako kay Brix. Nagbalik ang nasira niyang damit. Nawala na rin ang mga galos niya sa katawan.

He smiled at me. "Thank you for believing in me..."

"I swore to stand with you whatever it takes. Thank you for not failing me, Brix."

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Sabay kaming tumingala at pinagmasdan ang pagbagsak ng niyebe.

"We are almost there..." he whispered.

"Finally..." I smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro