Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 9: Trigger of the War

"Ang sabi ko ay luha lang. Why would you bring her?!"

I stared at Erikson in disbelief. He was just smoking while staring at the woman. Tila hindi niya alintana o baka hindi niya lang alam kung ano ang maaaring kahinatnan ng ginawa niyang ito.

Tamad na bumaling sa akin ng tingin si Erikson. "It was not that easy, Astra. We are not friends with wolves. Hindi naman niya ako bibigyan ng luha nang hindi dinadaan sa dahas."

"Y-you hurt her?"

"Not at all. Tinakot ko lang." Bumaba uli ang tingin ni Erikson sa babae. Sobrang sama ng tingin nito sa kanya. "Don't worry, Miss. Ibibigay ko rin sa 'yo ang kwintas na 'yon."

"What necklace?" tanong ko uli.

May kinuha si Erikson sa bulsa. Pinakita niya sa amin ang kwintas. It was a bronze heart-shaped locket. I don't think that's a normal necklace based on the woman's reaction. Mas lalo itong nagpumiglas.

Mukhang naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Bumaling ako uli sa babae. Yumuko ako at inalis ang takip sa bibig niya dahil baka nahihirapan na siyang huminga.

"Fuck you, Mr. Vampire!" she yelled at him right after I removed it. "Give it back to me!"

Erikson leaned closer to her. He teased her by showing the necklace again. Nakangiti pa si Erikson, nang-aasar. "For what? Para isumbong mo ako sa Alpha niyo?"

"I-I won't—"

"Lies. Lies." Umayos ng pagkakatayo si Erikson saka na binalik sa bulsa ang kwintas. "Hindi ko muna ito ibabalik sa inyo. Marami pa akong problema ngayon. I can't deal with you yet."

"I-I promise—"


"Say that again without stuttering," Erikson chuckled. "Kapag sinumbong mo ako at nagtangka ang pangkat niyo na manggulo, hindi mo na kailan pa makukuha ang kwintas na ito."

I gasped when her eyes shifted from black to golden yellow and back to normal black again. Her fists were clenched firmly. She could release herself from the ropes but she knew that it would make things worse.

"I will release you, Miss Wolf—"

"Werewolf," The girl corrected him. "I am not just a wolf, Mr. Vampire. I am a werewolf. I can turn into a wolf and a human form. Not just a wolf. I can't believe a vampire like you doesn't know that."

"Yeah. Yeah. Whatever." Bumaling sa akin si Erikson. "Don't worry, Astra. Hindi naman ito problema. Magkakaproblema lang kapag nakuha niya sa akin ang kwintas."

"But still..." Bumaling ako sa babae na nakatingin din pala sa akin. "Are you okay, Miss?"

"Untie me," she said. It was not a request.

My gaze shifted to Erikson. He nodded at me, giving the permission to release the woman.

I untied the woman and just like that, she attacked Erikson. Bumagsak sa sementadong daan si Erikson at sa ibabaw niya ang babaeng may hawak sa kanyang leeg. She has this bouncy shoulder-length light cool brown hair and oval shaped face. Nakakagulat ang tapang nito para sa kanyang laki. She was smaller than me.

"Is this how you treat your Alpha?" nakangising tanong ni Erikson. Nakababa lang ang kanyang mga kamay sa asphalt road, nakataangat ang isang binti at prenteng nakatingin sa babaeng nasa ibabaw niya.

"W-what?" Damn. Erikson is hitting her buttons even more.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Erikson. I could tell he's enjoying this confrontation. I haven't seen him this relished before. Is this the result of being locked in a jail for months?

"Remember that I am your Alpha as long as I have your heart."

"This is outrage!" the woman tried to throttle him even more. "I can't serve two Alphas at the same time. Don't call yourself an alpha, Mr. Vampire. You are dishonoring the title for the supreme leader of a pack."

Umalis din sa ibabaw ni Erikson ang babae at umatras. Bumaling ito sa akin kaya napalunok ako. Mukhang ako na naman ang pagbubuntungan niya ng galit.

"Hey. Don't you dare touch her. Her master is scarier than your Alpha—"

"You did this for her, right?"

"And?" Nagkibit-balikat si Erikson. "I fear her master more than your Alpha. As I should."

"One more mention about my Alpha, Mr. Vampire." The woman breathed slowly, trying to calm herself. "When are you planning on giving me back that necklace?"

Erikson just brushed the dirt off his shirt, ignoring her question.

"W-what's with that locket?" I asked.

"That's a special gift..." There was a hint of grief on her voice.

Umawang ang labi ni Erikson at napatingin sa akin. Nakita kong napalunok ito. "Oh, come on, Astra. I know you are a soft woman pero kapag binigay ko agad ito ay—"

"But that thing must have—"

"I will return it, too." Kumamot ito sa kanyang batok. "Not now. But surely, I will."

"I need to go now, baka hinahanap na ako," saad ng babae. "I need your name, Mr. Vampire. I will make sure to get that necklace whatever it takes."

"I am Erikson Nadija of Nightfall Clan, Miss..."

"You will regret this, Mr. Nadija."


"Damn."

"Yeah." She sneered at him. Lumapit ito kay Erikson at nilapit ang kanyang mukha sa kanya. "You are right. Damn."

Just like that, she disappeared.

"She didn't even say her name," Erikson mumbled.

"That's a mess, right?"

"Maybe?" Katulad ng kanina ay nagkibit-balikat lang ito. "I can deal with it anyway."

Gabi na rin nung makabalik kami sa Mansion. Humiwalay din sa akin si Erikson. Dumiretso ako sa dorm namin kung saan naabutan kong humahagulgol si Blessy. Nang makita niya ako ay agad itong bumangon sa kama at patakbong yumakap sa akin.

"Astra!"

"What happened?" tanong ko kay Lola na napapailing na lang.

"Akala niya ay tumakas ka na rin gaya ni Magda."

"A-akala ko ay wala ka na rin..." Suminghap-singhap pa ito bago mas humigpit ang yakap sa akin. Ilang segundo bago lumuwag ang yakap niya saka humarap sa akin. Nagpunas ito ng mga luha. "Saan ka ba galing?"

Dumiretso na ako sa cabinet ko. "Sa labas lang. May inutos lang sa akin," sagot ko habang naghahanap nang maisusuot.

"H-hindi na nga kita nakasamang matulog kagabi e," dinig ko pang reklamo ni Blessy. "Tapos... tapos wala ka pa rin nung nagising ako tapos wala ka rin nung dumating ako."

"Tahan na, Blessy. Andito naman na si Astra—"

"Hindi mo ba kami kaibigan, Astra?"

Natigilan ako sa paghahanap ng damit. That's when I realized what I just did. Was I too harsh to not consider them? Dapat ba ay nagpaalam din ako sa kanila bago umalis?

"Pero... kahit na hindi kaibigan ang turing mo sa amin. Magpaalam ka naman—"

"You are my friends..." That's when I faced them. I admit it. After a long tiring day, being with them gives me a lighter feeling. "I'm sorry, Blessy, Lola. It was urgent. Hindi na ako nakapagpaalam."

Umiyak uli si Blessy saka yumakap sa akin pero sa pagkakataong ito ay niyakap ko na siya pabalik. Matapos ang ma-dramang pagkikita namin uli ay pumasok na ako sa CR at sandaling naligo.

Paglabas ko ng CR ay tulog na si Blessy. Nakahiga ito sa pwesto ko. Mukhang napagod sa kakaiyak. Si Lola naman ay gaya ng gabi-gabi, nagtutupi na naman ng mga damit.

Dumiretso ako sa kama ko at umupo sa tabi ni Blessy. Kumuha ako ng suklay at para magpatuyo ng buhok. All of sudden, strange grief was creeping into my chest. It's effecting now. Malamang na gising na si Eliyah at sinasalo ko na lahat ng paghihinagpis niya.

"Saan ka ba talaga galing, Astra?" dinig kong tanong ni Lola.

"S-sa labas nga po..." Nautal ako, hindi dahil sa kaba kung hindi dahil sa nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko inakalang ganito ang epekto ng ginawa ko.

Binitiwan ko ang suklay at humiga sa kama. Yumakap sa akin si Blessy kaya agad ko rin siyang tinulak palayo. Namaluktot ako. Pakiramdam ko ay sobrang lamig.

"Astra? Ayos ka lang?" dinig kong tanong ni Blessy na nagising.

Tumango ako.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Nanginginig ka! Lola si Astra!"

"I-I just need to rest."

Hinawakan ni Lola ang mukha ko bago ito bumaba sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Paghihinagpis..." dinig kong bulong ni Lola. "Astra? May ginawa ka ba?"

Hindi na ako nakasagot. Masyado na akong nanlalamig.

"Kumot, Blessy. Kumuha ka ng maraming kumot." Ngayon ko lang narinig na nataranta si Lola. Madalas itong kalmado at parang walang pakialam. "Nakipagkasundo ka sa mga asong lobo? Astra?"

"No. H-humingi lang ako ng luha..."

"Sinasabi ko na..." Pinulupot nila sa katawan ko ang mga kumot. Nakatulong naman 'yon para kahit papaano'y maibsan ang panlalamig ko. "Isa lang ang kailangan mong malaman, Astra. Hindi dahil possible ay pwede. Hindi dahil kaya mo ay gagawin mo. Misan ay kailangan mo ring isaalang-alang ang kahihinatnan nito."

Napapikit ako. There were flashes of memories going on in my head. I could see Mom... Eliyah... Tita Ophelia... Tati... Aya... Erikson... Brix... Resty and everyone I hurt. It's all coming back.

Shit. I didn't know the effect would be this fatal. It was forcing me to remember things I have been avoiding.

"Mom..." Biglang lumabas sa bibig ko. "E-Eliyah..."

I started to mutter names and I couldn't stop it. Bago ko pa man mabanggit ang ilang mga pangalan na hindi ko dapat sabihin ay kinagat ko ang braso ko. Nabaling doon ang nararamdaman ko.

"A-Astra..."

I cried in pain. I've read about it. Once a vampire bites himself, the pain will be fatal. Once you drink your own blood, it will become a poison. In my case... I just had to bite my arm to interfere with my hallucination. It will subside after a few hours.

Narinig ko na naman na umiyak si Blessy.

"Wala na tayong magagawa, Blessy," dinig kong sambit ni Lola. "Si Astra ang nagdedesisyon para sa kanya. Sa tingin ko naman ay hindi siya gagawa ng hakbang na magpapahamak sa kanya."

"Baliw ka na, Astra!"

While the world was sleeping, I was crying in pain. Ang sabi ni Blessy ay hindi siya matutulog hanggat hindi ako nakakatulog pero dahil sa pagod na rin ay nakatulog ito agad. Magkatabi sila ngayon ni Lola.

I gasped for more air. Tiningnan ko ang sugat sa braso ko. Nangingitim pa rin pero hindi katulad kanina ay medyo kumalma na ang sakit nito. Gano'n pa man ay ramdam ko pa rin ang panghihina.

Just when I was about to fall asleep, a group of men came in. Lumapit sila sa akin at nilagyan ng takip ang ulo ko. I was too feeble to even resist. Basta ang alam ko lang ay may bumuhat sa akin at ang iyak ni Blessy.

I gasped when freezing water flashed on my face. Agad na bumukas ang mga mata ko para tingnan kung ano ang nangyayari. It was all blur at first and all I could feel was my restricted movements. That's when I knew I was tied to a chair.

"Good morning, Lady Astra..." Umangat ang tingin ko kay Lady Feera.

Bago pa man ako makapagsalita ay may pumasok na naman. Si Lady Grenda.

"What's this?" I asked, confused.

"Interrogation?" bale-walang sagot ni Lady Grenda. "Nakawala ka nang walang kahirap-hirap, sa tingin mo ba ay hahayaan kitang makabalik ka rin nang gano'n lang?"

"I've heard her talk about you, Lady Grenda. Nilalason niya ang utak ni Lady Christy para tumalikod ito sa inyo," pagsusumbong ni Lady Feera. "Kaya naman pala biglang naging gano'n si Lady Christy."

"Hindi ko inakalang patalikod kang lumaban, Lady Astra." Lumapit sa akin si Lady Grenda at hinawakan ang mukha ko. Hinaplos niya ito. Mas lalong nagdilim ang kanyang tingin. "You are just beautiful, Astra. Sadly, that's all."

"Is this legal?" I questioned.

Humalakhak si Lady Grenda. "How dare you question my order!"

"I am not," madiin ko siyang tiningnan. "Is it that frustrating that you can no longer manipulate, Lord Oscar? That's what you all do, right? That's all you can do."

"Don't get too brave, Lady Astra. Lady Grenda is still the leader of Phoenix Clan. She can get rid of you anytime she wants."

"Why can't she do it then?"

Napayuko ako nang dumapo sa pisngi ko ang mabigat na palad ni Lady Grenda. Damn. If only it was as painful as what I felt last night, I would have feared her even just a little bit. Even her slap felt lame.

"Stop pretending now, Lady Astra. You are a spy!" pang-aakusa ni Lady Grenda. "Andito ka para magmanman at sasabihin mo lahat ng nalalaman mo sa demonyo mong amo!"

"Whatever you say."

"Ikaw ang kinita ni Lord Oscar pagkatapos ng inuman kagabi, hindi ba?" biglang tanong ni Lady Feera. "Ihahatid ko na sana siya sa kwarto niya nang ipagbilin niyang mauna na ako. Hindi siya agad sumunod. Ikaw ba?"

Hindi. Anong oras na rin nung magkita kami ni Oscar. Hindi ako ang kinita nito pagkatapos ng inuman. Gano'n pa man ay mas napagtanto ko ngayon kung bakit nangangalaiti si Lady Feera.

"He just made sure I was safe," I said instead. "Lasing na rin kasi ako kagabi kaya sinigurado muna niyang makakauwi ako nang ligtas. Why? Hindi ba siya agad umuwi?"

"So, you are admitting—"

"Ah! I remember. He was there until I fell asleep. Hindi ko lang alam kung anong oras na siya umalis."

Susugurin na sana ako ni Lady Feera nang pigilan siya ni Lady Grenda. Nginitian ko lang ito na mas lalong nagpayamot sa kanyang mukha. What a loser.

"If you are not a spy..." Naging mapanuri ang tingin ni Lady Grenda. "Bakit umabot nang ilang buwan ang pagbabalik mo? What caused the delay, Lady Astra?"

"I refuse to answer your question."

"Really?" Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. "It's part of the plan, right? You can't even answer my question. You are really a spy!"

"An accusation without evidence is just a pure assumption. You are not just accusing me here, you are physically abusing me and forcing me to admit a crime I didn't commit. I'm a Nightfall, only a Nightfall can punish me. Release me now."

Napasinghap ako nang tutukan ako ng patalim sa leeg ni Lady Grenda. "Dahil sa iyo sa at demonyong lalaking 'yon ay wala na si Lord Severo. Nasira ang lahat ng dahil sa inyo."

"Damn. So, it's Brixton's fault then that he was born wrongfully and was deprived by the truth? Is it his fault that you tried to kill him without knowing the reason behind? That the mother he was expecting to protect him tried to end his life? Is it his fault that you turned his whole existence into a huge question mark? I haven't said it yet but it's time for you to hear it... fuck you bitch!"

I felt the cold edge of the knife touched my skin. It was hard for her to stop it, naramdaman ko ang pag-agos ng dugo ko roon. Her eyes turned red and before she even knew, the knife escaped her hand and fell down.

I sniffed. "I will never forgive you, Lady Grenda."

"W-why do you care so much for him?" She was fighting the urge to suck the blood on my neck. "Why?! Why don't you just side with us and help us win the war?"

"I am on your side—"

"Liar!" She burst out into tears. "Things will be easier if you will side with us instead of that demon!"

That's it. The truth slipped her lips.

"It's not healing," puna ni Lady Feera.

Damn. It hurts.

"It won't..." Suminghap si Lady Grenda.

"What? Ang sabi mo sa akin ay walang makakaalam nito, Lady Grenda! Kapag nagmarka 'yan—"

"They won't know..." Makahulugang tinitigan ako ni Lady Grenda. "You know that I am willing to do anything to win something, Lady Astra. I want to win this war."

"B-Brix had enough—"

"Until he died, I won't forgive him." She picked up again the knife. "Hindi ako ang gumawa ng sugat sa leeg mo. You got it from an accident. Wala kang pagsasabihan nito or else..."

What?

"Oscar will be the one to blame," she continued.

Umawang ang bibig ko. "W-what do you mean?"

"One of Nightfalls cut your neck. That's it."

"Y-you are a selfish bitch! Si Oscar ang malalagay sa alanganin dahil sa ginagawa mo!"

"I will win this war..." Lady Grenda said before she left.

I was left with no words. Hindi ko inakalang may mas sasahol pa pala sa ipinamalas niyang ugali. Maging ang kanyang tunay na anak ay kaya niyang isaalang-alang para lang sa kanyang mga plano.

"H-hindi ako ang gumawa niyan..." nauutal na sambit ni Lady Feera.

Napailing na lang ako bago yumuko. I'm still feeling fatigued. Ano'ng oras na ba? Baka nag-aalala na niyan sina Blessy at Lola. I need to get out and see them. Masyado ko na silang pinag-aalala.

"You won't tell anyone, right?" dinig kong tanong pa ni Lady Feera. "Mapapahamak si Lord Oscar kapag nagsumbong ka. You care for him, right? Shut your mouth, Lady Astra."

I gulped. "C-can I have blood instead?"

I'm so thirsty.

"N-no."

"I-I'm tired. I need to drink."

"I'm sorry. I need to go now."

Wala na rin akong nagawa nung umalis si Lady Feera. Patuloy pa rin sa pagdugo ang leeg ko. Hindi pa ako nakainom kagabi. Lahat ng sakit ay nararamdaman ko. I feel like I would pass out anytime now.

My lips slightly parted. I'm having a hard time breathing.

"S-shit!" Naramdaman kong may kumalag sa pagkakagapos sa akin. It was Erikson. "Alam ba nila kung ano ang ginagawa nila?! Astra? Are you still awake? I got you now."

Nilapatan ni Erikson ng tela ang leeg ko bago ako binuhat. Nakamulat pa ang mga mata ko pero malabo na ang paningin ko. Mabilis ang paggalaw ni Erikson.

"I got you, Astra..." paulit-ulit na bulong ni Erikson.

Bumigat ang mga talukap ng mata ko. A strange warm something escaped my eyes. I fear for what will happen. This is just the start. Lady Grenda won't stop. Oscar will be put at risk too.

My back laid on a soft bed. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may tumulo sa labi ko. My body immediately reacted to a drop of blood streamed down my throat.

"No. Shit. Your neck..."

Inubos ko ang isang supot ng dugo. Mabilis na nakabawi ang katawan ko. Bumaling ako kay Erikson. Nanigas ito sa kinauupuan habang nakatingin sa leeg ko.

"It's nothing..." I said. Nawala na ang hapdi pero alam kong nag-iwan na ito ng marka.

"T-they hurt you..." he mumbled, fists clenched.

"No. It was an accident—"


"Do you think an accident will leave a mark like that?" Nagtaas ito ng mga kilay, halatang nainsulto sa pagtangka kong pagtatago ng nangyari. "And do you think Brix will buy this reason?"

Bumangon na ako sa kama. Dito naman niya ako sa dorm hinatid. Kumuha na ako ng damit sa cabinet. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho dahil hindi na ako pumasok kahapon.

"A-Astra..."

"I'm good now. Thank you, Erikson pero kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

Nang makakuha ng damit ay tinangka ko nang pumasok sa CR kung hindi lang nahawakan ni Erikson ang braso ko. Seryoso itong nakatingin sa akin. It was a first time seeing that expression.

"Ayos lang ako, Erikson—"

"You know he cares for you, right, Astra?" Even his voice was cold.

Parang may bumara sa lalamunan ko. Wala akong maisagot.

"I was mad, Astra..." Tumayo si Erikson at hinarap ako. Hinawakan niya ang balikat ko "Galit ako sa mga gumawa nito sa 'yo. Pero wala akong magagawa. Paano pa si Brix? He has all the right to react."

"Ang mahalaga ay ayos na ako, Erikson."

"You still don't get it, do you?!" Tumaas ang kanyang boses.

That caught me off guard. He just yelled at me.

Binitiwan na ako ni Erikson at nauna nang dumiretso sa pintuan. Pero bago pa man ito umalis ay may iniwan pa itong mga salita.

"If you are not aware yet, I think you should now. You are the trigger of the war, the signal he's waiting for. Use something to cover your upper part, especially your neck."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro