Chapter 1: Dream or Vision??

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pauline's POV

Naglalakad ako sa kalagitnaan ng nowhere. Wala akong makita kundi stars. Parang nasa outerspace na ako, ah. Stars are everywhere. Pero maliwanag naman. Nasaan ba ako? "Pauline!!"

Tumalikod ako at nakita ko ung mga kaibigan ko na nakatali sa isang puno. May isang lalaking naka mask sa tabi ng puno at may hawak syang lighter at kerosene.

Madami na akong napanood na movies para malaman na un ay delekado. "Hoy! Bitawan mo yan! Pakawalan mo sila!" Sigaw ko. Hayy. Ang laging sinasabi ng mga nasa movies pa talaga ang sinigaw ko. Very good ka talaga, Pauline.

Tumawa lng ung lalaki. Nakakainis talaga sya. Tumakbo ako palapit sa kanya at sinipa sa private part nya. Sumigaw sya, "Nakakainis kang babae ka! Gusto mo bang masaktan?!"

Threat ba un? Grabe. Walang epekto yan sakin. "Eh ikaw, gusto mo ba?" Sagot ko naman. Nagalit sya ng lalo at may kinuha sya sa likod nya. Humanda ako para lumaban. Hayy naku naman! Bakit ba kailangan ko maging ganito katapang? Feeling ninja lng kasi.

"Sumosobra ka na! Akala mo talaga magaling ka! Pwes, kahit kailan hindi ka naging magaling! Mahina ka!" Nagalit talaga ako sa sinabi nya sa akin.

"Sino ka ba para tawagin akong mahina? Eh, hindi naman kita kilala. At bakit mo ba papatayin ang mga kaibigan ko? Ano ba ginawa nila sa iyo?" Sabi ko, galit na galit na ako. Tumawa ulit sya. "Sana lang alam mo." May tinutok sya sakin na baril

Napalunok na lang ako. Oops. Patay ako. Literally! "Kahit kailan, hindi kita minahal. Hindi din kita gusto." Sabi nya sakin. Wait. Mahal? Naging kami ba? Bago ako makasalita, hinila nya ung trigger.

BANG!!

~Jump up, kick back, whip around and spin!~

Minulat ko ang aking mga mata. Bakit ba ito ang aking alarm. Grabeng gulat ko. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto ko ako. Madilim pa sa labas at walang masyadong ilaw.

What the heck? Dream ko lang pala un? Grabe! Parang totoo. "Pauline! Bumaba ka na! Baka maleyt ka sa school." Narinig ko ung mommy ko. Grabeng lakas ng boses nya. Rinig hanggang loob ng kwarto.

Bumaba ako at nagready para sa school. Dream ba un talaga? Makwento nga ito sa mga friends ko. Pagkatapos kong mag ready, pumunta na ako sa school. Malapit lang naman kaya nilalakad ko na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro