11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Betrayed

.

Ang kinakabahan kong araw ng pagdating ng pasukan ay dumating na. I am in my uniform as I sat on a chair beside Ate Sofia in a whole new classroom.

Gano'n pa rin ang seating arrangement namin. Lahat kasi ng nasa section one ay tumaas lang ang baitang hanggang grade five. Walang nadagdag o kaya nabawas kaya buo pa rin ang section namin.

I stared at the back of Reje while the teacher was discussing. I couldn't focus on anything that she's saying because my mind is somewhere else. Gustuhin ko mang makinig sa kaniya ay nasa isip ko pa rin ang huling interaksyon namin ni Reje.

Nothing's really changed since that night. Gano'n pa rin, ilap pa rin ako sa tao at bihira lang kung lumabas sa bahay. Reje tried giving us food every morning again and I couldn't do anything but to accept it. Dahil aminin ko man o hindi ay alam ng Diyos kung gaano namin kailangan ng pagkain. Hindi ko kayang makita ang mga kapatid kong kumakalam ang sikmura kaya pikit-mata kong tinatanggap ang bawat bigay ni Reje.

"Para sa inyong takdang aralin, magkakaroon tayo ng paligsahan. Gusto kong magsulat kayo tungkol sa pinaka hindi malilimutan na pangyayari sa inyong buhay. Pagisipan ni'yo itong mabuti at gandahan ni'yo ang sulat dahil ako mismo ang pipili ng pinakamagaling," my Filipino teacher announced.

Of all the things Ma'am Evelyn said, her last announcement is the only thing that got my attention. Naging kyuryoso ako ro'n kaya naman nakinig ako sa kung anong patakaran ng paligsahan. I was so engrossed in it that I didn't notice that Reje was already facing back, very curious as he saw my determined look. Hindi ko rin napansin na pati si Ate Sofia ay nakatingin na rin ng kyuryoso sa'kin.

I didn't know what really happened, on why I suddenly got interested into writing. Siguro kasi ay mahilig akong magsulat ng diary kaya gusto kong ipamalas sa klase ang galing. O baka kasi mayroon akong hindi malilimutang pangyayari na hindi ko masabi sa bibig. Maybe, I wanted to communicate with people and the only thing that could help me is writing.

Buong araw kong inisip ang takdang aralin na 'yon hanggang sa makauwi. When I reached our house, I did my usual routines as the older sister before sitting on a chair and placing an empty paper and a pen on a table in front of it.

Tahimik akong nag-isip kung paano sisimulan ang aking kwento. The first thing that came into my mind was my birthday just a few days ago. And yes, my birthday had passed and no one knew or remembered it, not even my father. And another yes, I lied to Reje that I'm still an eight year old girl. Dahil ang totoo ay siyam na taon na akong nabubuhay sa mundong ito.

Huminga ako ng malalim nang magsimulang manubig ang aking mga mata. Looking at my siblings through the ajar door, sleeping peacefully, I released a breath that I didn't know I was holding.

Sinimulan kong magsulat ng mga damdaming hindi ko masabi sa maraming tao. The day that I enrolled Tristan, it was the day of my birthday, too. Naalala ko na sobrang pangungulila at panliliit sa sarili ang naramdaman ko noon dahil lang sa nalulungkot ako kung bakit wala si mama o si papa upang alagaan kami.

I was very insecure and even pitied myself because I want the luxury that others have.

Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon iyong naramdaman ko no'ng makita ang malawak na hardin nila Reje. I wish we had that, too...but not because I just want to brag, it's because our house is near the fishpond. Ang ibig sabihin lang nito ay naamoy namin mula sa bahay ang baho nito, lalo na tuwing tumataas ang tubig. Umaabot ang maruming tubig nito sa bahay tuwing malakas ang ulan kaya wala kaming pagpipilian kung di ang matulog na nakadiretso ang paa at habang nakasandal ang likod sa dingding na pawid.

I wished we had a better perimeter so my siblings would have the opportunity to inhale fresh air—but all I could really do is to wish.

I smiled, bitterly.

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang sa di ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha. I missed my mom, so undeniably much. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na ulit maranasan ang pag-aasikaso niya sa'min tuwing umaga. Gusto ko na ulit siyang maamoy o kaya mahalikan man lang.

Tahimik kong inilipat ang mga letrang isinulat sa mas maayos at hindi basa na papel. I slept with a light heart that night. Writing those feelings that I've been carrying for half a year now, surely made my burdens lighten a bit.

Pumasok ako kinabukasan upang ipasa ang aking ginawang takdang-aralin. I was very excited about my teacher reading it to the point that I forgot to eat my breakfast. Si Reje mismo ang nagdala no'n pero dahil na rin siguro sa kaba ay hindi ko na iyon natikman dahil sa pagmamadaling makapasok sa eskwelahan.

It's our recess time and I chose to stay in our room rather than to go out. Wala akong pangbili ng pagkain kaya mas pinili ko na lamang magtulog-tulugan.

However, as I pretended to sleep in my comfort place, I heard Ate Sofia opening her snacks just beside me. Naimulat ko ang mata at ngayon lang napagtanto na hindi pala siya umalis.

I closed my eyes again and tried my best to ignore her but that didn't happen. Ang tunog ng kaniyang pag nguya, pagsipsip sa kaniyang soft drinks, at ang amoy ng kaniyang mga pagkain ay sobrang nakakakalam sa sikmura. Once again, I felt like crying. Because not only am I hungry for food, but for their concern, too!l

Hindi dapat sumama ang loob ko pero hindi ko maiwasan dahil kahit isang beses ay hindi man lang ako inalok ni Ate Sofia ng pagkain. Alam kong mali ang pagtatanim ko ng galit dahil unang-una, hindi naman ako nanghihingi.

I sighed, maybe I was just too hungry that I can't think right anymore. I'm sorry.

Natapos ang buong klase namin na walang laman, kahit tubig, ang aking sikmura. I got home and did my usual routines and after that, went to sleep.

Sa sumunod na araw ay nagulat ako nang maabutan si papa sa kusina na nagluluto ng almusal. Kinusot ko ang mata at napatunayan na hindi ako namamalikmata nang magharap siya ng tingin sa'kin.

"Gisingin mo na si Tristan, kakain na,"

Agad ko siyang sinunod at kahit nagtataka man sa nangyayari ay hindi ko napigilan ang ngiti na kumawala sa aking labi. I don't know what got to my father's mind to cook us breakfast but what he did made my stomach flutter.

Bumalik ako sa kwarto upang gisingin si Tristan ngunit bago ko iyon magawa ay sumalubong na agad sa'kin si Reje na may abot na namang pagkain. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang bintana kung saan siya pumasok.

I smiled at him widely,

"Guess what? My father is cooking us breakfast today!" masayang-masaya kong balita sa kaniya.

He returned my smile.

"Good to hear that,"

"Hindi nga ako makapaniwala! Iniisip ko na panaginip lamang ito pero hindi naman di ba? Silipin mo nga siya sa kusina kung totoo ba?"

Reje did what I said and gave a thumbs up after. I happily nodded my head at him and proceeded to wake up Tristan. Agad niyang hinaplos ang ulo ng aking kapatid nang magising ito.

"Magandang umaga po, Kuya," sabi ng aking kapatid, sanay na sanay na laging na'ndito si Reje sa kwarto tuwing umaga.

"Magandang umaga rin, Tristan. Bumangon ka na, nagluto raw ang papa ni'yo ng almusal,"

"Talaga po?" masaya at katulad ko ay namamangha ring tanong ni Tristan.

My brother got out of the kitchen to confirm what Reje told him and even though I can't see him, I know he's happy too like what I'm feeling.

Nagkamot si Reje ng batok,

"Uh, I guess you don't need the food I brought anymore," sabi niya na inilingan ko agad.

"Babaunin ko na lang 'yan sa eskwelahan. If you want you can eat them with me...kung gusto mo lang naman," sabi ko, medyo nahihiya dahil ako pa talaga ang nag-aya sa kaniya. But Reje didn't mind my shyness at all. Sa halip ay natuwa siya sa aking sinabi at agad na sumang-ayon.

"See you at school, then?" he smiled.

"See you!" I said, shy like a snail.

Ngayon na lang ata ako kumain ng sobrang gana tuwing almusal. Hindi lang kaming mag-ama ang kumain sa lamesa kundi pati na rin ang buong pamilya sa bahay na ito.

I'm surprised that my dad cooked for us, but what surprised me more is that he cooked for the whole family and not just only for his. Agad nitong naantig ang aking puso kaya walang pagsidlan ang aking tuwa no'ng pumasok sa klase.

"Magandang umaga, mga anak!" Ma'am Evelyn greeted.

Lumiwanag ang aking mukha nang makita siyang papasok sa silid na dala ang mga papel na ipinasa namin kahapon. I am very confident about what I wrote. Alam kong maraming magaling sa seksyon na ito pero may masasabi rin naman ako.

Tiningnan ko si Ate Sofia na tahimik lang habang nag-aantay ng announcement ni ma'am. For sure her work is exquisite, and maybe even Reje's. Sa seksyon na ito ay silang dalawa lang naman ang magaling. Nakasapaw lang ako dahil nanghingi ako ng tulong kay Reje.

"Maligayang bati mga anak! Hawak ko na ang mga nagwagi sa ating paligsahan. Oo, mga, dahil dalawa ang nagtagumpay na makapagsulat ng napakagandang di malilimutang pangyayari sa kanilang buhay!"

Sa tinuran ni Ma'am Evelyn ay bigla akong pinanghinaan ng loob. Looking again at Reje and Ate Sofia's confident smile, I'm sure they're the one who tied.

I know my work is nice, it has a stance. But I'm suddenly doubtful upon remembering the beast in our section.

Iniwas ko ang tingin kay Ma'am Evelyn nang magsimula siyang magkomento sa gawa ng bawat estudyante. Gano'n na lang ang gulat sa aking kalooban nang tawagin niya si Reje at sinabing kinakailangan niya pang mag ensayo upang makapagsulat nang maganda. She hasn't announced any winners yet and that made me trust myself a bit.

"Ay eto, naku! Bb. Jessa Estillier, napakagulo ng sulat mo iha! Halos hindi ko na maintindihan dahil bukod sa mali-mali ang pangungusap, magulo rin ang iyong sulat! Naku, pagbutihin mo sa susunod, iha," komento ni Ma'am.

I saw her skip the other two next papers, skipping my name...and Ate Sofia.

Nilingon ko ang katabi at nakitang diretso lang ang tingin niya sa harapan.

Ma'am Evelyn called the names of my remaining classmates and I didn't hear my name or Ate Sofia's at all. That makes me conclude that we're  the winner for today's assignment. At hindi nga ako nagkamali,

"Bb. Sofia Grace Estillier, pinupuri kita, anak! Maayos, maganda, nasa wasto lahat ng iyong isinulat. Sadyang naantig mo ang aking damdamin sa iyong istorya. Labis ang aking pag luha nang matapos ko itong basahin. Gusto ko sanang itanong kung may plano ka bang maging isang tanyag na manunulat balang araw?" my teacher asked me.

I became speechless and couldn't find my tounge for a moment. Hindi sumagi sa aking isip ang maging isang manunulat. In fact I don't have a dream yet. Hindi ko pa alam kung ano ang daang tatahakin. I just wanted a peaceful life as of the moment.

Nasulyapan ko si Reje na malapad ang ngiti na nakatingin sa'kin. His eyes are speaking how proud of me he is. Nag iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng kilig.

"Hindi pa po ako sigurado, hindi ko pa po alam kung ano ang gusto," sagot ko sa aking guro.

"Naiintindihan kita, anak. Marami ka pang oras para mag-isip at kung dumating ang panahon na buo na ang iyong pasya, buong puso kitang susuportahan."

Natuwa ang aking puso nang marinig ang sinabi ng aking guro sa Filipino. Sobrang lalim at makahulugan ng kaniyang sinabi dahilan para haplusin nito ang aking damdamin. If my mom is here, I'm sure she'll also be proud of me.

"At ang sumunod na nagwagi ay si Bb. Sofia Marie Esteves, binabati kita, iha! Katulad kay Bb. Estillier, maganda at maayos rin ang iyong pagkakasulat. Mas mapagiigihan mo pa ang pagsusulat kung dadagdagan mo ito ng mas kapanapanabik na mga kaganapan. Muli, binabati kita, iha!"

The comment of Ma'am Estillier somehow made me doubt Ate Sofia's works. Halos pareho ang komento ni ma'am sa gawa ng iba naming kaklase ngunit hindi man lang sila nagwagi. Biglang sumagi sa aking isip ang estado niya bilang anak ng prinsipal. I suddenly thought of how unfair the world is. Sana wala na lang ipinanganak na mayaman o kaya mahirap. Sana lahat ay nagsimula o magsisimula sa wala.

Me being tied to Ate Sofia caused a lot of talk in our school. Parang nabigla ang mga estudyante na may pumantay sa kaniya bukod kay Reje. That caused the seniors and sophomores to be curious about me. And I'm actually happy that they're noticing me, finally.

Kung dati ay nilalagpasan lang ako ng mga kapwa estudyante o kaya'y binubully, ngayon ay humihinto pa sila para batiin ako. They would utter a simple hi or would even try to have a conversation with me that I would gladly entertain.

Because of what happened, as shocking as it sounds, I gained friends as early as a week. Jessa tried reaching out to me too that made me so glad! Natutuwa ako ngayon dahil nakikilala ako ng mga tao dahil sa kakayahan ko, hindi dahil sa may kapit ako sa kung sino. And of course, I'm pertaining to Ate Sofia!

If there's one thing that resulted negatively because of what happened, it's that I became more eager to prove myself and just please everyone.

I started getting auspicious to everything that I do. Mas pinag-igihan ko ang pag-aaral at halos hindi na matulog sa pagbabasa o pag rereview ng mga notes. Tiniyak kong perfect lagi ang score sa mga quizzes, exams at activity na binibigay ng mga guro. I never once failed to attend class. Kahit may lagnat o bagyo, hangga't hindi pa nagsususpinde ang paaralan, ay pumapasok pa rin ako. And about the aid malnutrition program? They operated last month but I turned blind eye. Causing me to lose more weight than I already am.

My whole grade five years became like that. I ended up as the top one, same with Ate Sofia, and Reje as the top two. And because I ended up tied with her again, all the more I wanted to beat her so she could put herself in second place.

Grade six came. My goal this year is to be the only valedictorian. Ayoko ng sapaw sa posisyon na 'yon kaya mas pinag-igihan ko ang pag-aaral.

First Quarter, I am the top one. My friends celebrated with me but the teachers and Reje weren't happy. Masayang-masaya ako kaya hindi ko pinansin ang kanilang negatibong reaksyon.

Patuloy ang aking pag-aaral nang mabuti. Kapansin-pansin ang ipinapakitang pagkatamlay ni Ate Sofia ngunit wala akong pakialam. All I could care about now is how I can maintain being at the top of the top.

Second Quarter, I am the top one again. Just like their initial reaction, Reje and the teachers were displeased. But I am happy, so I don't give a fuck about them! It's not like I cheated just to get to the top, I worked hard for it so no one can ever tell me that I don't deserve this position!

Sa mga sumunod na araw ay hindi na ako tumigil ka-aaral. I go to school without sleep. Mas pinipili ko ring hindi lumabas tuwing break para lang mag review sa susunod na subject.

I became obsessed with studying.

Hindi ko namalayan na sa sobrang tutok ko sa pag-aaral ay nakakalimutan ko na rin ang aking pamilya. Si Trisha, Tristan, Papa, my new friends, and Reje, sandaling nakalimutan ko sila.

I became so engrossed with the thought of competing with Ate Sofia even though she's not starting a fight at all! Ewan ko kung ano ang mali sa aking sarili pero hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa kaniya tuwing natataasan ko siya sa mga exams. I became so highly proud of myself and there was one moment where I became scared.

Unti-unti ay napansin ko ang pagiging matamlay ng anak ng prinsipal. Napapadalas din ang pagiging dikit nila ni Reje sa isa't-isa. Not that they weren't close before but they're much closer now. So much inseparable.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon. I continued to study hard and I became the top one still for the third quarter.

Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa aking labi. I only need one more quarter to survive so I can be announced as the valedictorian. This time, I'm pretty sure Ate Sofia can't tie her score or even exceed mine. Suntok sa buwan kung mapapalitan niya ako bilang top one.

To: Mama

"Hi, mama! Miss na po kita :) Kailan ka po babalik?"

I clicked the send button.

Nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan pero nagdaig pa rin sa'kin ang saya na nararamdaman. Me, being so sure of myself, started telling my family that I am our batch valedictorian even without the announcement of my teachers. Pinagyabang ko sa lahat na consistent akong nasa tuktok at mananatili pa ring nasa tuktok—but not until a stupid event called 'gala' came.

Akala ko no'ng una ay hindi nito maapektuhan ang aking grado dahil pera-pera lang naman ito. My teacher asked me if I wanted to join the event since she'll give a perfect score in the exam as an incentive if ever you'll win the competition. Having no choice, surely I automatically refused.

Unang-una sa dahilan kung bakit hindi ako sumali ay dahil sa kawalan ng pera. The contestants would wear a beautiful gown and this town's people will give money to whoever candidate they like. Pwede ring galing sa bulsa ng iyong pamilya mismo manggagaling ang pera. At ang siyang may pinakamarami ay ang magwawagi.

Ate Sofia joined. She's partnered with Reje.

Everyone's bet was on them. Tila sigurado na ang lahat na sila ang magwawagi. And the smile that I've been wanting to see in my teacher's faces ever since I became the top one, only came when the event happened, and when the ReFia couple won as expected.

Mistulang ngayon ko lang naramdaman ang kaba na unti-unting kinakain ang aking tiwala sa sarili na binuo ko nang matagal. Ate Sofia and Reje are exempted on the day of our exam. Bakante ang kanilang upuan at wala ni isang bakas ng kanilang presensya sa silid-aralan.

I almost killed myself last night because of the pressure that I felt while reviewing. Sa nakalipas na taon ay madalas ko namang ma-perfect ang exam ngunit hindi ko alam kung bakit ngayon ay nawawalan ako ng kumpiyansa.

Speaking without pretense, I feel like I was cheated on! I feel like the world was being unfair to me again!

Alam naman ng aking adviser na mahirap lang kami. Na wala kaming pera. Ngunit bakit hinayaan niya pang mangyari ang event na iyon? Bakit siya ngumiti no'ng nanalo sila Ate Sofia ngunit hindi ngayong top one ako?

There are many questions running in my head as I answer our exam papers. Hindi ko namalayan na habang nagsasagot ay tumutulo na pala ang aking luha at labis na rin akong nanginginig dahil sa pag-usbong ng matinding galit.

All throughout the duration of the exam, I was distracted. I was feeling broken. I was feeling ridiculously insane! And I became depressed instantly. Dahil sa sobrang dami kong iniisip no'ng nageexam ako ay nakalimutan ko rin ang sagot sa mga tanong na inaral ko.

My mind was absent. I was soulless.

I went to school the next morning, feeling empty, to check the result of our exam. Gano'n na lamang ang tindi ng panginginig ng aking sikmura nang mahawakan ang aking test result. My score was eighty-five over one-hundred twenty. I was thirty-five items behind Ate Sofia's and Reje's score. Instantly, I am, my family's disappointment.

Mapait akong tumingin sa madilim na karagatan. Sa paglubog ng araw ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nakaupo na naman sa ugat ng talisay. Only then, I am not with someone. I am grieving, alone, as everyone is celebrating for this month's much awaited graduation.

Punong-puno ng muhi kong tiningnan ang aming graduation invitation. Pinunit ko iyon at pinagpira-piraso. I am so angry! I am fuming mad!

My name is not typed as the valedictorian, nor the salutatorian, I was placed third.

The result is fucking biased! The result is unfair!

Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking pisngi. I swear, in another time, I would never let myself be in this kind of state again! Sa susunod na makakaharap ulit kita, sisiguraduhin kong hindi mo na magagamit ang estado mo sa buhay laban sa'kin! I'll work so hard for your fall that you won't be able to get up no matter how hard you try...mark my words, Sofia Marie...

;

XI

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro